Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2: The Clock Tower

Chapter 2: The Clock Tower

I was interrupted when I heard a knock on the library's old, heavy wooden door. Napabaling ako roon at marahang pumasok si Manang pagkatapos kumatok.

I didn't waste any time and asked her right away, "Manang, is there a clock tower in this place?"

Medyo natigilan si Manang sa agaran kong pagtatanong sa kaniya. "Mayroon naman... Nasa bayan. Bakit?"

Umiling ako. "Nothing. Just asking."

Tiningnan pa ako ni Manang, pero unti-unti siyang tumango sa akin. "Handa na ang hapunan mo. Bumaba ka na muna at kumain. Mamaya mo na lang ipagpatuloy ang pagbabasa mo rito..." Napatingin siya sa binabasa ko.

"Do you know about this, Manang?" I said, pertaining to the book or record in front of me.

Umiling si Manang sa akin. "Naku, hijo. Wala akong masyadong alam sa mga babasahin," she said.

I just nodded at what she said. Paglabas ko ng library, medyo nagulat ako kasi gabi na pala at madilim na nga sa labas. I remembered it was still afternoon and bright outside when I entered the library. But probably I hadn't realized the time because I got busy with something interesting I found inside my ancestor's house's library.

I had dinner, and they cooked the food I like. Siguro ay sinabihan na rin sila ni Mommy. I'm not very picky with food, pero may mga pagkain lang din ako na hindi kinakain, especially the unfamiliar ones. Napasulyap ako kay Rose; she's the younger kasambahay. Siya iyong nag-offer sa akin kanina ng snack na medyo ayaw ko. She's just quietly serving me now.

I sighed quietly and finished my dinner. Pagkatapos ay bumalik pa ako sa library before I went back to my room to get to bed and sleep that night.

But the next day, and then the next few days, I continued studying the records again until it was time for me to see the clock tower.

"Rose," I called her.

Nakita ko na naglilinis lang siya roon nang konti. Agad naman niya akong tinugunan at iniwan ang trabaho niya. "Ano po 'yon, Sir Julian?"

"Uh, I want to go to the bayan. Pwede mo ba akong samahan?"

I saw her lips part. Pagkatapos ay mabilis din siyang tumango sa akin. "Opo. Ngayon na ba tayo aalis?"

I nodded. "But it's all right. You can prepare and do what you need first... I'll wait in the car. Ah, patawag na rin muna sa driver," utos ko.

She nodded right away and called the driver for me. I can also drive, but most of the time ay nasanay na rin ako na may driver dahil palaging may kasamang bodyguards noon. At tamad na rin akong magmaneho. May driver naman, so I don't have to drive on my own.

Nang pumasok na rin naman agad si Rose sa sasakyan, sinabihan ko na si Mang Luciano, ang driver, na umalis na kami papunta sa bayan.

"Ano po pala ang gagawin n'yo sa bayan, Sir?"

"Hmm. To see the clock tower," I said.

"Clock tower? Hindi po ba ay gawa rin ng mga ninuno ninyo ang nag-iisang clock tower dito sa Santa Mariana?" Rose said.

Natuon sa sinabi niya ang atensyon ko. "Really?"

She nodded eagerly. "Oo. Iyan ang alam ko base na rin sa mga napapag-usapan ng mga matatanda rito. Marami rin talaga ang nagawa ng mga ninuno ninyo sa lugar ng Santa Mariana. Noong unang panahon, ang pamilya ninyo ang may-ari sa lugar na ito. At hanggang ngayon, kilala pa rin ng mga tao rito ang hacienda at ang mansyon ng mga Dela Torre," Rose told me.

Napatango na lang naman ako sa sinabi niya. Dela Torre was my grandmother's maiden name. Iyon ang apelido ng pamilya ni Mommy sa mother's side niya, habang Trinidad na ang surname ko mula naman kay Dad. Hindi rin tagarito sa Santa Mariana ang pamilya ni Daddy; sa ibang lugar sila at sa lugar din na nilipatan ng mga Dela Torre dati. Ang mga Trinidad din yata ang unang naging close family friend nila nang lumipat ang pamilya nina Lola doon, at doon na rin pinalaki si Mommy at mga kapatid niya.

My arms were folded across my chest as I sat inside the car, watching out the window. Hanggang sa nakita ko na rin ang mataas na clock tower sa labas ng bintana.

"We can stop here," I said to Mang Luciano.

Tinigil naman niya ang sasakyan sa tabi ng daan, malapit na sa kung nasaan ang clock tower na halos nasa sentro rin pala ng bayan nila dito. I stood at the foot of the tower. I am also tall, even taller than most people my age, but I felt small when I stood in front of the clock tower that was said to be built by my ancestors.

Nakita ko nga roon ang ilang mga pangalan na may de la Torre rin sa pangalan nila. So it was indeed made by my ancestors, or sila ang nagpatayo nitong luma na ngayon na clock tower. But it's still working...

"Does it still work?" I asked Rose, who was also standing beside me.

"Oo. Gumagana pa ito kahit matanda na ang tore. At ginagamit pa ng mga tao rito na tumutunog iyan sa mga tamang oras," Rose said.

I just slowly nodded my head.

I was too busy looking up at the tower that I later noticed people were already watching me, too. Napatingin din ako kay Rose. "What's their problem?" I asked her.

Umiling naman siya sa akin at ngumiti. "Wala naman. Siguro ay namamangha rin sila na malaman at makakita na may isang Dela Torre ang nagpunta rito. Matagal na rin kasing walang nabisita na kamag-anak ninyo sa Santa Mariana, kahit pa dito halos nagsimula ang mga kanununuan ninyo..."

Napatingin uli ako sa mga tao sa paligid. They were truly looking my way, and some of them even smiled at me kindly.

Maliit lang ang bayan ng Santa Mariana, at may maliit na populasyon. Kaya siguro halos magkakakilala lang din ang mga tao rito. At medyo malayo lang din sa mismong bayan ang Dela Torre mansion na napapalibutan din ng farmlands.

"Wala ka na bang ibang gustong gawin aside sa makita lang itong clock tower?"

Umiling ako kay Rose. "Bakit?" I asked.

Nakangiti siyang umiling sa akin bahagya. "Kung gusto mong mamasyal dito sa bayan, Sir Julian, ay may mapapasyalan din naman dito at mga pagkain din. Gusto mo bang magmeryenda? Ililibre na kita!" she said.

Napangisi naman ako sa sinabi niya. Rose was actually younger than me by about two years. Hindi pa nga siya nag-eighteen, pero malapit na rin daw ang birthday niya. Then I remembered how I cried when I was little, asking my parents to give me a little sister because I really wanted one. But Mom was so busy and only wanted to have me.

"Talaga? Ililibre mo pa ako?"

"Uh, alam ko naman na mas marami kayong pera, Sir Julian... Pero mura lang naman ang kakainin natin." Ngumisi rin siya sa akin.

I also smirked before I nodded my head to agree to her.

"Kaya lang, baka nga pala ayaw mo sa mga pagkain na 'to..." Nagdalawang-isip siya pagkatapos ng ilang sandali.

"Do you mean the turon from last time? I mean, I'm familiar with that meryenda. But I just wasn't used to eating it," I explained.

I don't usually explain myself to people, but Rose seems to be a nice girl, and she's patient with me. Tapos ay mukhang hindi rin siya nagtampo sa pinakita ko sa kaniya na attitude ko last time.

Ngumiti siya at dinala na ako para bumili ng snacks.

"Manong Bert! Ice cream nga po, dalawa!" Rose energetically bought some dessert for us.

"Uh, Rose, isn't that dirty ice cream?" I asked.

Tumango naman siya sa akin. "Oo. Bakit?" Then she grinned at me. "Hindi naman dahil dirty ice cream ang nakasanayang itawag natin dito ay literal na marumi nga. Huwag kang mag-alala, Sir Julian. Masarap ang ice cream na tinda ni Mang Bert, promise."

"Opo, Sir. Subukan mo lang." Mabait din na ngumiti sa akin iyong Mamang sorbetero.

Tinanggap ko na rin ang inabot sa akin na cone ng ice cream. I watched Rose eat it first before I slowly licked the cold dessert, too. Well, it's not bad. It tasted okay.

At kung ano pa ang mga kinain namin ni Rose na mukhang street food nga. I don't remember myself eating street food before. Ayaw din kasi ni Mommy at strict din siya sa mga niluluto para sa akin ng cook o chef namin sa bahay. I'm her only child, kaya naman minsan ay nagiging overprotective din si Mommy sa akin.

Isa pa, as a professional soccer player, I typically have to follow a strict diet.

Then after we headed home, pagdating sa mansion, I just had a slight stomachache. Tapos ay narinig ko si Manang na pinapagalitan si Rose.

"Alam mo naman na hindi sanay ang Sir Julian mo sa kung ano-ano lang ang pinakain mo sa kaniya d'yan sa tabi-tabi! Ano ka ba naman, Roselia! Mapapagalitan tayo ni Mayora. Hindi ka talaga nag-iingat! Akala ko ba ay mahalaga sa'yo ang trabaho mo rito ngayon? Dahil mag-aaral ka pa sa pasukan, hindi ba?"

I didn't hear any response from Rose. At nang sumilip ako nang konti, nakita kong nakayuko lang siya habang napapagalitan ni Manang at mukhang guilty.

I went back to my room and sighed quietly. I'm already fine now after I emptied my stomach earlier and took some proper medicine for it. May pinapunta na rin sila na doctor dito. Agad na nagtawag si Manang ng doctor to check up on me.

Pagpasok ni Manang muli sa kwarto ko, kinausap ko na siya. "Manang, nasabi n'yo na po ba kay Mommy ang nangyari sa akin?"

Umiling naman siya. "Hindi pa dahil hindi pa matawagan ang Mommy mo kanina. Siguro ay abala pa sa mga ginagawa niya."

"Pwede po ba na huwag n'yo na lang ipaalam kay Mommy ang nangyari sa akin?"

"Eh, pero, hijo, kabilinbilinan ng Mommy mo na ipaalam agad namin sa kaniya ang mga nangyayari sa'yo dito," she told me.

I sighed a bit. "Ayos lang po, Manang. Okay na rin naman po ang pakiramdam ko ngayon. I'm okay now after the doctor checked on me."

"Sigurado ka ba na hindi ka na pupunta pa sa ospital?" Manang still looked worried for me.

Umiling ako sa kaniya at nagbigay ng reassuring smile. "I'm all right, Manang. Don't worry about me. Ayaw ko lang din po na mag-alala pa si Mommy sa akin. She's also busy right now," I said.

"Ganoon ba..."

Sa huli, pinagbigyan din naman ako ni Manang at hindi na namin ipapaalam kay Mommy ang nangyari. I also knew that she would only overreact.

Then I went to talk to Rose, who even cried when I tried to talk to her!

"Sorry po, Sir Julian. Kasalanan ko po. Pasensya na po kayo..." she apologized to me, tears in her eyes and some falling down her cheeks.

I shook my head. "It's all right, Rose. It wasn't your fault. Hindi mo naman ako pinilit na kumain, and I ate it on my own accord... So, stop crying now. I'm not mad at you." I gave her a reassuring smile.

Unti-unti na rin siyang tumango sa akin.

Pagkatapos naming mag-usap, bumalik na rin ako sa kwarto ko. Kumpleto sa mga dalang gamit ang doctor na nagpunta rito kanina at tumingin sa akin. Siguro, sa tingin ko, nabigla lang din ang tiyan ko kanina sa mga nakain at hindi pa ako sanay. But I feel fine now. May kasama rin na assistant iyong doctor kanina, and they took some samples from me. Ipapa-laboratory test na rin daw nila. Ayaw ko na kasing pumunta pa sa hospital kanina, lalo na nang makita kong mukhang takot na takot si Rose para sa akin. At tingin ko naman ay okay na ako. Kaya sila na lang ang gumawa ng paraan para masiguro na okay na nga ako. Some professionals can do it, alright. Especially when you have the money to pay them, I guess.

Then my phone rang with a call from my dad. I opened the video chat. "Hey, Dad," bati ko sa kaniya.

"How are you, son?" Daddy just asked me like he usually does to check up on me.

"I'm fine, Dad." Hindi nila alam ni Mommy na medyo hindi lang naman ako natunawan kanina sa kinain. "How 'bout you and Mom?"

"We're good, Julian. Ikaw, kumusta ka riyan? I hope you're not causing trouble sa mga kasama mo d'yan sa bahay ngayon?"

Napangiti na lang ako sa tanong ni Dad. Pagkatapos ay umiling pa ako. "No, Dad. I'm actually being a... good guy here," I grinned.

And I continued to smile as I talked to my dad on the phone.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro