Tips Para Mapalapit kay Crush
Sa buhay natin, dumarating talaga 'yong panahon kung saan may nakikilala tayong isang tao na sobrang makapagpaparamdam sa atin ng iba't ibang klase ng emosyon.
Selos.
Insekyuridad.
Kuryosidad.
Lungkot.
Pero ang pinakamasarap sa lahat ng emosyon ay 'yong kilig.
Lahat ng tao ay tiyak na nakaramdam na ng mga emosyong nabanggit ko. Iyong iba siguro nasa elementarya pa lang pamilyar na sa "kilig feels". 'Yung tipong excited siyang pumasok sa eskwelahan para makalaro ng jack en poy si Totoy, kukulitin pa ang nanay para i-braid ang buhok kasi nga sabi ng crush niya, bagay daw sa kaniya!
Iyong iba naman, karamihan nasa high school na nang makaramdam ng kilig sa katawan. Puwedeng kaklase o p'wede rin namang iyong taga kabilang section o hindi kaya iyong Grade 10 na palaging nananalo sa mga school pageants ang kinakikiligan. Iyong tipong makasalubong mo lang, halos mapunit na ang labi mo kakangisi. Iyong malayo naman ang pila niya sa linya mo sa flag raising ceremony, pero pakiramdam mo naaamoy mo 'yong pabango niya!
Samantalang iyong iba, sa kolehiyo pa lang nakakatagpo ng bet talaga nila. Mula ba sa College of Engineering? O baka naman nasa College of Education siya? Iyong tipong kahit na gaano kalayo ang department niya sa pinakasukan mong department, handa kang lakarin iyon at pudpudin ang takong ng heals mo para lang makaikot sa lugar na madalas niyang tambayan!
Ang point ko lang dito, kahit anong stage ng buhay mo, puwede mong maramdaman yung kilig mula sa isang partikular na tao. Disregard the age since all emotions are valid.
Ang tanong lang naman, nabigyan ka na ba ng pagkakataon na mapalapit sa kaniya? Nakausap mo na ba siya kahit na maikling panahon lang? Gusto mo bang mapalapit sa crush mo?
Kung oo ang sagot mo, p'wes nasa tama libro ka. Dahil ang librong ito ay isinulat base sa experience ko at ng aking mga kaibigan.
Ano pang hinihintay mo, scroll na at ipagpatuloy ang pagbabasa. Huwag mo ring kalimutan na mag-vote at mag-comment ng iyong saloobin o experince kung naka-relate ka!
Ang author ninyong inspired,
Bublyjane!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro