Chapter Six
CHAPTER SIX
HINDI mawala sa isip ko ang Sinabi ni Jayson kahapon, puno ng sincerity ang boses nito. Ibinaba ko ang hawak kong ballpen at sumubsub sa table ko. Pumikit ako ng mariin. Paano ako makakapag-aral neto kung lumulutang ang isip ko sa kung saan-saan?
Masamang impluwensiya sa'kin ang lalaking 'yon, hindi dapat ako nagsasama at lapit sa kanya. Tingnan mo ang nangyayari sa'kin ngayon. Walang focus.
Umiling ako.
"Cassandra Elina, umayos ka please? Ayos!" binigyan ko ang sarili ko ng mahinang sampal. Ngumiti ako. "Kalma ka lang. Isip ka ng mabuti please."
Kinuha ko ang cellphone ko sa gilid at nag-online. Nag-pop up ang mga messages sa messenger ko. Ewan ko kung anong pumasok sa utak ko para magpunta sa facebook at i-search ang pangalan ni Jayson.
Bumungad sa'kin ang napaka-daming Jayson Bondoc na malapit dito sa'min pati na rin 'yung mga hindi ko kilala.
Nagi-scroll down ako pababa ng mag-pop up ang pangalan ni Jayson sa messenger ko. Sa messages request. Mabilis kong i-exit ang app at nagpunta sa messages. Bumungad sa'kin ang sandamakmak na mga groups at pati na rin 'yung ibang messages galing sa classmates at kakilala.
Binuksan ko ang message ni Jayson.
Jay Bondoc: hellu! Nakita ko rin peysbuk mo. Pansinin mo naman akue.
Jay Bondoc: Cassey! Aksep mo ko.
Jay Bondoc: d ka online?
Jay Bondoc: galit ka ba sa sinabi ko kahapon?
Jay Bondoc: sorry na wag na ikaw galet
Jay Bondoc: miss u.
Jay Bondoc: jok, baka inde mo na ko pansinen
Jay Bondoc: saan ka?
Madami pang na-send na message ang lalaki pero 'di ko na binasa lahat. I accept his request. Nakita ko ang green sa itaas ng pangaan nito na indikasyon na online ang lalaki. Pinindot ko ang picture nito at nagpunta sa main profile nito.
Ang profile picture ng lalaki ay topless at nakatayo sa may gilid ng pool. Nakahawak sa buhok ang lalaki. Ang cover photo nito ay family picture nila.
May lahi pala siyang Chinese?
Wow, ang ganda ng mama niya ha.
Pagkatapos ko siyang i-stalk ay nag-reply na ko sa messages niya. 'Di ako pala reply pero I feel obligated to answer him.
Casey Perez: na-aksep na kita. Huwag mo na lang ulitin 'yung sinabi mo kahapon. Miss miss ka diyan napaka mo!
Casey Perez: nasa bahay pa ako. Mamaya pa ang pasok ko kaya dito muna ako.
Wala pang isang minuto ay nag-seen na kagad ang lalaki. Nag-type ito ng ire-reply.
Jay Bondoc: sa peysbuk pa. tenkyu mahal 😘❤
Casey Perez: di ka naman nag-add. Anong mahal?! 🤨
Jay Bondoc: mahal ko!
Jay Bondoc: ayan! Kinilig 🤣
Parang nagkamali ako sa pag-accept ng message request nito ah. Umiling ako at pinatay ang wifi ng cellphone ko tapos ipinatong sa gilid. Binalikan ko ng tingin ang ginagawa kong lesson plan.
Alam ko na sa sarili kong 'di ko matatapos 'tong ginagawa ko kaya nagligpit na ako. Inilagay ko lahat ng gamit ko sa bag at pinatong 'yon sa may kama. Pagkatapos kong ligpitin ang mga kalat ko ay nagpunta na ko sa banyo.
Naligo ako na hindi gaanong binabasa ang braso ko. Lumabas ako ng banyo na nakatapis ng towel. May sarili akong banyo dito sa kwarto ko. Maliit pero mapapagtiyagaan na. Sinuott ko ang uniform ko at nilinis ang sugat ko.
Medyo naghilom na pero masakit pa rin ng konti. Kinuha ko ang gauze sa gilid at nilagyan ang sugat ko. Napangiti ako ng matapos ako. Inayos ko ang sarili ko't nagpunta sa harapan ng salamin. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok.
Lumabas ako ng kwarto at naglakad papunta sa sala. Nakita ko si Danilo na nanunuod ng TV pati na si KZ at Tita na naglilinis ng kuku. Yumuko ako.
"Aalis ka na, Ate?"
Napakagat ako't napahinto ng marinig si Danilo. Lumingon ako.
Tipid ko siyang nginitian. "Oo, aalis na ako."
Malawak siyang ngumiti. "Ingat ka, Ate."
Tinanguan ko siya tapos bumaling sa mag-ina. Tumango lang ako sa kanila. Halos takbuhin ko ang labas ng bahay nila para lang makaalis na. Pumara ako ng tricycle.
"Bayan?" tanong ng driver.
Umiling ako. "Sa may Iba po, Sa BulSU."
Tumango ito. "Sige."
Sumakay ako sa loob at niyakap ang bag ko. Binuksan ko ang phone at nag-check ng messages. Si Uncle ay may message sa'king umuwi daw ako ng maaga, si Ate Clea naman ay nangangamusta.
Nireplayan ko silang dalawa.
ISANG oras pa bago ang klase nang makarating ako sa school. Nagpahatid na ako sa tapat ng building dahil nakakatamad maglakas mula sa gate papasok. Ang haba-haba kaya ng lalakarin at may pagkamainit na pa ang sikat ng araw.
"Hi, mahal!"
"Ba't 'di mo ko pinapansin, mahal?"
"Mahaaaaal..."
Pumikit ako. Huwag mong pansinin, Cassandra. Wag please. Wag kang lilingon.
Dinalawang hakbang ko ang pag-akyat sa hagdan. Mula sa likod ay rinig ko ang pagtakbo nito para maabutan ako. Kinagat ko ang labi ko.
Tumapat ako sa ikalawang pinto ng classroom namin. Binuksan ko 'yon saka pumasok. Umupo ako sa pwesto ko. Mabilis na nakatabi sa'kin ang lalaki. Hinawakan niya ko sa braso.
"Sama ka sa'kin maya?" alok nito.
"Saan?" nagtatakang tanong ko.
Nginitian niya ako. "Basta! Mamaya mo na malalaman, pero ano? Sasama ka ba sa'kin?"
"Saan muna?"
Sinimangutan ako ng lalaki. Binitawan ang braso ko at inilapit ang bibig sa tenga ko. Napa-iksi ako.
"WHOA!!"
Tinulak ko ang lalaki at pinandilatan ng mata.
"Birthday ni Mama ngayon. Punta ka," wika nito pagkaraan ng ilang minuto.
Umawang ang labi ko. "Ah, edi happy birthday kamo."
Inilingan niya ako. "Mamaya ah. Ako na sagot sa pamasahe mo pauwi at papunta."
"Ewan ko."
Umayos ako ng upo. Napatingin kami sa pintuan ng sumilip ang teacher namin sa Physical Education. Naka-suot ito ng pam-PE.
"Sir!!"
"Magle-lesson ba, sir?"
"Ayiee, na miss ka namin, Sir!"
"Hahaha."
Nagkagulo ang mga classmates ko dahil kay Sir. Paano kasi, siya ang pinaka-close naming teacher—I mean nila. Close sila, mabait kasi si Sir at madalas kabiruan ng klase kaya gano'n. Mataas din magbigay ng grades at iniintindihi ang bawat estudyante.
"Labas kayo, punta sa court. May papanuorin kayong sayaw." Utos ni Sir.
Mabilis namang kumilos ang mga classmates ko. Nagkatinginan kami ni Jayson, nginitian niya ako kasabay ng paglalahad ng kamay niya sa harap ko.
Tinabig ko 'yon.
"Alis!" mariin kong wika bago nilagpasan ang lalaki.
Nang makita si Jerlyn na papalabas ay sumabay ako sa kanya. Gulat na napalingon sa'kin ang babae.
"Sabay ako," mahinang wika ko.
'Di na siya nagsalita at basta na lang humawak sa braso ko. Nagpunta kami sa court. Ilang hakbang na lang ang layo namin ay rinig na rinig na ang ingay galing do'n. Halos mapuno na ang bleachers.
Inilibot ko ng tingin ang mga mata ko, naghahanap ng pwede naming ma-upuan. Nang may makitang pwesto ay hinila ko ang damit ni Jerlyn.
"Ow?"
"Ayun oh." Tinuro ko ang pinakamataas na part ng bleachers. Hinila ko siya papunta do'n.
Inalalayan ko si Jer papanik at saka ako sumunod, may ilan pa kaming classmates na tumabi sa'min. Umupo ako.
Nahiyawan ang lahat ng estudyante ng pumasok sa loob ang dalawang grupo. Hmm... basketball lang pala. Anong gagawin namin? Manunuod at uubusin do'n ang oras?
"EWAN ko talaga kay Sir. Sana pala nag-stay na lang tayo do'n sa room. Ang jinit-jinit dito," reklamo ni Jerlyn.
"Oo nga," sang-ayon ko.
Paano kasi'y nakakadalawang quarter na ang mga manlalaro. Criminology at BSED ang naglalaro.
"Kyah!!! Go Kolin!!!!"
"HAAAAAA! KOLIIIIN!!! GALINGAN MO!!!"
Napatakip ako sa tainga ko ng sumigaw si Jerlyn. Nagtatalon pa ito dahil nakaka-shoot si Kolin, criminology student pero mas mukhang criminal, charot!
"Number Eight!!! Aylabyuuu daw sabi ni Cassandra!!!"
Nahamapas ko ang babae dahil sa sinabi nito. Namumula ang mukha kong tumingin sa mga nasa ibaba namin. Nakalingon ang ibang babae at tinataasan ako ng kilay.
"Hoy Jerlyn! Tigilan mo ko!" madiin kong ani dito.
Nag-iwas ako ng tingin sa ibang estudyante at ibinalik ang tingin sa mga naglalaro, pero sakto namang nakatayo sa may gilid ang number eight na nakatingin sa'min. Itinakip ko ang kamay ko sa mukha ko pero kilig na kilig sa gilid ko si Jerlyn.
Pahamak talaga.
"May gusto ka ba sa lalaking 'yon?"
Napahawak ako sa dibdib ko ng marinig na may madiing nagsalita sa gilid ko. Namimilog ang matang tiningnan ko si Jayson. Seryoso ang mukha nito.
"Ngayon, sigurado na kong may lahi kang kabute!" hinampas ko siya sa braso pero hindi siya natinag.
Hindi ko man lang namalayang naka-upo na pala ang lalaki sa tabi ko. Inirapan ko siya at akmang tatayo ng hawakan niya ko sa braso. Hinila niya ako pa-upo.
"Tinatanong pa kita. Gusto mo ba ka ko ang lalaking 'yon?"
"A-ano?"
"Nagsabi ka ng I love you sa naka number eight na jersey! Sinigaw ni Jerlyn!" naiinis nitong ani.
Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Napalingon ako kay number eight na ngayon ay nagde-defense. Nilingon ko ang lalaki.
"Patola ka masyado!"
"Wag mo nga akong ganyanin at sagutin mo ko ng ayos!"
Inilingan ko ang lalaki, mahirap makipag-usap sa hindi marunong umintindi. Inirapan ko siya at marahas na binawi ang braso ko. Bumaba ako ng bleachers. Sasabihin ko na lang kay Sir na masama ang pakiramdam ko.
SAKTONG five pm ay nagsi-uwian na kami. Palabas na ko ng campus ng mapansin kong nasa may guard house si Jayson at mga kaybigan nito. Mukhang may hinihintay. Nagtama ang mata namin ng lalaki.
Ako ang unang nagbawi ng tingin. Tuloy-tuloy akong naglakad palabas.
"Casey!!"
Hindi ako lumingon.
"Cassandra!!"
"Pre, snoberist."
"Wala daig ka pre!"
Binilisan ko ang paglalakad ko ng lumingon ako. Tumatakbo na kasi ang lalaki. May paalis ng trike na dalawa lang ang sakay.
Napahinto ako ng hablutin na naman ni Jayson ang braso ko't ihinarap ako sa kanya.
"Hatak ka ng hatak!!" inis kong sigaw.
"At sa'kin ka pa talaga galit ha?! Tatakasan mo pa ko kahit alam mong isasama kita sa dinner sa bahay, birthday ni Mama!" pagdidiin niya.
Huminga ako ng malalim.
Napakamot ako sa likod ng tenga ko. Mukhang wal akong takas sa lalaking 'to. Ang galing mamilit. Hinila niya ako pasakay sa may kalakihang tricycle at pinapasok sa loob. Sumunod siya.
Padabog kong binawi ang braso ko at sumandal sa upuan. Tumingin ako sa labas. Nakita ko sa gilid ang pagsakay nina Kyle at Kiel sa likod. Umirap ako.
Nilingon ko si Jayson, nakatingin rin siya sa'kin. Inirapan ko siya at isiniksik ang sarili sa gilid.
Walang nagpansinan sa'ming dalawa hanggang makarating kami sa Purok Nueve ng Sta. Monica. Huminto kami sa tapat ng isang malaking gate. Naunang bumaba si Jayson at sumunod ako. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid.
Nakita kong nag-abot ng bayad si Jayson sa driver. Ewan ko kung pang sa'ming apat na ba 'yon o sa dalawa lang.
Tumingala ako sa langit. Nagtatalo na ang araw at dilim. Nagpadala ako kay Jayson nang hilahin niya ko papasok sa loob ng gate.
Hindi ko maiwasang mamangha, ang laki pala ng lupa dito. Pag kasi nadadaaanan ko 'to ay laging gate lang ang nakikita ko at mataas pa ang bakod.
May malaking bahay din sa pinaka-dulo. Do'n kami naglakad.
"Pre, anong handa ni Tita?" tanong ni Kiel.
"'Di ko alam, nung umalis ako kanina naghahanda pa lang sila nagluto."
Inakbayan ako ni Jayson ng makarating kami sa loob ng bahay nila. Napalunok ako sa dami ng tao. Mga Chinese at Pilipino. Pustura pa lang ay alam mo ng may mga sinasabi sa buhay.
"Andito na pala si Jayson!"
Dumako ang mata ko sa kusina nila. Nakatayo sa may gilid ng mesa, may kausap na mga babae rin na siguro'y kumare nito.
Nagtama ang mata naming dalawa. Kumunot ang noo nito at bumaha ng pagtataka ang kanyang mukha pero kaagad ding naglaho 'yon at napalitan ng ngiti... pero hindi na siya sa'kin nakatingin.
Dahan-dahan lumingon ako sa katabi ko. Nakangiti si Jayson at nagwa-wave sa Ina nito.
Naglakad palapit sa'min ang Ginang.
"Yari galit yata si Momzilla," bulong ni Kyle na nakarating pa tin sa tenga ko.
Lumingon ako. "Bakit?" pabulong ko ring tanong.
Hindi na sumagot ang lalaki dahil nasa harapan na namin ang Ginang. Taas kilay nitong tiningnan ang kamay ng anak niya sa balikat ko. Napalunok ako. Inalis ko ang kamay ni Jayson sa balikat ko at medyo lumayo.
"Hi, Tita!" bati ni Kiel at bumeso dito.
Sumunod si Kyle.
"Tita, happy birthday po!" bumeso rin ito.
Hindi naka-iwas sa mata ko ang pag-ngiwi ng Ginang nang halikan ito sa pisnge. Lumayo ang dalawang lalaki.
"Happy birthday, Ma!" lumapit si Jayson sa ina niya at hinalikan ito sa pisnge. Bumaba rin ang kamay niya sa bewang nito.
"She's Casey, Ma and I'm courting her."
Nanginig ako sa sinabi ni Jayson, proud pa ang tono nito. Lumunok ako dahil sa pinaghalong hiya at pangamba.
Umusad ako sa likod.
"And Casey, this is my mother Ai Ju Wang." Inabot nito ang kamay ko.
Hindi sumagot ang Ginang at mapanghusgang tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Napayuko ako.
"Eat. There." Tipid nitong wika.
Nakakapangliit.
Hinila ako ni Jayson papunta sa lamesang may pagkain. Nakasunod sa'min ang dalawang lalaki.
Kumuha ng plato si Jayson, inabot sa'kin ang isa at binigyan rin ang dalawa.
"Kumain ka ng pansit para humaba buhay mo!" pabulong na pang-aasar ng lalaki sa kaybigan.
"Baka mauna ka pa ngang mamatay sa dami ng bisyo mo!"
"Ulul! Mauuna ka kasi adik ka!"
"Gago!"
"Shhh! Pag narinig kayo ni mama paniguradong magagalit siya!" pagpapatigil ni Jayson sa dalawa.
Nag-peace sign ang dalawa dito.
Ipinaglagay niya ako ng pagkain sa plato ko.
"Ano pang gusto mo?" tanong nito.
Tumingin ako sa mga handa, 'di ko naman alam kung anong tawag sa mga 'yon dahil ngayon lang ako nakakita at Chinese food pa sila.
"K-kahit ano na lang."
Mahinang sabi ko. Hiyang hiya pa rin ako dahil sa paraan ng pagtingin sa'kin ng Mama ng lalaki. Sana pala'y 'di na ako sumama kung ganito lang din ang mangyayari.
"Jié sēn, tā bù shìhé zuò nǐ de nǚ péngyǒu. Zé! Kànzhe tā! Tā kàn qǐlái yǐjīng sǐle, cāngbái de pífū hé zuǐchún, yǎndài. Pēi." Malakas na sabi ng Ina ni Jayson. (Jayson, she doesn't fit to be your girlfriend. Tsk! Look at her! She looks dead already, pale skin and lips, eye bags! Yuck!)
Hindi ko naintindihan ang sinabi ng Nanay ni Jayson pero ramdam ko ang matatalim na may panghahamak nitong tingin. Tuluyan na akong napayuko. Nagtawanan pa ang mga kasamahan ng Ginang na naka-intindi ng Chinese.
Tumigil sa pagkuha ng pagkain si Jayson para lingunin ang Ina. Masama ang tingin.
"Māmā, bié shuōle! Wǒ zài zhuīqiú tā, nǐ huì zūnzhòng wǒ de juédìng! Ràng tā ānxīn chīfàn. Ràng tāmen ānxīn chīfàn ba!" (Mom, stop it! I'm courting her and you'll respect my decision! Let her eat in peace. Let them eat with peace!)
"Děng nǐ nǎinai zhīdào zhè jiàn shì." (Wait until your Grandma knows about this.)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro