Aking Iniisip
Aking Iniisip
Sa bawat pagpunta sa kahit saan,
Palaging naiisip kung ano ang aking nais isipin.
Tila ba parang nawawalan ako ng gana kung iba ang laman ng aking isip.
Tila ba parang ako'y hindi nagiging masaya
Kapang hindi ikaw ang aking iniisip.
Ngumingiti-ngiti sa bawat pagsandok
'Pag naalala iyong napanaginipan ko kagabi.
Ikaw raw 'yong reyna't ako naman ang hari,
Kunwari, tayong dalawa ang namumuno sa'ting sariling mga pakiwari.
Magkukunwari
Na lamang na ako ang nais mo ring makasama hanggang huli.
Natampal ko lang noon ang mukhang parang baliw na asong uhaw sa pag-ibig,
At tinampal muli ang mukha dahil nahuli na naman sa klase.
Umuulan pa yata no'n ng mga puso
Habang ang iba'y may kaniya-kaniyang payong na dala.
Ako namang tanga, nais iyong angkinin lahat.
Pagdating ng hapo'y nagkaroon ng pagkakataon,
Bumalik ang panaginip at muli na namang naulol,
Tumabi sa payong mong may maliit na espasyo,
Tamang-tama't magdidikit pa nga tayo.
Naglakad pauwi nang basa sa mga puso,
Sa kagustuhan kong saluhin lahat iyon, nakalimutan ko yatang
Kahit nasa ilalim ako ng payong,
Katabi ko naman iyong babaeng kayang higitan ang lahat ng iyon.
Katabi ko ang naisip kong gusto kong isipin.
Nasa tabi ko ang aking palaging iniisip at nais pang isipin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro