Chapter 29
CHAPTER 29
"The Lonely Gangster Queen"
Philippines
August 11, 2021
07:00 AM
* Cloud *
Isang linggo na simula nung makalaban namin ung organization. Isang linggo na din simula nung namatay si Alexandra.
Isang linggo na ding umiiyak si Sakura sa kwarto nya.
Nasa mansion nya kami ngayon. Dito kami tumutuloy. And araw araw naming naririnig ang pag iyak ni Sakura sa kwarto nya. Lumalabas sya sa kwarto nya kapag mag c-cr sya. Lagi kong nakikitang mugto at pula ang mata nya. Pati na ang ilong nya.
Napabuntong hininga nalang kami lima
Si Iann? Nagmukmok din. Syempre, mawalan ka ba naman ng girlfriend. Di rin sya namin nakikita lagi. Nung isang beses na pumunta kami sa mansion nila ay pinalayas nya kami. Kita kong namumugto din ung mata nya nung bumisita kami. Walang expresyon ang mukha nya nang hinarap nya kami.
"Ano ng gagawin natin?" tanong ni Red. Kahit si Red ay di mapalabas si Sakura. Sinisisi din kasi sya nito. Dapat daw nilayo muna nya si Alexandra bago ito sumugod para di sya mapahamak.
"Di ko din alam, eh. I'm thinking of ways, Kuya. But sa tingin ko walang gagana." sabi ni Jax.
"Tulad ng?" tanong ni Keith.
"Sabihin nating buhay si Ate Xandra tapos—ARAY!" binatukan ko sya.
"Tanga ka ba? Edi lalong nagalit yun." sabi ni Rui. Naging seryoso na ngayon si Rui. He's not childish anymore. Siguro epekto na rin sa nangyayari kay Sakura.
And Jaxton? Nagpaliwanag sya samin. Di sya totoong anak ng Boss. He adopted him. Kwento ko nalang sa inyo 🙄
* Flashback * (Bago tuluyang kainin si Sakura ng kalungkutan nya)
"Explain, Jaxton." mahinang sabi ni Sakura. "Explain, fuck! Xandra died!" she shouted.
Yumuko si Jaxton, "Yes, anak ako ng Boss. But that's because he adopted me. Anak ako ng dati nilang katulong. He was nice and told me I'll be his son after my mom died. Edi tuwang tuwa ako. Dun ko mas naging close si Kuya Ryll. He protected me from that fucking Boss everytime that he tried to punish me. Alam nyang hinahanap nyo ang Boss kaya sinabi nya na magpakita ako sa inyo. Sabi nya na tulungan ko daw kayo sa mission nyo, but at the same time, ilayo kayo sa Philippines dahil andun nga ang HQ nila. He doesn't want you to get hurt, Ate. But totoo lahat ng infos na nabigay ko sa inyo. And I'm sorry I lied." mahabang saad ni Jaxton. Lumapit si Rui sa kanya at inakbayan.
"Then why the fuck did Dharyll did that earlier?" nagagalit na sabi ni Sakura. "He acted like he really betrayed us!"
"Di ko alam, Ate. Di ko na sya macontact these past few days."
"Diba 'tatay' mo ang Boss? Di ba natin sya pwedeng itrack? Alam mo naman siguro pangalan nya. Di sya mahanap ng gps ko eh." sabi ko.
Ngumiti sya ng pilit, "Sorry, Ate, Kuyas. Lumaki ako sa kanya, but I never knew his name. Not once did I heared his name. Di rin masabi ni Kuya dahil baka sya ang mapatay ni 'Dad'" talang nilagyan nya ng air quotation ung word na 'Dad'.
"Is that even possible?" tanong ni Keith. Napatingin ako kay Sakura. Nakayuko nalang sya at gumagalaw ang balikat nya. Naiyak sya.
"Unfortunately, yes. I spent 12 years in that fucking mansion na punong puno ng mga lalaking may mga armas. But di ko narinig ang pangalan nya kahit isang beses."
Napatingin ako kay Sakura na bigla nalang tumayo at naglakad paalis.
"Saan ka pupunta, Neesan?!" sigaw ni Rui.
"Don't follow me,"
* End Of Flashback *
And ayun na nga ang simula ng pagkulong ni Sakura.
"We'll let her be." sabi ni Red at tumayo. "Kumilos nalang tayo at magpatuloy sa paghahanap sa kanila." he's refering to the Men in Black. "Para kapag okay na si Sakura, tapos na tayo sa paghahanap at mapatay na natin sila."
* Sakura *
"Wala na si Alex, Sakura. Patay na sya."
"Wala na si Alex, Sakura. Patay na sya."
"Wala na si Alex, Sakura. Patay na sya."
"Wala na si Alex, Sakura. Patay na sya."
"Wala na si Alex, Sakura. Patay na sya."
"Wala na si Alex, Sakura. Patay na sya."
Paulit ulit na nagpplay sa utak ko ang mga sinabi sakin ni Iann. Hanggang ngayon ay di pa rin ako masyadong nagpapakita sa iba. Di ko pa kaya. Burol na ni Xandra bukas and I don't know what to fucking do.
She died because of me.
Kung sana di nalang ako nagpadala sa galit kay Ryll, buhay pa sya. Dapat di ako naging mahina nung oras na yun.
Di man lang ako nakapagpaalam sa kanya.
Ang sama sama ko, noh? *fake laugh* Di ko man lang sya naprotektahan. And I didn't even said goodbye to her in a proper way. Dapat pala inuna ko nalang ang Pilipinas para kahit papaano kay nakasama ko si Xandra.
Ang tanga tanga ko.
Inuntog ko ung ulo ko sa mesa ko dito sa kwarto. Inuntog ko iyon ng ilang beses habang umiiyak. Di dahil sa sakit ng pagkauntog, kundi dahil sa sakit ng pagkawala ni Xandra. Di ako tumigil kahit na may makita akong dugo sa mesa ko. I didn't stop even if I feel any pain.
Mas masakit kasi na nawala na ang bestfriend ko.
Tumigil ako at tumingin sa salamin na nasa harap ko. Puno ng dugo ang buong mukha ko na galing sa noo ko. Mugtong mugto ang mga mata ko at maputla ang labi ko. Gulo gulo din ang buhok ko.
She would hate me if she sees me.
Pinunasan ko ang luha at dugo sa mukha ko at humiga sa kama para matulog.
———
"Where the heck am I?" tanong ko sa sarili ko. Puro puti ang nasa paligid ko. Walang taong nasa paligid. Ako lang.
I looked at what I'm wearing and I cursed.
What the heck am I wearing?
I'm fucking wearing a white dress. Hindi naman ito ang suot ko kanina, diba?
Eh, asan nga ba ako kanina?
"Sakura,"
I froze nang makarinig ako ng isang boses. Hinanap ko agad ito pero walang tao sa paligid ko. "Sino yan?!" I shouted.
Walang sumagot. Ilang segundo pa ay nakarinig ako ng mahinhing tawa. "Di mo na ako kilala, bestfriend?"
I froze again. Bigla nalang akong napaluha. My tears were rushing down. Inikot ko ulit ang paningin ko para hanapin si Xandra. "Xandra! Ikaw ba yan?! Where are you?!" sigaw ko. Alam kong kay Xandra ang boses na narinig ko. Di ako pwedeng magkamali.
"I'm here, bestfriend." sabi nya.
Di ko pa rin sya makita. "Nasaan ka?! Magpakita ka, please!" umiiyak kong sabi habang iniikot pa rin ang paningin ko.
"Masaya na ako dito, bestfriend. I'm not unhappy because I died."
"A-Ano bang sinasabi mo! D-Di ka pa p-patay diba? Diba, Xandra?"
"Don't ever blame yourself, Sakura. Or even sila Jarred and Jax. It was never your fault, okay?" ramdam ko na nakangiti sya. Tumakbo ako ng tumakbo kahit di ko alam kung nasaan sya. I searched for her with tears running down my cheeks. But I failed to find her.
"Xandra, please! Magpakita ka! I have to see you." sigaw ko.
Bigla nalang may figure ng tao ang sumulpot sa harap ko. A few seconds passed and naaninag ko na ang tao. It's her.
I hugged her tightly habang umiiyak. I heard her giggled and hugged me back.
"Nagpakita na ako, ah? Don't blame yourself, for my sake." sabi nya at humiwalay sa yakap. I faced her.
"Don't leave me." parang bata kong sabi.
Hinaplos nya ang mukha ko gamit ang kamay nya. "I'll always be by your side, Sakura. Not physically, maybe." pinunasan nya ang mga luha ko, "Give justice to my death, bestfriend. Goodbye."
————
"Xandra!"
Napabangon ako bigla. Lumingon ako sa paligid. I found myself inside my room.
Napahilamos ako ng mukha nang mapagtanto kong panaginip lang pala yung nangyari samin ni Xandra. May naramdaman din akong luha sa pisngi ko. Agad kong pinunasan ito at tumayo.
I looked at my wall clock. It's 6:00 in the morning.
Naligo ako at nagbihis ng pang gangster na outfit. Pumunta ako sa dulo ng walk-in closet ko. Nilagay ko ang kamay ko sa wall and nagappear yung isa kong room na puro weapons. I placed daggers at my thigh and feet. And placed poison darts around my waist. Naglagay din ako ng dalawang gun sa waist ko along with my darts. Kinuha ko din ang katana ko. I clicked a certain part and lumiit iyon. Nilagay ko ito sa bulsa ko.
Lumabas ako ng closet ko and faced my mirror. Tinali ko ang buhok ko ng high ponytail and grabbed my mask. I looked at myself one more time.
Humanda na kayo. I'll fucking kill all of you.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro