Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30

CHAPTER 30
"Dharyll"

The Boss' Mansion
Same time and date

• Dharyll •

"Palabasin nyo ako dito! Hoy! I order you to let me out! Let me out!"

Kinalabog ko pa ang pinto ngunit walang sumasagot. Pinipihit ko din ang doorknob but nakalock ito sa labas.

After what I had done for that fucking boss, ito lang ang igaganti nya sakin? I even helped him para makapunta sa hospital! I'm so wrong for trusting him. He even killed Alex.

Wala yun sa usapan namin.

I frustratedly sat down at my bed. Kinakabahan ako dahil di ko matawagan or macontact si Sakura. I don't have any device para matawagan sya.

Ugh. Kabayaran yata to sa pagpayag kong makipagcooperate sa "tatay" ko.

* Flashback *

"Hey, Dad. Ano nga palang sasabihin mo? I'm kinda busy catching up with my homeworks." bungad ko sa kanya.

"Sige, di na ako magpapaligoy ligoy pa. I need you to work with me."

"Saan? Sa mga ilegal mong gawain?" seryoso kong sabi. Ayan nanaman sya.

"Yes. Please agree, son. All I have is those stupid idiots that can't find someone in the fucking video."

"Okay, sure."

He blinked. Di siguro sya makapaniwalang pumayag ako, "Are you sure? The last time, nagaway pa tayo dahil ayaw mong sumali at pumatay ng mga tao kasama ko."

"I'm sure. Bukod sa mga homeworks, I have nothing better to do."

Never akong papayag sa mga illegal things na ginagawa ng tatay ko. Di naman kasi talaga sya ang tatay ko but di nya alam na alam ko.

Pumapayag lang ako sa gusto nya ngayon habang wala pa akong naisip na paraan para matigil sya. If he tell me to kill someone, gagawa ako ng paraan para magmukhang totoo yung pagpatay pero di ko talaga gagawin yun.

Nakita ko syang ngumisi, "Good, son." napapaniwala ko sya.

"So? Anong gagawin ko?"

"I need you to go to a certain country to hunt a girl. Befriend her. At gawin mo ang lahat para di nya mahanap ang HQ natin, understood? And kill her if you must."

Sabi na eh.

"Sure. I can go whenever you want."

"Great. Then let's plan everything first before I send you abroad." sabi nya at sinimulan nyang sabihin sakin ang plano nya.

This is too cruel.


Oh, good God. Help me survive the cruelness of my fake father.

——

"Jax, I need your help." sabi ko pagpasok ko sa kwarto nya.

"What, kuya?" sabi nya. He's Jaxton, my brother. Well, adoted lang sya since he was young. But I never told anyone about this. Di nila alam na may kapatid ako.

Sinabi ko sa kanya ang plano ko.

Kailangan kng mapalayo sina Sakura dito. I don't want them to get hurt. Or worse, get killed. I'm protecting her by giving her Jax. Magaling na hacker to. I taught him but he's way talented than me.

"Sigurado ka ba kuya? Paano pag nalaman nya? Or ni Dad?" tanong nya.

"Don't worry, ako ang bahala. Just do your thing. Sasabihin ko nalang kay Dad na nagpatulong ako sayo sa paghahanap, okay?"

He nodded.

Sana maging maayos tong plano ko.

———

A few days before the incident of Alexandra

Pumunta ako kanina sa mansion nila Iann. Nalaman kong nawala si Sakura. Nakaramdam ako ng kaba. Napansin yun ni Alex but di ko na pinahalata pa sa kanya kung gaano talaga ako kaalala kay Sakura.

Lalo pa akong kinabahan nang tinawagan ako ng tatay ko at pinapunta sa office nya.










I knocked outside his room.

"Come in," I heard him. Pumasok ako at nakita kong abala sya sa panonood ng clip ni Sakura. Nakaoker face lang ako. Di ko pinapahalatang kilala ko si Sakura.

"I have good news and bad news, son." saad nya at tumingin sakin ng nakangiti.

"What is it?"

"The good news is, alam ko na kung sino sya." he smiled. "And the bad news is, kilalang kilala mo pala sya."

Shit.

"W-What do you mean, Dad?"

Padabog syang tumayo at hinampas ang table nya. Kita kong pulang pula sya sa galit.

"Wag ka ng mag maangmaangan pa! I know everything now. Alam kong kilala mo ang hinahanap ko!"

I suddenly froze. I didn't know what to do. Mapapahamak si Sakura.

"Di ka magsasalita?! I'll kill her! Alam ko kung saan sya hahanapin. I have connections. Until when will you keep it from me, huh? You're useless!" sigaw nya at sinuntok ako ng malakas. Napahiga ako sa sahig at nalalasahan ko ang dugo sa bibig ko. Tumayo ako at hinarap sya.

"I don't know her." sabi ko.

He's really angry. "MAGSASABI KA BA NG TOTOO O PAPATAYIN KO SYA SA HARAP MO?!" muli nyang sigaw.

I have no choice, "Yes, I know her. She's my bestfriend, for pete's sake! How do you expect me to tell you that the one who's targeting you is my bestfriend?!" sigaw ko sa kanya.

Sinuntok nya muli ako, "Susunod ka sa mga iuutos ko kapalit ng buhay ng kaibigan mo."

———

He told me to stop contacting Jax. Pati na rin sina Jarred or Iann. Ilang linggo na akong nakastay dito.

I'm stuck here. With nothing to do to help.

Gusto ko man gumawa ng paraan, di pwede. Laging may nakabantay na bodyguards sakin, everywhere I go. Ung bodyguards is also a member of Men In Black. Isa na dito ang right hand ng tatay ko. His name is Tequila. He won't hesitate to call my Dad everytime na parang di tama ang gagawin ko. I need to call Sakura and warn her not to go here sa Philippines.

But I have to stay here, guarded with bodyguards para lang maprotektahan ang mga kaibigan ko.

———

Nang makita kong nakaalis na ung mga bodyguards, agad kong kinuha ang isa ko pang phone. Ung fake na phone ang nakuha ni Dad and I'm just finding a perfect chance para matext si Sakura. Pero tangina, nalaman ko kahapon na nasa hospital si Demon. Narinig kong may pinaguusapan sina Dad and I overheard. And base sa description ng tauhan ni Dad, si Demon at Shin yun. Nakita pa daw nyang pumunta sa hospital sina Demon. Shit talaga.

RylltheBeastFriend:
Hey, Miku! How are ya? Di ka na nagpaparamdam sakin:(( tampo na ako:((( miss u naaaaaaa!:(((

Sige lang, Ryll. Kunyari walang nangyayari.

Sakura:
Sorry! Too busy for you. 🤷🏻‍♀️👅

RylltheBeastFriend:
Bad:(( i hatechu na:((

Buti di nya pa napapansin.

Sakura:
Ulol. Umayos ka nga para kang bata!

RylltheBeastFriend:
Tangina neto. Asan ka ba?

Sakura:
Tangina mo rin gago. Nasa Vietnam, bakit?

RylltheBeastFriend:
Wag ka pupunta dito, ah. Kahit anong mangyari, wag.

Sinabi ko na. Wag ka sanang magugulat.

Sakura:
Ha? Anong sinasabi mo dyan? Nasan ka ba?

Magrereply na sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Shit. Alam ko nilock ko yan ah?

"What the fuck are you doing?!" sigaw ni Dad kaya agad kong tinago ang phone ko pero alam kong nakita na nya na nagtetext ako. Napatayo agad ako.

"W-Wala."

Agad syang lumapit sakin at pilit na kinuha ang phone ko. Nakuha naman nya agad ito at binasa ang messages ko. He's fuming mad. Binato nya ang phone ko na naging dahilan para mabasag to.

"SUSUNOD KA SA UTOS KO KUNG HINDI, PAPATAYIN KO YANG KAIBIGAN MO SA HARAP MO!!"

———

Rinig kong nandito sina Jarred at kausap si Dad. He said na di dapat ako lalabas dito hanggat di nya sinasabi. I heard a gunshot and I clenched my fist when I saw na binaril ni Tequila si Alex. Fuck them!

Biglang narinig ko ang boses ni Sakura kaya nanlaki ang mata ko at napailing ng madaming beses. No, di pwede to! Tangina!

Pinakilala ni Dad si Jax and sumunod naman ako. I kept a straight and serious face kahit na gusto kong patayin ang tatay ko at patakasin sina Sakura. I removed my mask and sabay sabay nilang binanggit ang pangalan ko. Di sila makapaniwala. Kating kati na akong kunin ang dagger at gun ko but hawak ng tatay ko ang buhay ng mga kaibigan ko.

"I'm Scotch. Real name, Dharyll Yu." malamig na saad ko

"Dharyll, how could you?" mahinang sabi ni Sakura. Nagbabadya ng tumulo ang mga luha nya. Nakayukom ang mga kamay nila Jarred at Iann habang nakatingin sakin. Umiiyak naman si Alexandra.

"Don't get me wrong. Di nyo naman kilala kung sino talaga ako. If I have parents or siblings, or not." sabi ko. Tangina, I can't do this!

"Pero hindi mo sinabi na tatay mo ang Boss ng pesteng organization na yan!" sigaw ni Cloud.

Ngumisi ang tatay ko, "By the looks of it, kilala nyo na ang isa't isa."

"Tell me this isn't true, Ryll." naiiyak na sabi ni Sakura. "Hindi totoo to diba? Niloloko mo lang kami, diba?" tumulo ang luha sa mata ni Sakura. "Putangina, Dharyll! Magsalita ka!" malakas nyang sigaw.

"I don't need to answer your questions." malamig ko pang saad.

Sorry talaga, Sakura. I'll explain everything.

"Kill them, son." sabi ng tatay ko sakin at ngumisi. Kinuha ko agad ang baril na nasa bulsa ko at tinutok kina Sakura. Rinig ko ang mahinang pagmura nina Keith at Rui. Pati si Jaxton ay tinutok ang baril nya kina Sakura.

Sakura pleaded not to kill our friends. But nagulat ako nang binaril ni Dad si Alex sa ulo. Napahigpit ang hawak ko sa baril at umiwas ng tingin. I can't believe Dad didn't kept his words.

Galit na galit si Sakura na sumugod kay Dad. Gusto ko sanang ngumiti nung binaril ni Jax si Dad but di pwede. Inalalayan ko si Dad pero napabitaw ako nang suntukin ako ni Sakura at tapaktapakan. Ramdam ko ang pagsuka ko ng dugo.

"You'll pay, Dharyll." malamig nyang saad. Tinapon nya ako sa malayo. Di ako makaganti dahil kaibigan ko si Sakura. Minahal ko din sya.

Nagpasabog ng smoke si Dad at kinuha ko sya papalayo sa lugar na yun.

Sorry, Sakura. This is all my fucking fault.

* END OF FLASHBACK*

And pumunta kami sa hospital nun. But Dad told his men na ikulong ako sa kwarto ko. I need to escape from this but saradong sarado ang lahat dito sa kwarto. I haven't eaten for days. Puro tubig lang ang iniinom ko.

Sinuntok ko ng malakas ang pader sa sobrang inis ko. Kita kong may dugo pero di ko pinansin yun at patuloy na sinuntok ang pader.



I'll get revenge. Papatayin kita Dad. Gaya ng pagpatay mo sa mga magulang ko.


——-

A/n: GUYS FAVOR NAMAN PO PLEASE HEHE. SUMALI PO KASI AKO SA ISANG WATTPAD AWARDS CAN U VOTE FOR ME PLEASE? Sa allforoneph po. Ung Wattpad Story Awards 2018. Sa Chapter na PEOPLE's CHOICE AWARDS SA ACTION NA GENRE. JUST COMMENT 2 THEN RUTHLESS QUEEN (3 times na comments po please.) AND SA CHAPTER NA BEST COVER AWARDS SINCE NOMINATED YUNG STORY KO HEHE. COMMENT #9 PO SA INLINE COMMENTS (2 times po pleaaaaaase) YUN LANG PO THANKYOUUUU I LOVE U

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro