JOKE yun?
Hindi ko maipaliwanag...
Sa tuwing nakikita kita, lumalakas ang kaba.
Sa tuwing kasama ka, hindi ako mapakali.
Sa tuwing tinitingnan ka, ako'y sumasaya.
Hindi katulad ng dati.
Kung noon pa lang ay naramdaman ko na.
Sana'y naniwala ako noon sa sinabi mo.
Tingin ko nga ay mahal na rin kita.
Di ba't sabi mo dati'y mahal mo ako?
Pero... tinawanan lang kita.
Sumimangot ka sa tanong ko...
"Nagbibiro ka ba?"
Ang sama sama noon ng tingin mo.
Ngayon, ako'y dinadaga.
Nangangatal sa harapan mo.
Maniniwala ka kaya
o ako'y tatawanan mo?
"M-Mahal na yata kita..."
Paputol-putol kong sabi.
Noong una'y mukhang nagulat ka.
Pero di nagtagal ay bigla kang nakabawi.
Ngumiti ka ng pagkatamis-tamis.
At ako ay naaakit.
Kaba ko'y bahagyang naalis.
Nadadala sa mukha mong marikit.
Ako'y iyong nilapitan, inakbayan pa nga.
At ang bango mo'y humahalimuyak.
Nilapit mo ang labi mo sa aking tenga.
At nanlamig ako nang bigla kang humagalpak.
"Joke yun?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro