Chapter Five
CHAPTER FIVE
MATULING lumipas ang mga araw at isang lingo na ang lumipas simula ng maaksidente ako. Sa mga araw na 'yon ay hindi ako nakapasok sa eskwela at trabaho dahil nilagnat ako. Sinabi rin ni Uncle na magpahinga muna ako.
"Sa susunod kasi huwag kang tatanga-tanga!" nang-aasar na bulong sa'kin ni KZ.
Hindi ko siya pinansin. Ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ng ref. Mamayang hapon pa ang klase ko kaya libre ako ngayong umaga.
"Ano ang feeling na kinampihan dahil nakakaawa ka?"
Napa-irap ako sa hangina. Ayokong patulan ang batang 'to, paniguradong away kapag hindi ako nagpigil.
"Ate KZ! Tawag ka ni Papa sa labas! Hawakan mo daw 'yung flashlight!"
Napalingon kami ni KZ sa kadarating lang na si Danilo, inirapan ni KZ ang nakakabatang kapatid bago binuggo ang balikat pagdaan. Umiling na lang ako. May attitude talaga ang ang babaeng 'yon porke mas matanda sa'kin akala mo naman—hindi ko na lang inisip.
Lumapit sa'kin si Danilo at niyakap ako mula sa likod.
Napangiti ako.
"Anong gusto ng bata at naglalambing?" may pagbibiro kong tanong saka nilingon ito.
Malapad ang ngiti ni Danilo.
"Wala lang, Ate. Gusto lang kitang yakapin."
"At bakit?" gumanti ako ng yakap sa kanya. "Medyo 'di na nga maganda ang amoy ko dahil sa pagtra-trabaho eh."
Ngumuso ang bata.
"Okay lang 'yon. Mahal naman kita eh."
Natigilan ako. Bumaba ang tingin ko sa mata ng lalaki. Unit-unti akong ngumiti. Pinigilan ko ang pag-iyak. Hinawakan ko siya sa pisnge at niyakap ng mahigpit.
"Mahal ka rin ni Ate, Danilo," bulong ko.
Humigpit ang yakap niya sa'kin. Humalik ako sa buhok niya.
****
KAPAPASOK ko pa lang sa classroom ng sumalubong sa'kin ang gulat na gulat na si Jerlyn.
"GAGA KA! Anong nangyari sa'yo last week?! Ba't ka pumasok?!" sunod-sunod nitong tanong.
Tipid akong ngumiti.
"Nagkasakit lang." umiwas ako dito at pumunta sa upuan ako. Umupo ako do'n at nakasunod ang mata ni Jer sa'kin. Tinabihan niya ako pagkaraan ng ilang minuto.
"Ang dami mong na-missed! Wala ka man lang pasabing 'di ka papasok."
"Hahabulin ko na lang siguro—"
"Nako dapat lang sis! Second year na tayo ngayon ka pa ba magkakanda loko-loko sa pag-aaral."
Huminga ako ng malalim. Tama siya, second year na kami at hindi ako pwedeng magulo sa pag-aaral. Tipid ko siyang nginitian.
"Opo." Nag-iwas ako ng tingin.
"Ge, pero... bakit ka naka-long sleeve? Malamig?" nagtatakang tanong nito.
Mabilis akong tumingin sa kanya.
"H-ha?"
Mas lalong kumunot ang noo ni Jer, "ano kakong nakain mo at naka-long sleeve ka?"
"Wala naman." Niyakap ko ang sarili ko.
Hindi na nagawa pang makasagot ni Jer kasi biglang dumating 'yung Prof namin. Naging seryoso ang ambience ng classroom. Kasunod nitong pumasok si Kyle at Jayson. Yumuko ako. Isang lingo ko rin siyang hindi nakita.
Naglakad ang dalawa papunta sa upuan nila. Narinig ko ang bulungan ng ilang classmates ko.
"Kaya siguro isang linggong nawala dahil sa hiya."
"True! Sino kasing 'di mahihiya, grabe siya sa anak ni Mrs. Bondoc, bossy talaga 'yang babaeng 'yan."
"Kaya na eh, buti naglakad loob si Jayson sumagot."
Mas lalo kong ibinaba ang ulo ko. Ikinuyom ko ang kamao ko. Huminga ako ng malalim. Kalmahan mo lang, Casey... away mo naman sigurong mapa-away, 'di ba? Dapat kalma ka lang. Nagbingi-bingihan na lang ako sa mga sinasabi nila.
"Get your notes and take down this!" malakas n autos ng Prof namin habang nag-aayos ito ng projector sa mesa.
Mabilis naman kaming mga nagsikilusan. Kanya-kanyang kuha ng notes para magsulat. Napatingin ako sa gawi nila Jerlyn.
Nagtama ang mata namin ni Jayson. Ngayon ko lang na-realize na brown pala ang kulay ng mata ng lalaki. Ang ganda...
Nag-iwas ako ng tingin. Anong maganda?!
"Ms. Perez at the back!"
Napatayo ako sa sumigaw. Naka-awang ang labing tumingin ako sa harapan. Si Prof, nakatingin sa'kin. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Looks like you're more interested staring Mr. Bondoc more than writing your notes!" sigaw nito.
Umiling ako. "N-no, Sir! I-I'm just thinking something, sir, s-sorry po."
Sinamaan niya ako ng tingin kasabay ng pagturo ng white board.
"Write or else y'all have a long quiz right now!"
"Sir!"
"Naman, pahamak!"
"Malas talaga 'yang babaeng 'yan!"
Napayuko ako. "I-I will write, s-sir, sorry po." Mabilis akong umupo at nagsulat ng notes. Nakakahiya ako. Buong klase ay nakayuko lang ako at paminsang-minsang nag-aangat ng tingin kapag may gustong tingnan.
Pagkatapos ng isang oras na pagsusulat ay lumabas na ang Prof namin. Nagkagulo ulit ang buong klase.
Ibinalik ko sa bag ko ang notebook saka yumukyuk. Itinago ko sa ilalim ng mesa ko ang kaliwang braso ko para iwas disgrasya.
Malapit na ang break, pero wala akong pambili ng pagkain. Pumikit ako. Ano na lang ang gagawin ko? Hindi kasi ako binigyan ng baon ni Auntie gaya ng sinabi nito. Talagang hindi rin ako nakakakain sa bahay. Sweldo ko ang pinagbibili ko ng pagkain ko at ngayon kasya na lang 'yon pamasahe sa araw-araw.
Iiinom ko na lang 'to ng tubig para mawala ang sakit ng tiyan ko. Baka maglakad na lang ako pauwi para may pambili ng tinapay. Tama gano'n na lang.
"Are you sleeping?"
Napadilat ako saka tingin sa kaliwa ko ng marinig na may nagsalita. Namilog ang mga mata ko dahil sa sobrang lapit ng mukha namin ni Jayson. Isang dangkal na lang yata ang layo, isang maling galaw mula sa'ming dalaa ay maglalapat ang mga labi namin.
"H-ha?"
Napalunok ako. Nanunuyo ang lalamunan ko.
He gave me a warm smile. His hands run to my cheeks. Inipit nito sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng buhok na nalaglag sa mukha ko.
"Kumusta ka?" mahinang tanong nito.
Apat na beses akong kumurap ng ma-realize na nakatabi sa'kin si Jayson. Nagtatakang tumingin ako sa lalaki.
"Bakit may upuan diyan?!"
"Para tabi tayo."
Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya. Paano ba naman kasi, may upuan ang lalaki sa tabi ko. Ando'n an rin ang bag nito.
"Anong ginagawa mo rito?!" inis kong tanong.
Mahina niya akong tinawanan, napakuyom ang kamao ko. 'Yung tawa nito parang may binuhay sa tiyan ko kaya nagkakagulo sila ngayon.
"Syempre, classroom 'to, kaya ako nandito para matuto..." umayos ako ng upo at tumingin na sa harapan. "Matuto kung paano ka mapapalambot at matuturuang mahalin ako."
Nagsitayuan ang balahibo ko sa batok dahil sa init ng hininga nitong tumama sa tenga ko. Nanginginig ang mga binti ko.
Ilang beses akong lumunok. Hindi ako makalingon baka mamaya ay sobrang lapit ng mukha niya sa'kin.
Pumikit ako ng mariin.
"Huwag ka ngang makulit! Umalis ka na at bumalik sa dating pwesto mo!" asik ko sa lalaki.
Nilibang ko ang sarili ko sa pagtingin sa bag ko. Pinakiramdaman ko siya sa tabi ko pero imbis na sundin ang gusto ko ay naramdaman ko ang pagpatong nito ng braso sa backrest ng upuan ko. Nilingon ko siya.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" nanlalaki na ang mata ko sa inis pero 'di man lang siya tablan ng hiya.
Nginisihan niya ako. Bahagyang inilapit ang mukha sa'kin.
"Binabakuran ka," parang wala niyang na sabi nito.
Tumaas ang isang kilay ko. "Bakit naman ako kaylangang bakuran?! Lupain ba ako? Private—"
"Oo, private property ko."
Umawang ang labi ko. "Hah!" napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Tiningnan ko siya ng masama. "Ang dami mo talagang hangin sa katawan, noh? Kaylan mo pa ko naging private property ha?!"
"Soon!"
"Anong soon?!" hinampas ko siya sa braso. "Pwede ba! Tigil-tigilan mo ko sa kagaguhan mo!" inis kong ani.
Tinawanan niya ako.
Napatingin ako sa mga classmates namin. May ibang nakamasid sa'min at 'yung iba naman ay wala ng pakialam.
"Soon kasi liligawan ka na kita."
Nanigas ako sa sinabi nito.
"Liligawan kita para maging girlfriend kita. Kapag girlfriend na kita ay magiging akin ka na, may karapatan na akong bakuran ka."
"Hindi ko alam kung saan mo kinukuha 'yang lakas ng loob mo pero grabe talaga ang gangin mo sa katawan! Sobrang gwapo mo noh? Ano ka fictional character? Lakas mong maka-main character vibes ah!" puna ko.
Ngumuso ito.
"'Di ba pwedeng nagsasabi lang ng totoo? Saka gusto kita eh. Bakit ko pa papatagalin ang pagsasabi sa'yo? Straight forward tayo dito."
Napasapo na lang ako sa noo.
Nakakahilo ang lalaking 'to. Kung ano-anong trip sa buhay. Umiling ako sa kanya. Gwapong-gwapo sa sarili, susko! Tumingin ako dito.
"Kung manliligaw ka! Pwes ngayon pa lang basted ka na! Ayokong ligawan mo ko! Humanap ka na lang ng iba!" inirapan ko siya.
Ngumiwi ang lalaki bago kinuha ang kanang kamay ko. Hinalikan niya ang likod no'n. kinindatan pa ako.
Pew! Saan pwedeng masuka?
Dahan-dahan kong binawi ang kamay ko. Pasimple kong pinunas sa skirt ko ang likod no'n. Inilayo ko ang upuan ko sa lalaki. Ayokong makatabi ang lalaking 'yon. Parang may saltik eh.
Hindi lang saltik, sira-ulo din. Sa tingin ba niya ay magpapaligaw ako sa kanya? Hindi pa nawawala sa isip ko kung paano nila i-body shame 'yung mga dating girlfriend nila at pati 'yung isang bagong ka-schoolmate ng kaybigan nito.
Paano na lang kapag nakatalikod ako 'di ba? Baka mamaya ay i-body shame rin ako ng mga kaybigan niya at wala siyang gagawin, makikigatong pa.
Red flag, ekis.
BREAKTIME ang paborito kong oras lalo na kapag nag-uumpisa ng magtambak ng gawain ang mga Professor namin. Nasa library ako at inaaral ang isang lesson namin. Hindi ko kasi medyo naintindihan sa classroom kanina dahil malandi si Jayson.
Panay ang kuha sa kamay ko, hawak nang hawak. Nakaka-ilang na. Isa pa, wala akong pera, mamayang hapon pa ko makakakain.
Inaayos ko ang mga librong nagamit ko dahil isasauli ko na sila sa shelft nang mapansin ang pagpasok ng isang pigura sa may pinto. Namilog ang mata ko. Mabilis akong tumalikod at nagtago sa mga libro.
"Sana 'di pa niya ako nakita," bulong ko sa sarili ko.
Dahan-dahan kong ibinalik ang libro sa shelf kung nasaan ako. Maingat akong naglakad para hindi niya marinig ang yapak ko. Nagpunta ako sa kabilang shelf. Nakahinga ako ng maluwag.
Sumilip ako sa likod, kumunot ang noo ko dahil wala do'n si Jayson.
"Nasaan na 'yon?"
"Sino?"
"Si Jay—"
Napalingon ako. Sinalubong ako ng nakangising si Jayson. Kinagat nito ang pang-ibabang labi habang nang-aasar na nakatingin sa'kin. Binigyan ko siya ng pangiwing ngiti at aalis sana ng itaas nito ang kaliwang braso para harangan ako.
Napalunok ako. Humarap ako sa kanan at akmang hahakbang ng ikulong niya ako sa magkabilang bisig niya. Ngayon ay nasa loob ako. Corner.
"Hehehe, a-ano—ahh—a-anong ginagawa mo dito?" naiilang kong tanong.
"Pingatataguan mo ba ako?" seryosong tanong niya.
Umiling ako.
"Hindi! Bakit naman kita pagtataguan?!" kunwang matapang kong tanong.
Nagkibit balikat siya. "Malay ko ba sa'yo. Akala ko pinagtataguan mo ko dahil sa sinabi kong liligawan kita."
Napabuga ako ng hangin.
"At sinabi ko na rin sa'yong basted ka na, 'di ba?" inirapan ko siya. "Makulit lahi mo?"
"Wow, nice sarcasm," bored nitong sagot.
Naiinis kong tinulak ang lalaki pero hindi siya natinag.
"Alis na!" mahinag asik ko.
Umiling siya. Napahinga ako at yumuko para sana dumaan sa gilid ng hawakan nito ang kaliwang braso ko. Bumiling ang tibok ng puso ko at nag-umpisang mamasa ang mga mata ko. Bago pa siya makapag-react ay nakasigaw na ako sa sobrang sakit.
Parang napapasong binitawan niya ko.
Napa-upo ako sa lapag. Nabitawan ko ang hawak ko. Lumuluha akong tumingin sa lalaki. Ilang beses ko na siyang pinapatay sa isip ko.
Napaluhod sa harapan ko si Jayson, bumaha ng pag-aalala sa mukha nito.
"Anong nangyari?!" natatarantang tanong nito.
"Silence! Library ito at hindi palengke!" rinig naming sita ng librarian. Napa-iyak ako.
Bumaba ang mata ni Jayson sa sleeves ng suot ko. Nagdudugo na kasi 'yon. Nanlalaki ang mga mata niya. Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa sakit. Oo nga't one week na ang lumipas simula ng mabubug ako kaya lang ay 'di pa tuluyang naghe-heal ang sugat ko.
Binuhat niya ako ng pa-bridal style at tumakbo palabas. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante pero mukhang walang pake do'n ang lalaki. Nagpunta kami ng clinic. Nasa harap ko ang Nurse.
Kasalukuyan niyang nililinisan ang sugat kong dumugo.
Si Jayson ay nakasandal sa may pader malapit sa pinto. Nakamasid lang sa'min. Huminga ako ng malalim. Abala pa ang nangyari.
Pinalitan ng gauze ang sugat ko. Tapos ay pina-inom ako ng pain reliever.
"Napano 'yan?" tanong ng lalaki ng makalabas kami ng Clinic.
Inagaw ko sa kanya ang bag ko at sinuot 'yon. "Aksidente." Tipid kong sagot.
"Aksidente?" 'di naniniwalang tanong nito.
"Oo."
"Paano?"
"Nagpupunas kasi ako ng pinggan ng tumalon sa harapan ko 'yung pusa. Nabitawan ko 'yung plato at naliay ako."
Sorry sa pagsisinungaling, Lord. Minus two na po ako.
Kahit mukhang 'di kumbinsido ang lalaki ay tumango pa rin ito. Bumalik kami sa classroom, ang lahat ay nakatingin sa'min pagpasok pa lang. May mga babaeng masama ang tingin sa'kin samantalang 'yung ibang lalaki ay parang nagkakasiyahan.
Umupo ako sa upuan ko.
Dumating ang Prof namin at binigyan agad kami ng Act na mabilis naming natapos. Lumipat kami ng classroom sa susunod na klase.
Natapos ang buong araw na pagano'n gano'n lang.
"Uuwi ka na?"
Muntikan akong mapatalon ng may magsalita sa'kin. Inis kong hinarap si Jayson.
"Aminin mo nga? May lahi ka bang kabote?!" inis kong tanong.
Tinawanan niya ako. "Wala, pero lahing gwapo meron." Hinawi pa nito ang buhok niya.
"Saan pwedeng masuka?"
"Sungit!"
"Ewan ko sa'yo!"
Nang may makitang SMTB ay mabilis ko 'yong pinara. Huminto naman sa tapat ko. Sumakay ako sa loob.
"Sa Purok Uno po ng San Isidro!" pagpapaalam ko.
"Ako po sa Purok Nueve ng Sta. Monica."
Napahinga ako ng malalim ng umandar na ang tricycle. Naka sakay din ang lalaki at katabi ko pa. Sa Sta. Monica lang pala ito nakatira, kaya pala nakakasabay ko siya dahil pareho rin ang daan namin.
"Sorry nga pala," anito.
Lumingon ako. "Saan?"
Nginuso niya ang sugat ko. Napakamot ito sa batok.
"Kung 'di kita hinawakan ay 'di magdudugo 'yan."
"Okay lang."
Mahabang katahimikan.
"Pero totoo 'yung sinabi ko, Cassandra. Gusto kita."
Tumingin ako sa kanya. Nagtama ang mga mata namin at gano'n lang. Our eyes locked. Para bang do'n ko malalaman ang katotohanan.
"Hayaan mong ligawan kita. Ipapakita ko sa'yo kung gaano kita kagusto. Gago ako pero para sa'yo magtitino ako. Hayaan mo lang na ligawan kita."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro