Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER SIX


NADELEINE TRINIQUE

"You're a disgrace, Naddie..."

"I can't believe you failed your experiment, Anak."

"You live just to be... a failure?"

They stared at me with disgust and disappointment on their eyes.

Kuya... Mom... Dad...

Naluluhang nakayuko ako sa kanilang harapan. Pakiramdam ko ay bigla akong nanliit dahil sa naging reaksyon nila.

"S-Sinubukan ko n-naman po, eh... I'm s-sorry for... f-failing the experiment. Susubukan ko nalang po u-ulit," humihikbing sambit ko.

"You didn't tried harder. You're a failure, Nadeleine."

Madilim ang mga tingin nila sa akin. Nanlaki ang aking lumuluhang mga mata ng unti-unting nagiging abo ang kanilang mga katawan mula sa kanilang mga paa, pataas nang pataas.

Patakbong lumapit ako sa kanila at sinubukan kong hawakan ang kamay ni Mom pero para ko lang sinubukang hawakan ang hangin.

"N-No... no! please!"

Napabangon ako mula sa aking pagkakahiga habang sinusubukang pakalmahin ang aking paghinga. Nanginginig na pinunasan ko ang mga luhang patuloy sa pagpatak.

Nakaramdam ako ng konting ginhawa dahil isa lamang 'yong panaginip. Dady, mom and kuya wouldn't say those words just because I failed.

Simula pa ng bata pa ako ay pansin ko na masyado akong clumsy sa kahit anong gawin ko, pero kahit kailan ay hindi nila ako pinagsasalitaan ng masama.

Patuloy ang paghinga ko ng malalim nang mapansin ko si Cato sa aking tabi. Natigilan ako sa aking ginagawang pagpapakalma sa sarili nang mapansing nag-shut down siya.

Huh? Hindi niya ba chinarge ang sarili niya?

I was about to carry him to put him on his charging bed when I noticed my door was open wide and there is someone standing, looking at me with it's bright blue eyes. Parang isang ilaw sa sobrang liwanag.

Kinilabutan ako at nanginig ang buo kong katawan sa nakikita. I tightly hold Cato, silently praying for him to wake up.

"S-Sino ka? Magpakilala ka!" hindi man lang ito gumalaw sa kinatatayuan niya at nanatiling nakatitig ang mga mata nito sa akin.

"P-Paano ka nakapasok? H-Huwag kang lalapit!" nanginginig na hiyaw ko rito.

Napasinghap ako ng gumalaw ang ulo nito patagilid na para bang nagtataka sa aking inaasal.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang dahan dahang lumapit ito sa aking kinatatayuan dahilan para tamaan ng liwanag ng buwan mula sa bintanang nakabukas.

"Huwag k-kang lalapit sabi!"

Nanlaki ang aking mga mata nang tuluyang makita ang buong mukha nito!

Am I... still dreaming? W-What?

Tuluyan na itong nakalapit sa akin at nakatayo na siya sa tabi ng kama ko, kasalukuyan paring nakatitig sa akin. Hindi ko napigilan ang aking sarili at sumigaw na ako nang napakalakas.

"Ahhh!" kumuha ako ng isang unan at itinapon sa kanya habang sumisigaw parin.

Tinamaan siya ng unan sa mukha pero nanatili paring naka mulat ang kanyang mga mata, nakatitig sa akin habang hindi gumagalaw. Kahit pagkurap man lang ay hindi nito ginawa.

Pakiramdam ko ay magiisang oras na ata akong tumitili pero wala itong kagalaw galaw. Tumigil ako sa pagtili at tinitigan din ito.

"Hoy!" tawag ko rito.

Inangat ko ang aking kaliwang kamay at napapiksi ako nang sinundan niya ito nang tingin gamit ang maliwanag na asul niyang mga mata.

"Naiintindihan mo ba ako?" tanong ko bago ibaba ang aking kamay. Bumalik naman ang tingin ng mga mata nito sa mga mata ko.

Wala man lang akong makita na katiting na emosyon sa gwapong mukha niya. Ano ba problema nito?

Tinignan ko si Cato na shut down parin, sinubukan kong tignan kong ano ang problema sa system niya pero wala akong makita ni isa.

"Cato, wake up! Ano ba ang mali sa iyo? Full charged ka naman, ah?" nagtatakang sambit ko.

Patuloy ko paring tinitignan si Cato nang lumapit ang lalaking kanina ay namatay dahil sa experiment ko!

Pigil ang aking hininga nang umupo ito sa aking kama at nasa harapan ko mismo. Hindi na natingin sa akin ang asul nitong mga mata dahil na kay Cato na ito nakatutok.

Lumalim ang kunot sa aking noo nang umangat ang isang kamay nito at humawak sa ulo ni Cato, pagkatapos ay nabigla ako nang may asul na ilaw angg lumabas sa kamay nito at dumaloy papunta ng katawan ni Cato.

What the hell is he doing?

"Hey! A-Ano iyan?" tanong ko. Hindi ako nito pinansin at nagpatuloy lang sa kaniyang ginagawa.

Maya maya pa ay nabigla ako nang bumukas ang mga mata ni Cato at umilaw kagaya ng mga mata ng lalaki pero agad din namang nawala. Cato blinked thrice while staring at the... man?

"Wow... You're alive?" namamanghang sabi ni Cato habang nakatitig sa lalaki. 

Hindi man lang ito kumurap at agad na  ibinalik lang ang tingin sa akin na para bang automatic na iyon. 

"Weird. May heartbeat ka pero mahina nanaman, tapos iba ang circulation ng daloy ng dugo mo." nilingon ako ni Cato. "I think he's alive, but also dead, Master. He's a zombie, I guess?" pormal na saad nito.

Napalunok ako sa narinig at umatras. Kaya ba nakatingin lang siya sa akin kasi alam niyang buhay ako? Nararamdaman o naaamoy niya ba ang dugo ko? Kakainin niya ba ako? Holy crap, I just become a bait for my own experiment. 

"S-Sige, ha? Nice t-to meet you. Aalis na ako," kinakabahang ani ko at patuloy parin sa pagatras. Tamad na tingin lang ang ibinigay sa akin ni Cato, habang ang zombie naman ay wala paring emosyon na para bang nakatingin lang ito sa kawalan.

"Ay bwakanang shit!"

Isang atras ko pa ay tuluyan na akong nahulog sa aking hinihigaan nauna pa ang ulo kaya pakiramdam ko ay umikot ang aking paningin. 

"Ayan kasi... Master, calm down. This man isn't gonna eat you," Cato stated like it's a fact.

Tinignan ko ito ng masama. Not gonna eat me? Then, ano sa tingin niya ang kinakain ng isang zombie? Gulay? Vegetarian gano'n ba?

Napasinghap ako nang hindi ko napansin na nakadungaw na din pala ang zombie at nakatingin sa akin na para bang inosenteng nilalang. Baka iniisip niya kong papaano niya ako kakainin! 

Nanginginig na umayos ako ng upo at nanginginig ang mga tuhod na tumayo.

"Cato naman! B-Baka kainin ako nyan, eh!" reklamo ko sa taksil na si Cato.

"Master, trust me hindi ka nga niya kakainin. Look! Your experimentation was successful! " masayang sabi niya at nakita ko ang ningning sa kaniyang mga mata.

Kagat labing tinitigan ko sa mata ang zombie na nakaupo sa aking kama at nakatingin sa akin.

Did I really succeed?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro