Chapter 3: The Group
Chapter 3: The Group
"Kung bakit kasi tayo pa ang inutusang gawin ito. Pwede naman ang mga tagabantay ng palasyo," iritableng sabi ng babae na nalaman kong ang pangalan ay Victoria.
Naglalakad na kami papunta sa Titan Academy. Nakaposas ang mga kamay ko sa likuran ko. Sa magkabilang sides ko ang brown-haired na lalaki (na ang pangalan ay Ethan) at ang blonde na lalaki (si Cain). Sinusundan namin si Victoria sa harap na katabi naman ang Team Captain na si Gin.
Cain snorted. "Ayaw mo n'on, extra training?"
"As if namang kailangan ko," sagot ni Victoria. "Napakaputik dito," reklamo niya habang pilit inaalis ang mga dumikit na putik sa kanyang sapatos.
Nakarating kami sa harap ng kakahuyang pumapagitna sa kastilyo at sa bayan. Sinubukan kong igalaw ang mga braso ko, pero lalo lang sumisikip ang posas sa bawat galaw ko.
Tahimik lang ang Team Captain nila sa harap. Mukhang hindi siya mahilig magsalita. Nakita ko kanina kung paano siya magalit noong nagbabangayan sina Cain at Victoria. Nakakatakot siya magalit. Napakaseryoso niya.
"Hindi ka ba nilalamig?" tanong sa akin ni Ethan nang pumasok kami sa kakahuyan. Dumilim pa ang paligid. Dahil dito ay nagrereklamo pa lalo si Victoria. This time, tungkol sa mga insekto.
"Okay lang ako," maikli kong sagot. Alam kong wala silang pakialam kung mamatay man ako sa ginaw rito.
"Si Corrine ba, hindi pa rin gumagaling?" tanong ni Victoria.
Huminto sa paglalakad ang Team Captain.
"Hindi ako sigurado," sabi ni Ethan. "Ang alam ko ay hindi na siya makababalik sa grupo."
Victoria scoffed. "Paano tayo ngayon? Sinabi kasing—" Natigilan si Victoria nang humarap si Gin.
"Sabihin n'yo lang kung balak n'yong magkwentuhan," sabi nito sa malamig na tono na maging si Victoria ay tila natakot. "Bibigyan ko kayo ng pagkakataon."
Tila lalo pang dumilim ang paligid at lumakas din ang hangin sa loob ng gubat. Pumalatak si Cain. Tila sanay na siya sa ganitong eksena.
Sino ba talaga sila? Ano bang kaya nilang gawin?
"Can you calm down?" Victoria shrieked. "I was just thinking out loud!"
"Chill, bro," sabi ni Ethan. "May iba tayong kasama."
Napatingin sa akin si Gin. Hindi ko alam kung bakit pero bigla rin akong nakaramdam ng natakot. Napaatras ako. His eyes were too intense for my comfort. Tumalikod siya sa amin at nagpatuloy sa paglalakad.
"Be careful next time," sabi ni Cain kay Victoria. "Pati kami ipapahamak mo e."
Matapos ang halos isang oras ng paglalakad sa gubat ay nakarating kami sa harap ng isang higanteng gate. Gawa ang gate sa makapal na kahoy at itim na bakal. The bare walls were so high and heavy looking. Tila kulungan ang aking papasukan—at hindi paaralan.
Hindi na nakapagtataka kung bakit gano'n. Narinig kong may sarili silang dungeon kung saan ako ikukulong.
Kinausap ni Gin ang ilan sa nagkalat na tagabantay sa labas ng kastilyo. Tinitigan ko ang gate at naalala ko si Lucas. Naalala ko ang kagustuhan niyang makapasok sa paaralang ito. Naalala ko ang saya sa mukha niya tuwing tinitingnan namin ang gate ng Titan Academy mula sa favorite spot namin sa kabilang dako. Hindi ko akalaing ako pala ang unang makakapasok—ako na kahit kailan ay hindi ginustong makapunta sa Academy.
Bumalik si Gin sa grupo. Mabagal na bumukas ang gate at pumasok kami sa loob.
Ang una kong nakita pagtapak ko ay ang madilim na daan. Malawak pero madilim. Parang isang highway na walang ilaw. Ngunit nang maglakad kami ay biglang sumindi ang mga ilaw mula sa kinatatayuan namin hanggang sa dulo ng daan sa aming harapan.
Dahil sa pagliwanag, nakita ko ang tunay na itsura ng paligid. May gubat pa rin sa magkabilang gilid ng daan na binabakuran ng maninipis at matataas na bakal. May mga gate din sa magkabilang gilid kada ilang metrong madaanan namin. May mga nakapaskil na signs sa mga ito na nagsasabing, "Beware," "Do not enter without permission," at iba pa.
May kakaibang tunog din na nanggagaling sa kagubatan sa kabilang side ng bakuran.
Hindi ko mapigilang mangamba. Hindi ito mukhang paaralan para sa akin. The place looked like a torture chamber. Sigurado akong dito na ako mamamatay.
Tumingin sa akin si Ethan. "Are you okay?" tanong niya. Nanghihina akong tumungo.
Nanindig ang mga balahibo ko habang papalapit kami sa destinasyon. Unti-unting lumuluwag ang daan. The road was opening out for something huge and big.
Ilang minuto pa ay nakita ko na ang kastilyo ng Titan Academy sa harap ko.
Tila may bumara sa lalamunan ko habang nakatitig dito.
Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang aking sarili. It was huge. And it was looming over us, imposing its intimidating presence on us. Natatakpan nito ang madilim na langit.
Papunta kami sa main chamber. Ngunit napakaluwang ng palasyo. Nagmumukha lang lobby ang main chamber nito.
Ilan lang ang nakabukas na ilaw sa kastilyo. Bumalik na sa pagiging madilim ang dinaanan namin kanina. There were a couple of warm golden lights from some of the windows and towers. Pero maliban doon ay madilim talaga ang paligid.
Pumasok kami through the main door. Napanganga ako nang masilayan ang loob ng kastilyo. Paaralan ba ito o kastilyo para sa mga maharlika? Sino ang nag-aaral sa lugar na carpeted ang hallway at may chandelier kada ilang metro sa kisame?
"Finally," Victoria muttered with a sigh.
Hindi ko mapigilang isipin kung anong klaseng tao ang mga napapabilang sa lugar na ito. Anong meron sa itsura, tindig at suot nila para mapabilang sila sa ganitong lugar? Bakit ba kahit basa at putikan ang mga damit nila, mukha pa rin itong magara at kumikintab pa rin ito sa liwanag ng mga chandelier.
This couldn't be the real world.
Dumaan kami sa carpeted na hallway na tila hindi nadaplisan ng dumi kahit kailan. Napakaliwanag ng lugar. I was enveloped in the place's warm golden light. Malayong-malayo ito sa yellowish at kukurap-kurap na ilaw sa bahay ko. Pakiramdam ko, kahit sindihan pa ang lahat ng ilaw sa Hesperia ay hindi pa rin nito matatapatan ang liwanag at ganda sa loob ng Titan Academy.
"Sa Headmaster's Office tayo," sabi ni Gin.
"Fine," sabi ni Victoria. Humarap siya sa akin sa unang pagkakataon mula noong lumabas kami sa bahay nina Lucas. "Tough luck for you. Dapat kasi, marunong makontento ang tao sa kung anong meron sila."
I gritted my teeth, pero hindi nagsalita. Ethan gave Victoria a warning look. "Quit it, Victoria," he warned.
Umirap si Victoria. Nakarating kami sa hall na may mataas na ceiling at malalaking bintana. Sa dulo nito ay may isa pang corridor na mas masikip kumpara sa dinaanan namin kanina.
Mas madilim din ito at mukhang mas tahimik. May ilan kaming taong nakita. Karamihan ay tagapagsilbi. Ilan sa kanila ay mukhang kanina pa gising o kagigising lang at nagsisimula na sa trabaho. Sumulyap ako sa orasan. Alas tres na ng madaling araw. Naglakad kami mula dulo ng corridor hanggang sa makarating kami sa harap ng isang mataas na double door.
"Wait here," sabi ni Gin sa mga kasama. Bumaling siya sa akin. Bigla akong kinabahan. "Tara na."
Ngumiti si Cain na para bang nagpapaalam. "Good luck," sabi ni Ethan nang lumagpas ako sa kanila.
Binuksan ni Gin ang pinto at pumasok. Sumunod ako. Pero hindi pa man siya lubusang nakakapasok sa kwarto ay tumigil siya. Sumilip ako sa harapan naming dalawa. Nakita ko ang isang babae.
She was beautiful—her beauty was almost surreal. Mukha siyang anghel na nakaputing pantulog. Napakaamo ng mukha niya at napakakinis. Her hair was brownish, long, and wavy. Napakaganda rin ng mga mata niya.
Lumapit ang grupo sa bungad ng opisina. "Corrine, what are you doing here?" tanong ni Cain.
"Kinausap ko si Principal Bins," malumanay na sagot nito. Bakit napakaperpekto ng mga taong ito? Bumaling si Corrine kay Gin. "Hey, Gin," bati nito.
Gin stiffened. "Hindi ka dapat lumalabas nang ganitong oras," sabi nito in a monotone voice. But I could feel something in his voice other than coldness. Was it worry?
"Nag-aalala ako sa inyo," Corrine said softly. "Kaya ako nandito.
There was an awkward silence that enveloped the place. Maging si Victoria ay hindi nakapagsalita. It dawned on me na siya ang babaeng binanggit ni Victoria sa kakahuyan kanina.
Bumaling sa akin si Corrine na ikinabigla ko. She looked like an angel looking down at filthy peasants. Bigla akong na-conscious at kumunot naman ang noo niya sa pagtataka.
Bumuntonghininga si Gin sa tabi ko saka niya hinawakan ang braso ko at marahang hinila.
"Kailangan na nating pumasok," he told me. Napatingin ang lahat sa amin dahil sa biglang pagbabago ng mood niya. Bumaling ako sa grupong naiwan. Corrine was looking at Gin's hand on my arm.
Pumasok kami sa loob ng isang common room. May sofa, mahogany table, carpeted flooring, crystal chandelier, at fireplace. Mainit sa loob at maaliwalas. Lumabas mula sa study room ang dalawang tao. Isang matandang babae at isang nasa early fifties na lalaki.
"Magandang gabi, Gin," bati ng matandang babae saka siya umupo sa sofa. Umupo ang lalaki sa tabi nito.
"Maupo kayo," utos ng matandang babae.
Umupo si Gin. Nanatili akong nakatayo. Ano ang ginagawa ko rito? Hindi ba nila ako idederetso sa dungeon?
Maamo ang mukha ng matandang babae. Pero nararamdaman ko ang authority sa aura nito. Ang lalaki naman ay mukhang strikto at hindi gaanong nagsasalita. He was like an older version of the guy sitting beside me. Hinila ako ni Gin para umupo.
"Where is the crest?" tanong ng lalaki.
Kinuha ni Gin ang bilog na bagay mula sa bulsa niya at pinatong ito sa mesa. It glimmered under the light.
"How old are you?" tanong ng matandang babae sa akin.
"Seventeen," I choked out.
Napatingin ang babae sa katabi nito na para bang pinapasa ang information. "And what special ability do you have? Paano mo nakuha ang crest?"
"Hindi ko ito kinuha," sagot ko. "Ibinigay ito sa akin."
Tumaas ang kilay ng matanda. "Pero sinabi ng iyong mga kasama na ikaw ang kumuha nito."
Leche talaga ang Karl at Flin na 'yon.
"Hindi ko magagawa 'yon. I have enhanced senses and even more enhanced control over them. Hindi ito nagagamit sa pagnanakaw!"
Natigilan ang dalawang matanda sa harapan ko. "Enhanced senses and control?" interesadong tanong ng babae. "I thought you had a special speed. 'Yon ang sinabi ng mga kasama mo."
Napamura ako. Si Lucas ang tinutukoy niya.
"Nagsinungaling sila," sagot ko. "Hindi 'yon ang special ability ko. At kahit 'yon man, hindi n'yo mapapatunayan na ako ang pumasok sa lugar na ito."
I stood firmly. Wala silang katunayan na may pumasok na taong may special speed sa lugar na ito. Dahil wala talaga. Hindi naman kasama si Lucas sa mga taong nanloob dito.
"Well said," nakangiting sabi ng babae. Bakit siya nakangiti? Hindi niya ba narinig ang sinabi ko?
"And you are Tyler?" tanong niya ulit. "Let's see. What's your full name."
"I'm Shia Sheridan," sagot ko. "Hindi ako si Tyler. Nakatira lang ako roon kaya ang alam nina Karl at Flin ay isa akong Tyler."
The old lady looked entertained. "Really?" amused na sabi nito. "Well then, who is Lucas? We know he is a Tyler, and his special ability is super speed."
Nanlamig ako sa sinabi niya. Alam ba nila na nagsisinungaling ako? Kinalma ko ang aking sarili. Ano ngayon kung alam nila? Hindi nila pwedeng hulihin si Lucas. Ako ang may hawak ng crest. They have no evidence against him hanggang hindi ako umaamin.
"Huhuliin n'yo ba siya?" tanong ko. "Sasayangin n'yo ba ang oras n'yo para huliin ang walang kinalaman dito kung nandito naman na sa harap n'yo ang may sala?"
Natahimik ang kwarto, but you can practically cut the tension with a knife. Tumawa nang mahina ang babae.
"Why would we do that?" sabi niya. "Tulad ng sinabi mo, nandito ka na. And I'm taking you at your word, Miss Sheridan. Mas paniniwalaan kita sa pagkakataong ito. After all, napatunayan nang sila talaga ang pumasok sa kastilyo."
Nagngitngit ako. Bakit pa nila ako tinanong ng kung ano-ano kung alam naman pala nila ang lahat? Pinaglalaruan ba nila ako?
"Miss Sheridan, I have a proposition to make." Napatingin ako sa matandang lalaki nang magsalita siya. Maging si Gin na kanina pa tahimik ay nakinig sa usapan.
"I'm interested in your ability," walang paligoy-ligoy na sabi nito. "Kailangan namin ang gaya mo."
Nagtaka ako. Kailangan? Para saan?
"I'm willing to set you free. I'm willing to let you return to your old life, but of course, it will come at a price."
Hindi ako nagulat sa kanyang kondisyon.
"I want you to be part of a group—the group that will be joining the Linus Cup."
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro