CHAPTER FOUR
𝗡𝗔𝗗𝗘𝗟𝗘𝗜𝗡𝗘 𝗧𝗥𝗜𝗡𝗜𝗤𝗨𝗘
Nanlamig ang aking katawan at nagkaroon ng bukol sa aking lalamunan nang batiin nito ang nakahiga na bangkay sa backseat ng kotse ko.
Naramdaman ko ang panginginig ng aking katawan. Hindi dahil sa lamig ng panahon, nanginginig ako dahil sa sobrang kaba na baka mahuli ako sa krimen na nagawa ko.
Napatingin ako ay Cato na nakatingin din sa akin na mukhang kinakabahan din para sa akin.
“Mukhang tulog na tulog si Sir, Ma'am?” Hindi siguradong sabi ng guwardiya at alanganin na ngumiti marahil ay pakiramdam n’ya ay napahiya siya.
Gumana ang utak ko dahil sa sinabi nito at agad nakaisip ng sasabihin. Lumiwanag ang ekspresyon sa aking mukha bago tumango at ngumiti sa guwardiya.
“Ah,” tumawa ako. “Oo! Pagod na pagod kasi ’tong boyfriend ko galing kasi kami sa party ng kaibigan namin kanina tapos nakainom din kaya ayan knockout.”
Bumilog ang labi ng guwardiya at natawa sa aking sinabi.
“Kaya naman pala! Mukhang malakas uminom itong si Sir kaya gano’n! Sige, Ma'am, Sir, magandang umaga at ingat kayo sa byahe.” nakangiting inangat pa ng guwardiya ang kaniyang sumbrero at inangat ang harang sa harap para makadaan kami.
Nginitian ko lang s’ya at agad na umabante para makaalis na. Pagkalampas na pagkalampas namin sa check point ay sumilay ang mapaglarong ngisi sa aking labi.
“That was close!” Cato exclaimed.
“I know, right? That really takes my breath away, I almost faint!” I exclaimed while laughing.
Buong byahe ay walang katapusan ang pagsasalita ni Cato. Sinabi niya kung gaano siya ka takot at kung ano-ano pa dahil sa ginawa namin. Nagrereklamo pa siya dahil hindi ko daw talaga siya pinapakinggan.
Ilang oras pa ay tagumpay kaming nakauwi na walang problemang nangyari. I excitedly parked my car inside my garage.
“Cato, mauna ka na. Turn on the lights,” utos ko. He barked and then jumped off the car before going inside the house.
Tinitigan ko ngayon ang bangkay na nasa backseat ko lang.
“This is your new home,” I said while staring at the corpse.
Pagbaba sa driver’s seat ay nag-inat inat muna ako para ihanda ang akong sarili. Napakabigat pa naman ng bangkay na ito.
I opened the backseat and was about to carry him when Cato came back with a shopping cart. Okay? Why the hell does he have that?!
“Saan mo ’yan nakuha, Cato?!” nabibigla tanong ko. He wiggled his tail.
“I bought it!” he answered looking proud.
“You bought it?” nagtatakang tanong ko. How the hell—? Naka-ngiwing tinignan ko pa ang shopping cart at mas umasim ang aking ekspresyon ng makitang mayroon pa itong dog paws na tatak.
“The delivery man delivered this, I ordered it online.” Huh? Paano siya nakabaya—
“I used your credit card,” balewalang sabi niya habang masayang nakatingin sa akin. Masamang tingin ang ibinigay ko sa kaniya.
Holy fudge, kaya pala napansin kong may ilang libong bawas ang pera ko noong ginamit ko ang credit card ko.
Bumuntong-hininga nalang ako dahil wala na akong magagawa nandito na ’to, mukhang useful naman kaya okay na din.
“Come on! Let’s bring him inside!” Cato exclaimed. Bakit mukhang excited na itong asong ’to? As far as I remember, halos posasan na nito ang mga kamay at mga paa ko para hindi ko lang magawa ito!
Umiling nalang ako dahil hindi ko maintindihan kung bakit naging ganito si Cato.
Pahirapan pa ang paglalagay ko sa katawan ng bangkay sa Shopping Cart dahil masyado siyang mabigat at ang pisteng shopping cart ay galaw ng galaw.
Nang mailagay ko na siya ay punong puno na ng pawis ang katawan ko, kung kanina ay basang basa ako dahil sa ulan ngayon naman ay basang basa ako dahil sa sobrang pagpapawis. Pasimpleng inamoy ko naman ang aking sarili at napangisi ng mabango parin ako. Swerte ng aamoy sa akin!
Tinulak ko na ang cart papasok ng bahay, napangiti pa ako ng tinulungan ako ni Cato sa pagtutulak kahit useless naman dahil masyado siyang maliit at masyadong mabigat itong cart.
Natawa pa ako ng masubsob ang mukha nya sa sahig dahil sa pagtutulak. Agad naman siyang umayos at tinignan ako ng nagtatakang inosente niyang mga mata. Cute.
Pabagsak na inilagay namin ang bangkay sa isang higaan sa laboratory room. “Should we clean him first?” tanong ko.
Naghihinalang tinignan naman ako ni Cato kaya sinuklian ko ng matalim na titig ang kaniyang tingin.
“You... maniac..” Nanlaki ang aking mga mata at napanganga sa kaniyang sinabi.
“Excuse me?! Napakamalisyoso mo, Cato!” namumula sa galit at hiya ang aking mukha.
“Ako na ang magbibihis sa kaniya, Master. Go out,” Cato said. Napangiwi ako sa kaniyang sinabi.
“Paano mo naman siya malilinisan, ha?” tamad na tanong ko.
Inangatan niya ako ng isang kilay at may mga metal hands na lumabas sa kaniyang likod na merong blue na guwantes na may design na dog paws.
“I’m a robot, you made me remember?” bitterness flood my system. Punyeta.
“Okay, fine! Ikaw bahala mukhang mas ready ka pa kesa sa akin ah!” nakabusangot na sabi ko.
“Master, I got this. Now go,” Sagot ni Cato.
“Sige, pero pwede ko ba siyang i-kiss? Mukhang wala pa namang dirty something na umano sa katawan niya, mukha pa siyang fresh.” natigilan si Cato sa aking sinabi at dahan dahan akong nilingon ng nanlalaki at mapangakusa niyang mga mata.
“What?”
“I mean— Can I at least kiss him?” I jokingly asked. Cato looked at me like he's ready to bite me to death. “No?”
“You can’t just kiss a corpse!” he exclaimed. I looked at his exaggerated expression.
“Just one—”
“No!”
Nakagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang aking sarili sa pagtawa.
“Chill! I’m just joking,” tumatawang ani ko. Kumunot lang ang noo ni Cato.
“Out.” natawa ako dahil para siyang batang nagtatantrums.
Tumatawang tinaas ko ang aking dalawang kamay na para bang sumusuko.
“If you need help tell me, ’kay?” Tumango lang siya kaya nginitian ko siya at tuluyan ng lumabas.
Pumunta ako sa aking kwarto para maligo at ayusin ang aking sarili. Habang naliligo ay hindi ko maiwasang mapasigaw sa saya.
Sa wakas may tsansang maging matagumpay ang aking experiment!
Pagkatapos kong ayusin ang aking sarili ay pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng makakain dahil nararamdaman ko na ang pagrireklamo ng aking tyan sa gutom.
Limang minuto pa ang lumipas ng lumabas sa laboratory room si Cato. Dire-diretsong lumakad siya papunta sa akin na para bang may malalim na iniisip.
“Hey, Cato, tapos na?” I asked. Tumango siya bilang sagot at tumalon sa sofa na kinauupuan ko para tumabi sa akin.
“Master,” tawag niya sa akin.
“Yeah? What is it?” sagot ko habang abala at nakatutok ang mga mata sa kinakain kong cookies and cream ice cream, hinahanap ang mga buong cookies para kainin.
Napasinghap ako sa kaniyang mga susunod na sinabi at bumilis ang tibok ng puso ko.
“While cleaning the corpse, I accidentally heard his heart beat. ’Di ba if someone is dead it’s heart will stop beating?” he said. Tinignan ko siya kung seryoso ba siya sa sinasabi niya pero nakita ko na walang bakas na pagbibiro ang mukha nito at hindi marunong magbiro si Cato.
“A-Are you sure? Cato, I swear if this is a joke lagot ka sa akin!” pagbabanta ko sa kaniya. Tumitig siya sa aking mga mata.
“I am sure, kahit mahina sigurado ako sa aking narinig. You made me without any flaws at maayos ang buong system ko, Master.”
Oh, heck. Did I just bring a fucking zombie inside my house?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro