Chapter Three
CHAPTER THREE
KINABUKASAN ay maaga akong pumasok sa University, maaga kasing umalis ang mga tao sa bahay kaya mabilis lang ang naging trabaho ko. Pagpasok ko sa loob ng gate ay napakunot ang noo ko. Nakatambay kasi sa guard house si Kyle at Jayson.
Inalis ko ang tingin sa kanila, deretsong naglakad. Akala ko'y 'di nila ako maabutan pero paakyat pa lang ako sa hagdan ay may humablot na sa braso ko. Napalingon ako do'n. Tiningnan ko ng masama ang kamay ng lalaki bago iwiniksi 'yon.
"Mukha ba akong lubid ha?! Kung makahila ka!" asik ko dito.
Imbis na mag-sorry ay nginisihan niya lang ako. Ipinakita ang hawak na teddy bear at isang red roses.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Oh, anong gagawin ko diyan?"
"Try mong kainin baka sakaling maging sweet ka naman," pambabara nito sa'kin.
Mas lalo akong nainis dahil sa ngisi nito. Sinipa ko siya.
"Aray!" napa-atras ito.
Tiningnan ko siya ng masama bago pumanik ng hagdan. Ramdam ko ang pagsunod nito sa'kin.
"Sorry na, sungit, bati na tayo." Sinabayan niya ako ng paglalakad. "May gift nga ako sa'yo, tanggapin mo na 'to." Inabot niya ulit sa'kin 'yung teddy bear at rose.
"Bakit ba kasi?"
"Masama bang bigyan ka ng gift?"
Pumasok ako sa loob ng classroom at umupo sa upuan ko. Hinubad ko ang bag at ipinatong sa mesa. Tumabi sa'kin si Jayson.
"Wala lang. Gusto ko lang. Nangangalay na ako baka gusto mo ng kunin," ani Jayson.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Mabuti na lang at kami pa lang ang tao dito kundi ay maiiskandalo pa ako. Baka umabot pa sa mang-Tita ko mapagalitan pa ako at sabihing nagpapabaya ako sa pag-aaral.
"Sa iba mo na lang ibigay 'yan," medyo mahinahon kong wika sa kanya.
Ayokong mag-assume pero wala naman siyang dahilan para bigyan ako ng regalo. Ni hindi nga kami magkaybigan.
Kumunot ang noo ni Jayson. "Sa'yo nga 'to ta's gusto mong ipamigay ko?"
"Wala akong natatandaang akin 'yan kaya pwede ba, tantanan mo na ako!" Inirapan ko siya.
Narinig ko ang pagbulong-bulong nito pero 'di ko naman maintindihan. Unti-unti ay dumating ang mga classmates namin. Naging maingay na ang buong silid aralan. 'Yung iba ay may laman ang mga tingin sa'min.
Napahinto sa pagpasok si Jerlyn ng makita kaming dalawa ni Jayson. Maloko 'tong ngumisi.
Pumuwesto na ang babae sa likod namin.
"Ayieee."
Tiningnan ko 'to. Naka-dukwang ang babae sa may gilid ko. She's smiling at me.
"Tigilan mo ko," madiin kong bulong.
Imbis na matakot ay tinawanan lang niya ako. Ano bang trip ng mga 'to sa buhay at ako ang ginugulo?
****
NASA canteen kami at kumakain ng lunch, kasamahan ko si Jerlyn at sumama sa'min sina Kyle at Jayson. Kinain ko ang spaghetti-ng order ko. Napa-angat ako ng tingin sa nagbaba ang isa pang plato sa ibabaw ng table namin.
"Tangina ka! Kanina ka pa namin hinihintay!" ani Jayson sa bagong dating saka umusad para bigyan ng space.
"Gago! Hinihintay pa ba 'yan kumakain na kayo! Ang tagal bago umalis nung Prof namin eh."
"Gutom na kami. Kapagod kaya maghintay ng Prof ta's walang dadating," ani Kyle.
Tumikhim si Jerlyn kaya nasa kanya ang atensyon namin. Malawak ang ngiti nito. Napa-iling ako. Mukhang may bagong crush na naman 'tong babaeng 'to.
Ngumiti si Jayson, "oo nga pala. Nakalimutan kong ipakilala sa'yo ang kaybigan namin ni Kyle." Tumingin ito sa bagong dating.
Tinuro niya ako. "Si Casey," may binulong ito na hindi ko maintindihan. Kumunot ang noo ko pero ipinagwalang bahala ko na 'yon.
"Si Jerlyn 'yung isa. Girls, siya si Kiel kaybigan ko. Sabay-sabay kaming lumipat dito. Iba ang course niya sa'min ni Kyle."
"Hello! I'm Jerlyn pero pwede mo naman akong tawaging mahal," ani Jerlyn sa ipit na boses, inilahad nito ang palad sa lalaki.
Tumawa si Kiel.
"May girlfriend ako eh, sorry." Nakipag-shake hands ang lalaki, napawi naman ng ngiti ni Jerlyn at para bang napapasong binawi ang kamay. Natawa ako ng mahina. Tumingin sa'kin ang lalaki. Tinanguan ko lang ito at bumalik sa pagkain.
Habang kumakain kami ay nag-uusap ang mga lalaki tungkol sa mga first day at kung ano-anong nangyari sa kanila ngayong araw.
"Pre, may nakilala nga kamo akong chicks. Maganda sana kaya lang may amoy!" nakangiwing ani Kiel.
Tumawa ang dalawang lalaki.
"Pota, sana binilhan mo ng deodorant!"
"Tanong mo muna kung gagana ba hahahha!"
"Sana pinaluguan mo ng pabango para 'di na umalingasaw!"
Napa-angat ako ng tingin sa kanila. Nagkatinginan kami ni Jerlyn. Ibinalik ko ang tingin sa tatlo. Tuwang-tuwa pa ang mga ito sa pangbo-body shame sa babae.
"Eto pa! Naalala mo ba si Andrea, 'yung dating class president natin nung grade 12?"
Umiinom ng tubig na tumingin si Jayson kay Kyle.
"Hmm?"
"Nakita mo ba 'yung mukha niya ngayon?! Puro tigidig, pre! Pota, ang ganda no'n noon ta's ngayon naging gano'n ang hitsura!"
Nandidiring nag-iwas ng tingin ang mga lalaki dahil sa sinabi ni Kyle.
"Nag-message nga sa'kin 'yung dating girlfriend ni Kiel. 'Yung mahal na mahal daw netong gagong 'to!"
Humalakhak si Kiel at binato ng table napkin si Jayson.
"Maitim singit no'ng babaeng 'yon puro pa stretch mark. Akala mo lang maganda kasi maputi pero maitim naman ang singit!"
Ngumiwi ulit ang dalawang lalaki.
Para bang hindi sila nahihiyang pag-usapan ang mga dati nilang naging babae sa harapan namin. Grabe! Anong klaseng lalaki sila? Ib-body shame ang babae na akala mo perfect sila. Hindi ko na kayang mag-stay at makinig sa mga pinagsasabi nila. Padabog akong tumayo.
Hinablot ko ang bag ko. Mabilis akong lumakad paalis do'n. Hindi ko alam kung sumunod sa'kin si Jerlyn pero bahala siya. Kung kaya niyang mag-stay do'n.
Tinawag nila ang pangalan ko pero hindi ako lumingon.
Nakaka-inis sila! Lalo na si Jayson! Tawang-tawa siya sa pangmamaliit sa mga babae. Wala ba silang mga magulang? Wala silang Nanay?
Hindi man lang sila natakot na baka i-body shame din ang mga kapatid at nanay nila. Or kahit sinong babaeng malapit sa kanilang dalawa. Ang sarap nilang sampalin. 'Di ka dapat lumapait sa gano'ng klaseng lalaki.
****
MADAMING pinasulat sa'min ang isa naming Prof about sa mga magiging students namin dahil magi-start na rin ang paggawa ng Lesson Plan at mga demo's namin.
Kitang-kita ko mula sa gilid ng mata ko na panay ang tingin sa'kin ni Jayson. Ramdam ko rin ang titig ng dalawa sa likuran namin pero hindi ako nagsasalita.
Habang nagsusulat ay panay ang pagbunggo ng katabi ko sa braso ko kahit malayo ng kaunti ang upuan ko dito. Ayokong makatabi ang lalaking 'to.
Nang umalis na ang Prof namin ay mabilis akong tumayo para makalipat ng upuan, pero bago pa man ako makahakbang ay nahawakan na ako sa braso ni Jayson. Binawi ko 'yon.
"Saan ka pupunta?" may pagka-galit nitong tanong.
"Lilipat ng upuan," tipid kong sagot. Hahakbang sana ulit ako ng kuhanin nito ang bag ko at yakapin ng mahigpit. "ANO BA?!"
"Wala ka ng mau-upuan." Inirapan ko siya at pasimpleng tumingin sa silid. May dalawang bakante pa. Isa sa harap at 'yung isa ay nasa pinakadulo.
"Meron, huwag ang pabibo!"
Kumunot ang noo nito pagkatapos ay huminga ng malalim na para bang nagpipigil ng galit.
"Ba't ba inis na inis ka sa'kin? Kanina ko pa napapansin 'yan wala naman akong ginagawa sa'yo!" napipikong tanong nito.
May ilang classmate kaming napatingin sa'min.
"Kasi ang lakas ng apog mo! Kabago-bago mo akala mo kung sino ka umasta!!"
Nawala ang naguguluhan nitong tingin at napalitan ng inis. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Ha! Akala mo ako lang?! E anong tingin mo sa sarili mo?! Ang bossy-bossy mo!"
Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Namewang ako.
"Hindi ako bossy! Ikaw ang mayabang!"
"Hala, nag-aaway sila."
"May naka-inis din kay Casey."
Napatingin ako sa paligid namin. Mga nagbubulong-bulungan sila. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Sa tagal kong nag-aaral ay ngayon lang ako napahiya ng ganito. Ngayon lang. Mas lalo akong nainis sa lalaki. Pagalit kong binawi ang bag ko tapos patakbong lumabas ng classroom.
Isa 'to sa mga araw na hindi ko makakalimutan at hindi ako nito papatahimikin hanggang sa susunod pang mga araw.
Dahil wala naman na akong mapuntahan, pinalabas na rin ako ng Guard kasi kasabay ko ang ibang students na umuuwi na rin. Papasok na lang ako sa trabaho. Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa bayan. Tumatagingting na seventy pesos ang mawawala sa'kin sa pamasahe.
Pang-kain ko na rin 'yon o kaya pang dagdag sa mga dapat bayaran.
Huminto sandali ang tricycle sa may Tampok Elementary School dahil may batang sasakay. Umusad ako sa gilid at pinapasok ang batang babae. Umandar na ulit ang trike at umalis na kami.
Kumuha ako ng pambayad sa wallet ko nang nasa may Sto. Nino na kami. Malapit na 'kong bumaba kaya nag-ready na ako. Tumingin ako sa labas, may gumagawa na naman ng kalsada. Umiling ako. 'Di na ba talaga maayos 'tong kalsada dito? Palagi na lang ginagawa.
Huminto ang tricycle sa tapat ng Puso Mall. Bumaba ako at nagbayad. Ngumiti sa'kin ang guard na tinanguan ko naman. Winisikan niya ng alcohol ang kamay ko. Tapos naglakad na ako papunta sa may hagdan sa may gilid ng Palawan Pawnshop.
Umakyat ako at naglakad papunta sa Pandayan Book Shop kung saan ako nagtra-trabaho. Tinulak ko ang pinto at pumasok sa loob. Sumalubong sa'kin si Aisen, ang Manager namin dito.
"Ang aga mo 'yata ngayon," puna niya.
Lumakad ako palapit sa locker. Inilagay ko ang bag ko sa loob ng locker ko. Nilingon ko 'to.
"Wala naman kasi akong pupuntahan kaya nagpunta na ko dito."
Lumapit ako sa may cashier na walang tao. Binuksan ko 'yon at tiningnan kung may pera ba. Meron, sino kayang nakatao dito kanina?
"Sige, basta mag-log ka na, ha. Tapos ayusin mo 'yung stock dun sa likod. May nagpuntang mga bata kanina pinaggugulo 'yung do'n."
Tumawa ako ng mahina.
"Hindi ka pa nasanay," ani ko saka ini-slide ang I.D ko sa may itaas ng keyboard. Nang makita kong meron ng log sa computer ay umalis na ko't naglakad sa likod. Pagdating ko ay tumaas ang kilay ko.
Parang dinaanan ng bagyo ang Art Material Area namin dito. 'Yung mga brushes gulo-gulo at wala sa kanya-kanya nilang lalagyan, may iba pang nahulog. 'Yung mga paints naman ay nasa lapag rin 'yung iba. Pati crayons at 'yung iba pang gamit na nakasabit.
Nag-umpisa ako sa pagpupulot ng mga nahulog na items tapos ipinatong ko muna sila sa ibabaw Sinunod kong ayusin 'yung mga brushes na wala sa mga tamang lalagyan nito. 'Yung mga cutters ay inalis ko do'n.
Inalis ko rin 'yung mga nahalong items. Kinuha ko ang basket na nasa gilid. Inilagay ko do'n 'yung mga ligaw na items at isasauli ko mamaya sa tamang lalagyan nila. Inayos ko ang mga paints, at 'yung iba pa.
"Casey, lalabas lang ako!" rinig kong sigaw ni Aisen.
"Okay!" ganting sigaw ko.
Nang matapos sa area na 'yon ay tinulak ko papaa ang basket at nagpunta sa may paper area. Andito 'yung mga papel, mga color papers, bond papers, oslo papers at iba pang papel. Nasa aisle din na 'to 'yung mga books. Romance book, Wattpad Books, Bibles, Kids story and other more books.
Inilagay ko 'yung pag ng colored paper sa dapat niyang kalagyan. Inayos ko rin 'yung mga nagulo nang papel.
Tumalikod ako at binigyang pansin ang mga libro. Pinagsunod-sunod ko ng ayos ang bawat isa. Kinuha ko 'yung mga nakatago sa likod. Umiling ako.
"Grabe talagang mga bata 'yon, nagtatago ng libro sa likod."
Minsan ay sa ibang part sila nagtatago basta sa likod at 'di makikita. Mukhang itinatabi para mabalikan nila.
Narinig kong tumunog ang bell sa itaas ng pinto, tanda kung may lalabas o papasok. Lumingon ako. Si Aisen pala pati na si Kuyang Guard.
Sumunod naman ang ilang estudyante at ibang mamimili. Bumalik ako sa ginagawa ko. Lumipat ako sa part kung nasaan ang mga notebook at journals. Inayos ko rin ang part na 'yon. Pati na din 'yung nasa likod ko.
"Casey, dito ka muna sa counter two!"
Kinuha ko ang basket at naglakad palabalik sa may counter. Inilagay ko sa lalagyan ang basket at ngumiti sa mga estudyante.
Pumuwesto ako sa counter two.
"Dito na lang, please," ani ko at binuhay ang computer. Tapos ay kinuha ko ang pinamili nila at ini-swipe sa may scanner. Ngumiti ako sa kanila.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro