Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Fourteen

Hi, sorry natagalan ang update pero eto na po. Maraming-maraming salamat sa nagbabasa ng TOLH at sa pagsuporta. mahal ko kayo!

-------------

CHAPTER FOURTEEN

NOONG bata pa ko walang gustong makipag-kaybigan sa'kin. Hindi ko alam kung bakit ayaw nila akong kausapin. Ilang beses ko ng tinatanong ang sarili ko kung anong mali sa'kin, kasi...mabait naman ako sa kanila, hindi naman ako nang-aaway. Tumutulong ako kapag ka humihingi sila pabor pero pagkatapos nilang makuha ang gusto nila sa'kin...babalik na ulit sa dati. Hindi na nila ako papansinin na para bang hindi ako nage-exist.

At habang nakatingin kina Jayson at Jessie, parang may kung anong dumagang mabigat sa dibdib ko. Siguro kasi naiinggit ako sa samahan nila. Yes, I have Jerlyn. She treat me well and helping me to a lot of things which I'm thankful, pero may kulang talaga. May kulang na hindi ko magawang pangalanan, but now...I can see what's missing.

Love?

I can see love when Jessie is looking at Jayson, and Jayson has something in his eyes na hindi ko ma-determine kung ano.

Pero kapag ka nagkakatinginan silang dalawa nandoon ang affection, trust and love.

What a sweet friends.

Madalang ka ng makakakita ng ganiyang klaseng pagkakaybigan. Platonic relationship. Kapag kasi babae sa babae o kaya lalaki sa lalaki ang naging magkaybigan, okay lang. Walang masasabing kung ano yung ibang tao na pwede kayong maging magkarelasyon o ano. Pero kapag ang naging close friend ay lalaki at babae para bang palagi na lang itong kalakip na issue. Katulad na lang na magkakagusto yung isang kaybigan sa isa, o kaya aasarin sa isa't isa kaya natutuluyan. Mayroon kasing thin line na naghihiwalay sa friendship ng babae at lalaki.

Kapag tinawid mo ang linya na 'yon. You can never go back again. Hindi na ulit kayo pwedeng maging magkaybigan kasi may pader nang pipigil sa inyong dalawa. Kaya nakakatuwang makita silang dalawa ng ganito. Yung close at mukhang mahal talaga nila ang isa't isa.

Habang nasa byahe ay wala kang maririnig kundi ang tawanan at kulitan nilang dalawa. Nakaka-ilang na nga kasi mukha akong third wheel sa kanilang dalawa. Para lang akong wala dito sa likod kung mag-usap sila. Panay ang kiliti ni Jayson sa bewang ni Jessie at si Jessie naman ay panay ang hawak kay Jayson.

Napaka-touchy naman nilang friends. Buti na lang sinabi sa'kin ni Jayson na childhood friends sila kaya hindi ko sila mapapag-isipan ng masama. Close na close sila simula childhood kaya normal na ang ganitong bagay sa kanila. Kung sakali ngang may iniisip talaga akong masama sa dalawa at nalaman nila baka magalit pa sa'kin si Jayson, kasi mali pinag-iisipan ko sila ng masama.

Ang twenty minutes kong byahe ay nauwi sa isang oras dahil sa bagal ng usad namin. Late na kami sa pangalawa naming klase nang makarating kami sa school. Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan at walang paalam na tumakbo papasok ng University. Hindi ko na nga pinansin ang pagtawag sa'kin ng guard dahil wala akong suot ng ID sa takot na mas lalong mahuli sa klase ko. Medyo terror pa naman ang Prof ko sa GEd 204.

"BABY!! Hintayin mo ko!!"

I heard Jayson's step in my back running towards me. Instead of stopping I also run to the staircase and go upstairs. Naka-upo na ko sa upuan ko sa likod nang makitang hinihingal na pumasok sa loob ng room si Jayson, para bang may hinahanap siya sa silid at huminto ang mga matang iyon sa'kin.

Inilingan niya ako bago ngumisi. Naglakad siya palapit sa'kin.

"Baby, hindi mo naman ako hinintay," aniya saka umupo sa tabi ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Late na tayo sa second subject natin. Sa tingin mo ba hihintayin pa kita?" masungit kong tanong.

"Yes, kasi wala pa naman si sir—"

"Jayson, kahit na. Mas mabuti na yung sila ang ma-late at tayo ang may masabi sa kanila kesa naman tayo ang ma-late tapos sila ang may masasabi sa'tin. Mas matindi 'yon," I reasoned out.

Hindi na umalma pa ang lalaki. Kinuha na lang niya ang kamay ko at pinagsaklop iyon.

"Sorry po, love. Sorry na. Wag ka na magalit," malambing niyang sabi.

Tiningnan ko siya ng masama. Binawi ko ang kamay ko. "Magtigil ka nga, Jayson. May makakita pa sa'yo diyan, eh.," inis kong sabi. Inilibot ko ang tingin ko sa lugar. Baka kasi mamaya ay may nakatingin na pala sa'min at kinukuhanan kami ng picture. Malagay pa ko sa BulSU Capture.

Pero hindi naman pinakawalan ni Jayson ang kamay ko. Mas hinigpitan pa nga niya ang hawak sa'kin at pinisil ang pisnge ko tapos sa ilong. Nginitian niya ako.

"Sabay tayong kumain mamaya, ha."

Nagkibit balikat ako. "Hindi ko sure. Baka hindi naman ako kumain. Si Jerlyn ang tanungin mo baka gusto niya—"

"Tss. Bakit si Jerlyn baa ng nililigawan ko?" may pamimilosopo sa tono nito.

Marahas kong binawi ang kamay ko. "Ewan ko sa'yo! Bahala ka sa buhay mo. Wag mo kong kakausapin!" dagdag ko pa.

Umiling si Jayson at tumawa ng mahina bago ipinatong ang kamay sa lamesa. Inilayo ko ang upuan ko sa kanya para hindi kami magdikit. Nakakainis siya. Sobra! Hanggang mag-umpisa ang sumunod naming klase ay bwisit ako. Lumapit sa'kin si Jer nang matapos ang klase. Sabay kaming lumabas ng classroom.

"Anong gusto mong gawin?" tanong ni Jer nang nasa hagdanan na kami.

Nilingon ko siya. "Ewan ko. Tumambay na lang tayo." Bumaba kami ng hagdan.

"Pwede naman pero bumili muna tayo ng pagkain sa likod. Gusto kong subukan yung half long sa kanila," anito.

Hindi na ko sumagot at nagtuloy kami sa canteen. Tulad ng dati, maraming tao ang kumakain kaya nagiging kulob ang lugar. Hindi gaanong kalaki ang canteen ng Campus namin kaya masikip dito. Nakasunod ako kay Jerlyn na nagtitingin-tingin ng mga paninda. Huminto kami sa tapat ng isang tindahan na may tindang waffles. Nilingon niya ako.

"Anong gusto mo?" tanong nito.

"Wala. Busog ako," sagot ko saka hinawakan siya sa braso. "Bilisan mo yung pagbili. Napaka-init dito."

Sumimangot siya. "Abe, sandali. Wala pa nga akong napipili, eh."

"Napaka-tagal mo naman kasing bumili. Magkanin ka na lang para hindi na tayo nakasiksik dito."

"Eh, saan naman?"

"Doon sa likod. Baka magpa-luto ako kapag mura."

Inirapan niya ako. "Kay, fine." Hila-hila niya akong nagpunta sa Encantadia. Dahil nga liblib ang lugar na 'to ay hindi madalas puno at presko talaga. Pagkapasok namin sa loob ay sinalubong kami agad ni Nanay at nang kasa-kasama nito sa kainan. Nginitian nila kami.

"Pasok. Pasok. Anong sa inyo?" tanong ni Nanay.

Nagkatinginan kami ni Jerlyn, "anong sa'yo?" tanong ko.

Ngumuso ang babae. "Paluto na lang po ako ng pancit canton yung spicy tapos po isang coke at isang monay," anito.

"Sa'kin po isang tubig lang tapos karioka," ani ko.

"Gaga ka. 'Yan lang kakainin mo?"

"Oo," tipid kong sagot saka lumapit sa lalagyan kung nasaan ang bagong lutong karioka. Kumuha ako ng isang stick at nauna nang maglakad papunta sa may kubo. Umupo ako sa pinaka-unang lamesa. Ramdam kong nakasunod sa'kin si Jerlyn.

Umupo ako saka nag-umpisang kumain. Tatlong piraso lang yung karioka pero sapat na 'yon kasi mabubusog din naman ako sa tubig pagkatapos.

Sa tapat kong upuan pumuwesto si Jerlyn. Ibinaba niya ang bag niya sa lamesa at saka ako pinandalatan ng mata.

"Mamaya himatayin ka diyan! Hanggang ala-singko klase natin, babae!" sermon niya sa'kin.

"Alam ko naman," laban ko, "pero kasi nasa budget lang yung pera ko ngayon kaya kaylangan kong magtipid. Malayo pa sweldo," ani ko.

Inirapan niya ako. "Alam mo sa pagtititipid mong ganyan magkakasakit ka pa."

Ipinagkibit balikat ko na lang ang sinabi niya. Matagal ko naman na kasing alam 'yon talagang hindi lang ako pwedeng maggagastos katulad niya na may mga magulang na sumusuporta at hindi siya iiwanan sa ere. Sa'kin kasi kaylangan palagi akong may plan B o kaya plan C para hindi ako maiwang luhaan.

Kumakain na kami ni Jerlyn ng lunch namin nang biglang may tumabi sa'kin. Lumingon ako. Nakita ko si Jayson na nakangisi sa'kin. Napa-face palm ako dahil nagsisuburan ang barkada nito sa table namin.

"Mahal naman, sinabi ko nang sabay tayo nag-lunch, hindi ba? Iniwan mo naman ako," pagrereklamo ni Jayson.

"Hindi naman ako pumayag kaya huwag kang OA," ani ko.

Nginusuan niya ko bago niyakap. Isinubsub niya ang ulo sa pagitan ng leeg at balikat ko. Nanigas ang buong katawan ko sa pagkabigla. Ang akmang pagkagat ko sa Karioka ay hindi ko na nagawa dahil sa lalaking 'to. Instead, nag-umpisang maghurumentado ang puso ko.

"Mahaaaaaaaaaal...wag kang ganiyan. Pi-lissssssss. Pumayag ka na po?" nag-boses bata pa ito saka nag-puppy eyes sa'kin, at dahil singkit siya ay mas lalo lamang nawala ang mga mata niya nang ngumiti siya.

"T-tigilan mo nga ako!" asik ko. Inipon ko lahat ng lakas ko sa katawan at tinulak siya palayo. "Kumain ka kung gusto mo! Nakita mo nang nananghalian—"

"Mahal, hindi pananghalian 'yang kinakain mo! Meryenda," pagpuputol niya sa'kin. Bakas sa boses nito ang pang-aasar kaya naman tumatalab sa'kin. Naiinis talaga ako.

Pero imbis yata na mapikon rin sa'kin at natuwa lang ang lalaki. Tinawanan niya ako ng malakas. Inis ko siyang tiningnan. Naramdaman niya siguro ang talim ng mga tingin ko kaya tumigil siya sa pagtawa. Kinuha niya ang mga kamay ko't inilapit sa pisnge niya.

"Mahal ko, sorry na. Wag ka na magalit sa kung ano mang kasalanang nagawa ko," pabulong niyang sabi.

Sumimangot ako. Napaka-PDA talaga ng lalaking 'to! Hiyang-hiya na ako dahil pinagtitinginan na kami ng ibang mga course and year level na kasabayan namin dito sa canteen. Marahan kong binawi ang kamay ko.

"Sige."

Lumawak ang ngiti ng lalaki. Sabay kaming nanghalian kagaya ng gusto niya. Hindi niya ko napilit na kumain ng kanin. Hanggang sa matapos ang lunch at bumalik na kami sa klase ay hindi humiwalay si Jayson sa 'kin. Para siyang tuko na nakakapit.

Naging magkatabi na naman kami sa upuan. Mabuti na lang at hindi nagpapa-sitting arrangement ang teacher namin ngayon kaya malaya kaming magtabi.

Tatlong oras ang klase namin kaya naman medyo inaantok at pagoda ko ng matapos 'to. Hindi birong pag-aralan ang The Teaching Profession lalo na't papalapit na kami sa Magna Carta for Public School Teachers na kaylangan naming kabisaduhin.

Pinatunog ko ang leeg ko ng tumigil ako sa pagte-take down notes. Nagbuntonghininga ako pagkatapos.

Sa totoo lang, sobrang nakakapagod 'tong third year pero para sa mga bata, kaya laban!

"Mahal ko, saan mo gustong pumunta pagkatapos nito?" tanong ni Jayson na busy din sa ginagawa sa notebook niya.

Ngumuso ako. "Wala naman akong pupuntahan pagkatapos. Uuwi na ako. Kaylangan ko pang magluto ng hapunan," ani ko.

Tumigil ito sa pagsusulat at nilingon ako. "Pinagluluto mo pa sila? Hindi ka pa ba pagod no'n?"

Maliit akong ngumiti. "Kahit naman pagod ako ay walang mangyayari. Bibigyan ko lang ng dagdag sakit ng katawan ang sarili ko kung hindi ko gagawin." Baka sabihan na naman nila akong walang utang na loob.

Matamis na ngumiti sa 'kin ang mahal ko. Inilapit niya ang mukha niya sa 'kin.

"Ang sipag-sipag mo naman, mahal. Huwag kang mag-alala, kapag nakatapos tayo ng college at nagsasama na tayo sa iisang bahay, pangako. You will never have to work again. Mabubuhay ka na parang reyna," maramdamin niyang pahayag.

Hindi ko mapigilang mapangiti. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at hinila siya palapit sa 'kin saka yumakap ng mahigpit. Gumanti siya ng yakap sa 'kin. Naramdaman ko rin ang pagdampi ng isang malambot na bagay sa noo ko.

At katulad ng nakagawian, sabay kaming umuwi ni Jayson. Sinabihan ko naman na siyang hindi na niya kaylangan pang sumabay sa 'kin dahil sa Iba ako dumadaan pauwi malapit lang sa 'min. Pero siya kasi taga-Santa Monica, medyo malayo pa kung tutuusin. Magdadalawang bayad din siya kapag ka ganoon.

Ang palagi niya lang dahilan sa 'kin ay kaya raw niya at may pera siya. Hindi na ako nakatutol pa.

"Anong oras ka papasok bukas?" tanong nito.

Lumingon ako sa kanya, "nasa alas otso, siguro. Ikaw ba?"

"Baka hindi ako pumasok bukas. Naalala mo ba yung kababata ko? Nag-aaya siyang magpunta raw kami sa Mall. Hindi ako makatanggi," aniya.

Si Jessie?

Hindi ako kumpotableng kasama mo siya, Jayson. Pakiramdam ko may masamang mangyayari dahil nandiyan na siya. Pwede bang huwag mo na siyang samahan?

Gusto kong isatinig ang mga iyon ngunit mas pinili kong ngumiti na lang.

"O-Oo naman. S-sige . . . mag-iingat kayo," pilit kong saad. Nag-iwas ako ng tingin at itinikom ang bibig. Hindi na ko muling nagsalita.

Bumaba ako nang tricycle. Tipid akong ngumiti bago tumalikod at naglakad papasok sa loob ng gate namin. Hindi ako lumingon. Tuloy-tuloy lang dahil ayokong makita niya ang hitsura ko.

******

"ANO ba naman 'yan, Casey! Ang tanga-tanga mo! Pla-planstahin mo na lang hindi mo pa magawa ng tama!" galit na sigaw sa 'kin ni KZ pagpasok niya ng kusina.

Nilingon ko ang tinutukoy niya. May hawak itong isang polo, na ako nga ang namalansta kahapon. Mabilis akong naghugas ng kamay at lumapit sa kanya. Tinuyo ko na sa damit ko ang mga kamay ko saka inabot ang polo. Sinuri ko ito.

Sa pagkakatanda ko, hindi ko 'to ganitong iniwan kahapon. Maayos ko pa ngang sinampay pagkatapos planstahin, kaya paanong magkakasunog 'to?

"Saan mo ba 'to nakuha? Maayos 'to kahapon," turan ko habang sinusuri pa rin ito.

Napansin kong mas dumilim ang mukha ni KZ dahil sa sinabi ko.

"Sinasabi mo bang nagsisinungaling ako?!" galit niyang sigaw.

Napa-atras ako sa gulat. Dahan-dahan kong ibinaba yung damit, "h-hindi. Na-nagtatanong lang ako." Ibinalik ko sa kanya ang damit. "P-pero hindi ko alam kung bakit nasunog 'yan. Maayos ang polo ng ibalik ko sa pagkaka-hanger. Walang sunog." Masyado kasing maitim ang gilid ng polo at halos butas na.

Nakakapagtakang nangyari 'yon gayon gamay ko naman ang paggawa ng ganuon.

"Sinungaling ka talaga! Napaka sinungaling mo! Pwede ka nang maging writer sa galit mong mag-gawa ng story! Alam kong sinadya mo 'to dahil alam mong aalis ako ngayong araw kaya wag ka ng magkaila! Isusumbong kita kina, Mama!!" galit nitong sigaw bago ako malakas na itinulak para ako mapa-upo.

Gulantang akong napatingin sa kanya.

"B-Bakit mo ko tinulak?!"

"Dahil wala kang kwenta! Malakas ang loob mong sumagot-sagot ngayon sa 'kin, ha! Anong pinagmamalaki mo?!"

Naguguluhan ako sa sinasabi niya. W-wala naman akong ginawa sa kanya.

Nagising na lamang ako sa reyalidad nang bumuhos sa 'kin ang isang malamig na tubig sa mukha ko. Nakangisi si KZ ng tingnan ko siya.

"Iyana ng babagay sa 'yo. Basura ka kasi! Mababawas sa ibibigay ni ate ang sinira mo! Limang daan 'to sa Mall!" galit pa nitong dagdag.

Nag-init ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilin ang pag-hikbi. Binigyan niya ako ng huling masamang tingin bago ako tinalikuran. Pinanood ko siya hanggang mawala siya sa paningin ko.

Hindi ko naman kasi kasalanang nasunog yung damit niya! Iniwan ko 'yong maayos pagkatapos ako pa rin ang magiging masama sa huli?

Napa-iling ako sa sama ng loob. Palagi na lang.

Binilisan ko ang pagtapos sa gawain ko at pumasok na sa sariling kwarto saka ako humiga sa kama ko at iniyak lahat ng sakit sa dibdib ko. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro