Bulag. Pipi. Bingi.
Bulag.
Tatakpan ko ang aking mga mata ng hindi ko makita.
Katotohanang ayaw mo na...
Pipikit na lang at patuloy na mananaginip.
Katotohanang hindi ka na babalik.
Kayo na. Kayo na pala.
Bakit hindi ko maamin sa sarili ko?
Naniniwala pa ring tayo'y para sa isa't isa.
Bulag pa rin ako sa 'yo.
Pipi.
Nasasaktan ngunit kailangang manahimik.
Takpan ng ngiti ang pait.
Kahit ano namang sigaw ang ipilit.
Hindi mo rin naman maririnig.
Himutok ng puso ay patatahanin ko.
Mananatili na lamang pipi sa 'yo.
Bingi.
Ang paligid ay puno ng musika.
Pinipilit kong maging masaya.
Sa sinabi mong ayaw mo na,
tinakpan ko ang aking tenga.
Lalala~~ pipilitin kong maging masaya.
Pupunuin ang tenga ng musika.
Ang sinabi mo noong mahal mo ako.
Yun ang mananatiling naririnig ko.
Bingi ako pagdating sa 'yo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro