Baka Sakali
**PARA SA MGA TORPE. PUNYEMAS! ILANG DAGA BA NAKATIRA SA TIYAN NYO HA? :D
--
Sumusulyap, nakikiramdam.
Dapat ko na bang ipaalam?
Pagbibigyan mo ba kung aking sasabihin
Ang tunay kong saloobin?
Urong, sulong...
Kinakailangan ko yata ng tulong.
Sinyales mula sa itaas.
Maaari ko pa ba itong ipagpabukas?
Ngunit, subalit, datapwat...
Ayoko nang paawat.
Bukas ay aalis ka na.
Kung magkikitang muli ay kailan pa?
*hingang malalim*
*dasal nang taimtim*
Kapag walang nangyari sa aking gagawin,
Susuko na lamang at kalilimutan ang damdamin.
Madaling sabihin.
Mahirap gawin.
Pero kahit paano, susubukan ko.
Eto na nga, lalapitan na kita.
'Wag ka sanang umalis muna.
Maghintay sandali, lalapit na ako.
Pinapakalma ko lang ang loob ko.
Ang tuhod na nangingisay,
Ngayon pa nakisabay.
Ang labi ko'y nangangatal,
Kanina pa nagdarasal.
Pakinggan mo sana ang aking panaghili.
Hahakbang na ako ha...
At magbabaka-sakali.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro