Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Nine

CHAPTER NINE

MAGULONG bahay ang sumalubong sa'kin pagka-uwi ko galing eskuwela. Nagkalat ang mga unan at kung ano-anong balata ng chichirirya. Ibinaba ko ang bag ko sa may gilid ng hagdan. Tumingin ako kung may tao sa taas pero wala naman.

Paanong nagkakalat dito?

Bumuntonghininga ako. Alas-kuwatro pa lang ng hapon, kaya siguro walang ibang tao. Nag-umpisa na akong mag-linis. Pinulot ko lahat ng plastic at tinabon sa basurahan. Kinuha ko ang mga throw pillow na nagkalat saka pinagpagan at inayos ng lagay sa couch. Nagwalis-walis na din muna ako.

Nang matapos ako ay pumunta na ako sa kusina dala-dala ang bag ko. Nagsalang muna ako ng sinaing, tapos ay pumasok na ko sa kwarto para makapagpalit ng damit. Sinuot ko 'yung lumang shorts ko at t-shirt.

Lumabas ako para makapagluto ng ulam. Kumuha ako ng sitaw sa ref at pati na rin 'yung kalabasa. May biya na galing bukid, sariwa pa at masarap iluto sa ginataan 'yon. Linis naman na ang isda, kelangan na lang linisan ulit at asinan. Pinangat ko muna ang biya tapos niluto na sa gata. Nilagay ko ang kalabasa para masarap.

"Cassandra!!!!"

Muntikan ko nang mabitawan ang hawak kong sandok dahil sa gulat. Lumingon ako sa may pinto. Nakatayo do'n si Tita, galit na galit ang mga mata. Napalunok ako. Nanginginig kong ibinaba ang sandok at lumapit dito.

"B-bakit po?" kinakabahan kong tanong.

Malakas niya akong hinampas sa braso na kina-igik ko. Umatras ako at gulat na tumingin dito.

"PATANONG-TANONG KA PANG PUTANGINA KA?! ANG KALAT-KALAT SA LABAS!! NI HINDI MO NAISIP NA MAG-LIGPIT?! PERWISYO KANG BATA KA!" gigil niyang sigaw sa'kin.

"A-ano po? N-nagligpit ako pagdating na pagdating ko," puno ng kalituhan kong saad. Lumabas ako ng kusina, dumaan ako sa likod para hindi na masaktan ni Auntie. Pagdating ko sa loob ng sala ay bumagsak ang balikat ko.

"P...paanong—" Puro kalat ang salas. 'Yung mga winalis ko kanina ay nakakalat ulit, ang mga unan ay kung saan-saan nagkalat.

Bumaling ang mata ko sa nakatayo sa may gilid ng hagdan. Naka-cross arm pa at ngisi sa'kin. Tumiim ang mukha ko nang tumingin ako sa kaniya.

Siya ang may gawa nito. Ikinalat niya lahat ng niligpit ko kanina!

"Ayan! Puro ka kasi landi! NAPAKA-TAMAD MONG BATA KA! MANANG-MANA KA SA NANAY MO!!" sigaw ni Auntie.

Napayuko ako nang hablutin niya ang buhok ko.

"A-Auntie...tama na po!" nagmamakaawang sigaw ko. Hawak-hawak ko ang kamay nito para hindi masyadong mahila ang buhok ko pero walang nangyari. Mas dumiin pa ang hawak niya. Sinabayan na din nito ng hampas, sampal, sipa at tadyak ang pananakit niya. Mas tumindi pa ang mga masasakita na salita.

"WALA KANG PAKINABANG SA BAHAY NA 'TO! SANA NAMATAY KA NA LANG DIN! SANA SINAMA KA NA NG MAGALING MONG NANAY!! HINDI NAG-IWAN PA SA'MIN NG PALAMUNIN! WALANGHIYA KANG BATA KA!!"

Hindi na ako nanlaban at hinayaan na lang siya sa gusto niya. Wala rin naman akong magagawa.

KINAGABIHAN, umiyak ako ng umiyak. Dahil sa pambubugbug ni Tita ay nagkaroon ako ng pasa sa katawan. Madami.

"Ma...sana sinama niyo na lang ako...sana namatay na lang din ako," umiiyak kong hiling habang nakatingin sa picture namin.

"Ayoko na dito..."

Napatigil ako sa pag-iyak nang may kumatok sa pinto ng kuwarto. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Bumangon ako at binuksan ang pinto. Wala nang tao pero may nasagi ang paa ko. Bumaba ang tingin ko. Ice pack...Danilo.

Gumising akong parang lantang gulay kinabukasan. Nagtatanong na nga ako sa Diyos kung bakit kaylangan pa niya akong gisingin sa araw-araw lalo na't ganito rin naman pala ang mapapala ko. Puro sakit at pagdudusa lang naman.

Napahinto pa ako sa akmang pagpasok ng kusina nang makita ko si Uncle na nakatayo sa harapan ng kalan. Mukhang nagluluto. Mabilis akong lumapit sa kanya nang makabawi.

"Uncle! Ano pong ginagawa ninyo? Ako na po diyan," agaw ko senshi pero hindi nito ibinigay bagkus, itinuro nito ang upuan.

"Mag-usap tayo," seryosong sabi nito.

Napalunok ako. Lumingon ako sa may pinto. Baka kasi nandon si Auntie, mapagalitan pa ako dahil asawa niya ang nagluluto imbis na ako.

"Narinig ko sa kapit bahay na binugbug ka daw ng Auntie mo kahapon," panimula nito. Tumingin ako sa kaniya.

Nag-init ang mga mata ko, pero hindi ako sumagot. Humahapdi na ito dahil sa sobrang pag-iyak.

Umupo ito sa harapan ko.

"Pagpasensyahan mo na lang ang Auntie mo, Casey. Alam mo namang matanda na 'yon. Stress na. Wag ka na sanang magtanim ng sama ng loob."

Tumulo ang luha ko dahil sa sinabi nito.

"U-Uncle...wala naman, ho, eh," sagot ko.

"Sa susunod kasi ay maglinis ka ng bahay ha. Alam kong masipag ka pero sipagan mo pa. Ako na nagluto ngayon para makapagpahinga ka. Sige na, pumasok ka na sa kwarto mo't maligo. Tapos eto." Inabot niya sa'kin ang dalawang libo. "Baon mo na 'yan, ha. Wag mo na lang sabihin sa Auntie mong binigyan kita," paalala niya.

Pumikit ako ng mariin at tinanggap ang dalawang libo. Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti dito.

"S-salamat po, Uncle..." ani ko bago tumalikod at naglakad papuntang kwarto. Pagkasarado ko ng pintuan ay sumandal ako. Pipi akong umiyak habang daladala sa dibdib ang dalawang libo.

Bakit ang bigat bigat sa dibdib na tanggapin ang dalawang libo?

Lumabas ako ng kwarto na naka-ayos na. Napatingin pa sa'kin si Auntie. Inirapan niya ako. Yumuko ako at lumabas ng bahay. Nakita kong nagkakape si Ate Clea sa may terrace. Lumapit ako dito.

"Ate...aalis na po ako," mahina kong paalam.

Tiningnan niya ako saka tumango. "Saglit, wag kang aalis," malamig nitong ani.

Yumuko ako at naghintay. Pumasok ito sa loob ng bahay at paglabas ay may hawak na sa kamay. Inabot niya ang cellphone ko.

"Ayan na. Sa susunod wag kang makikipagtawagan sa gabi, Cassandra. Tapusin mo muna 'yang pag-aaral mo saka ka mag-boyfriend-boyfriend. Baka mamaya niloloko ka lang ng lalaking 'yan," paalala nito sa'kin.

Ngumiti ako sa kanya. Madali kong kinuha ang cellphone sa kamay niya.

"Opo, Ate!! Salamat po!" ani ko.

Sinenyasan niya lang akong umalis kaya sunod-sunod akong tumango. Lumabas ako ng gate at nakangiting tiningnan ang cellphone ko. At least nasa akin na ulit ang phone ko. Sumakay ako ng trike sa may tulay.

*****

"MA, sobrang miss na miss ko na po kayo," ani ko habang inaalisan ng dumi sa may lapida nila Mama at Papa. Pinunasan ko pa ng wipes ang lapida. "Mama, pag naka-graduate ako promise ko ipapalipat ko na kayo. Hindi na po dito na palaging binabaha."

Ngumuso ako. Sorry naman, totoo naman kasing laging binabaha ang sementeryo dito. Buti na nga lang at tinaasan na 'yung mga daan para makapunta, eh, pero 'di pa rin maiwasan na maano kasi nabababad 'yung mga nitso.

Huminga ako ng malalim.

"Masama po bang mapagod ako kina Auntie, Ma? Masama po ba 'yon? N-nahihirapan na po kasi ako," hindi ko napigilan ang pagpuyok.

Tumingala ako para pigilin ang luha sa mata ko.

Tumikhim ako.

"Sobrang hirap kasi, Ma. A-ako lang 'yung pamilya turing nila per s-sila hindi naman p-pamilya turing sa'kin," pagsusumbong ko.

"Ang sakit-sakit, Mama. Mama, ang sakit-sakit na." Hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Sinapo ko ang mukha ko.

"Sana kasi sinama niyo na lang ako. Sana hindi na lang ako nakaligtas. Pagod na ako, Ma. Pagod na ako." Gusto ko na lang umalis sa bahay nila Auntie, hindi ko na tatapusin ang pag-aaral ko at magtrabaho na lang para makabukod pero...pinangako ko kina Mama na makakapagtapos ako...pinangako ko.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Huminga ako ng malalim bago pilit na ngumiti.

"Wag kayo mag-alala...Mama. Kaya ko po 'to. S...syempre anak niyo ko kaya kakayanin ko 'to." Sige, Cassandra. Ikaw na lang din ang magpalakas ng loob mo.

Self-love nga kasi ang self-support. Saka if hindi ko iaahon ang sarili ko sa nararamdaman kong 'to. Sino na lang ang mag-aahon sa'kin, 'di ba?

"Papa, nakikita mo po ba 'yung nangungulit sa'king lalaki sa school? Pwedeng paki-multo mo siya para tigilan na ako kasi ayoko talagang magpaligaw siya lang 'tong maulit," pagsusumbong ko.

Huminga ako ng malalim. Ano kayang pakiramdam nang magkaroon ng isang buong pamilya? 'Yung may Nanay, may Tatay, may kapatid...kasi...kapag nakikita kong nakikipag-lambingan si Uncle kay KZ, Ate Clea o Danilo hindi ko maiwasang mainggit.

Pumikit ako ng mariin.

"Anong ginagawa mo dito?"

Mabilis akong lumingon sa nagsalita sa likod. Inirapan ko siya.

"Nakikipag-date," sarcastic kong sagot.

Nginisihan ako ng lalaki. Lumakad siya palapit sa'kin at umupo sa tabi ko. Nakita ko ang pagbukas-sara ng bibig nito. Binabasa yata ang pangalan ng mga magulang ko. Inayos ko ang sarili ko.

"Ang ganda naman ng pangalan ng Mama mo, Elizabeth S. Perez," puri nito.

Ngumiti ako. "Syempre, bagay sa magandang mukha ang magandang pangalan," proud kong sagot.

Nagtama ang mata namin at matamis niya akong nginitian. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Ako ang unang nag-iwas ng tingin.

Sinampal ko ang sarili ko sa isip ko. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit kung tumitibok ng malakas ang puso ko?

"Crisostomo L. Perez. Mukhang gwapo Papa mo," pambobola nito.

Inirapan ko siya. "Wag ka ngang feeling close sa mga magulang ko," masungit kong sagot bago siya tiningnan ng masama. "Hindi ba pwedeng umalis ka na lang? Para kang kabute, sulpot ng sulpot kung saan-saan."

"Wag mo naman akong awayin sa harapan ng in laws ko! Grabe ka sa'kin. Mama, Papa tingnan niyo po si Casey, inaaway ako," parang batang sumbong nito sa mga magulang ko.

Tinaasan ko siya ng kilay at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya.

"Ang kapal mo! Anong in-laws! Baliw ka na talaga!" inis kong ani saka siya pinaghahampas sa braso.

Tumawa ng malakas ang lalaki at hinuli ang mga kamay ko. Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kanya. Nginisihan niya ako at hinila ako palapit. Umawang ang labi ko.

"Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako naging baliw, Cassandra. Binaliw mo ko," paos nitong bulong. Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko.

Lumunok ako. Binawi ko ang kamay kong hawak niya pero hindi niya naman pinakawalan. Mas lumapit pa ang mukha niya na impit kong kinatili.

"Gusto kong tikman 'yung labi mo," bulong niya.

Umiling ako. "H-hindi pagkain ang labi ko!"

"Pero bakit parang masarap kainin?"

"P-please...Jayson."

Napapikit ako ng mariin. Sumabay pa ang pagkabog ng malakas ng dibdib ko. Kung kanina malakas na ang kabog, mas malakas ngayon. Dumoble yata ang bilis.

"Please what?"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Inilayo ko ang ulo ko.

"H-huwag mo kong halikan...please!"

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa pisnge ko. Bumaba ang kamay nito sa may panga ko. Itinaas ang mukha ko. Natatakot akong dumilat, baka kung anong makita ko pagkatapos.

"Look in my eyes," bulong nito.

I shook my head.

"If you will not. I will kissed you with tongue. Do you want to experience that?" may pagbabantang anito.

Huminga ako ng malalim at dumilat. Anong kiss with tongue?! Oo nga't single ako pero hindi ako inosente sa mga gano'ng klaseng kaalaman lalo na't kaybigan ko pa si Jerlyn. Maloko at madaming ka-berdihang alam 'yon.

Nagtama ang mata namin.

Halos hindi na ako huminga dahil sa pagkalapit ng mga mukha namin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Not to provoke, ah.

"P-please...layo ka na, J-Jayson," mahina kong paki-usap.

Tumitig muna ito sandali sa mata ko bago lumayo ng kaunti. Nakahinga ako ng maluwag.

"Kung lalayo ba ako ay sasama ka sa'kin?"

"Saan naman?"

"Sa bayan. Kakain lang tayo tapos sabay nang papasok sa school."

Tiningnan koi to sa mata. Nagdadalawang isip ako dahil baka mamaya ay niloloko na naman niya ako.

Nginitian niya ako.

"Promise, hindi kita niloloko," anito.

Kahit nangangamba ay tumango ako na kinalapad ng ngiti ni Jayson. Nauna siyang tumayo at inilahad ang kamay sa harapan ko. Tumingala ako bago kuhanin ang kamay nito. Hinila niya ko patayo.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang nagpapagpag ng pang-upo.

"Kakain." Kinuha niya sa'kin ang bag ko at siyang nagdala no'n.

"Pwede ka namang kumain mag-isa nandamay ka pa," ani ko at nag-umpisa nang maglakad palabas ng sementeryo.

Sumunod sa'kin ang lalaki. Magkatabi kami at sabay naglalakad.

"Mas masarap kumain kapag kasama mo 'yung taong gusto mo," sagot nito.

Tiningnan ko siya. Nasa harap ang tingin niya. Umiling ako at tumingin sa harapan.

"Madami ka na sigurong naloko gamit 'yang dila mo, noh?"

"Napapaligaya madami, pero naloko, wala," pilyo nitong sagot.

"Yuck!"

"Anong yuck sa napaligaya? Joker ako, Casey. Napapasaya ko sila!" natatawang anito.

Hinampas ko siya sa braso.

"Anong akala mo sa'kin? Pinanganak kahapon?! Alam ko 'yang mga kalaswaang pinagsasabi mo kaya tantanan mo ko!" asik ko.

Humalakhak ang lalaki at pinisil ang ilong ko. Tinabig ko ang kamay nito.

"Ang cute mo!"

"Gago!"

Mas lalong tumawa ang lalaki. Lumiko kami palabas ng sementeryo. Mahaba-habang lakarin ito.

"Ayan!" naguguluhan akong tumingin sa kanya. "Ayan ang dahilan kung bakit kita nagustuhan! Hindi ka tulad ng ibang babae na mahinhin o kunwari boyish pero may lihim na pagtingin sa mag kaybigan," anito.

Umirap ako.

"At wala akong panahon sa mga katulad mong lalaki," mataray kong sagot at naunang maglakad. Hinabol ako ng lalaki.

Nilingon ko siya para tingnan ng masama. Nasa akin naman ang wallet ko kaya sa kanya na muna 'yung bag ko. Magkita nalang kami sa school.

"Casey, hintayin mo ko!" sigaw ni Jayson. Tinakbo ko na ang kabilang kalsada.

Pumasok ako sa may eskinita papunta sa bilihan ng mga damit at estepin. Kung hindi ka taga rito ay paniguradong maliligaw ka dahil sa dami ng sulutan. Panay ang lingon ko sa likod at tinitingnan kung nakasunod ba sa'kin si Jayson.

Ngumisi ako nang wala na ito. Lumabas ako ay nasa may tabi na ako ng Angels Burger. Naglakad ako papuntang sakayan ng jeep.

Nasa may tapat pa lang ako ng Jollibee nang may humila na sa braso ko. Mariin akong pumikit nang makita ang galit na expression ni Jayson. May pawis ito sa noo at medyo hinihingal pa.

"Ano bang trip mo sa buhay ha?! Iniwanan mo ko do'n!" bahagyang pasigaw nitong tanong.

Binawi ko ang braso ko pati na rin ang bag ko. Nakipag-sukatan ako ng tingin.

"Pano'y napaka-kulit mo—"

"Kapag ako napikon sa'yong babae ka tingnan mo!" banta nito.

Nag-cross arm ako at tiningnan siya ng masama. "Hoy! Wag mo kong pinagbabantaan ha! Harassment na 'yan!"

"Ikaw naman may kasalanan! Nilayasan mo ko do'n! Mukha akong tanga kakaikot, buti na lang naisipan kong pumunta dito!" sigaw nito.

"Ba't ba kasi ang kulit-kulit mo, sinabi ko nang ayokong magpaligaw sa'yo, 'di ba?! Dinadaan mo ko sa dahas!"

"Matigas ang ulo mo kaya ko ginagawa 'yon," malamig nitong ani.

"Hindi ka kasi marunong tumanggap ng 'No', 'yun lang 'yon."

Imbis na sagutin ako at hinila ako ng lalaki papasok ng Jollibee. Panay ang hila ko pabalik ng braso ko pero hindi naman matinag si Jayson. Mas humihigpit pa ang hawak. Nasa loob na kami at pinagtitinginan ang mga tao. Napayuko ako.

Nakakahiya! Paano na lang kung may makakilala sa'kin dito, 'di ba? Mabilis akong lumingon sa labas. Sa tapat lang naman kasi namin ang Police Station kung saan nagtra-trabaho si KZ. Baka mamaya ay makita niya tapos isumbong na naman ako.

Yari.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro