Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Ten


CHAPTER TEN

IPINAGHILA ako ng upuan ni Jayson nang makapanik kami sa second floor ng Jollibee. Masama pa rin ang tingin ko sa kaniya hanggang ngayon.

"Wag ka na magalit. Sorry na nga, 'di ba?" pag-uulit nito nang maka-upo na sa sariling upuan. Katapat ko. Nasa may dulo kami, katabi ng bintana.

"Hila ka ng hila!"

"Sasama ka ba kung 'di kita hinila? Hindi, 'di ba?" inis nitong tanong.

Ngumuso ako. Bakit pagdating sa lalaking 'to nawawala ako ng lakas? Parang hinihigop niya lahat. Hindi naman ako dating ganito...

Ipinaghain ako ng lalaki. Siya ang nag-alis ng balot ng kanin, siya rin ang nagbukas ng gravy para sa'kin.

Pinagmasdan ko siyang mabuti. Attentive ito sa ginagawa. Napakamot sa ulo ang lalaki nang makitang kulang kami sa kutsara ay nginitian niya ako.

"Kukuha lang akong kutsara sa ibaba. Kulang, eh," paalam nito at tumayo na. Pinanood ko siyang lumakad pababa ng hagdan.

Bumaba ulit ang tingin ko sa pagkain sa harapan namin. Naka-ayos na 'yon, lalo na 'yung sa'kin. Wala na akong ibang gagawin kundi ang kumain na lang. Humawak ako sa tapat ng dibdib ko. 'Di ka dapat mahulog sa mga pa-ganiyan niya, Cassandra. Baka ginagawa lang niya 'yan para maloko ka.

"Eto na!"

Natigil ako sa pagka-usap ko sa sarili ko nang umupo na sa harapan si Jayson. Malawak ang ngiti habang hawak-hawak ang kutsara. Tinanguan ko siya at nagsimula ng kumain.

"Salamat," ani ko. Inuna kong kuhanin ang balat ng manok. Sinawsaw ko 'to sa gravy at kinagat.

"You like chicken skin?"

"Yap. Favorite," pag-amin ko.

Akmang isusubo ko ang isa pang balat nang ibaba ng lalaki ang balat ng manok nito sa plato ko. Umawang ang labi ko. Balik-balik ang tingin ko sa plato at kay Jayson.

"B-ba—"

"Sinasanay ko lang ang sarili ko. Kapag kasi naging magka-relasyon tayo ay palagi ko nang ibibigay sa'yo ang balat," preteng anito.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ang kapal naman ng mukha mo para isiping magkakaroon tayo ng relasyon."

"Gwapo ang mukha ko, mahal. Hindi makapal. Saka nagsasabi lang naman ako ng totoo," anito na parang wala lang.

Inirapan ko siya.

"Sige, mahipan ka ng hangin kaka-irap," banta nito.

"Eh 'di, wow."

Nag-umpisa na akong kumain. "Wag kang mag-alala. Babayaran kita."

"Sinisingil ba kita?"

"Ayoko lang magkaroon ng utang na loob sa'yo," mapait kong ani.

Tiningnan akong mabuti ng lalaki sa mata para suriin ang buong pagkatao ko. Nagbaba ako ng tingin sa pagkain. Tumatagos sa kaluluwa ko ang mga tingin nito na hindi ko na nagugustuhan.

Ramdam kong pag-alis nito ng maiinit na tingin sa'kin.

"Hindi ko na itatanong kung bakit ayaw mong magka-utang na loob sa'kin pero hindi ko pababayaran sa'yo ang pagkaing 'yan. Anong klase na lang akong ka-date, 'di ba?" maangas nitong tanong.

Napa-iling na lang ako. Napaka-yabang talaga.

Binilisan ko ang pagkain ko.

Tumikhim ang lalaki. Hindi ko siya tiningnan. Napatigil lang ako sa pagkain nang malakas nitong binagsak ang kutsara tinidor. Nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Hindi ko alam kung bakit ka galit na galit sa'kin. Wala naman akong ginawang masama sa'yo. Gusto kong makilala ka pero ayaw mo naman," inis nitong tanong sa'kin.

"Tinatanong mo pa talaga 'yan?" inis kong tanong.

"Una paano kita pagkakatiwalaan kung pinakikita mong hindi ka dapat pagkatiwalaan?! Nang bo-body shame ka ng babae! Ikaw at nang mga kaybigan mo!" pagsisiswalat ko dito.

Unawang ang bibig ng lalaki. Tinaasan ko siya ng kilay.

"A-ahm—M-mali—"

"Walang mali sa narinig ko! Sa harapan pa talaga ng mga babae! Akala mo ba kina-cool mo 'yan?!"

Nagkamot ng ulo ang lalaki. "Nagbibiruan lang kami no'n," mahinahon niyang ani.

"Hindi magandang biro ang gano'n, Jayson. Sana naisip mo 'yon bago ka nagsalita. You have a mother and a grandmother, cousins na mga babae. Ano na lang ang mararamdaman mo kung may ibang lalaking ibo-body shame din sila?" deretsong tanong ko.

Hindi nakasagot ang lalaki at nag-iwas ng tingin.

Binigyan ko siya ng ngiting aso.

"See...so, paano kita pagkakatiwalaan niyan?"

Huminga ng malalim si Jayson, seryoso akong tiningnan sa mata Ipinatong nito ang kamay niya sa kaliwang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.

"Sige, gago ako. Mali ako sa pangbo-body shame sa mga babaeng 'yon. Sorry. Hindi ko na uulitin. I will be mindful sa kung anong lalabas sa bibig ko," seryosong anito. "Pero 'di mo pwedeng pagdudahan ang pakikipaglapit ko sa'yo. Gusto kita, Cassandra. Gustong-gusto. Kung kaylangan kong paulit-ulit na patunayan sa'yong malinis ang intension ko ay gagawin ko. Magtiwala ka lang sa'kin."

Nakatitig ako sa mata ng lalaki. Wala akong mabasang pagkukunwari duon. Lahat ay katotohanan.

Binalot ng matinding takot ang dibdib ko. Paano kung mali pala ako ng nababasa sa mga mata niya?

Binawi ko ang kamay ko at itinago sa ilalim. Huminga ako ng malalim, sabay iwas ng tingin. Nang kalmado na ang loob ko ay saka lang ako tumingin sa kanya.

"H-hindi ko alam, Jayson...natatakot ako," pag-amin ko. Pagak akong tumawa. "Ayokong magkamali..."

"Love is a risk, Casey. I don't know what will happen after this too. But I'm willing to risk, are you?"

Am I ready to risk?

Hindi ako nakasagot. 'Di ko rin naman kasi alam ang sagot. Hindi ko alam kung handa ba akong sumubok kasi...may utang na loob pa nga akong kaylangang bayaran kina Uncle. Pag nalaman nila 'to, baka patigilin na nila ko sa pag-aaral na 'di pwedeng mangyari. Dalawang taon pa para maka-graduate ako. Dalawang taon pa.

Nagpatuloy akong kumain at hindi na nag-angat pa ng tingin sa kanya.

Narinig kong nagbuntong hininga si Jayson at nagpatuloy na rin sa pagkain. Kinaka-usap pa rin naman niya ko pero tango at iling lang ang sagot. Hanggang sa natapos kaming kumain ay tahimik ako.

Magkatabi kaming naglalakad palabas ng Jollibee. Lumakad kami papunta sa sakayan ng jeep sa tapat ng minisipyo. Ang mga dadaanan ng jeep ay BSU, Robinsons, Malolos Bayan kaya dito sasakay.

****

NAKATINGIN ang mga classmates namin ng magkasunod kaming pumasok ni Jayson. Nakahawak pa kasi ito sa strap ng bag ko na para bang batang mawawala anumang oras. Napayuko ako dahil sa tinginan nila.

Iba ang tingin nila sa'kin ngayon, parang may halo nang galit at inis. 'Yung iba ay may panunukso pero mas madami 'yung masasama.

Hinila ko ang strap ng bag at saka naglakad papunta sa likod.

Kagat labi akong sumubsub sa lamesa.

"Akala ko ba magka-away sila?"

"Lande! Pakipot lang siguro."

"Malay mo kaya nagsusungit kasi gusto niya talagang mapansin siya, 'di ba?"

"Nasa loo bang kulo!"

Mas lalo kong idiniin ang ulo ko sa bag. Pwede bang mabingi na lang ako? Ayokong marinig ang mga sinasabi nila.

"Gurl, ba't kayo magkasama ni Jayson?" pabulong na tanong ni Jeryln. Umupo ito sa tabi ko.

Tinagilid ko ang ulo ko para tingnan siya.

Malambot ang mata niyang nakatingin sa'kin. Nagtatanong kung okay lang ako. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti.

"Nagkita lang kami sa bayan," pagsisinungaling ko.

Tinaasan niya ako ng kilay na para bang sinasabing hindi siya naniniwala. Huminga ako ng malalim.

"'Yon lang 'yun, Jer. Wala nang iba," pamimilit ko.

Ngumiti ito. "Weh?!"

Kumunot ang noo ko. "Bakit, ano bang alam mo?"

Maloko siyang ngumiti sa'kin tapos inilabas ang cell phone. Itinapat niya sa'kin ang screen. Tiningnan ko 'yon. Para akong nakakita ng multo sa nakita ko.

Inagaw ko ang cellphone sa kanya. Ni-zoom in ko ang larawan. Umawang ang labi ko. Inis na tiningnan ko si Jayson na ngayon ay nakikipag-kwentuhan sa kaybigan na si Kyle. Ibinalik ko ang tingin sa phone at tiningnan iyong mabuti.

Kaming dalawa ni Jayso kanina sa Jollibee, magkaharap kami nito at seryosong nag-uusap. Napalunok ako. Nakahawak pa ang kamay nito sa'kin.

Tiningnan ko ang babae.

"Saan mo nakuha 'to?!" kinakabahan kong tanong.

Nagtataka siyang tumingin sa'kin. Binawi ang cellphone.

"Sa BulSu Capture."

Nanlaki ang mata ko.

"BULSU CAPTURE?!"

"Oo! Hinaan mo'y boses mo nakatingin sila sa'tin!" anito.

Lumingon ako sa mga tao. Na-conscious naman ako. Lahat sila nakatingin sa'min. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Tumingin ako sa kanya, pinanlakihan ko siya ng mata.

Kinuha ko ang sarili kong cellphone. Pinuntahan ko ang page ng BulSU Capture para tingnan kung sino ang sender o ang nag-post ng picture namin ni Jayson dahil yari talaga siya sa'kin. Graduate ang mga pinsan ko sa BulSU, baka mamaya ay naka-liked din sila sa page, makita nila ang picture namin.

Chineck ko muna kung merong credit sa nagbigay pero ang nakalagay sa comment section na credit ay anonymous.

Ini-screen shot ko ang post at nag-message.

Pwede bang masuka?! Anong caption 'yan?! LQ lang pero hindi maghihiwalay.

Casey Perez: Hi, ako 'yung babae sa picture. Pwede ko bang malaman kung sino ang nagsend sa inyo ng picture na 'to?

Ikinuyom ko ang kamao ko. Ang reply lang kasi ay automatic responses. Nanginginig ang kalamnan ko. Nagu-umpisa nang balutin ng kaba ang dibdib ko.

Tinap ko ang mesa.

"Walang nakalagay kung sino ang sender," ani Jerlyn.

"Humanda sa'kin ang sender nitong picture. Sasapakin ko talaga siya!" banta ko.

Hinaplos ni Jer ang likod ko. "Kung sino man 'yan nakilala niya kayo ni Jayson. Baka naman ka-schoolmate natin o kaya ay classmate?"

"Ewan ko, pero kahit sino pa siya ay yari siya sa'kin." Gigil na kung gigil pero wala akong pake. Mas matindi pa ang gagawin sa'kin kapag umabot ito kina Auntie, mayayari talaga ako.

Pumasok na ang Guro namin sa unang subject. Nagsibalikan ang mga classmates ko sa kani-kanilang upuan at humarap sa harapan. Dahil magka-iba kami ng pwesto ay hindi niya ako nalapitan hanggang sa ika-tatlong subject namin. Nang mag-break naman ay hindi ako lumabas dahil madaming naiwang schoolworks.

Nag-angat ko ang tingin nang may bumabang pagkain sa gilid ko.

Nakangiti si Jayson. Tiningnan ko siya ng malamig ng ilang segundo bago binalik ang mata sa libro. Nagsulat ako ulit.

"Kain ka na, mahal. Ba't 'di ka nga pala nag-break? Magkakasakit ka niyan," malambing nitong pangangaral.

"Alam mo bang naka-post ang picture natin sa BulSU Capture?" malamig kong tanong nang hindi nag-aalis ng tingin sa ginagawa ko.

Umupo sa tabi ko ang lalaki.

"Oo, sinabi kanina ni Kyle sa'kin."

Tumigil ako sa pagsusulat. Nilingon ko siya. Hindi ito nakangiti, 'di rin naman nakasimangot. Hinahalo nito ang halo-halong hawak. Ngumuso ako.

"Mukhang wala kang pake, ha," inis kong puna.

Tiningnan niya ko tas nginisihan. "Ba't naman ako mawawalan ng pake? Meron kaya. Bibigyan ko ng prize 'yung kumuha ng picture. Ang ganda ng kuha niya."

Hinampas ko siya sa braso.

"Alisin mo 'yon!" inis kong utos.

"Hindi naman ako ang nag-post ah!"

"Ikaw ang dahilan kung bakit tayo nakuhanan ng gano'n. Makulit ka kasi!" paninisi ko pa.

"Makulit ako? Gusto ko lang makasabay sa pagkain ang babaeng gusto ko naging makulit pa ako. Besides, hindi ko basta-basta maalis 'yon. Hindi ako ang Admin," pagpapaliwanag nito.

Inirapan ko siya. "Wala akong pake kung anong kaylangan mong gawin para maalis 'yon pero please naman, iaalis mo 'yon at 'di pwedeng kumalat!"

Umiling siya sa'kin at inabot ang halo-halo. Tiningnan ko lang 'yon, 'di ko kinuha. Malamig 'yon. Sisipunin ako.

"Kumain ka na," ani Jayson.

"Ayoko! Mamaya may kumuha na namang picture at ipadala sa BulSU Capture! Susko! Hindi mo alam kung anong gulo ang dala no'n sa'kin!" pagalit kong ani.

Kinuha ni Jayson ang kamay ko. Ibinigay niya sa'kin ang halo-halo at ang fishball na nasa cup. Binaba ko 'yon sa kabilang table pati na ang fish ball. Seryoso ko siyang tiningnan sa mata.

"Please, Jayson. Please!" madiin kong paki-usap. "Alisin mo ang pictures na 'yon dahil malilintikan ako! Ayokong may kumalat akong issue katulad no'n!"

Naguguluhang tumingin ang lalaki sa'kin. Hindi ako nagpatalo ng tingin, matigas pa rin at final sa gustong mangyari. Bumuntonghininga ang lalaki at walang magawang tumango.

Inabot nito ulit ang halo-halo at binigay na naman sa'kin.

"Kain ka na," malambing nitong saad. "Magugutom ka niyan," dagdag pa niya.

Binigyan ko siya ng ngiting aso at kinuha ang fishball. Bahagya kong tinulak sa pabalik sa kanya ang halo-halo. Nagtataka siyang tumingin sa'kin.

"Bakit? Ayaw mo ng halo-halo?" nagtatakang tanong niya.

"Hindi naman sa ayaw pero uminom na kasi ako ng malamig kanina."

Tinaasan niya ko ng kilay, nagtatanong sa'kin. Huminga ako ng malalim.

"Kasi po ay may allergic rhinitis ako. Minsan kapag sobrang lamig, sinisipon ako. Kapag uminom ako ng sobrang lamig o madaming malamig o mainit, sinisipon ako. Nakasinghot lang ng alikabok o pollen, sinisipon na ako. Kaya maingat ako sa kinakain at ginagawa ko," pagpapaliwanag ko.

"Ah! So, mahirap ba?" curious nitong tanong.

Tumango ako. "Oo naman kasi kaylangan palagi akong may dalang tissue o panyo. O kaya naman, mag-mask para hindi makasinghot ng alikabok."

"May iniinom kang gamot diyan?" tanong nito at sumubo ng halo-halo."

"Cetirizine."

"Anong nangyayari sa'yo kapag sinisipon ka? Nilalagnat gano'n?"

Umiling ako. "Depende, minsan kapag light lang. Sipon lang talaga siya, as in tubig lang pero kapag ka matindi 'yung sipon ko sinasamaan ako ng katawan. Last time na inatake ako ay hindi ako makapag-stay sa malamig na lugar kasi sinisipon ako. Pinaka-worst na nangyari sinamaan ako ng katawan. Sobrang bigat ng pakiramdam ko no'n, para akong may lagnat na wala. Tapos hinihingal pa ako kasi may asthma ako dati! Ilang araw akong gano'n dahilan kung bakit 'di ako nakapasok at nakapag-trabaho," mahaba kong paliwanag.

Tumango siya sabay haplos sa pisnge ko.

"Ang lakas-lakas naman nang Casey ko. Dapat kumain ka ng masustansya para 'di ka na sipunin ulit," anito.

Iningusan ko siya. Ang kamay naman nito ngayon at ginugulo ang buhok ko na inis ungol ko.

"Tama na!" asar kong pigil pero hindi siya tumigil. Tinawanan niya lang ako at mas ginulo pa ang buhok ko. Iniwas ko ang ulo ko.

"Jayson!"

"Cassandra!!"

Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan 'yon ng mahigpit para mapigil. Pinandilatan ko siya pero ang loko ay pinagsaklop ang daliri namin. Nakataas sa ere ang kamay namin, para tuloy kaming sweet na lovers na tinitingnan kung fit ba sa isa't isa ang kamay namin.

"Alam kong matigas ang kamay ko kaya bitawan mo na," ani ko.

Inilingan niya ako at inilapit pa sa mukha niya ang kamay namin. "Ibig sabihin masipag ka kaya matigas ang kamay mo...andami mo sigurong ginagawa," puna nito.

Pabiro akong umirap sa hangin.

Nginisihan niya ako.

"Bakit?" natatawang tanong niya.

"Wala lang."

"'Yung irap mo iba. Share mo naman!" anito.

Umiling ako. "Sabihin na lang natin na magka-iba tayo ng buhay na kinalakihan. Ikaw," itinagilid ko ang kamay nito. Pinakiramdaman ko ang kamay niya. "Malambot ang kamay mo...walang kalyo akong nararamdaman na ang ibig sabihin ay wala kang ginagawa sa bahay."

Nginitian niya ako.

"'Di ba pwedeng naglo-lotion lang?"

"Hindi...saka nagpunta ako sa bahay niyo, 'di ba? Nung birthday ng Mama mo. Nakita ko kung paano ka pagsilbihan ng ilang kasambahay niyo do'n. And isa pa, sorry, ah, pero para kang Mama's boy," pag-amin ko ng mahina.

Nanlaki ang mata nito.

"Hindi ako Mama's boy!" malakas nitong tutol.

Tumawa ako ng malakas ang binawi ang kamay ko. Nginisihan ko siya at saka kumain.

"Hindi nga ako mama's boy! Hindi!" pamimilit pa niya.

Nagkibit balikat ako at 'di na siya sinagot. Ngumiti na lang ako at paminsan-minsang tumitingin dito. Sinisimangutan niya lang ako at saka ipipilit na hindi daw siya Mama's boy. Nginisuan niya ako na parang bata.

Hanggang sa nagbalik na ang iba naming kaklase na may kakaiba pa ring tingin sa'min nang maabutan kaming magkatabi sa upuan. Nakakahiya na palagi silang nakatingin sa'kin ng gano'n.

Natapos ang araw ko na masaya. Hindi ko akalaing magiging masaya pa ako. Nakalimutan ko ang bigat ng dala kong problema. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro