Ang Buwan
Ang Buwan — sa karagatan
Dalawang buwan ang aking nakikita
Ang isa ay komportableng sumisinag
At sa kaniyang baba'y may tumitingala
Sa ilaw ng una, siya'y hindi nagpapatinag
Sa ilaw ng nasa kaniyang paanan, siya'y bulag
Ang isa'y nagtitiis; ang isa'y animo'y duwag
Dalawang buwan ang aking nakikita
Mga buwang may kani-kanilang ilaw
Mga buwang nabubuhay sa pagsinag
Ng isa't-isa
Ngunit,
Ang Isa lang ang may alam sa sinag ng isa
Ang isa lamang ang saksi sa pagsinag ng isa
Ang isa lamang ang nakaalam... sa kanilang dalawa
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro