Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5: The Leader and the Newbie

Chapter 5: The Leader and the Newbie

Pinagmasdan ko ang magiging kwarto ko. Isang kwartong mas malaki pa sa bahay ko o ni Lucas sa bayan. At puno ito ng mga gamit na kailanman ay hindi ko kayang bilhin.

"Feel at home. You are in the Pandora section of the castle. Tanging mga senior students lang ang nasa parteng ito," sabi ni Miss Aura habang nilalapag ang uniform na dala niya sa kama.

"We are not sure about your sizes yet kaya ang mga damit sa closet ay free size. Don't worry, ipinaalam ko na sa garment department ang kailangan mo. Before the end of the day, nandito na ang mga ito."

"Paano—"

"Breakfasts are taken in the hall. Lunch is in the cafeteria and dinner is your choice," sabi niya na hindi pa rin pinapansin ang sinabi ko. "Your schedule is on your bed. Don't worry, hindi ka masyadong mag-aaral. You just have to have trainings gaya ng mga kagrupo mo. Iba ang schedule n'yo kaysa sa mga normal students ng Titan Academy." Natahimik siya na para bang inaalala kung may nakalimutan siyang sabihin.

"Miss—"

"And yes, magkikita pa tayo mamaya. Ako ang isa sa mga adviser ng grupo. Let's see, ano pa ba?" Napatingin siya sa orasan. Six twenty-five na ng umaga. "I think that's all. Kailangan mo nang pumunta sa breakfast hall."

"Nang mag-isa?" tanong ko.

"Tinuro ko na kung saan makikita ang breakfast hall, hindi ba? I have to look presentable too, as a teacher. Kung may tanong ka, just approach me, okay? I have to go. Good luck."

Saka niya ako tuluyang iniwan sa kwarto.

Makalipas ng ilang minute, lumabas ako at naglakad sa hallway. Isa-isang naglalabasan sa mga kwartong nadadaanan ko ang mga estudyante ng Titan Academy. Karamihan sa kanila ay humihinto at napapatingin sa akin. Tila nagtataka at ngayon lang ako nakita.

Pumasok ako sa breakfast hall kung saan halos lahat ng mga estudyante ay roon papunta. Habang tumatagal ay mas lalo akong pinagtitinginan. Para akong nasa isang pagawaan ng mga porcelain na manika dahil sa ganda at puti ng mga taong nakikita ko. At lahat sila ay may nagtatakang expression sa kanilang mga mukha.

Nilibot ko ang tingin sa breakfast hall. Isa ito sa chamber ng kastilyo na mas malaki kaysa sa mga unang nakita ko. Hanggang kisame ang mga lumang bintana na binabalutan ng makakapal na mga kurtina. May chandelier din sa itaas na gawa sa crystal.

Isang mahabang mesa ang nasa harap at ilang banners ang nakasabit sa pader. Logo ng Hesperia ang nasa maroon na banner. Sa green banner nakalagay ang isang hindi familiar na logo. Ang gray banner naman ay para sa logo ng Titan Academy. Pinagmasdan ko ang huling banner at naalala ang crest. Alam kaya ng mga tao sa hall ang mga nangyari kagabi?

"Is she a new student?" narinig kong tanong ng isang babae.

"Maybe. Ngayon ko lang siya nakita," sagot ng kasama niya.

Ngayon lang ako nakatapak sa lugar na puno ng mga taong hindi ko pinangarap na makasama. Lahat sila ay mukhang perpekto, magaganda at mayayaman. Malayong malayo sila sa akin. Hindi ako makahinga.

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang hindi pinapansin ang mga tingin nila. May apat na mahahabang table sa hall kung saan kailangan kong maghanap ng mauupuan. Nakabase ang kulay ng mga mesa sa uniform ng mga estudyante. Ang mga freshmen ay nakasuot ng maroon na uniporme. Ang mga sophomore naman ay brown. Juniors wear navy blue and seniors wear gray.

Pinuntahan ko agad ang magiging table ko. Naglakad ako sa gitna ng mga tao na walang ginawa kundi pagtinginan ako. Ngayon lang ba sila nakakita ng bagong estudyante? Bumuntonghininga ako at nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang sa biglang may sumigaw.

"Guys, they are here."

Kumunot ang noo ko at bahagyang natigilan. Sa loob ng sumunod na limang Segundo, ang magulong hall ay tumahimik. Nagsi-upo ang mga estudyante sa kanya-kanyang upuan. Ang iba ay tuluyan na 'atang hindi huminga. Naiwan akong nakatayo sa gitna ng hall.

Sino bang tinutukoy nila? Mga teachers ba?

Sinundan ko ang tingin ng halos lahat ng estudyante. Mula sa nakabukas na double door ng hall, nakita ko ang tinutukoy nila. Ang grupo ni Gin. Isa-isa silang pumasok sa hall.

Unang pumasok ay sina Ethan at Cain. Mukhang may seryoso silang pinag-uusapan dahil hindi nila napapansin na pinagtitinginan sila, o sadyang sanay na sila? Sumunod si Victoria na ang aga-aga ay nakasimangot. Mukhang hindi maganda ang gising niya. Ang huli ay sina Gin at Corrine. Magkasama silang naglalakad pero hindi sila nag-uusap. They have this nonverbalized conversation. Sa body language nag-uusap.

"Sabay-sabay 'ata sila ngayon."

"Look, kahit si Corrine kasama nila."

"Hindi ba, nagback out na si Corrine?"

Tama. Umalis na si Corrine sa grupo kaya ako nandito. Nagpalinga-linga si Cain na tila may hinahanap. Naging excited ang mga babae sa paligid na tila madapuan lang ng tingin ni Cain ay masaya na sila.

Biglang nagtama ang paningin namin ni Cain. Napangiti agad siya nang makita ako. "Hey! Nandito ka na pala."

Mabilis na bumalik ang atensyon sa akin ng mga tao sa hall. Mas lalong kumunot ang mga noo nila.

"Sino ba talaga siya?" halos reklamo ng isa.

Tila sinadya ni Cain na ganoon ang mangyari. Alam nila kung paano kukunin ang atensyon ng lahat. Binigyan ko siya ng masamang tingin. Muli siyang sumigaw sa kabilang dulo ng hall.

"Shia, dito tayo!" nakangiting tawag niya sa akin.

Nagsimulang magbulungan ang mga tao nang hindi ko pinansin ang sinabi ni Cain. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang table para sa senior students. Lumayo agad ang mga tao sa table nang lumapit ako.

"Bakit hindi siya sumusunod?"

"Is she deaf or something?"

Umupo ako sa isang silya at hindi pinansin ang mga narinig ko. Sinadya kong umupo nang nakatalikod sa grupo. Napatitig ako sa mga kaharap kong estudyante. Bigla silang lumipat ng upuan. Lumipas ang ilang segundo at mas lalong naging tahimik ang breakfast hall.

Hanggang sa may narinig akong impit na tili mula sa likuran ko. Para bang bigla silang natakot. Kumunot ang noo ko at akmang lilingon nang may kamay na mahigpit na humawak sa wrist ko. Napatingin ako sa may ari nito at maging ako ay biglang natigilan.

"Cut the bullshit."

Sa ilang salita lang, pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko at hindi ako makahinga. Mahigpit ang hawak ni Gin sa kamay ko. The breakfast hall was suddenly filled with pressured silence. Hinila ako ni Gin at kinaladkad papunta sa grupo.

"Bitiwan mo nga ako," singhal ko.

"You're one of us. Now, act like one." Kalmado ang kanyang tono pero kung hilahin niya ako ay para bang wala nang bukas!

"I don't belong to any of you."

Bigla siyang huminto sa paglalakad dahil sa sinabi ko. Lumingon siya sa akin. Natakot ako. Hindi ko dapat sinabi 'yon. Hindi na dapat ako nagsalita. Napatingin ako sa grupo and I saw Cain groaned as if I said something that might kindle my death.

"Really?" naghahamon na tanong ni Gin. Napatitig ako sa mga matatalim niyang mga mata. Those expressionless cold eyes—

"Let's see then."

Napanganga ako nang biglang magbago ang direksyon namin. Palabas na kami sa hall. My senses started screaming danger. Extreme danger. Pero maaari niya bang gawin 'yon sa 'kin? Labag sa rules ang paggamit ng kapangyarihan sa ibang estudyante!

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" sigaw ko at pilit inaalis ang pagkakahawak niya sa akin.

Nakalabas kami sa hall at ngayon ay kinakaladkad niya ako sa corridor. Naramdaman kong nag-usap sina Cain at Ethan sa loob ng hall. I could feel everyone talking inside the hall. I could feel their fear and excitement. I could feel their wonder and curiosity. My special ability was in haywire because of Gin. Ano bang balak niyang gawin?

Bumaba kami sa isang stone staircase na malayo sa magara at carpeted na corridor na dinaanan namin. Papunta ba kami sa dungeon? Ikukulong niya ba ako?

Isang madilim na pasilyo ang bumungad sa amin sa ibaba. Hundreds of fire torches lit the stone walls. Huminto si Gin sa tapat ng isang batong pintuan. Bumukas ito nang dahan-dahan. Tuluyan kong nakita ang nasa loob nito nang isa-isang bumukas ang mga ilaw. It was a training room.

Hinila ako ni Gin papasok sa kwarto at biglang binitiwan. Halos mawalan ako ng balanse dahil sa ginawa niya.

"Let's have a deal," sabi niya habang unti-unting sumasara ang batong pintuan. "Talunin mo ako and you can do whatever you want," he said as if he's offering a bargained product. "Kapag ako ang nanalo, you need to stop being a little bitch and do whatever I tell you."

Gusto kong matawa. Siya ang klase ng taong hindi maatim na may hindi siya makontrol.

Sinalubong ko ang mga titig niya. "Isang patas na laro. The leader and the newbie," sarkastikong sabi ko.

Ngumisi siya sa sinabi ko. I wanted to pat myself for sounding so calm and composed dahil sa loob-loob ko ay nanginginig ako sa takot. Hindi ko alam ang ability na meron siya, at base sa reaksyon ng mga tao ay siguradong mapapahamak ako kapag siya ang binangga ko.

"Scared?" panunuya niya.

"Never."

Huminga ako nang malalim. Wala akong planong umatras. Ano pa bang mas sasama sa sitwasyon ko? Nasa lugar ako na hindi ko pinangarap na matapakan kasama ang mga taong kinamumuhian ko at isang lalaking gustong kontrolin ang lahat.

"Okay then," sagot ko. "Deal."

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro