Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Pagkaroon dahil Nagkaroon


Pagkaroon Dahil
Nagkaroon


Ang pag-asang bumubuhay sa'king kaluluwa
Ay ang siya ring dahilan ng aking pagpanaginip.

Namumutawi sa puso't hinulma ng isip,
Ipinadala sa akin bilang mga pantasiyang panlaban sa pagsuko;

Pinitas mula sa puno nang hindi pa hinog,
Nahulog mula sa aking mga kamay na masa-masa pa't napakalambot,

Sa bawat pag-idlip ay nahahawakan,
Sa bawat pagmulat ay nang-iiwan.

Sadiyang ang dalawa'y magkapatid sa konsepto, ngunit mag-estranghero sa paggamit,
Ang isa'y nananatili, at 'yong isa nama'y unti-unting nalilimot,

Pero parehong pinitas mula sa puno.
Parehong hilaw at nahulog mula sa aking mga kamay na sobra sa hinog.

Ang panaginip ay hinayaan na lamang magkaroon ng tamis,
Ngunit ang pag-asa'y inaruga, binalot, at hinanda nang maayos upang ito'y magkaroon ng lasang kaaya-aya.

Parehong nahahawakan sa pag-idlip
At nang-iiwan 'pag nakamulat,

Ngunit ang pag-asa'y nalimot dahil binalewala,
At ang panaginip ay nalimot dahil hinayaan itong mawala na lamang.

Ang panaginip ay hatid ng aking pag-asa,
At ang pag-asa'y naririto sa'kin dahil sa aking mga panaginip.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro