Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27


CHAPTER 27
"Shoot"

*****

Vietnam
August 04, 2021
08:33 AM

* Sakura *

"She what?"

Napatingin sakin sina Cloud nang lumakas ung boses ko habang kausap si Shin sa phone.

[I-I-I don't know what happened. She suddenly lost her memories! S-Side effect yata ng pagpalo sa ulo nya. The doctor are still running some tests. I-I'm still waiting.] nauutal at mahina nyang sabi.

I clenched my fist. Ugh, why did this happened to Demon?

"Calm down, Shin. Maybe that's temporary. Just explain to her who you are and who she is. Wag mo munang imention ung about sa mga gangster or mission. Okay? I can't go there since busy kaming maghanap ng infos. I'm really sorry, Kuya. I wish I can be there for her. Lalong lalo na sayo."

I heard him sighed, [It's fine, Hime. Andito naman sina Mom and Dad. You can visit Demon anytime you want. Anytime na free ka.]

"Really? Andyan sina Mom?"

[Yes. And——Fujioka-ssi.——Ne, Uisa? Teka lang, Hime, ah. I'll call you later.] then he ended the call. Nagtext nalang ako sa kanya na dadalaw ako pag free ako.

"Hoy, ano na? May natapos na ba kayo sa pinapagawa ko?" I asked them na tulungan ako sa pag gawa ng mga kailangan namin sa mga laban.

"Yes, almost I'm almost done, Neesan."

Tumango nalang ako bilang sagot at nagpatuloy sa ginagawa ko. My phone suddenly rang and sinagot ko yung tawag.

"Hello?"

[Hello, Love?] napakunot ang noo ko nang bumubulong si Red sa phone.

"What happened to you? Bakit ka bumubulong dyan?"

[You need to go here, right now!]

"Ha? Bakit? Anong meron?"

[Shit, Red. Bilisan mo dyan, mahuhuli tayo.] I heard Iann's voice whispering. [Oo, sandali!-Love! Pumunta ka na dito, ngayon na please.]

"Bakit nga? Punyeta naman, oh!" sigaw ko.

[Andito sila. Andito ung mga Men in Black! Dito ung headquarters nila! Nakita na namin yung boss nila.]

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. "Shit." napatayo agad ako habang hawak yung phone ko. "Cloud! Tawagan mo ung driver ng chopper ko. I know na nandito lang sya sa Vietnam. Call him and tell him to fucking go here! We need to fucking go to the Philippines!"

Nataranta naman sya bigla.

"Ate, bakit?"

"The organization. Nasa Pilipinas sila. Nakita nila Jarred ung Boss nila."

Jaxton silently cussed at nagsimula na syang magayos ng gamit nya. Kumilos na din sina Keith at Rui. Nagmamadali din akong nagayos habang hawak ko ang phone ko.

[Sakura, bilis! Baka mahuli kami dito——*crack!* *bang* *bang* *bang*——SHIT!]

Napatigil ako. "Jarred?! Red?! Red! Hello?! Hello!" napamura ako nang makita kong nag end ung tawag.

Shit sana okay sila.

———

Philippines
Few minutes before Jarred calling Sakura

* Jarred *

"Asan na ba tayo? Kanina pa tayo paikot ikot dito, eh." sabi ni Iann.

"Oo nga! Sigurado ka bang alam mo kung nasan ung dati nyong bahay?" tanong ni Alex.

Kanina pa paikot ikot ung kotse namin dito. I can't remember the exact address.

"Shit, Red!" biglang sigaw ni Alex kaya napreno ko bigla ung kotse.

"Ano ba, Alex?" inis kong saad sa kanya.

"Diba yun ung hinahanap ni Sakura?" tanong nya at tinuro ung nasa labas. Tumingin kami ni Iann sa labas. Nanlaki ang mata ko nang makita kong ang daming lalaking nakaarmas sa labas. Di kalayuan samin.

Men In Black.

Napayuko ako bigla. "Shit. Ipapark ko lang to." sabi ko. Nagpark ako sa may tapat ng building.

"Lalabas lang kami, Alex. Wag na wag kang lalabas, ha?" sabi ni Iann.

"O-Oo. Mag iingat kayo."

Nagkatinginan kami ni Iann at tumango sa isa't isa. Bumaba kami sa kotse at nagtungo malapit sa building kung nasan sila.

"Kailangan mong tawagan si Sakura." bulong nya. Ang daming nakapaligid na men in black. One wrong move and we'll die.

"Isuot mo ung mask and voice changer mo." I said. Tumango sya at nilagay sa face nya. Nilagay ko rin ung sakin but we turned off our voice changers first.

I dialed Sakura's phone and she answered quickly, [Hello?]

"Hello, Love?"

[What happened to you? Bakit ka bumubulong dyan?]

"You need to go here, right now!"

[Ha? Bakit? Anong meron?]

"Shit, Red. Bilisan mo dyan, mahuhuli tayo." bulong ni Iann.

"Oo, sandali!-Love! Pumunta ka na dito, ngayon na please."

[Bakit nga? Punyeta naman, oh!] she shouted.

"Andito sila. Andito ung mga Men in Black! Dito ung headquarters nila! Nakita na namin yung boss nila."

Narinig kong sinisigawan nya sina Cloud na aalis na sila. Tiningnan ko kung napansin na ba kami. Fortunately, di pa.

"Sakura, bilis! Baka mahuli kami dito——" napatigil ako nang matapakan ni Iann ung branch na malapit samin. May bigla rin nagpaputok ng baril samin. "SHIT!"

Agad kong binaba ung tawag. Hinila ko si Iann papalayo. Rinig kong nagbabaril parin sila patungo samin. I turned left sa isa pang abandoned na building at nagtago kami sa loob.

———

9:00 AM

* Third Person *

"Can't you go a little bit faster?!" naiiritang sigaw ni Sakura sa driver ng chopper nila.

"Suri pu, Mam. Itu na pu, bibilisan ku na pu." sabi ng driver.

Sakura rolled her eyes, "Pag dumating tayo dun at walang naabutan, patay ka sakin." malamig nyang saad.

Sinaway sya ni Cloud, "Be patient. I know they'll be alright, Sakura. Trust them."

Sakura sighed at napatingin nalang sa labas ng chopper nila.

10:00 AM

"Hoy, kanina pa tayo dito. Andyan pa ba sila?" bulong ni Iann kay Jarred. Nagtatago sila sa isang building.

"Oo nandyan pa."

"Bat ba tayo nagtatago? Kayang kaya natin sila, ah."

"Masyado silang marami, Iann."

"Sus, that's not a problem. Kailangan na nating lumaban at umalis dito. Baka mapansin nila si Xandra." nag aalalang sabi ni Iann.

Tumango si Jarred at inayos ang voice changer nya, "Okay, let's go. Madami kang weapons?"

Inayos din ni Iann ang voice changer nya, "Di naman. Pero sakto lang."

"Let's go."

Nagmamadali silang lumabas ng building habang may hawak na baril. Sumugod sila sa mga Men In Black na nasa labas lang building na pinasukan nila kanina. Bago pa man barilin ng isa si Jarred ay pinaikot na nya agad ang kamay nito sa likod na naging dahilan para mabitawan ang baril nya. Sinipa ni Jarred ang likod nglalaki na naging dahilan para matumba sya. Jarred grabbed the chance to get his gun. Nang makuha nya ay pinaulanan nya ng bala ang mga lalaki. Nakaiwas ang iba samantalang napatay ang iba.

Agad kinuha ni Iann ang knife na hawak nya at mabilis na sumugod sa mga lalaking susugod na dapat sa kanya. He violently slit their throats and stabbed their chests. Napuno ng dugo ang damit nilang dalawa ni Jarred. Abala sila sa pakikipaglaban. Di man lang nila napansin na may mali.

——

Napatalon sa gulat si Alexandra nang biglang may mga nagpaputok ng baril. Kinakabahan nyang tiningnan ang unahan ng kotse na sinasakyan nya. Nakita nya sa di kalayuan sina Iann at Jarred na marahas na nakikipaglaban. Agad syang nagtago dahil baka may makakita sa kanya.

Napatalon ulit sya sa gulat nang may kumalabog sa bintana ng kotse nila. Dahan dahan syang napatingin at nagulat nang may makita syang myembro ng Men In Black. Ang kanang kamay ng Boss na si Tequila.

Yumuko ulit sya at nagbabakasakaling di sya napansin dahil tinted ang kotse. Pero nagulat sya nang biglang nasira ang pinto at kaharap na nya si Tequila.

"S-Sino ka?!" sigaw ni Alexandra.

"Who are you, young lady? Perhaps, are you an acquiantance of those two young men?" nakangising tanong ni Tequila at tinuro sina Iann at Jarred.

Nanginig sa takot si Alexandra at di na nakasagot. Marahas na hinila ni Tequila si Alexandra palabas sa kotse.

"Sino ka sabi?! Wag!"

———

Napaslang lahat nina Iann at Jarred ang mga kalaban at nagpatuloy sila sa loob ng building.

"Sa tingin mo, bakit sila nandito?" tanong ni Iann.

"Maybe may deals sila dito. And madami ung mga bantay kasi siguro importante ang deal nila na gaganapin ngayon." sabi ni Jarred. Nakarinig sila ng mga yapak kaya agad silang nagtago sa likod ng isang malaking container.

"Sino ka sabi?! B-Bitawan mo ko!"

Napatingin sa isa't isa si Jarred at Iann at sabay na tumingin sa dumarating. Nanlaki ang mata nila nang makita si Alexandra na hawak ng isang lalaki.

"Bitawan mo sabi ako!"

Tumigil si Tequila at tinutok kay Alexandra ang hawak nyang kutsilyo. "Mananahimik ka ba o hindi? Papatayin kita." malamig nyang saad.

Natahimik si Alexandra at tuluyan syang hinila ni Tequila papalayo.

Susugod na dapat si Iann nang hawakan sya ni Jarred. "Sundan natin sila ng tahimik. Baka kung anong gawin nila kay Alex."

Dahan dahan silang sumunod at pumasok sa isang malaking kwarto kasabay sina Alexandra.

Tinutok ni Iann ang baril nya kay Tequila at kinasa. Napatigil si Tequila at humarap. Nakangisi nyang tiningnan si Iann at Jarred.

"Ibalik mo sya samin." malamig na utos ni Jarred.

"Too bad, I can't." ngumisi sya.

Napatingin sila Iann nang makarinig sila ng kasa ng baril sa likod nila. At nakita nilang may mga lalaking myembro ng organization na nasa likuran nila.

"Kung ayaw nyong mamatay itong kasama nyo at kayo, ibaba nyo yang mga baril nyo."

Binaba nila ang baril nila. Hinawakan nila sina Iann at Jarred at pilit na pinasunkd kay Tequila. Nakarating sila sa dulo ng room. Pinaluhod sina Jarred samantalang hawak hawak pa rin si Alexandra.

"Anong ginagawa nyo dito? You're the ones that are targeting us, right?" tanong ni Tequila.

Ramdam nila Iann na may nakatutok na baril sa kanila. "We're not. Napadaan lang kami and nagulat kami nang bigla nyo kaming barilin." malumanay na sabi ni Iann, "And we fought back, as gangsters."

Ngumisi si Tequila, "I know iba ang pinuntahan nyo dito. What is it? Tell me before I kill this girl infront of you." sabi nya at tinapat ang hawak nyang kutsilyo sa leeg ni Alexandra. (Ung parang hostage sa mga nanghoholdap na laging may sinasabi na papatayin ung hawak nyang tao pag di sya pinaalis.)

Alexandra held back a scream when she felt the sharp knife on her throat. Walang magawa sa Iann kundi iyukom ang mga kamay nya. Ganun din si Jarred.

"Now, now, Tequila. You shouldn't scare our guests like that." napatingin sila sa isang parte ng room. May isa pang pintuan at niluwa nun ang matagal ng hinahanap ni Sakura at ng mga kasama nya.

Ang Boss.

Handa ng sumugod si Jarred pero hawak pa rin si Alexandra kaya di nya mgawa ito.

"Who are you?" nag mamaangmangang tanong ni Iann.

Ngumisi lang ang Boss at tumabi kay Tequila. "Am the mothofuckin' Boss here, mate." sabi nya na may accent ni Merida (ung sa movie na Brave). "Nah, just kidding. Di ko accent yun. But yes, I'm the fucking boss." natawa sya sa sarili nyang mga jokes.

Masamang nakatingin sina Iann at Jarred sa Boss. Agad naman itong napansin.

"Don't look at me like that. Or else..." mabilis nyang kinuha ang baril nya sa pocket nya at binaril si Alexandra sa braso. Napadaing si Alexandra at halos umiyak na sa sakit. Hawak pa rin sya ni Tequila at di man lang nya mahawakan ang braso nyang may mga dugo.

"GET THE FUCK AWAY FROM HER!" napalingon sila sa sumigaw.

Si Sakura.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro