Chapter Fifteen
hello, you can leave a comment para po malaman ko if nagugustuhan niyo ba ang story. Thank you and enjoy!
CHAPTER FIFTEEN
"CASSANDRA, anong ipangbabayad mo diyan, ha?! Iyan na nga lang ang ginagawa mo dito sa bahay hindi mo pa mai-ayos! Hindi ka ba marunong gumamit ng plantsa? Gusto mong sa mukha mo ko gawin, ha!" galit na turan ni Auntie pagpaok nito ng kusina.
Yumuko ako sa kahihiyan.
"Ano!! Sumagot kang lintek ka!!"
Pinaglaruan ko ang daliri ko sa kamay bago nag-angat ng tingin. Sinalubong ko ang galit na mga mata ni Auntie.
"A-Auntie, hindi ko naman po kasalanang nasunog 'yong damit ni K-KZ. I-Iniwan ko po 'yong m-maayos."
Dinuro niya ako. "Anong maayos! Eh, nasunog nga! Napaka-tanga mo naman, Casey! Wala ka talagang silbi sa bahay na 'to! Mababawasan ng isang libo ang allowance mo."
"H-ho?!" malakas kong tanong. Lolobo lamang lalo ang utang ko sa kanila dahil do'n. Hindi na nga ako halos mabigyan ng baon dahil daw bayad na ang allowance ko sa pagtira't pagkain ko sa bahay nila tapos magkaka-utang pa ako.
Nanlalaki at nambabanta agad ang mga mata ni Auntie. Napa-iwas ako ng tingin sabay yuko.
"Malamang! Ipapamasahe pa namin yung limang daan do'n papuntang Robinsons tapos pagkain pa namin! Danyos na sa perwisyo mo sa 'min! Napaka-lintik mo kasing bata ka!! Bwisit ka!" Galit nitong sinipa ang basurahan sa gilid na kina-igtad ko.
"Magluto ka na nga! Ang tamad-tamad mo talaga! Yung almusal namin hindi pa tapos pagkatapos marumi pa ang bahay!!"
Gusto ko na lang lamunin ng lupa dahil sa mga pinagsasabi niya. Napakahirap lunukin lahat no'n at napakahirap ipagtanggol ang sarili sa bahay na 'to. Ako pa ang lalabas na suwail at walang utang na loob kapag ginawa kong ipaglaban ang sarili ko.
Ilang ulit kong dinasal na sana may dumating kina Ate o Uncle para ipagtanggol ako kay Auntie. Nais kong magkaroon ng kakampi sa ganitong pagkakataon dahil hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba. Umagang-umaga tapos ganito ang ibubungad sa 'yo. Hindi man lang kumustahin kung ano ng nangyayari sa buhay ko.
Para namang diniling ng Diyos ang panalangin ko dahil biglang pumasok si Ate Clea. Mabilis kong pinunasan ang pisnge ko. Doon lamang ako nakalaya. Nagtatanong siyang tumingin sa 'kin.
"Anong nangyayari?" Nagpapalit-palit sa 'min ni Auntie ang tingin niya ng itanong niya iyon.
Hindi ko nagawang kumibo dahil naunahan ako ni Auntie. Masama pa rin ang tingin niya sa 'kin.
"Ang magaling kasing iyan! Sinunog lang naman ang damit ng kapatid mo na siyang gagamitin dapat ngayon! Alam mo ba kung magkano 'yon?! Limang daan! Napaka-walang kwenta niyang si Cassandra! Kung bakit ba kasi ayaw niyo pang palayasin dito yang puta na yan!" galit nitong salaysay.
Mariin kong kinuyom ang kamao ko. Hindi ko na kayang lunukin ang mga salita pang sasabihin niya tungkol sa 'kin kaya naman nagmamadali akong tumalikod para harapin ang kalan. Mabilis ko silang ipagluluto ng almusal para makaalis na rin ako sa bahay na 'to. Kahit na pumasok akong maaga at doon maghintay, okay lang kesa nandito ako.
"Ma, naman. Ang aga-aga nagagalit ka. Sigurado ba kayong si Casey nga ang may kasalanan? Baka naman si KZ," rinig kong ani Ate Clea.
"Hmp! Siya lang naman ang nagpla-plantsa ng mga damit dito kaya siguradong siya ang may gawa! Baka naghihiganti sa 'tin! Malay mo naman sa ingratang 'yan! Nasa loo bang kulo!"pangmamata nito sa 'kin.
Wala akong narinig na sagot mula kay Ate Clea. Pero mukhang naupo ito dahil narinig ko ang paghila nito sa upuan. Itunuon ko ang atensyon ko sa pagluluto para mapabilis.
"Eh, ano ngayon ang gusto mong gawin, ma? Wag mo namang sabihing pagbabayarin mo pa 'yang si Casey—"
"Sisingilin siya! Mababawasan ng isang libo ang perang ibibigay mo sa kanya, Clea! Para man lang sa danyos at pagod na rin namin ni KZ kapag bumili kami ng bago niyang damit. Ang tanga-tanga naman kasi niyang babaeng 'yan! Parang hindi tinuturuan! Makalayas na nga dito!"
Malakas ang kalabog ng upuang tinayuan ni Auntie. Nanginginig na ang mga kamay kong nakahawak sa senshie at pan dahil baka lumapit siya sa 'kin at saktan ako tulad ng ginagawa niya noon.
Patagilid ko itong tiningnan ng malagpasan niya ako. Nakahinga ako ng maluwag ng makaalis na siya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Nanlalambot ang mga tuhod ko't kumakabog ng malakas ang didbib ko.
"Ano ba kasing nangyari, Casey? Bakit mo nasunog yung damit ni KZ?" tanong ni Ate Clea pagkaraan ng ilang minuto.
Nilagay ko muna sa plato ang lutong ulam saka ako lumingon kay Ate. Lumakad ako palapit sa kanya. Binaba ko ang plato at umupo sa inalisang upuan ni Auntie. Tiningnan ko siya sa mata saka tipid na ngumiti.
"Ate, promise po, wala po akong kasalanan do'n. Sinampay ko pa po 'yon ng maayos kaya imposibleng ako ang nakasunog," pagsusumamo kong sabi.
Bored siyang nakatingin sa 'kin. Nagkamot siya sa noo.
"Wala akong magagawa kundi bawasan ang allowance mo, Casey. Sa susunod mag-iingat ka. Baka hindi mo lang namalayang nasunog mo pala 'yung damit," may halo pang sermon anito.
Bumagsak lahat ng pag-asa ko dahil sa sinabi niya. Unti-unting naglaho ang ngiti ko sa labi. Para akong sinuntok sa sikmura dahil sa isang reyalisasyong hinding-hindi niya ako ipipiliin kaysa sa pamilya niya. Sa kanila applicable ang salitang blood is thicker than water.
Hindi kasi pamilya ang tingin nila sa 'kin kundi isang katulong. Scholar na maari nilang pahirapahan kung kaylan nila gusto.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Pinilit kong tumayo para makalayo, dahil para akong babagsak sa lapag.
"P-pasensya na po, ate. S-sorry." Iyon lamang ang sinabi ko saka tumalikod. Maayos naman na lahat may luto ng pagkain, maari na akong gumayak para umalis. "A-alis na po ako. M-madami kasing inaayos sa school k-kaya maaga rin akong aalis ngayon," ani ko.
Tumingin siya sa 'kin at minuwestra na lang ang kamay na para akong pinapaalis. Dinalawang hakbang ko ang silid ko.
******
GUSTO ko ng mag-drop.
Gusto ko ng tumigil sa pag-aaral at magtrabaho na lang para wala na akong iintindihin pero hindi ko magawa dahil alam ko ang halaga ng diploma sa Pilipinas. Mahirap maghanap ng trabaho kung wala akong degree. Kaya hindi pwede.
Habang tinitingnan ko ang mga aaralin namin sa Educ 303 ay gusto ko na agad humiga sa lapag. Napakadami nito.
Padabog na bumulong sa 'kin si Jerlyn na katabi ko. "Napaka naman ni ma'am! Hindi man lang tayo binigyan ng pahinga! Aba, kakapa-quiz niya lang kahapon, ah!" reklamo nito.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Tama si Jer, kaka-quiz lang namin kahapon tapos ngayon ay may pa-reflection pa si ma'am.
Unang klase namin ito ngayong araw at stress agad ang bumungad. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga bago tumingin sa malayo. Absent ngayong araw si Jayson at yung kaybigan niya. Mukhang nag-usap ang dalawa na sabay silang liliban.
Ano kaya ang ginagawa ni Jayson ngayon? Nage-enjoy kaya sila ni Jessie? Anong oras sila umalis at anong oras sila babalik? Papasok pa ba siya? Kung ano-ano nang idea ang pumapasok sa isip ko tungkol sa dalawa. Nasasaktan ako sa isiping may kasama siyang ibang babae pero wala namang kami.
Nahu-hurt lang ako as a friend. As a nililigawan.
Normal lang naman siguro 'yon. Wala namang masama kung samahan niya si Jessie kay kaybigan niya 'yon. Kami nga ni Jerlyn minsan palaging magkasama or nagpapasama siya kapag aalis, eh. Kaya okay lang. Isa pa, may tiwala ako kay Jayson. Alam kong hindi niya ko lolokohin.
Tama, magtiwala lang kay Jayson.
"Beh, baka malunod ka, ha."
Nag-angat ako ng tingin kay Jerlyn na nakangisi sa 'kin. Pabiro ko siyang inirapan. Umayos ako ng upo at sumandal sa likuran ng upuan. Pinanood ko ang mga kaklase kong magkagulo. Lahat sila maingay. Akala mo mga kinder na nakawala.
"Bakit daw hindi pumasok si Jayson ngayon, teh?" tanong nito.
"May lakad siya kasama yung kaybigan niya," sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya.
"Sinong friend daw?"
"Yung girl best friend niya," wala sa sariling sagot ko. Bumalik na lamang ako sa reyalidad ng hawakan nito ang magkabila kong braso at hinarap ako sa kanya. Nagtatanong akong tumingin sa kanya.
"Girl best friend?! Sure ka?!" paniniguro niya.
Tumango ako. Sumimangot at halatang disappointed ito. Kumunot ang noo ko. Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
"Bakit ba? Anong meron kung girl best friend ang kasama niya? Nagbo-bonding sila!" pagtatanggol ko dito.
Para naman akong isang clown dahil biglang tumawa ng pagak si Jerlyn. Maloko siyang nakatingin sa 'kin na para bang nangmo-mocked pa siya. Sumimangot ako.
"Teh! Hindi mo man lang ba nababalitaan yung agawan na nangyayari these days?!" hindi makapaniwalang tanong niya. Naguguluhan akong umiling. Nahihirapang umirap si Jerlyn sa 'kin bago nagsalita. "Yung ganyang mga GBF sila yung nang-aagaw sa mga BBF nila sa mga girlfriend nito! Kasi nga raw mas matagal nang kakilala ni Girl si Boy kaya dapat sila, ganern!"
Dinuro niya ako na ikina-atras ko.
"Kaya ikaw! Mag-iingat ka sa best friend ng boyfriend mo na 'yan! Baka magising ka na lang na naagaw na pala sa 'yo si Jayson," paalala niya.
Bumigat lalo ang pakiramdam ko. Pinapasok ng kung ano-anong senaryo ang isip ko na hindi naman dapat. Mariin akong napapikit.
Hindi, Casey. Magtiwala ka kay Jayson. Saka . . . hindi naman lahat katulad ng nababalitaan ni Jerlyn. Tiwala lang.
Akala ko ay aayos na ang pakiramdam ko pero hindi. Hanggang sa matapos ang buong araw namin ay ino-overthink ko 'yon lalo pa't hindi naman siya nag-message sa 'kin tulad ng pinangako niya kahapon.
"NAKAKAPAGOD! Gusto ko na lang humimlay! Napakadami nating gawain! Anong akala nila sa 'tin? Mga robot!"
"Wala naman din tayong magagawa kundi sumunod. Mag-drop na lang kung pagod na," mahina kong ani.
Tiningnan ako ni Jerlyn ng masama, "pagod lang tapos drop agad? Sige saan ba makakakuha ng dropping form!" Tumawa ito ng malakas.
Nilingan ko siya sa kalokohan niya.
"Bugso lang ng damdamin 'yan," pahayag ko bago kumaliwa palabas ng building. Last subject namin ay five o'clock na natapos ng seven kaya section na lang namin ang makikita mong naglalakad palabas ng campus. Strongest soldiers yarn.
"Kung hindi lang talaga ako natatakot kina Mama baka nga matagal na akong nag-drop. Napakahirap naman kasi nito. Hindi ko naman gustong mag-teacher."
Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Karamihan sa mga kaklase ko ay tapon lang galing sa main campus. Di sila nakapasa sa gusto nilang courses kaya sa external campus sila bumabagsak. Binilisan ko ang paglalakad.
"Ikaw ba itutuloy mo pa? Nakakapagod, eh," tanong niya. Tumingala ako sa langit Kulay pink na ang kalangitan. Makakapal ang ulap at maaliwalas.
Itutuloy ko pa? "Oo. Kaylangan. Mas mabilis akong makakapagtapos mas mabuti. Kapag huminto ako parang pinakita ko na rin sa kanila na tama ang hinala nila sa 'kin," mahina kong sagot.
"Hays. Wala na akong magagawa diyan. Basta ipasa na lang natin 'tong sem na 'to. Kaunti na lang makaka-graduate na tayo. Half and one year na lang." Nginitian niya ako.
Nahawa ako ng ngiti sa kanya. Tama naman siya. Isa't kalahating taon na lang at gra-graduate na ako. Meron na akong chance para makaalis sa lugar na 'to. May chance na ako para makalayo sa pamilya ko.
Ang balak ko kasi pagka-graduate ay maghahanap agad ako ng trabaho sa Manila. Private school muna para makakuha ng experience saka ako kukuha ng LET para kapag nakapasa ako at makapagturo sa public or if ever sa ibang bansa.
Hindi kasi pwedeng magpahinga kapag graduate. May utang akong kaylangan bayaran kina Auntie.
Nang makalabas na kami sa campus ay nagpaalam na kami sa isa't isa ni Jerlyn. Magka-iba kasi kami ng way pag-uwi. Nag-wave siya sa 'kin ng makasakay siya sa tricycle. Pagkaalis nito ay tumawid ako para maglakad papunta sa short cut.
Lakad takbo ang ginawa ko para mapabilis. Kaylangan ko kasi maka-uwi agad para maipagluto ng hapunan sina Auntie. Mayayari na naman ako kapag na-late ako ng uwi tapos walang pagkaing nakahanda.
Inilabas ko ang cellphone ko at ini-on ang flashlight dahil halos walang ilaw sa dinadaanan ko. Maingay ang mga kuliglig sa paligid. Sumasayaw ang mga dahon ng punong nadadaanan ko. Niyakap ko ang sarili ko.
Liblib ang dinadaanan ko kaya doble ingat ako. Hinimas ko ang magkabila kong braso dahil sa malamig na simoy ng hangin.
Nang makarating sa may kanto agad naman akong pumara ng tricycle na pauwi sa 'min. Mabuti na lang at may nagsakay sa 'kin agad. Umupo ako ng maayos at naglabas na ng twenty-five pesos. Sumandal ako sa likuran at pumikit.
Nakakapagod ang araw na 'to. Halos maghapon ako sa school. Kahit naman kasi naka-upo ka lang ay nakakapagod din lalo na't kinakaylangan mong intindihin lahat ng inaaral.
Binuksan ko ang data ng phone ko. Pinindot ko ang app ng FB Lite at nag-log in. Kinakabog ang dibdib ko habang tina-type ang password ko. Hindi ko alam kung bakit.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at agad na pinindot ang messages. Nawala ang kaba ko ng makitang walang bagong message. Nagsalubong ang kilay ko ng makitang may green sa tabi ng profile picture ni Jayson pero wala man lang siyang message sa 'kin.
Dati rati'y akala mo siya kiti-kiting hindi mapirmis. Kahit hindi ako online nagme-message siya para mag-update.
Hmm . . . dapat ba akong mag-first move? Baka akalain niyang clingy ako, hindi nga kami magka-relasyon. Pero wala naman sigurong masama?
Hindi! Hindi ka clingy, Cassandra! Hayaan mo siyang mag-enjoy kasama ng kaybigan niya! Pagkatiwalaan mo lang siya.
*******
Hindi ko namalayang nakarating na ako sa San Miguel. Nagbayad ako at naglakad na pauwi sa 'min. Wala pang limang minuto ay nakarating na ako sa bahay. Binuksan ko ang gate at dahan-dahang sinarado 'yon. Nagagalit sila kapag sobrang ingay.
Tulad ng dati, sa likod ako nagdaan. Nakapatay ang ilaw kaya alam kong wala pa sila. Mabilis akong nagpunta sa kwarto ko para magbihis. Pagpasok ko sa loob ng kwarto, sinarado ko ang pinto. Binaba ko sa tabi ang bag ko at inumpisahang alisin ang pagkakabutones ng blouse ko. Kumuha ako ng t-shirt at short sa dresser.
Nang makapagbihis na ay lumabas na ako ng kwarto. Pinagsaing ko muna sila saka ako nagluto ng sinigang na hipon. Habang naghihiwala ng rekados ay nililigpit ko na rin ang mga plato sa lamesa. Gamit na ang mga ito. Mukhang nagmeryenda sila at hindi nagligpit.
"Casey, anong ulam?"
Napalingon ako kay Uncle. Nakatayo ito sa may pinto. Tipid akong ngumiti at lumapit sa kanya. Inabot ko ang kamay niya para magmano. Kahit na pinagbubuhatan ako ng kamay ni Auntie, hindi mo ko pa rin maitatanggi na naging mabuti sa 'kin ang Tiyuhin ko.
Naalala ko pa no'ng bata ako. Kapag alam niyang papaluin ako ni Auntie, agad niya akong kinukuha o kaya naman inuutusan. Pagbalik ko hindi na galit si Auntie, hahayaan na niya ako.
"Sinigang na hipon po, Uncle. May gusto po ba kayong ipalutong iba?" Bahagya akong lumayo sa anya.
Umiling siya sa 'kin.
"Wala, sige magluto ka na diyan. Kakauwi mo lang ba?"
Tumango ako. "Opo. Gusto niyo po ba ng tubig o kape?"
"Hindi na. Nasilip lang naman ako dito dahil narinig kong may gumagawa. Ayusan mo ang luto, ha. Para hindi na magalit ang Auntie mo. Alam mo naman 'yon palaging mainit ang ulo dahil sa sugal," bilin niya bago tumalikod sa 'kin.
Pinanood kong lumayo ang katawan ni Uncle. May kalakihan si Uncle, hindi masyadong matangkad kaya nagmumukhang majinbu kung minsan. Pero mabait siya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro