CHAPTER 086 - He Wouldn't Let Her
"MAKE SURE na ang dokumentong ipadadala mo sa akin ay kompleto na, Mitch. Ayaw kong pa-istorbo sa buong linggong pahinga ko."
"Yes, sir. Naayos ko na po ang folder. Ako po ang personal na magdadala sa mansion."
"Good. See you tomorrow—oh, and please come around lunchtime. Ayaw kong gumising nang maaga."
Tinapos na niya ang tawag at akmang i-iitsa ang cellphone sa front seat nang makitang 1% na lang ang battery niyon. He looked for the charger while his eyes still focused on the road, subalit hindi niya iyon makapa sa kahit saan.
Tahimik siyang nagmura saka itinuloy na lang ang pagmamaneho. Ilang minuto na rin lang naman at mararating na niya ang subdivision.
Sinulyapan niya ang oras sa relos bago ibinalik ang pansin sa daan.
4:15 PM
Siguradong sa mga oras na iyon ay walang tao sa mansion maliban kay Rome at sa mga katulong.
Makalipas ang ilang sandali ay narating na niya ang mansion. Pinagbuksan siya ni Jen, at patakbong sumunod sa kaniyang sasakyan. Ini-garahe niya ang kotse at kaagad na lumabas.
"Jen, kunin mo sa trunk ang mga pasalubong na dala ko—"
"Sir, may kailangan po kayong malaman!"
Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita ang ekspresyon sa mukha ni Jen. Naroon ang panic at pag-aalala.
Hindi niya alam kung saan nanggaling ang kabang naramdaman niya.
"What's happening?" Hiling niya ay hindi si Rome ang dahilan ng panic ni Jen.
"Si Maam Rome po!"
Shit.
Napatingala siya sa second floor, doon sa bintana ng silid nila. At bago pa niya maibalik ang tingin kay Jen at itanong dito kung ano ang nangyayari ay muli itong nagsalita.
"Umalis po si Maam Rome dala-dala ang lahat ng mga gamit niya!"
*
*
*
TWO NIGHTS BEFORE...
"Rome! Aba'y anong oras na, alam ba ni Ma'am Althea na umalis ka?" manghang salubong sa kaniya ng mama niya nang pagbuksan siya nito ng pinto.
Alas siete na ng gabi at masamang-masama ang pakiramdam niya. Ayaw niya sa mansion. Pakiramdam niya'y may negatibong enerhiyang humihigop sa buong lakas niya sa lugar na iyon. The room smelt like Cayson—and she had started to hate it after Precilla's visit. Kaya naman nang gabing iyon, nang sa tingin niya'y hindi siya makatulog, ay nagbook siya ng taxi at nagpahatid sa bahay nila—without letting Granny Althea know.
"Rosenda Marie?" Salubong ang mga kilay ng papa niya nang lumapit din sa pinto. Tumayo ito sa likod ng mama niya.
Nanatili lang siyang nakatayo sa harap ng pinto, ang mukha ay namumutla, ang mga mata'y namumula sa pagpipigil na umiyak. She brought nothing with her but her cellphone and wallet. Pero pakiramdam niya'y sapat na ang lahat ng iyon para manatili siya sa bahay nila ng mga magulang at hindi na bumalik pa sa mansion. She could no longer live there.
"Bakit ganiyan ang mukha mo?" nag-aalalang hinawakan siya ng mama niya sa magkabilang kamay at banayad na hinila papasok.
Nang makapasok na siya sa living room at maamoy ang pamilyar na aroma ng vanilla scented candle ng mama niya sa altar, at decaffe coffee ng papa niya na umuusok pang nakapatong sa coffee table ng sala kung saan ito madalas tumambay bago umakyat sa kwarto, ay tuluyan na siyang naiyak.
She missed their home. She missed her parents.
Ganoon pala ang pakiramdam kapag labis ka nang nasasaktan at nasa isang lugar ka na tila estranghero ang lahat sa iyo— hahanap-hanapin mo ang lugar na kinalak'han mo.
Kaya pala sinasabi ng marami na 'there's no place like home'. Kasi totoo palang ganoon. At totoo rin ang sinabi ng marami na kahit gaano pa ka-imperpekto ang buhay mo at ang iyong mga magulang ay uuwi at uuwi ka pa rin sa kanila sa bandang huli. At ang mga ito pa rin ang hahanap-hanapin mo sa tuwing nasasaktan ka.
"Diyos ko, Rosenda!" Nag-aalalang yumakap sa kaniya ang ina, ang isang palad nito'y banayad na hinahagod ang kaniyang likod.
"Rome, ano ang nangyayari?" anang papa niya na nanatili sa likuran ng mama niya. He was basically facing her, and her father could clearly see her crying face.
Hindi siya sumagot sa ama at itinuloy ang pag-iyak sa bisig ng ina. Pakiramdam niya ay para siyang bumalik sa pagkabata na naglaro sa plaza, inaway ng ibang mga kabataan doon, saka umuwing luhaan sa mga magulang upang magsumbong.
Sa mahabang sandali ay nanatili siyang nakaakap sa ina; mahigpit din ang pagkakayapos nito sa kaniya at hindi bumitiw hanggang sa makaramdam siya ng kaunting ginhawa at tumigil sa pag-iyak.
Sumisinok na bahagya siyang humiwalay sa ina, at nakayuko nang magsalita.
"P-Pasensya na po, Ma, Pa. G-Gusto ko lang na... umiyak at wala akong ibang lugar na mapuntahan kung hindi rito sa atin..."
"Oh, Rome," anang mama niya na muli siyang niyakap. Ramdam niya ang sunud-sunod na paghinga nito, tila nagpipigil sa pag-alpas ng damdamin. "You are always welcome to come to us, anak. H'wag kang magdalawang-isip na umuwi rito kapag pakiramdam mo'y nalulungkot ka o nahihirapan. We will always be here for you."
Suminghot siya at pinigilan ang muling pag-alpas ng mga luha.
"Come sit here, Rome, and tell us what happened," anang papa niya na bagaman malambot ang tinig ay naroon pa rin ang otorisasyon.
Inalalayan siya ng mama niya na maupo sa couch, at tumabi ito sa kaniya, hawak-hawak pa rin ang kaniyang kamay.
Ang papa naman niya'y naupo sa kaharap na single sofa, eyes focused on her when he spoke:
"May problema ba kayo ni Cayson?"
Nang marinig ang pangalan ng asawa ay muling pinamunuan ng luha ang kaniyang mga mata. At malinaw iyong nakita ng kaniyang mga magulang.
Her father drew a sharp breath; as if anger was starting to rise to his chest. Ang mama naman niya'y muling nagtanong.
"Did he do something?"
Hinarap niya ang ina. Nakipagtitigan siya rito ng ilang sandali bago niya ibinalik ang tingin sa ama. Huminga siya nang malalim, nagpahid ng mga luha, saka muling nagsalita.
"May... kailangan akong sabihin sa inyo."
Sabay na nagsalubong ang mga kilay ng mga magulang. Pero hindi kaagad siya nakapagsalita nang makita si Connie na pumasok sa pinto, may bitbit na plastic ng biscuits na paborito ng kanilang ama. Mukhang galing sa labas, Connie probably went grocery shopping.
Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kaniya at sa mga magulang. "What's happening?" anito.
Tiningnan niya nang diretso ang kapatid. "I'm telling them the truth, Connie."
Nanlaki ang mga mata ni Connie, pumasok, at halos pahampas na sinara ang pinto.
"Hindi mo naman siguro ako pipigilan?"
Nahinto si Connie sa paglapit. Ang tingin ay pinaglipat-lipat ito sa kaniya at sa kanilang mga magulang.
"Ano ba talaga ang nangyayari?" anang ama nila. Pinaghalong pagtataka at pag-aalala ang mababakas sa anyo nito.
Hinarap niya ang mga magulang, at bago pa tuluyang makalapit si Connie ay muli siyang nagsalita. "Gusto kong putulin ang pagsasama namin ni Cayson Montemayor pagkatapos kong manganak."
Sabay na napasinghap ang mama niya at si Connie; habang ang papa naman nila ay lalong kinunutan ng noo.
"Please, makinig po kayo sa akin, Pa... Ma. Gusto kong magsabi sa inyo ng totoo..."
"Ano'ng... totoo?" anang mama niya. Pinaglipat-lipat din nito ang tingin sa kaniya at kay Connie.
"Ang totoong nangyari sa pagitan namin ni Cayson Montemayor, magpi-pitong buwan na ang nakararaan..."
*
*
*
PRESENT DAY...
Walang inaksayang oras si Cayson nang hapong iyon. Matapos makausap si Jen at ang lola ay kaagad itong bumalik sa loob ng sasakyan, pinalabas kay Jen ang lahat ng mga dalang gamit, saka pinasibad ang kotse patungo sa address na alam nitong pupuntahan ng asawa.
There was no other place but her parents' home. At hindi niya maintindihan kung bakit ito umalis nang walang paalam. Kahit ang Granny niya ay hindi alam ang pag-alis nito, at ayon kay Jen ay nabigla na lang din daw ito nang malaman.
Jen had quickly told him that Rome snuck out of the mansion the other night; na nagulat na lang daw silang lahat na wala ito sa mansion at umuwi lang ng bandang alas dies ng umaga. Nang umuwi naman daw ito ay wala ring ibang ginawa kung hindi magkulong sa silid. Sa sumunod na araw ay ganoon din daw ang ginawa nito, bagaman dumalaw raw ang kapatid nitong si Connie at ang kaibigan nitong nagpakilalang si Jiggy.
Naalala niya kung sino ang isang iyon. He hadn't met Rome's best friend but his wife always talked about her.
Nagtagal daw ang dalawa roon sa mansion at umuwi rin nang dumating si Althea.
He spoke to his grandma, at ayon dito ay wala naman daw itong napansing kakaiba kay Rome sa nakalipas na dalawang araw. Kaninang umaga ay sinilip pa nga raw nito si Rome sa silid at nakitang mahimbing pang natutulog. His grandmother didn't notice anything wrong. Kahit ito ay nag-alala sa biglang pag-alis ni Rome.
Habang minamaneho niya ang sasakyan patungo sa address ng mga magulang ng asawa ay sinubukan niya itong tawagan, pero nakalimutan tuluyan nang namatay ang battery ng cellphone niya.
Napamura siya.
Hindi niya alam kung ano ang nangyayari—bakit ito aalis nang hindi nagsasabi kahit sa lola niya?
Noong nasa Cebu siya ay tinatawagan niya ito sa umaga bago siya pumasok sa inaayos nilang opisina—he would check on her and see how she was doing. Sa gabi kapag nakararating siya sa tinutuluyan niyang penthouse ay muli niya itong tatawagan to check on her again. They were still okay. She was still okay. Maayos pa nitong sinasagot ang mga tawag niya at maayos pa silang nag-uusap. Until two days prior.
Ring lang nang ring ang cellphone nito sa tuwing tatawagan niya; ni padalang text ay wala. It was pissing him off, at kung hindi pa niya tatawagan ang mga katulong para itanong si Rome ay hindi pa niya malalaman na maayos lang ito. He couldn't call his grandmother because he didn't want her to worry. Baka isipin nitong may problema sila ng asawa.
At umuwi siyang sabik na makita ito; he had been thinking of her in the past couple of weeks—kahit saan siya magpunta, kahit ano ang gawin niya. She was always in his mind. At nang makauwi na siya at sabik nang sabihin dito na may isang linggo siyang pahinga para makasama ito ay saka naman ito biglang umalis?
Hindi na nga niya binigyang pansin ang dalawang araw na hindi nito pagsagot sa tawag niya, eh. Ngayon ay aabutan niyang wala ito sa mansion?
Ahhh. Kailangan na nga siguro nilang punitin ang terms na iyon. Dahil doon ay hindi rin niya ito magawang tanungin o sitahin sa mga ginagawa nito.
It's high time to terminate those terms anyway. Because he had realized something.
But first, he needed to speak to her.
Makalipas pa ang ilang sandali ay narating niya ang street kung saan naroon ang compound ng pamilya nina Rome. He parked his car in front of the huge brown metal gate, got out, and pressed the buzzer.
Hindi nagtagal ay bumukas iyon at sinalubong siya ni Maya; isa sa mga tiyahin ni Rome at guro rin sa MIC. Napangiti ito nang makita siya, bumati at pinapasok siya.
At dahil nagmamadali siya'y hindi na siya nakipag-usap pa rito. Nagpaumanhin siya at mabilis na tinungo ang bagay ng mga magulang ni Rome.
Pagdating doon ay naka-ilang hugot muna siya ng malalim na paghinga bago kumatok sa pinto ng mga ito. Then, the door opened. At nagsalubong ang mga kilay niya nang makita ang ekspresyon sa mukha ng mga magulang ni Rome. They both opened the door for him. As if they were expecting him to arrive.
And they didn't seem happy to see him.
That bothered him. May problema nga talaga.
Pero hindi niya alam kung ano.
"We are expecting you, Mr. Montemayor," anang ama ni Rome.
"I don't know what's happening—Rome just left without a word," he said. Ang tingin niya ay natuon sa hagdan, he was somehow hoping to see her standing there.
"Pumasok ka muna at maupo, Mr. Montemayor—" wari ni Merry, ang ina ni Rome, na nahinto nang muling nagsalita ang asawa nito.
"There is no need, Ma. Hindi rin magtatagal si Mr. Montemayor."
Lalo siyang naguluhan sa ipinapakitang ugali sa kaniya ng ama ni Rome. At bakit siya ng mga ito tinatawag na Mr. Montemayor? Wala sila sa MIC.
"Alam na namin ang totoong nangyari."
Lalo siyang naguluhan.
How? Sinabi ba ni Rome sa mga ito?
But why?
"Pumunta si Rome noong isang gabi at ipinaliwanag sa amin ang nangyari," anang ama ni Rome. Ang anyo ay hindi pa rin nagbabago. "We're very sorry kung napilitan kayong magpakasal dahil sa amin—at sa patakaran ng pamilya namin. Nang dahil sa pagiging istrikto ng pamilya ay napilitan si Rome na makisama sa taong hindi marunong magmahal. Our youngest daughter had suffered a lot because of you. Tiniis niya ang mga kalokohan mo, tiniis na makisama sa isang tulad mo. Just for the sake of protecting our family."
Hindi niya nagawang sumagot dahil narinig niya ang paggaralgal ng tinig ni Mr. Cinco.
Nagpatuloy ito.
"Kung sinabi lang sa amin ni Rome ang totoong nangyari at ang kondisyon niya, ay gagawan namin ng paraan. We would get mad at her, of course. But we will never force our child to marry someone she didn't love. Nangyari na ito minsan sa mga magulang ng aking asawa. My mother-in-law was supposed to marry someone else. Buti na lang ay tumakas ito at pinakasalan ang father-in-law ko. Turned out na mamamatay tao pala ang taong nakatakda sana nitong pakasalan. Because that man eventually killed his wife. If my mother-in-law didn't run away, siya sana ang nasa katayuan ng kawawang asawa ng taong iyon. Kaya kahit na may nangyari sa inyo ng anak namin, we would never force her to marry you. Dahil hindi namin alam kung ano ang maaaring mangyari sa pagsasama ninyo."
Nanatili siyang tahimik. Hindi niya alam kung papaano magpapaliwanag sa mga ito. Gusto niyang depensahan ang sarili, gusto niyang sabihin sa mga ito ang kasalukuyan niyang damdamin. But he needed to know where his wife was first.
Muling sumeryoso ang anyo ng ama ni Rome. "Kahapon ay nagawa naming pag-usapan ang sitwasyon ninyo. Our daughter is hurt, at kung hindi siya lalayo sa'yo ay patuloy siyang masasaktan at baka mapaano pa ang lagay ng batang nasa sinapupunan niya."
"I... don't understand—"
"H'wag ka munang magpakita kay Rome hanggang sa makapanganak siya. At h'wag na kayong magsama pa. Ayaw ko mang sa akin manggaling ito, ay nais kong sabihin sa'yo na nakapagpasiya na ang aking anak. She is planning to file an annulment after giving birth."
"No." Panic rushed through his veins.
No.
He wouldn't let Rome get away from him.
"Nasaan si Rome?"
"We don't know," saad naman ng ina ng kaniyang asawa. Katulad ng ama ni Rome ay blanko rin ang ekspresyon ng mukha nito. "Si Connie lang ang may alam kung nasaan siya. Hintayin mong si Rome ang magsabi sa'yo kung nasaan siya sa panahong handa na siyang makipagkita sa'yo."
"The child she is carrying is my child, too. Karapatan kong malaman kung nasaan siya. And she is still my wife irrespective of our situation—may karapatan ako sa kaniya."
"Maselan ang pagdadalangtao ni Rome, Mr. Montemayor. Kaunting stress lang ay maisasapanganib mo ang lagay niya. Kung magpapakita ka kay Rome ngayon ay baka sumama ang loob niya at may mangyari pang hindi maganda—"
"The more I need to see her. She needs to know what I feel about her."
"What you feel about her?" salubong ang mga kilay na tanong ng ama ni Rome.
Itinaas niya ang mukha, at sa seryosong tinig ay,
"I love your daughter and I am willing to do everything within my power to make our marriage work. Please. Please tell me where to find her."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro