Chapter 2: Golden Crest
Chapter 2: Golden Crest
Hindi ako makatulog noong kinagabihan. Habang umuulan sa labas, ako naman ay nakatitig sa sirang kisame ng kwarto ko at binibilang ang ilang bitak dito kung saan tumutulo ang tubig.
Gusto ko ang ulan. Gusto ko ang kalmang dinudulot nito. Para bang humihinto ang oras at wala kang maririnig kundi ang mga patak nito.
Pero kahit anong lakas ng ulan at kahit anong pilit kong makatulog ay hindi ko magawa. Tila binabalaan ako ng aking isipan.
Lampas hating gabi nang dalawin na ako ng antok. Papikit na ako nang bigla akong magmulat. May naramdaman akong kakaiba. Someone is coming for me. Naghintay ako. I could feel the footsteps coming closer. Tila ba nagmamadali ito. Hinihingal siya na parang tumakbo siya nang napakalayo.
Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang maramdaman kong pamilyar ang taong ito. My reflexes subsided. I knew that I was safe for now. Tumayo ako mula sa kama at sinuot ang lumang coat ko na nakasabit sa likod ng pinto.
Ano ang ginagawa rito ni Lucas nang ganitong oras? Delikado na sa labas sa ganitong panahon.
Lumabas ako sa living room kung saan halos walang makikitang gamit. Naibenta ko na ang ilan sa mga ito noong nangailangan ako ng pera.
"Lucas," bati ko sa kanya nang buksan ko ang pinto.
Aktong kakatok pa lang siya nang buksan ko ang pinto. Nagulat siya nang makita niya ako. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Basang-basa siya.
"Anong nangyayari?" tanong ko.
Pinaghalong matinding takot at panghihina ang bakas sa kanyang mukha. Kung hindi dahil sa ulan, aakalain kong luha ang dumadaloy mula sa kanyang mga mata.
"Shia..." Nanginginig ang kanyang boses. I've never seen him this terrified ever before.
"What? Anong nangyayari?!" I demanded.
Kinabahan ako. Sana ay kaya kong mabasa ang kanyang isip dahil hindi ko gusto ang kinikilos niya. Hinila niya ako papasok ng bahay. Umupo siya sa nag-iisang sofa roon na halos mabalutan na ng alikabok. He rested his elbows on his knees at naihilamos ang mga kamay sa mukha.
"Shia..." pag-ulit niya.
Gusto ko siyang sampalin para bumalik siya sa katinuan. Akmang gagawin ko na ito nang may kinuha si Lucas mula sa bulsa niya. Pinatong niya ang kumikintab na bagay sa mesa. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung ano ito.
Napamura ako. "Bakit nasa 'yo 'yan, Lucas?" Napaatras ako. Hindi ako makapaniwala. "Bakit na sa 'yo ang golden crest ng Titan Academy?!"
Hindi siya makasagot agad sa akin. Ni hindi siya makatingin. Dinako ko ang tingin ko sa crest.
Ito ang crest na pinakaiingatan ng Titan Academy. Ito ang pinakasimbolo ng paaralan.
Tiningnan ko si Lucas. "Hindi mo ba ako sasagutin? Saan mo ba nakuha ito?"
Naihilamos niyang muli ang mga palad sa mukha. Garalgal ang boses niya nang sumagot. "Sina Flin at Karl ang pumuslit sa Academy para kunin ito. Hindi ko alam kung paano nila ito nagawa. Huli na noong nalaman ko na ang crest ng Titan Academy ang hawak ko—"
"Sumama ka sa mga 'yon?!" singhal ko. "Sumama ka sa plano nila?!"
Gusto kong sampalin si Lucas. He was better than this. Walang ginawang mabuti sina Flin at Karl. Hindi ko akalain na sasama siya sa dalawang 'yon para gawin ang bagay na ito!
"Calm down, Shia," tila frustrated na sabi Lucas. "Hindi ko alam na ilegal ang gagawin nila noong pumayag ako. Akala ko, isa lang itong simpleng trabahong kailangan ng ability ko."
"Come on!" I blurted out.
"Shia, alam mong kahit mamatay ako sa gutom ay hindi ako gagawa ng bagay na ikasisira ng dangal ng aking pamilya. 'Yon na lang ang natitira sa amin."
Tumahimik ako. Tama siya. Kailanman, hindi pa siya gumawa ng bagay na tulad nito kahit pa noong halos wala nang makain ang pamilya niya.
"Ang usapan namin ay delivery lang ang gagawin ko. Nagkita kaming tatlo sa border ng bayan at doon nila ibinigay sa akin ang bag. Kailangan ko lang itong dalhin sa lalaking naghihintay sa pub. Nagtaka na dapat ako una pa lang. Balot sila ng sugat at galos. Nasa gitna ako ng biyahe nang buksan ko ang bag para tingnan ang laman nito. Doon ko nakita ang crest.
"Hindi ko alam ang gagawin ko. Bumalik ako kung saan ko huling nakita sina Karl at Flin, pero napaliligiran na ang lugar ng mga tauhan ng Titan Academy. Nadakip si Flin. Sinabi niya kung nasaan ang crest. Sinabi niya kung sino ako."
Lucas was already stammering.
"Gusto ko na lang sanang ibalik ang crest. Ngunit maging ako ay huhulihin nila, so I rushed to the pub para hanapin ang lalaking sinasabi nila pero tumakas na ito. I'm stuck with the crest, Shia!"
I paced back and forth in the living room. Tanging ang ulan sa labas at pag-creak ng sahig na aking nilalakaran ang maririnig na ingay.
"Sinabi ba ni Flin ang buong pangalan mo?" tanong ko.
"Apelyido lang ang nasabi niya. 'Yon lang naman ang alam nilang itawag sa atin, hindi ba?"
That's what I thought. Shia Sheridan at Lucas Tyler lang ang alam nilang pangalan namin. Hindi kami malapit sa kanila para tawagin nila kami sa first names namin.
"Importante pa ba 'yon? Kami lang ang Tyler dito sa Hesperia—" Natigilan si Lucas. "Ang pamilya ko... Kailangan ko silang puntahan."
Kinuha ni Lucas ang crest sa mesa at nagmamadaling tumayo. Kinuha ko ang crest mula sa kanya.
"Anong ginagawa mo?!" singhal ni Lucas.
Tiningnan ko siya nang deretso sa mga mata. "Ako ang Tyler na tinutukoy ni Flin," sabi ko. "Ako ang kumuha ng crest."
Tiningnan niya rin ako na para bang nababaliw na ako. "Ano bang sinasabi mo?"
"Lucas, papuntahin mo rito ang pamilya mo. Kasama ka. Ako ang maiiwan sa bahay n'yo para madatnan nila. Ako ang kumuha ng crest."
Napalunok si Lucas. "Shia, hindi ako papayag—"
"Makinig ka sa akin!" sigaw ko. "Hindi ka maaaring makulong. Wala kang kasalanan. May pamilya kang umaasa sa 'yo, Lucas. Hindi mo sila pwedeng iwan."
"Pero, Shia—"
"'Yon ang pinakamadaling paraan. Kapag naibalik ang crest at naparusahan ang may kasalanan, madali nila itong makakalimutan. Isa pa, hindi ako mamamatay. Makukulong lang ako."
Lucas weighed his choices. "Hindi," bigla niyang sabi. "Hindi ako papayag na ikaw ang makulong."
"Oh, shut up!" I snapped. "Hindi mo ba nakikita? Walang mawawala sa akin kung makukulong ako. Pero ikaw, limang tao agad ang maaaring mamatay kapag ikaw ang nawala."
"Shia—"
"Wala na tayong oras, Lucas. Tara na!"
Hinila ko siya palabas ng bahay at sinugod ang ulan. Mula sa 'di kalayuan ay nakita namin ang ilang ilaw mula sa mga taong nagkalat sa gilid ng burol kung saan makikita ang Titan Academy. Tahimik si Lucas. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya, pero alam kong wala na rin siyang pagpipilian.
Hindi alam ng mga kapatid at ina niya ang nangyayari nang dumating kami at sinabi na kailangan na nilang umalis. Inaantok na tiningnan ako ng mga bata. "Ate Shia," bati nila sa akin.
"Ano bang nangyayari, Lucas?" tanong ni Mrs. Tyler sa anak.
Hindi sumagot si Lucas. Kinuha niya ang mga balabal na nakasabit sa pader at isa-isang sinuutan ang mga kapatid at ina niya. Nang handa na ang lahat ay napatingin siya sa akin. Hawak ko pa rin ang crest.
"Shia," sabi niya.
"Bilisan mo, Lucas," sabi ko. "Ano mang oras ay maaari na silang dumating."
"Gagawa ako ng paraan. Patutunayan ko na wala akong kinalaman dito at makakalaya ka. Hintayin mo sana ako."
Nagpabalik-balik ang tingin ng pamilya ni Lucas sa akin at sa kanya. Pinilit kong ngumiti.
"Ipangako mo na hindi mo sila pababayaan." Tinuro ko ang kanyang pamilya.
Naging pamilya na ang turing ko sa kanila. Dahil sa mga Tyler, hindi ko naramdaman na mag-isa ako sa mundo kahit sa saglit na panahong kasama ko sila.
Bigla akong niyakap ni Lucas. "Shia, mangako kang hihintayin mo ako. Gagawin ko ang lahat para makalaya ka."
Tumango ako habang yakap niya. "Pangako, Lucas," sagot ko. The corners of my eyes started to sting. Pinahid ko ang mga luha ko upang hindi niya makita.
"Shia," Lucas whispered. "Shia, gusto—"
I froze. Naramdaman ko ang ilang taong papunta sa bahay nina Lucas. Apat sila at nagmula sila sa direksyon ng Titan Academy.
"Lucas, nandiyan na sila. Kailangan n'yo nang umalis!"
Lucas lead his family out of the house through the back door. Nagtataka pa rin ang pamilya niya lalo na ang kanyang ina. Lumingon ito sa akin. Tila alam na niya kung ano ang nangyayari. Nang makalabas na ang lahat, tiningnan ako ni Lucas sa huling pagkakataon.
"Mag-ingat kayo," pagpapaalam ko.
Tumango siya. "Shia, ilalabas kita sa lugar na 'yon. Basta hintayin mo ako."
Pilit akong ngumiti. "Go," utos ko.
A few minutes later, ako na lang ang natira sa bahay ng mga Tyler.
Tiningnan ko ang golden crest sa palad ko. Nakaukit dito ang isang leon na may pakpak, isang espada, at isang palaso sa ibabaw ng nakabukas na libro.
Papalapit na ang mga yapak na aking naririnig. Nag-uusap sila ngunit hindi ko naririnig ang kanilang pinag-uusapan. Nararamdaman ko nang malapit na sila. May isang babae sa grupo nila na apat. Ang dalawang lalaki ay nakasunod sa kanya at nag-uusap. Ang huling lalaki ay tahimik lang.
Huminto sila sa pintuan. Nagkatinginan sila. Ang babae ang kumatok. Huminga ako nang malalim bago buksan ang pinto.
Bakas ang gulat sa mga mukha nila nang ako ang kanilang datnan. Nagkatinginan ang dalawa sa kanila. Ang isang lalaki ay blonde, at ang isa naman ay brownish ang kulay ng buhok.
"Dude, hindi n'yo sinabing chicks," bulong n'ong blonde. Tiningnan siya nang masama ng babae. The girl had straight, shoulder-length black hair and a sleek, matter-of-fact face.
Halos ka-edad ko lang sila. Nakasuot sila ng mga mamahaling coat na gawa sa itim na leather na may golden logo ng Titan Academy. Napaka-out-of-place nila sa lugar na tulad ng bahay ni Lucas. Para silang kumikintab dahil sa linis at ayos nila. The way they all stood had an air of superiority and confidence. Hindi maipagkakaila na mga estudyante sila ng Titan Academy.
Tiningnan ako n'ong babae mula ulo hanggang paa as if she was assessing me. "Ito ba ang bahay ng mga Tyler?" she said in a voice that was so precise that it was as smooth as silk—angelic even.
"Ito nga," malumanay kong sagot. Kung ikukumpara sa boses niya, tunog-palaka ako. Dalawa sa kanilang kasamahan ay inilibot ang tingin sa loob ng bahay.
"Ikaw lang ba ang nakatira sa bahay na ito o may iba pa?" tanong muli ng babae.
Sinubukan kong hindi ma-intimidate sa tingin niya. "Ako lang."
Tumaas ang kilay ng babae at pumasok sa loob. Nabangga niya ako sa balikat. Tila sinadya niyang gawin 'yon. Sumunod sa kanya ang dalawang lalaki samantalang nanatili sa doorway ang pang-apat sa kanilang grupo. Tila wala itong balak sumali. Pinanonood niya lang ang mga kasama.
"We are from Titan Academy," sabi ng babae habang sinimulang galawin ang mga gamit. "May kailangan lang kaming hanapin."
Hindi ko maiwasang mapatitig sa huling lalaki. He was tall, and he had raven black hair and intense dark eyes. Walang ekspresyong makikita sa kanyang mukha. But his aura was saying something else. I can sense danger. His very presence screamed authority that it was becoming alarming.
"Team Captain." Humarap ang lalaking brown ang buhok sa kanya. "Magsisimula na kami."
Natauhan ako dahil sa narinig. Humarap ako sa tatlo. "Hindi na kailangan," sabi ko.
Tumigil sila at napatingin sa akin. The Team Captain raised his eyebrow as if I said something that interested him. Napalunok ako, pero nagawa ko pa ring salubungin ang mga titig nila.
"Nasa akin ang hinahanap n'yo," sabi ko.
An amused smirk crossed the Team Captain's lips. Tila hindi niya inasahan na kusa akong aamin.
"And what would that be?" tanong ng babae. Any trace of enjoyment was gone from her face.
Inilahad ko ang aking palad upang makita nilang lahat. Doon nagulo ang dati'y walang direksyon kong buhay.
***
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro