Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4: A Substitute

Chapter 4: A Substitute

Nababaliw na ang mga tao sa lugar na ito. Balak nila akong isali sa isang survival game? Alam kong wala silang awa, pero sobra naman 'ata ang gusto nilang mangyari.

"Do you know the Linus Cup?" tanong ng matandang babae nang makita ang ekspresyon ko.

Gusto kong sumagot nang pabalang pero pinili kong tumahimik. Sino ba ang hindi nakakaalam ng Linus Cup sa bayang ito?

"Ang Linus Cup ay isang game na ginaganap kada dalawang taon sa ating sector. Sinasalihan ito ng mga paaralang nabibilang sa sector ng special abilities. Ilang dekada nang nagpapadala ang Titan Academy ng mga estudyante para sumali sa paligsahang ito. Ngayong taon, ang grupo nina Gin ang sasali."

Bigla akong bumaling sa katabi ko. Mukhang wala itong balak magsalita o mag-react. Hindi man lang ba niya sasabihing hindi ako pwede sa gusto nilang mangyari?

"Hindi ako estudyante sa paaralang ito," sabi ko. Mas gusto ko pang makulong kaysa ipresenta ang paaralang ito.

"That's not a problem, Miss Sheridan," sabi ng lalaki. "I will make you an official student here."

Gusto kong matawa sa sinabi niya. Nababaliw na ang mga tao rito. Hindi ba pandaraya ang ginagawa nila?

"Ilegal ang gusto n'yong gawin."

Natawa nang mahina ang babae.

"The rule is as long as you are part of this town and enrolled in the academy, maaari kang sumali. There's no specific length of time na nag-aral ka sa paaralan. But of course, mas prayoridad namin ang mga nakapag-aral sa Titan Academy dahil sila ang na-train para sa specific event na ito."

"Kung ganoon, bakit gusto n'yo akong sumali?" singhal ko. Parang alam ko na ang rason kung bakit ako inaalok ng bagay na ito. "Gagawin n'yo ba akong pain? Ako ang kailangang unang mamatay, ganoon ba? Para may protection ang iba pang estudyanteng sasali?"

"You have a really wild imagination, aren't you?" sabi ng babae. "Nakita mo ba ang babae kanina na kaaalis lang dito?"

Natigilan si Gin sa tabi ko.

"Siya ang kailangan mong palitan. Hindi na siya makakasama sa Linus Cup kaya kailangan namin ng halos kapareho ng ability na meron siya. At ikaw ang pinakamalapit."

Napatayo si Gin. Bigla siyang umalis ng kwarto nang walang paalam. Naiwan ako roon na mag-isang kaharap ang dalawang matanda. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari sa akin.

Ayon sa kanila, Corrine has precognition ability. Kaya niyang i-predict ang maaaring mangyari sa loob ng 24-hour time span. Importante na ability ito lalo na sa larong tumatagal ng linggo o minsan ay buwan. Kung kaya niyang i-predict ang mangyayari sa araw na 'yon, malaking advantage ito sa grupo at maaari nilang iwasan ang mga bagay na pwede nilang ikapahamak sa laro.

Pero hindi na siya maaaring sumali. Ang sabi ni Principal Bins, ang matandang babae, may sakit si Corrine. She has inborn heart malfunction. Hindi ko alam ang eksaktong salitang ginamit niya. Pero alam ng lahat na ang mga natural na sakit na hindi nakukuha sa pakikipaglaban o ability ng iba, ay hindi rin kayang gamutin ng ano mang special ability.

Si Corrine ay dapat parte ng grupo. Nag-ensayo siya at naghanda kasama ang grupo. Wala silang nakitang kakaiba sa kanya maliban sa specific instance na nawalan ito ng malay dalawang linggo na ang nakararaan. Doon nalamang may sakit siya.

Walang kapareho ang special ability niya sa Titan Academy. Ako ang pinakamalapit. I can sense danger. At ayon kay Principal Bins at Headmaster Grey, ito ay kasing importante ng precognition.

Hindi ako alam kung maniniwala o magtitiwala ako sa mga sinabi nila. Pakiramdam ko nga, pinaglalaruan ako. Pero isang bagay ang nakapagpabago ng pananaw ko. Kung makababalik kami ng buhay sa Titan Academy matapos ang laro, malaya na akong bumalik sa dati kong buhay.

Tila napakadali nito kung pakikinggan. Ngunit makababalik lang kami ng buhay kung mananalo kami sa laro. Naalala ko si Lucas at ang pangako niyang palalayain ako sa lugar na ito. Sigurado akong gagawin ni Lucas ang lahat para maialis ako rito. At ito rin ang dapat na gawin ko. May mga tao pa akong babalikan. Makababalik ako.

Kaya ito ako ngayon, naglalakad sa maliwanag na pasilyo. Kasama ko sa tabi ko ang isang butler at tagapagsilbi. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin. Basta ang alam ko ay hindi sa dungeon. Ang sabi ni Principal Bins kanina, isa na akong official student ng Titan Academy.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa butler na may poker face na mukha.

Tiningnan niya ako. Pinagmasdan niya ang suot ko. Para siyang nakakita ng alikabok sa makintab na mesa. Kulang na lang, hawakan niya ako at kiskisin ang mga daliri niya na para bang humawak ng alikabok. Maging ang mga tagapagsilbi rito ay magaganda ang suot. Naka-tuxedo ang butler at ang katulong ay naka-uniporme ng puti at bughaw.

"Pupunta tayo kay Miss Aura," sagot ng butler sa flat na boses. Para siyang isang robot.

"Anong gagawin natin doon?" tanong ko ulit.

"Hindi ka maaaring magpakita sa mga estudyante at guro na ganyan ang itsura mo, Miss Sheridan," sagot nito na para bang ito na ang pinaka-obvious na sagot sa mundo.

Bigla akong napatingin sa suot ko. Lumang pantalon, grey na t-shirt, at coat na may ilang punit.

"Si Miss Aura ang adviser ng grupo. Kasama si Teacher Apollo," dagdag ng butler.

Wala akong maintindihan sa sinasabi niya. Kaya tumango na lang ako at nagkunwaring nakikinig. Nakarating kami sa isa pang chamber ng kastilyo. Tila isang sala ng bahay ang hall kung nasaan kami.

Napatingin ako sa hagdan at nakita ang isang babaeng nasa middle twenties at naglalakad pababa, papunta sa amin.

"Hi, good morning," masiglang bati niya.

Masyado siyang masigla kahit alas kwatro pa lang ng madaling araw. Nakasuot pa rin siya ng night gown at lilac satin coat sa ibabaw. Pinagmasdan niya ako at pinagmasdan ko rin siya. Katamtaman ang haba ng buhok niya. Maliit ang mukha niya, masayahin at mukhang mabait. Halos matangkad lang ako nang ilang inches sa kanya.

"Miss Aura, siya si Miss Sheridan," sabi ng butler.

"Yes. I know. Tinawagan na ako ng principal." Ngumiti siya sa akin. "Shall we go? May ilang oras na lang tayo bago ang breakfast sa hall."

Yumuko ang butler at tagapagsilbi. "Mauna na po kami," paalam nila.

"Sure, go ahead. Ako na ang bahala sa kanya."

She genuinely smiled at me saka ako excited na hinila pabalik sa itaas kung saan siya nanggaling.

Pinagmasdan ko ang kwarto kung saan niya ako dinala. Muntik akong mapamura. Pakiramdam ko, nasa isang hotel ako at hindi isang paaralan.

"Come on, wala na tayong masyadong oras."

Hinila niya ako papasok sa isa pang kwarto. Doon ko nakita ang isang walk-in closet na puno ng damit at kung ano-anong mamahaling gamit. May full length mirror, mga pampaganda sa mahabang mesa, at higit sa lahat, puting bath tub. Nasa gitna ng kwarto ang bath tub!

"Alisin mo na ang mga damit ko. Hurry, please," sabi ni Miss Aura habang nakaharap sa isang cabinet at namimili ng isusuot ko.

"Mabuti na lang pala, magka-size tayo. Mas matangkad ka lang nang kaunti but this will do," sabi niya habang kumukuha ng ilang damit panloob at hinahagis sa isang cream na sofa sa sulok.

Matapos nito, pumunta siya sa sarili niyang shoe rock na hanggang kisame ang taas at namili ng sapatos sa section na puro kulay itim ang nakalagay. "Hindi ko alam kung fit sa 'yo ito pero mukha namang maliit lang ang paa mo," sabi niya na hindi pa rin napapansin na nakatunganga lang ako.

Pumunta siya sa telepono at nag-dial. "Bring a senior's uniform, size B. Three sets." Nang matapos ay humarap siya sa akin. Kumunot ang maliit niyang noo nang makitang hindi pa rin ako nag-aalis ng damit.

"Dear, kailangan nating magmadali. Go ahead and strip down. Madami pa tayong—"

Natigilan siya nang makita ang expression sa mukha ko. "Oh," sabi niya. "Hindi ka ba sanay na may kasama kang maliligo?"

Anong klaseng tanong 'yan? Sino ba ang gustong maligo sa gitna ng open na kwarto?

"Pero hindi maaayos ang buhok mo at hindi malilinis nang mabuti ang katawan mo kapag wala kang kasama," sagot niya na tila nagtataka.

Ganito ba rito? Kailangang may kasama kapag naliligo? Kailangang may taga-ayos ng buhok at tagalinis?

"Don't worry, hindi naman ito araw-araw," sabi niya na para bang nababasa ang iniisip ko.

Napatingin siya sa putikan kong coat at pantalon, maging sa sapatos kong sinisira ang view ng marble floor.

"Ngayon lang dahil gusto ni Principal Bins na maging presentable ka sa ibang estudyante."

It's all about the other student's sake. Tama sila. Masyadong distracting sa perpektong atmosphere ng paaralan ang isang tulad ko na taga-bayan.

"Okay," tanging sagot ko.

Sinimulan kong alisin ang mga damit ko hanggang ang natira na lang ay mga panloob. Miss Aura set the tub and put something smelly on the water. Para itong amoy ng fresh na bulaklak. Maya-maya pa ay bumula ang tubig at lumusong ako rito.

"Here's the scrub, shampoo," sabi niya habang nilalabas sa maliit na drawer ang ilang gamit. "Soap, body wash—" Nagpatuloy siya sa pagsasalita. Samantalang parang gusto ko nang matulog.

Nilubog ko ang sarili ko sa tubig at umahon para mawala ang antok ko. Pag-ahon ko, dalawa pang babae ang nakatingin sa akin. Naka-uniform sila ng navy blue at puti. Mga tagapagsilbi.

"Ito na po ang complete uniform, Miss Aura," sabi ng isa sa kanila.

Napatingin sa direksyon nila si Miss Aura. Ngumiti ito. "Thank you," saka siya humarap sa akin. "Go ahead. Simulan n'yo na."

Maingat na ibinaba ng dalawang tagapagsilbi ang uniform sa tabi ng mga gamit na nasa sofa. Napansin kong hindi lang ito isang uniform, tatlong pares iyon. May regular uniform na pleated navy-blue skirt and white long sleeve blouse, may jogging pants and t-shirt, at may coat at boots.

Lumapit ang dalawang tagapagsilbi sa akin. Natigilan ako. Ang isa, pumunta sa direksyon ng ulo ko at ang isa naman, sa may paa ko. Nagpanic ako. Ano ang ginagawa nila?

Naramdaman ko ang pagbula ng buhok ko dahil sa shampoo. Sina-shampoo ng isa sa kanila ang buhok ko. Ang isa naman, kinuha ang talampakan ko at nagsimulang magscrub.

"Your skin looks rough. Ano bang ginagamit mong sabon?" tanong ni Miss Aura habang pinagmamasdan ako.

"Hindi ako gumagamit ng kahit ano," sagot ko habang pilit na hindi pinapansin ang ginagawa nila sa katawan ko.

"Oh," sabi ni Miss Aura na para bang nakarinig ng trivia. Ngayon lang ba siya nakakita ng taong hindi kasing linis at kasing ganda niya?

"Well then, kailangan mo ang mga ito."

Pumunta siya sa isang drawer at tumingala. Hindi niya maabot ito. Kumunot ang noo niya at biglang bumukas ang drawer saka isa-isang naglutangan pababa ang mga gamit. She has the ability to move object at her will. Kumuha siya ng isang paper bag at dumeretso roon ang mga gamit.

"It's one of the exceptions sa kwartong ito," sabi niya sa dalawang tagapagsilbi.

Kumunot ang noo ko. "Exceptions?"

Tumaas ang kilay niya. "Oh, right. Rules. Kailangan mo nga pa lang malaman ang mga rules dito."

Umupo siya sa maliit na sofa. She crossed her legs in an elegant way. "Because you won't stay that long, mga basic lang ang kailangan mong malaman. One, you should never use your ability unless you are required to do so in class, in training, and when you needed it on extraordinary circumstances. Those extraordinary circumstances should be registered to the Principal. Every student has the logo of Titan Academy on their garments, kahit pa pantulog ito or simpleng pang-bahay. That way, namo-monitor ng school kung sino-sino ang gumagamit ng abilities nang hindi dapat. There are also Head Boys and Girls for every class na nagmo-monitor ng mga nangyayari sa loob at labas ng klase."

"How about my ability? Hindi ko maiiwasang maramdaman ang panganib sa paligid ko."

"Those are the extraordinary circumstances I've mentioned. Don't worry, naka-register ka na kay Principal Bins. You can use it all you want," nakangiting sagot niya.

Nagpatuloy sila sa paglilinis sa akin. Halos isang oras ang lumipas bago sila tuluyang natapos. Pinatuyo nila ang buhok ko at inayos. Gumamit din sila ng gunting para ayusin ang hindi pantay kong buhok. May ipinahid sila sa balat ko. They trimmed my eyebrows and nails. Nagbihis ako ng isa sa mga uniform at sinabi nila na humarap ako sa salamin.

Napatunganga ako. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Hinawakan ko ang sarili ko para lang masiguradong katawan ko pa ito. The perfect hair, the olive skin, the almost smooth face.

"Are you happy?" masayang tanong ni Miss Aura.

Maging ang dalawang tagapagsilbi ay nakangiti nang makita ang reaksyon ko. Sa mata nila ay sobrang saya ko at hindi ako makapaniwala. Pero hindi. Hindi ako masaya. Mukha akong peke. Mukha akong tulad nila. Nawala na ang Shia ng Hesperia.

"Masasanay ka rin. 'Wag kang mag-alala," sabi ni Miss Aura. "Sasamahan na kita sa kwarto mo. You just need to be presentable every day," tukoy niya sa mga pinagagawa niya sa akin.

"Let's go. It's almost six. Six thirty ang simula ng breakfast sa hall." Lumabas kami sa kanyang kwarto. Naiwan doon ang dalawang tagapagsibli para ayusin ang mga gamit.

Anong klaseng lugar ito? May ganito ba talagang lugar na nag-e-exist sa bayan ng Hesperia? Alam ba nilang halos walang makain ang mga tao sa bayan? Napakalayo nito sa aking reyalidad. At mas lalong gusto kong makalaya at makaalis sa lugar na ito.

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro