CHAPTER 18 - Clash
MARAHAS niyang nilingon si Dudz na ang pansin ay nasa paligid.
"Kanino ang party na ito?" Kinontrol niya ang sariling hindi singhalan ang pinsan. Sinadya ba nitong hindi kaagad magsabi sa kaniya?
"One of my friends. He's celebrating his twenty-ninth birthday. Lahat ng kaibigan lang niya ang imbitado sa party na ito."
"Is it Cayson Montemayor?"
"Yep. Remember, he is also my boss— Wait, what?" Kunot-noo siyang niyuko nito. "Paano mong nakilala si Cayson?"
She groaned in annoyance. Sa nakalipas na pitong taon ay nawala na sa isip niya ang lalaking iyon pero ngayong nakita niya itong muli— breathing the same air he was breathing— ay hindi napigilan ng matinding inis niya ang bumangon mula sa hukay.
Nang makita ni Dudz ang pagbabago sa kaniyang anyo ay natawa ito. "Bakit ka ba mukhang—" Natigilan ito nang may maalala. "Oh, I remember! May hindi pala kayo magandang nakaraan ni Cayson noon! Oh, how could I forget?" Malakas itong natawa na ikina-inis niya lalo.
"Yeah, how could youforget?" tuya niya sa pinsan. Biglang nawala ang gutom niya; gusto na lang niyang umalis sa lugar na iyon. "Buti ka pa nakalimutan mo. Sana pati ang buong pamilya ay may kasing-purol na alaala katulad ng sa'yo."
Natatawang ginulo ni Dudz ang buhok niya. "You wish. Imposibleng mawala sa isip ng pamilya ang tungkol sa nangyari sa pagitan ninyo, ano. In my case, hindi ko masyadong in-intindi kaya kaagad kong nakalimutan. Alam mo naman ako, halos umikot ang mundo ko kay Carmi sa nakalipas na mga taon."
Tinabig niya ang kamay ng pinsan saka nakasimangot na nagsalita. "Tsk. Hali ka na nga, umuwi na tayo. Bumalik ka na lang sa pagmumukmok mo at ituloy mo na lang ang pagda-drama mo sa pag-iwan sa'yo ni Carmi. Idaan mo na lang ako sa Jabee, bili na lang akong palabok at chicken."
"Ano ka ba? Ang tagal-tagal na no'ng nangyari sa pagitan ninyo ni Cayson, eh," natatawa pang sabi ng loko. "Move on ka na dahil naka-move on na rin naman ang lahat—"
"Madali sa iyong sabihin iyan kasi hindi ikaw ang na-apektuhan!" mahina niyang singhal. "Ang Cayson Montemayor na iyan ang naging dahilan kung bakit biglang nagbago ang buhay ko. Naging mahigpit sa akin ang buong pamilya, naging mainit ang dugo nila Tita, hinawakan ako sa leeg nina Mama at Papa, saka—"
"Mahigpit ang pamilya sa ating lahat, Rome. Nagkataon lang na pasaway ka talaga noong bata ka kaya nakuha mo ang atensyon ng lahat at naging bantay-sarado ang pamilya sa'yo," sabi ni Dudz sa mahinahong tono.
Inirapan niya ang pinsan, "Kung alam ko lang na party pala ng Pontio Pilatong iyan ang pupuntahan nati'y hindi na sana ako sumama. Nag-dildil na lang sana ako ng asin sa bahay."
"Too late, narito na tayo." Hinila siya ni Dudz palapit sa grupong nagkukumpulan at sa lalaking pinalilibutan ng mga ito.
Pilit niyang binawi ang kamay mula sa pinsan. "Dudz, ano ba? Bitiwan mo nga ako, hindi ako lola para alalayan mo sa paglalakad. At saan mo ba ako dadalhin—"
"I'm just going to greet Boss Cayson and to also introduce you to him— nang mas maayos." Binigyang-diin nito ang mga huling sinabi. "Para naman magkakilala kayo sa pangatlong pagkakataon at sa maayos na paraan."
"Ayaw ko." Gigil niyang hinampas sa braso ang pinsan. "At sino ba ang nagsabi sa'yo na gusto kong makipagkilala r'yan? Hindi ako interesado kaya—"
"Shh! Ang ingay ng bibig mo."
Akma niya sanang hahampasing muli ang pinsan nang makitang napalingon sa direksyon nila si Cayson.
Natigilan siya.
Si Cayson, nang mapatingin sa gawi nila at makita si Dudz ay napangiti at sandaling iniwan ang mga kausap. Lumapit ito, nasa mukha ang galak.
Doon pa lang siya binitiwan ng pinsan para salubungin ang lalaki.
"Dudz!" ani Cayson. "Buti nakarating ka. Hindi ko inasahang makikita kita ngayong gabi."
Napakamot si Dudz. "Pasensya ka na, Pareng Bossing, kung hindi ako nakapag-reply sa text message mo. Hindi rin kasi ako siguradong makapupunta."
"Nah, don't worry about it. Narito rin sila Alfred..."
Habang nagkamustahan ang dalawa ay nakatingala niyang sinuri ng tingin si Cayson Montemayor. Nakatayo ito ilang dipa lang mula sa kaniya, pero hindi niya maiwasang tingalain ito.
The man was probably the tallest male she had ever seen in her whole life. Sigurado siyang sobra pa sa six-foot ang height nito, dahil nagmukhang kutong-lupa si Dudz sa height nitong 5'10.
Ang huling kita niya sa lalaki ay noong araw na napahiya na naman siya sa harap ng mga estudyante sa MIC. Noong nagkabanggaan sila sa Accounting office at nakita nito ang report card niya. That was seven years ago, and since then, the man had changed a lot.
Kung noo'y may kalakihan na ang katawan nito, mas lalo pa ngayon. Sigurado siyang araw-araw itong nagwo-work out kung ang pagbabasehan niya ay ang maskulado nitong mga binti sa likod ng suot nitong pants, at ang itim na poloshirt. He had this strikingly gorgeous and charismatic face that attracts women— and she wasn't complimenting him, she was actually describing him with sarcasm in her mind. Ang tindig nito ay tamang-tama sa depinisyon ng mga lalaking manloloko at matinik sa chicks. The typical playboy, like a clichè. At tulad ng dati, naroon pa rin sa tindig nito ang 'I am a gift from God' vibe.
Napa-ismid siya sa naisip.
Mukha pa rin siyang gago sa paningin ko.
Hindi siya makapaniwalang sa paglipas ng mahabang panahon ay matinding inis pa rin ang mararamdaman niya ngayong nakita niya itong muli. Para siyang buntis na naglilihi at makita lang ang pagmumukha nito'y umiinit na ang ulo niya.
"Dalawang linggo kitang hindi nakita dahil naging abala ako sa opisina, ilang beses kitang niyayang dumaan sa pub kasama sila Alfred pero hindi ka lumulusot."
Napakamot si Dudz. "Nagkaroon kasi kami ng problema ni Carmi, pare..."
"Did you break up?"
Napa-ismid siya nang makita ang pag-ngisi si Cayson. That devilish smirk didn't change, she thought...
"Yeah, pero h'wag na nating pag-usapan. I'm ready to move on tonight."
Lumapad ang pagkakangisi ni Cayson saka tinapik sa balikat si Dudz. "That's my man. H'wag kang magpakalugmok sa babae lang."
Sa sinabi nito'y muli siyang napa-ismid, pero sa pagkakataong iyon ay may kasamang pagak na tawa dahilan upang makuha niya ang pansin ng dalawa.
Si Dudz, nang maalalang may kasama , ay hinawakan siya sa braso saka hinila. "Oh, by the way. This is my cousin, Rosenda Marie Cinco. Do you remember her?"
Nagtaka siya sa sarili kung bakit siya biglang napa-atras nang yukuin siya ni Cayson. Kunot-noo siya nitong sinuri ng tingin bago nagsalita.
"I don't remember, but she does look familiar. Have we met before?"
Si Dudz ay natawa. "Hindi mo ba naaalala? Sabagay, hindi naman stunning 'tong si Insan kaya madaling kalimutan."
Pinigilan niya ang sariling sikuhin si Dudz. Sa isip ay pina-plano na niya kung ano'ng pananakit ang gagawin niya rito mamaya.
"Alam mo, hali ka na," aniya sabay hila sa braso ni Dudz. "Ihatid mo na ako at uuwi na ako."
"Come on..." Hinila siya nito pabalik, saka muling hinarap si Cayson na palipat-lipat lang ang tingin sa kanilang dalawa. "Don't you remember her, pare? Siya iyong pinsan kong mukhang lalaki dati na nagpunta sa coffee shop na tinatambayan natin at binuhusan ka ng kape. At ang narinig ko, siya rin ang nagmura sa'yo noong minsang dumalaw ka sa MIC."
Tinapunan niya ng masamang tingin ang pinsan.
Mamaya ka lang talaga sa'kin, Dudz. May paglalagyan ka talaga...
Nang muli niyang ibinalik ang tingin kay Cayson ay nahuli niya kung papaanong bumaba ang mga mata nito sa suot niyang Mickey Mouse shirt, sa luma niyang pantalon hanggang sa mga sneakers, bago niyon ibinalik ang tingin sa kaniyang mukha. Tinaasan niya ito ng kilay na hindi nito napansin dahil ang mga mata nito'y muling bumaba--sa hindi kalakihan niyang dibdib.
Doon nanlaki ang kaniyang mga mata, kasunod ng pagtatakip niya sa mga dibdib gamit ang mga braso.
Bilang babae at bilang isang guro, ay pambabastos ang ginawa sa kaniya ng lalaki!
Ibinuka niya ang bibig upang sitahin ito at pangaralan, subalit naudlot iyon nang muli itong nagsalita.
"Oh wow, you look different. Are you still into girls?"
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro