Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

PROLOGUE

"NAKS naman si Jayson! Four months na sila ni Sungit!" natatawang ani Ezekiel.

Nakita ko ang pagngisi ni Jayson sa mga kaybigan. Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Nag-uumpisa ng manginig ang mga kamay ko sa hindi alam na dahilan. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.

Hindi ako umalis sa pwesto ko. Mas lalo ko pang itinago ang sarili ko sa likod ng pinto.

"Syempre, sa tagal ba naman ng panliligaw ko sa kanya dapat mas matagal ang relasyon namin hahaha."

Dumiin ang pagkakakuyom ko sa kamao ko.

"Paano 'yan? Malapit na ang monthsary niyo. Hihiwalayan mo na ba?"

Nanigas ang katawan ko sa tanong ni Kyle.

A-anong—bakit hihiwalayan?

Hindi ko sila nakikita kaya 'di ko alam ang reaction nilang tatlo. Gusto ko ng lumabas sa pinagtataguan ko kaya lang ay gusto ko pang marinig ang pag-uusapan nila. May pakiramdam ako na mas madami akong malalaman.

"Magkano muna ang pusta niyo? Dapat ay meron na bago ko hiwalayan," rinig kong ani Jayson.

Nanginig ang mga tuhod ko sa isinagot ni Jayson. Nalili-ay ako.

"Hahaha, orayt! Five thousand sa'kin basta ba makaka-third base ka na bago matapos ang fifth monthsary niyo eh," ani Ezekie.

"Sige, five thousand na rin 'yung sa'kin basta ba maka-second base ka lang. Ten K na kapag naka-third base ka. Sa sobrang boring ba naman tingnan ni Casey baka hindi ka rin umabot do'n, Hahaha," ani Kyle.

Umiling ako sa sarili ko. N-no... hindi magagawa sa'kin ni Jayson 'to. Hindi niya ako magagawang saktan. Hindi—nagtiwala ako sa kanya. Pero lahat ng hiling ko ay nadurog ng lahat dahil sa isinagot ni Jayson.

"Fine! Five and ten thousand ha?! Humanda kayo, hahahaha."

P-pustahan?

Pinagpustahan nila ako?

Parang may sariling buhay ang mga kamay ko ng itulak ko ang pintuan pabukas. Gumawa 'yon ng ingay dahilan para mapalingon sa'kin ang tatlong lalaki. Kung kanina ay para silang masaya ngayon ay para silang naka-inom ng isang basong suka.

Mapait ko siyang nginitian.

"S-sana sinabi m-mo na lang p-para hindi na t-tayo nagpatagal pa. F-five months lang p-pala eh."

Masohista na ba talaga ko't nakayanan ko pang gawing biro 'yon. Napatayo si Jayson, nag-aalala ang mukha nito at nagmamadaling lumapit sa'kin. Basa ng kaunti ang kamay nito ng hawakan ang akin.

"I-I will explain, Casey... m-mali ka ng pagkaka-intindi."

Gusto kong pumapalpak ng malakas dahil sa galing nitong umarte. Napaka-galing. Kung hindi ko pa narinig ang mga sinabi niya kanina ay baka naniwala pa ako kaya lang ay hindi. Hindi na ako magpapadala sa mga salita niya.

Binawi ko ang kamay ko ng hawakan ni Jayson 'yon. Nandidiri ako. Nagagalit ako at hindi ko inakalang magagawa niya sa'kin 'to.

Umatras ako ng magtangka siyang muling hawakan ako.

Disappointed akong umiling dito bago rin tumingin sa mga kaybigan niyang tahimik na nakamasid sa'min.

"D-disappointed ako sa inyong dalawa, kasi akala ko kaybigan ko kayo pero lumalabas pa lang hindi." Tumalikod ako sa kanila at patakbong umalis do'n.

"CASSANDRA!!" 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro