Hindi Lahat
Hindi lahat ng joke, nakakatawa.
Hindi lahat ng drama, nakakadala.
Hindi lahat ng pwede, kailangan sa buhay.
Hindi lahat ng bawal, nakakamatay.
Hindi lahat ng katotohanan, kailangang malaman.
Hindi lahat ng moments, romantic.
Hindi lahat ng tambay, adik.
Hindi lahat ng nakangiti, masaya.
Hindi porke't nakasimangot, malungkot na.
Hindi lahat ng maganda, may utak.
Kung meron mang utak, hindi ginagamit.
Hindi lahat ng textmate dapat i-meet.
Hindi rin naman lahat ng bata, makulit.
Hindi lahat ng istorya ay maganda ang katapusan.
Hindi lahat ng karunungan ay nakukuha sa eskwelahan.
Hindi lahat ng tula kelangang mag-rhyme.
Kung ayaw ko, wala kang pakialam.
Hindi sa lahat ng pagkakataon, may karamay ka.
Pero laging may bantay 'pag lamay na.
Hindi porke't nagkape ka, hindi ka na makakatulog.
Minsan, akala mo wala na, meron pa pala,
kaya ka tuloy nahulog.
Hindi porke't first person's point of view, ako na ang tinutukoy ko.
Kaya 'wag kayong gumawa ng anumang kwento.
And speaking of kwento, ayoko nang gumawa.
Hindi sa lahat ng oras, tumatanggap ako ng puna.
Kung ayaw mo ng aking munting tula, wala akong pakialam.
Alam kong hindi lahat ng tao maiintindihan yan.
Ganyan talaga ang buhay..
Hindi lahat ng simula ay may maayos na katapusan.
Minsan hindi mo na alam kung paano tatapusin ang isang bagay..
Ganto na lang..
TOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOT
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro