CHAPTER 088 - Couldn't Lose Her
HINDI MAINTINDIHAN NI ROME ANG NARARAMDAMAN. She was trying to open up her eyes, but she had no strength no matter how hard she tried. Kapag nabubuksan naman niya ang mga mata'y kaagad ding sasakupin ng dilim ang kaniyang paningin. At kung may nakikita man siya ay hindi malinaw.
Hindi malinaw na imahe ni Cayson.
Wait...
Cayson?
Oh. Right...
Ang huling naalala niya ay nakita pa niya ito sa bahay nila Baron.
And then... she couldn't remember what happened next. Nilamon na siya ng dilim noon.
Pero... bakit ito naroon?
Papaano siya nito nahanap doon?
And why was he still chasing after her?
Binilinan niya ang mga magulang na kapag pumunta si Cayson sa mga bahay nila, o si Althea Montemayor ,ay sabihin ng mga itong pinalalaya na niya si Cayson at nakahanda na siyang makipaghiwalay sa panahong makapanganak na siya.
She just needed to give birth first. Dahil nag-aalala siyang hindi kakayanin ng katawan niya kung magsasabay ang pagbubuntis at pag-aasikaso sa pakikipaghiwalay.
That was what Cayson wanted anyway. To be free.
Well, hindi na nito kailangang maghintay pa ng sampung taon.
She's giving him the freedom he wanted... now.
So... ano pa ang kailangan nito sa kaniya?
"Rome...."
Narinig niya ang pagtawag nito. Ang kaniyang pandinig ay nag-aagaw na rin. Kanina'y para siyang nabibingi na walang marinig, ngayon ay naririnig na niya ang mahinang pagtawag ni Cayson.
Ano pa ba ang kailangan nito?
"Stay with me, Rome. Please don't sleep."
Huh?
Hindi niya maintindihan kung bakit pinagbabawalan siya nitong matulog.
Kasama ba iyon sa terms na pinirmahan nila?
"Rome, please. Open your eyes for me, please."
Bakit kay hina ng tinig nito? Bagaman nanlalabo ang kaniyang paningin at manaka-nakang inaagaw ng dilim ang kaniyang balitanaw, ay sigurado siyang nasa harapan lang niya si Cayson. Subalit bakit tila kay hina ng boses nito?
And why was he moving in slow motion?
Oh, what's happening?
And why did she feel so numb? Bakit hindi niya maigalaw ang kaniyang mga kamay? Ang kaniyang mga paa? Bakit hindi niya maibuka ang kaniyang bibig?
"Rome!"
Oh, there's another voice calling her name. A faint voice of a woman.
Wait...
Si Connie ba iyon?
"Rome! Please, don't let go. Malapit na tayo sa ospital!"
Ospital?
Damn it. Sinabi na niyang ayaw niya sa ospital. Matapang ang amoy ng alkohol doon. Hindi kakayanin ng sikmura niya.
"Shit, she's losing a lot of blood, Connie!" again, it was Cayson's voice.
Who's losing blood? Siya ba?
"Jack, bilisan mo ang pagmamaneho!" narinig pa niyang sigaw ni Connie.
Ang kaniyang pandinig ay nagiging mahina na ulit. The voices were fading away slowly. Pero si Cayson ay nababanaag pa rin naman niya.
What's going on?
"This is all my fault!" narinig pa niyang sabi ni Connie. At kung hindi siya nagkakamali ay umiiyak na rin ito.
Bakit umiiyak si Connie? What's happening with her sister? And why was she blaming herself?
Natigil siya sa pag-iisip nang makaramdam ng init sa kaniyang katawan. What was that? Oh, was it her husband's arms? Was she 'in' her husband's arms? The warmth was so familiar; hindi siya maaaring magkamali.
Niyayakap ba siya ni Cayson?
At bakit... may nararamdaman niyang mainit na likido sa kaniyang balikat? What was that?
"Rome..." It was Cayson's voice. At nagtaka pa siya kung bakit gumaralgal ang tinig nito.
Oh no. No. Imposibleng umiiyak ito?
Para sa kaniya?
Ha! Na-uh.
"Rome, please. Please don't let go. Please stay with me, baby."
Bakit, saan ba siya pupunta?
Muling nagdilim ang paningin niya. And then, that familiar warmth was starting to fade.
Coldness consumed her next.
At ayaw niya sa malamig. Ayaw niya roon.
She tried to open her eyes again. Ayaw niya sa madilim.
She did her best to move a finger. Mahirap, pero pinilit niya. Dahil gusto niyang sapukin si Cayson. Bakit ba ayaw na lang siya nitong hayaan?
And then... she was able to move her hand.
And the light came back. A dim light. At muli ay nakita niya ang imahe ni Cayson na nakayuko sa kaniya.
At ang imaheng iyon ay unti-unting lumilinaw.
Sunod ay naramdaman niya ang init na nagmumula sa mga palad nito; humahaplos sa kaniyang pisngi. Init na nagmumula rin sa yakap nito.
Oh. She was indeed in her husband's arms. Hindi siya nagkamali. That familiar warmth indeed came from Cayson's arms.
Sunod niyang naramdaman ay ang kumakalam na sikmura.
And then, the excruciating pain came from just below her navel. It was too painful she couldn't help but groan.
At narinig iyong ni Cayson.
"Rome!"
Kahit ang tinig nito ay lumakas na sa kaniyang pandinig.
"M-Masakit..." aniya. Salamat at nagawa na niyang ibuka ang bibig.
"I know... I know, babe," sagot ni Cayson saka muli siyang niyakap. "Malapit na tayo sa ospital. Please hold on and don't let go, okay?"
Nagtaka siya at sandaling naalis sa isip ang tungkol sa sumasakit na puson. Nagtataka siya sa tinig ni Cayson. Was he really crying?
"Rome, how are you feeling?" It was Connie. Pinilit niyang hanapin ito ng tingin, at habang iniikot niya ang mga mata'y napagtanto niyang nasa loob pala sila ng sasakyan.
Connie was in the front seat. And Jack was in the driver's seat.
At nakakakita na siyang muli!
Nakakakita, nakararamdam, at nakaririnig na siyang muli!
"Ano ang... nangyari?" she asked again.
"You're bleeding," si Cayson ang sumagot. Ramdam niya sa tinig nito ang pag-aalala.
"B-Bleeding?" She panicked. Ang kaniyang kamay ay dumapo sa kaniyang tiyan. "No. No... Please, don't tell me..."
And then, just like Cayson, she started to cry. Muli siyang niyakap nito, mas mahigpit.
"We're here," anunsyo ni Jack kasunod ng paghinto ng kotse. Narinig niya ang magkasunurang pagbukas ng pinto ng kotse at ang ingay sa labas.
There were people outside, waiting. At mula sa labas ay may mga kamay na humawak sa kaniya.
Awtomatikong umangat ang kaniyang kamay sa braso ni Cayson. She stared at her husband's crying face. "S-Saan nila ako dadalhin?"
"To the emergency room. Ililigtas nila kayo, Rome. I need you to come with them," sagot ni Cayson. Ang tinig ay garalgal pa rin.
Hindi na siya nakasagot pa nang maramdaman ang maingat na paglipat sa kaniya ng mga naka-unipormeng nurses sa ibabaw ng stretcher. Doon ay muling humilab ang kaniyang tiyan. Muling kumirot. At muling nanlabo ang kaniyang paningin.
Naramdaman niya ang paggalaw ng stretcher. And she knew they were moving her in.
Tumaas ang kaniyang kamay. "C-Cayson..."
And it didn't take long for Cayson's hands to catch hers. Nakasunod ito sa stretcher, at sa nanlalabo niyang tingin ay nakita niya ang pagyuko nito sa kaniya. "Everything will be alright, Rome. I just need you to hold on and keep fighting, okay? Please, babe. Please don't let go."
Napa-iyak din siya sa magkahalong damdamin sa kaniyang dibdib. Takot, pag-aalala, lungkot. Galit.
Hindi niya maiwasang makaramdam ng galit sa mga sandaling iyon.
Dahil naisip niyang kung hindi rin kay Cayson ay wala siya sa kalagayan niya ngayon.
At galit siya sa asawa.
Galit siya rito pero ayaw rin niyang umalis ito sa tabi niya sa mga sandaling iyon.
She needed him there.
She needed his support. She needed him to hold her.
"Hindi kita mapapatawad kapag may nangyaring masama sa anak ko, Cayson," naiiyak niyang pagbabanta.
Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak nito sa kaniyang kamay. "Me, too. Rome. Me, too. I will never forgive myself if anything bad happens to you and our baby."
She cried all the more. Because she could clearly hear the pain in his voice. "I love you..." she whispered.
Pero bago pa man makasagot si Cayson ay naipasok na siya sa isang silid na may maiingay na mga aparato.
That's when Cayson's hands released hers.
*
*
*
ROME WOKE UP FOR A START. Nakararamdam siya ng kalam ng sikmura at ang gutom ang siyang gumising sa mahimbing niyang pagkakatulog.
Bago siya nagmulat ay ginalaw muna niya ang mga daliri. Subalit may kung anong pumipigil sa isang kamay niya kaya hindi niya iyon magawang maiangat.
Doon siya nagmulat, at ang una niyang nabungaran ay ang puting kisame.
Well, she knew she was in the hospital. Bago siya tuluyang nawalan ng malay ay alam niyang ilang karayom ang ini-tusok ng mga doktor sa katawan niya. At alam niyang hindi panaginip ang mga nangyari dahil sariwa pa sa isip niya ang labis na kirot na naramdaman noon sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan. She could even still hear Connie's cries.
Napalingon siya sa kaliwa, at ang nakabukas na binatana ang una niyang nakita. Sa labas ay asul na langit ang naroon. It was a good day.
And she was alive.
Ibinaling naman niya ang tingin sa kanan niya, at ang unang umagaw sa kaniyang pansin ay ang vase na nakapatong sa side table. Puno iyon ng samut-saring mga bulaklak.
Those flowers were real.
Yep. She's back in the real world. She was alive.
"Hmmm..."
Bumaba ang tingin niya sa kaniyang paanan nang marinig ang pamilya na tinig na iyon. And there she saw Cayson, sitting on a stool beside her bed, head lying down, and his hand holding hers. Kaya pala hindi niya iyon maigalaw kanina.
Mahimbing din itong natutulog. His sleeping form looked so peaceful... para itong bata na napagod sa buong maghapong paglalaro.
Pero... may iba kay Cayson. May nagbago sa anyo nito.
Kinunutan siya ng noo.
Cayson's face was pale. Ang paligid ng mga mata nito'y nangingitim. And he was sporting a three-day beard on his face.
He never sported a beard!
Oh, ilang araw siyang tulog?
Natigil siya sa pag-iisip nang kumilos ito. At nanatili siyang nakatitig sa mukha nito hanggang sa tuluyan itong nagmulat.
Their eyes met.
And for a moment there, they just stared at each other quietly.
Until she released a weak smile.
"Morning," she uttered, her voice hoarse.
He smiled back. "Morning."
"How was your sleep?"
"I barely slept. I was watching you the whole time—" At doon ay natigilan ito. Tila noon lang rumehistro rito na gising na siya. Nakita niya ang unti-unting panlalaki ng mga mata nito, kasunod ng pag-tayo nito. "Oh, thank God you're awake!" Lumapit pa ito sa kaniya at masuyong hinaplos ang kaniyang mukha. "How are you feeling?"
"Hungry." She then touched her tummy—at nang makapang hindi na iyon namumukol ay siya naman ang pinanlakihan ng mga mata. Doon lang din pumasok sa isip niya ang tungkol sa dinadala. Panic rose in her chest. "My baby—"
"Hush, it's all right..." Cayson whispered. He grabbed her hand and planted a kiss on the back of her palm. "Everything's all right now, don't worry."
"No." Ayaw niyang kumalma. "Where is my baby?"
Nang ngumiti si Cayson ay doon pa lang nabawan ang kaba niya.
"She's alright. She's safe now. Nasa NICU siya, still in the incubator dahil premature. But the doctors confirmed that she's in good health. Maiuuwi rin natin siya sa loob ng ilang araw. Oh, she's a lovely baby, Rome. Tahimik lang siya at hindi iyakin. I can't wait for you to see her."
"Oh..."
"And she's very beautiful..."
Hindi niya napigilan ang pag-alpas ng mga luha sa kaniyang mga mata nang marinig ang pagmamalaki sa tinig ni Cayson. Nanikip ang kaniyang lalamunan—naiiyak siya sa labis na kaligayahan. Ang malaman lang niyang ligtas ang kaniyang anak ay masaya na siya. She couldn't ask for more.
"Does she look like me?" she asked. Now tears were streaming down her face.
Si Cayson ay yumuko at dinampian siya ng halik sa noo. "Forgive me for this, but everyone says she looks more like me."
Iyak-tawa siya sa sinabi nito. Nahihimigan niya rito ang panunukso. "Well I guess that only proves na ikaw nga ang ama."
"No doubt," he said, smiling. Masuyo nitong pinahiran ang mga luhang naglandas sa kaniyang mga pisngi. At habang ginagawa iyon ni Cayson ay unti-unting napapawi ang pagngiti nito. "I was worried sick for both of you. Parang sasabog ang dibdib at utak ko habang hinihintay ko ang doktor na lumabas mula sa delivery room. I almost stopped breathing." Muli itong ngumiti. "Nang sabihin sa akin na ligtas na ang bata ay hindi ko pa rin magawang magdiwang. I needed to hear them say that you're also saved. Pero nang sabihin nilang kailangan ka pa nilang obserbahan sa buong gabi ay para akong tinakasan ng lakas. I can't go on without you, Rome. I thought I wouldn't be able to raise the baby without you. We need you. And I prayed and prayed the whole night, hanggang sa sabihin sa akin ng doktor na stable na ang lagay mo. I started crying then."
She sniffed and forced a smile. "Are you even capable of crying, Cayson Montemayor?"
"Oh, everyone in the family would testify. They've all seen me cry as we waited for you to wake up."
Itinaas niya ang isang kamay at masuyo ring dinama ang pisngi nito. Hindi niya pagdududahan ang sinabi ni Cayson. The stress was all over his face. At sapat na ebidensya na iyon para malaman niyang tunay na nag-alala ito para sa kaniya.
"You said you love me," sabi pa nito na ikina-tigil niya.
"I... did?"
When? When did she say that?
"Yes, you did. Noong pinasok ka sa delivery room. I clearly heard that." Muling ginagap ni Cayson ang kaniyang kamay. Naupong muli sa stool at diretso siyang tinitigan. "It was a relief, Rome. That confession kept me going. Sa labing dalawang oras na naghintay kami na umayos ang kondisyon mo, ang mga huling salita mong iyon ay naging lakas ko. And I want you to know that I feel the same, Rome. Maybe more."
"Maybe... more?"
"I love you. I love you more than you could ever imagine. And I couldn't live without you." Dinala nito sa mga labi ang kaniyang kamay. "I couldn't do this on my own, Rome. So, please don't leave me. Let's make this marriage work. You and me. Not just for ten years, but until I stopped breathing. Please."
Muling nanikip ang kaniyang lalamunan. Ang mga luha'y muling nagbadyang bumagsak. Ramdam na ramdam niya ang bawat salitang binitiwan ni Cayson.
But...
"Pero..." she paused and sniffed. "Pero paano si Precilla?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro