Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Tigger

To the best friend I never had,

Di ba magkaibigan tayo? Ano'ng nangyari? Bakit nagkaganito? Bakit parang hindi na tayo magkakilala? Na para bang wala tayong pinagsamahan. Parang hindi ka nakitulog sa bahay ko dati. Parang hindi ako nakikain sa inyo. Alam mo 'yun? Puro alaala na lang ang pinanghahawakan ko.

Ano ba'ng nangyari? When did we fall apart? Na parang dikit na dikit tayo dati tapos ngayon, wala na. Parang hindi na tayo magkakilala...

Alam mo ba ang masakit doon? Gusto kong bumalik tayo sa dati pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Alam kong kailangan kong humakbang pabalik papunta dun sa lugar kung saan tayo huling magkasama. Dun sa lugar kung saan biglang nawala ang lahat.

It's like we've reached a fork road in our tangled lives and we both chose different ways. You went on with your life, not looking back. Habang ako, heto, malayo na ang narating pero patuloy pa rin sa paglingon, umaasang makikita kitang humahabol sa 'kin.

Pero sa tuwing lilingon ako sa daan na tinahak ko na, wala ka doon.

Close tayo nung high school, di ba? Itinuturing pa kitang best friend. Ang dami mong kaibigan noon. Ako, halos lahat kaaway ko. Nandyan kayong iilan na nakakaintindi sa akin. And among you guys, you're the one that I see would best fit the role of being my best friend.

You were cool, even back then. Mabait ka pa at maalaga. Maganda ka pa.

Ako, ano ba naman ako? Nasa isang sulok lang ako, palaging tulog. Hindi na nga maganda, bagsak pa sa ugali. Palagi akong may kaaway noon. Palaging may katampuhan. Kahit nga ikaw, hindi nakaligtas, di ba? Ilang beses na ba kitang inaway? Kulang yata ang mga daliri ko sa dalawang kamay at paa para mabilang kung ilang beses na.

Bakit nga ba kita inaaway? Kasi nagseselos ako kapag nagiging mas close ka sa iba. Selosa akong kaibigan, alam mo yan. Clingy ako. Kung ibinibigay ko sa 'yo lahat ng oras ko, gusto kong ganun din ang gawin mo. Gusto ko ako lang. Itinuturing kitang best friend, bakit hindi mo magawang ibalik ang ganung trato sa 'kin?

A, tama... 'cause I don't fit the description. I am not the best you could have as friend. Sasang-ayunan kita sa bagay na yan. You derserve more. So much more.

But don't you see? I'm willing to try my hardest to be better for you.

Natatandaan mo pa yung mga inipon kong laruan ng paborito mong cartoon character? Oo, alam kong mga bigay lang yun at napaglumaan na. Hindi kasi ako makabili ng bago para sa 'yo dahil wala akong pera. Naaalala mo pa yung drawing ko? Yung ibinibigay ko sa 'yo? Yung hindi mo tinanggap?

Ano na nga ulit ang dahilan mo?

Hindi ko alam kung kinuha mo yun. Sa daming beses kong iniabot sa 'yo at sa daming beses mo na ring tinanggihan, hindi ko na maalala kung tinanggap mo nga ba.

Sabi mo, iba yung itinuturing mong best friend. Alam mo ba ang naisip ko nang malaman ko kung sino? Nainis ako. Alam mo kung bakit? Because I think she doesn't deserve you. Sure, I may not be the best out there but I'm sure I'm way better than her.

Ano ba ang nakita mo sa kanya na wala sa akin? Bakit sya gusto mong maging best friend, ako hindi? Ganun na ba ako kababa? Ganun na ba ako kasama? Ganun na ba ako ka-unworthy?

Now, here I am. I guess my life's okay. I have many friends. Mga masayang kasama. Tanggap din nila kung ano ako. Ikaw, kumusta ka na? Nasunod mo ba ang mga pangarap mo sa buhay?

Alam mo ba, naiinggit ako sa mga kaibigan mo... kasi nakakasama ka nila. Ako, nakukuntento na lang sa mga alaala. Ang saya natin dati, ano? Kahit na minsan, pakiramdam kong palagi pa rin akong out of place. I never got the feel of belonging to our group. Ewan ko ba.

Iniisip ko nga noon, kung matataong papapiliin kayo ng mga gusto ninyong kasama, hindi ninyo ako pipiliin. Na parang kailangan ko pang ipagpilitan ang sarili ko para makasama sa inyo. Pakiramdam ko, hindi ako katanggap-tanggap.

People are willing to do things for you guys. Kahit hindi ninyo hingiin, ibibigay sa inyo. Ako, parang ako palagi ang nagbibigay. I feel like I'm bribing them in exchange for friendship. Nanlilibre ako kahit wala akong pera. Kapag alam kong gusto nila, ibinibigay ko. Ako? Hindi na ako nag-eexpect.

Kaya nga hindi ako sanay makatanggap ng regalo. Sanay kasi akong ako ang nagbibigay, hindi tumatanggap. Because it feels like no one would give me something willingly without the guarantee of getting anything in return from me.

Kaya itinutulak ko kayo palayo. Dahil pakiramdam ko, napipilitan lang kayo sa 'kin. Na nakakaawa ako. Palagi nilang sinasabi na emotera ako, mapag-isa, suplada... ayaw ko lang kasing ma-reject.

Nadala na 'ko sa 'yo e. Ilang beses ko na bang pinagpilitan ang sarili ko sa 'yo? Ilang beses mo na rin ba akong tinanggihan?

No, please, don't think that I'm blaming you. I guess I'm blaming myself for sticking my nose to places I'm not wanted, for hanging out with people who don't want me around. I blame myself for not just staying put inside a closed space and be contented that God had even lent me a little space on Earth to exist.

Dapat kasi nakuntento na ako sa pag-iisa.

Bakit hindi mo piliting maging masaya? Bakit hindi ka makipagkaibigan sa ibang tao? I assure you, at some point in my life, I have experienced being happy. Malaki ang pasasalamat ko sa mga kaibigan ko ngayon. Marami akong kaibigan, kagaya ng nasabi ko nung una. Masaya ako kapag kasama ko sila.

Pero hindi ko pa rin maiwasang maging malungkot. Pakiramdam ko may kulang pa rin sa pagkatao ko. Na parang kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin kayang maging masaya. Yung sobrang saya. Naisip ko nga minsan, bakit kasi kailangan pang iparanas sa 'kin kung pano maging masaya kung hindi rin naman pala magtatagal? Why not make me miserable all the time? At least, di ba, hindi mo na alam yung feeling ng masaya. Para wala kang hahanap-hanapin.

Masaya ako noong high school. Isa yan sa mga highlight ng buhay ko. Nandun kayo e. Marunong akong magpahalaga ng kaibigan. I would invest a lot in you. But you know what I felt back then? I felt neglected. Parang kayo yung in crowd, nakikisali lang ako. Sinisiksik ko lang ang sarili ko sa inyo. Na parang pilit. Na parang sapilitan lang...

Kaya madalas ko kayong awayin. Ipinagtatabuyan ko kayo palayo. Feeling ko kasi, even the slightest of things could make you leave me. Na hindi naman ako ganun kaimportante. Na hindi rin kayo magtatagal. Kita ko naman na may sari-sarili kayong grupo e. Ako? Wala. Sarili ko lang. Kapag wala kayo, wala na rin ako. Maiiwan lang ako sa isang sulok.

Sa dalas ng pagtataboy ko sa inyo, ang ilan ay hindi na nakatagal. Isa ka na. Tuluyan ka ng lumayo. Ayaw kitang sisihin. Alam kong kahit ang isang kagaya mo pa, hindi rin tatagal sa isang katulad ko.

Napuno ka na. Kung ayaw ko, di 'wag, di ba?

That's what I was expecting. Ito yung pakiramdam kong tama. Ang maiwang mag-isa. Minsan nga, nangangarap na lang ako na kaya kong magpakalayo-layo. Palipat-lipat ng lugar. Careful not to make any attachments. Careful not to leave a mark.

I'll be here today and then gone the next day. Just like that. It's like I wasn't even here.

'Cause once you learn to care, you'll start getting hurt. Caring makes you vulnerable. It opens up your heart to all sorts of pain and devastation.

At palagi mong gugustuhing makabalik sa dati. Gusto mong maging masaya ulit. Gusto mong makasama ulit sila... kahit alam mong hindi na pwede. Kahit wala ka ng babalikan.

Sa 'yo, sorry. I became too much to bear. Sorry that I kept pushing you away when all I really wanted was to get close to you. Sana masaya ka na ngayon. Alam ko namang hindi malabong mangyari yun dahil mabait ka. I'm sure you're one of God's favourites.

Masaya rin naman ako... minsan. Sana magtagal pa.

At sana, pagkatapos ng sulat na 'to, mawalan na ako ng hinanakit sa 'yo. Hanggang ngayon kasi, may nakareserba pa ring space para sa 'yo kung sakali mang pumayag ka nang maging best friend ko.

Feel free to laugh. I know we both know that's not going to happen.

Anyway, I have nothing more to say. Have a nice life!

From,

The best friend you will never have.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro