Ako'y Nalilito
Ako'y Nalilito
Ako'y nalilito
Sapagkat ibang kulay ang nakikita ko.
Pula ang sabi ng puso,
Ngunit ang isip nama'y asul ang reklamo.
Ako'y nalilito sapagkat kakaibang kulay ang nakikita ko;
Marangya, ngunit simple lamang kung tingnan;
Masaya, ngunit tila mapanglaw rin minsan;
Nakahihilo, ngunit nagpapakalma rin naman.
Ako'y nalilito sapagkat iba ang nakikita ko,
Hindi mawari, walang masabi,
Ibang kulay ang nakikita ko,
Nasaang panig nga ba ako?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro