Chapter 8: Group Training
Chapter 8: Group Training
Hinintay naming makalayo ang mag-ama bago kami lumabas sa pinagtataguan namin ni Luna.
"Sinasabi ko na nga ba't mangyayari 'to," bulong ni Luna. Bumaling siya sa akin. "Okay ka lang?"
Mabilis akong tumango para itago kung paano ako natigilan. Bakit hindi ko agad napansin? Headmaster Grey and Gin Grey. Of course, they are related!
"Nangyayari talaga 'yon. Headmaster Grey puts Gin under a lot of pressure recently," sabi ni Luna sabay buntonghininga. "He is, after all, the Headmaster's son."
"Kaya ba siya ang Team Captain?" wala sa sarili na tanong ko.
Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong na-guilty. Hindi ako matagalan ni Gin dahil ako ang sumisira sa authority niya. Pero sa tingin ko, may karapatan siyang magdisiplina.
"No," sagot ni Luna. "Nasa board ang pagpili via majority decision base sa records at mastery ng isang estudyante sa ability niya. We were chosen because we are either on top of our class or have the highest ranks during trainings and other essential activities."
Matamang ngumiti si Luna. "Look at me. Hindi ko pangarap sumali sa Cup pero ako ang top sa klase ng healing at medicine kaya wala akong nagawa noong piliin nila ako."
Nakapasok na kami sa breakfast hall noong oras na 'yon, ngunit pareho kaming nawalan ng gana.
"Gin, on the other hand, was the top-ranking student when it comes to training. He was the most valid candidate kahit pa wala pa kami sa tamang edad noon para sumali. Inaabangan na siyang tumapak sa senior year at makasali sa Cup kahit freshmen pa lang kami. Can you imagine?"
Umupo kami sa isang circular table. "We have our own table," sabi ni Luna nang mapansin na muli akong nakatingin sa mahahabang table. "Being in the group has its perks."
Ang table ay malapit sa harapan kung saan umuupo ang mga guro at opisyal ng paaralan. Pagkaupo namin, bumukas ang isang pinto at lumabas ang babaeng tagapagsilbi.
"Magandang araw, Miss Luna," magalang na bati niya.
"Hello. Pasensya na, pumuslit na naman ako. Siya pala si Shia, new member ng grupo."
Nanlaki ang mga mata ng tagapagsilbi at agad na yumuko. "Magandang araw, Miss Shia."
Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko gusto ang paggalang nila dahil hindi ako narararapat dito.
"Don't worry. We're safe with Shia," nakangiting sabi ni Luna sa tagapagsilbi. "Can we have the usual, please?"
"Masusunod, Miss Luna," sagot nito bago bumalik sa pinanggalingang pintuan.
"Lagi akong nale-late tuwing breakfast sa hall kaya tumatakas ako tuwing klase. Nasanay na ang mga tagapagsilbi sa akin," paliwanag ni Luna. May pagka-weird talaga siya.
"So, where are we?" tanong niya, inaalala ang huli naming topic. "Oh, right!" masiglang sabi niya. "I don't think kailangan pa kitang i-inform sa mga bagay tulad ng abilities ng mga kasama natin. Ilang oras na lang, magsisimula na ang training. You will see it before your eyes."
Isa lang ang pumasok sa isip ko noong mga oras na 'yon. Ang mga kasama ko sa grupo ay hindi basta-bastang estudyante. Sila ang mga pili at pinakamagagaling. At ako? Isa lang akong babaeng nagkataong napasubo sa kasalanang hindi ko ginawa.
I have no formal training. I only top at being reckless, hard-headed, jump-without-even-looking bitch.
***
Bumalik kami sa training room matapos kumain. Wala pa ring dumadating mula sa grupo. Napatingin ako sa holographic image ng orasan sa ere. Twenty minutes pa bago mag-ten.
Nagpaalam si Luna na may kukunin sa kwarto niya. Naiwan ako sa training room mag-isa. Pinuntahan ko ang mga weapons na nakahilera sa isang metal na mesa. Meron ding nakasabit sa pader tulad ng mga katana at espada.
Kinuha ko ang isang dagger at pinagmasdan ang talim nito. Napakapulido ng pagkakagawa. Ilang simbolo ang naka-ukit sa hawakan nito. Every detail was intricately carved. Bigla ko itong inihagis para subukan. It slashed the air with a sharp sound bago tumama sa isang dummy sa kabilang dulo ng kwarto.
Kinuha ko ang ilan pang dagger sa mesa at pinikit ang aking mga mata. Pinakiramdaman ko ang mga posisyon ng mga dummy sa paligid. Nagkalat sila sa bawat sulok ng training room.
Kahit nakapikit ay nakikita ko ang posisyon ng mga gamit sa loob ng kwarto. Ang mga mesa, mga weapons, ang orasan. Nakikita ko ang mga dummy na magiging target ko. Unti-unti silang dumarami. Para silang ilaw na isa-isang sumisindi sa dilim. Sa oras na naging pamilyar ako sa mga bagay na may parehong anyo at nilalaman, madali kong nate-trace ang mga tulad nito.
Hinagis ko ang daggers sa direksyon ng bawat dummy. Dalawa sa harap, isa sa kaliwa, dalawa sa likod. Bumaon ang mga ito sa mala-tela nitong balat. The sharp tearing sound filled the room. Nang maihagis ko ang huling dagger, bigla akong natigilan. Binuksan ko agad ang mga mata ko at nakita kung sino ang nasa aking harapan. Shit.
Nakatayo siya sa tapat ng pintuan at mukhang walang balak iwasan ang patalim ko. Anong problema niya?
Pumalakpak pa siya nang marahan at ngumiti nang mapansin ang mga dagger na nakatarak sa mga dummy sa loob ng kwarto. Bulag ba siya? Hindi niya ba nakikita na—
Nang isang pulgada na lang ang layo ng patalim mula sa kanya, isang metal shield ang bumulusok sa harap niya para harangan ang dagger. Maingay na tumama ang dagger sa shield bago nalaglag sa sahig. Sumunod na nahulog ang shield at nakita kong muli ang mukha ni Ethan na nakangiti na parang walang nangyari. Anong klaseng tao ang mga ito?
Nilampasan niya ang mga nagkalat na weapon sa sahig. "Sharp senses. I never knew they could do a lot of things."
Hindi ako nakapagsalita nang maglakad siya papasok sa training room. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Isang segundong pagkakamali ay baka nasaksak ko ang mukha niya. Hawak niya ang matter levitation. But he took it to a whole new level.
Naalala ko ang kaklase ko noon na may kaparehong ability tulad niya. Kaya niyang magpagalaw ng mga gamit o utusan ang mga bagay na lumapit sa kanya. Akala ko noong una, isa lang itong common na ability. Pero sa ginawa ni Ethan, doon ko napagtanto na iba talaga kapag nakapag-aral ka sa Titan Academy at na-master ang ability mo. He was fast, precise, and in perfect timing. Hindi ako magtataka kung bakit isa siya sa primary defense.
Napasipol si Ethan habang pinagmamasdan ang mga dummy sa paligid. "Pinanood kita kanina," sabi niya habang pinaglalaruan ang isang dagger na nakalutang sa ere. "Minaliit ka nga ni Gin."
Hindi ako sumagot.
"You don't sound too happy," sabi niya habang nakapamulsang pinagmamasdan ako.
"Maswerte lang ako," tipid kong sagot.
Sinimulan kong alisin isa-isa ang mga dagger sa dummy. Kung nahuli ang grupo kanina kahit isang segundo lang, malamang hindi papuri ang maririnig ko kundi pakikiramay.
Umupo sa sahig si Ethan at sumandal sa pader. Nakapikit siya. Mukhang malalim ang iniisip niya.
"Anong masasabi mo sa grupo, Shia?"
Huminto ako sa ginagawa dahil sa tanong niya. "A bunch of fucked up people."
Natawa siya. "Inaasahan kong isasagot mo 'yan."
May nakakatawa ba sa sinabi ko? Hindi ba, totoo naman? Malayong malayo ang ugali ng bawat member sa isa't isa. Laging may gulo o alitan basta magkakasama kami.
Tumayo si Ethan. "Nand'yan na sila."
Alam ko. Ramdam ko ang mga yapak nila. Pababa sila ng hagdan at patungo sa training room. Nag-uusap sila. Pero hindi ko naririnig ang bawat salitang lumalabas sa bibig nila.
"Yo! Nandito na pala kayo!" masiglang bati ni Cain nang makapasok sa training room. Siya ang klase ng taong mauuna mong marinig ang boses bago mo siya makita.
Sa lahat ng pumasok sa training room, kay Gin nasentro ang tingin ko. Those penetrating cold eyes. Pakiramdam ko, matutunaw ako kapag hindi ako umiwas. Inalis ni Sir Apollo ang sigarilyo sa bibig bago tumikhim. Agad sumeryoso ang grupo.
"Hindi naging maganda ang umpisa ng araw natin at wala tayong oras para sa mga laro tulad ng nangyari kanina."
Tuluyan niyang binitiwan ang sigarilyo sa sahig at tinapakan. "Alam n'yo kung anong kayang gawin ng dalawang matanda sa taas," tukoy niya sa Principal at Headmaster. Natawa si Cain pero agad ding sumeryoso.
"Kaya nilang ipatanggal kayong lahat sa laro. Kaya kung hindi n'yo aayusin ang mga sarili n'yo, sige lang." Mukha siyang lasing kung magsalita. "Pare-pareho tayong nagsasayang ng oras dito."
Sumimangot si Cain. "This is a team game," pagpapatuloy ni Sir Apollo. "Ito ang lagi n'yong tatandaan. Kung hindi n'yo madidisiplina ang mga sarili n'yo dito pa lang, mabuti pang umatras na kayo sa laro dahil walang makababalik sa inyo ng buhay."
Anong klaseng pep talk ito? Dapat mino-motivate niya kami bilang adviser, hindi tinatakot nang ganito.
Pumunta si Sir Apollo sa sulok kung nasaan ang silyang inupan niya kaninang umaga. Muli siyang kumuha ng sigarilyo mula sa bulsa at sinindihan ito. "Mag-umpisa na kayo."
Halos hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil sa naka-ipit na sigarilyo sa kanyang ngipin. Nag-alisan ang grupo at nagkanya-kanya. Narinig ko si Cain na tinatanong si Victoria kung anong type ng training ngayon.
"Duel," maikling sagot ni Victoria. Napangiti si Cain na para bang nakarinig ng magandang balita.
Lumapit si Luna sa akin. "Ready?" nakangiting tanong niya.
Kumunot ang noo ko. Paano ako magiging handa kung hindi ko alam ang mangyayari?
"Let me see your hand."
Hinila ni Luna ang kamay ko at may tiningnan sa palapulsuan ko. Isang black na tinta ang nakalagay roon na kanina lang ay wala. Nakasulat sa cursive letters ang pangalan ng isang tao.
"Siya ang makakalaban mo sa training ngayong araw."
Hinawakan ko ang tila tattoo sa balat ko. Sinubukan ko itong burahin pero hindi ko magawa.
"Sinong sa 'yo?" mabilis kong tanong kay Luna.
Bahagya siyang umiling. "Ang training namin ay nagsisimula sa pagtatapos ng training n'yo. We don't do duels."
"Pero akala ko ba lahat tayo?"
"Of course, I still do trainings." Tila natatawa siya na wala akong alam sa nangyayari. "We undergo different types of training depende sa mapipili bawat linggo. We have duel trainings, basic and advance survival training, physical training, strategy and tactic, and so on. Pero hindi ako sumasali sa duel dahil mas kailangan ako kapag natapos ito."
Bigla akong napatingin sa mga kamay ko. Ito na ang umpisa ng training ko.
"I'm sure you'll be okay," offered Luna. "Hindi naman tayo magpapatayan. Well, mostly, kailangan nating pigilan ang sarili natin bago pa makarating sa point na 'yon."
Mukhang hindi ko kayang paniwalaan ang sinabi ni Luna sa pagkakataong ito. Tinitigan ko ang pangalan na nakasulat sa palapulsuan ko.
Victoria.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro