CHAPTER 084 - Fooled and Played
"SALAMAT sa paghahatid, Baron. Sa susunod talaga ay magpapahatid na ako sa driver ni Granny Althea para hindi na kita naaabala sa tuwing dadalaw ako sa inyo," aniya matapos siya nitong ihatid sa mansion.
Si Connie ay nagpababa sa isang mall dahil kailangan pa raw nitong mag-grocery, habang siya ay ini-diretso si Baron sa subdivision.
"Nah, that's alright, Rome. Maliit na bagay lang naman ito."
Muli siyang nagpasalamat at bumaba na sa kotse.
Ang kasambahay na si Jen na nasa hardin at nagdidilig ay naka-antabay sa kaniya kaya nakabukas na ang gate. Nagpasalamat siya rito at tumuluy-tuloy na sa loob.
Alas seis pa lang ng gabi; may sapat na oras pa siya para maghugas ng katawan at magpahinga bago ang hapunan. Sa mga oras na iyon ay siguradong nagpapahinga rin si Granny Althea sa silid nito. Nagpaalam siya rito kung saan siya pupunta at kung sino ang kasama niya kaya alam nitong wala siya sa mansion.
Pagdating niya sa silid ay kaagad siyang dumiretso sa banyo. Nagbabad siya sa bathtub ng ilang minuto at nang matapos ay lumabas na sa silid kung saan niya inabutan ang cellphone na nagri-ring sa loob ng kaniyang handbag.
Thinking it was Cayson, she hurriedly took her phone out to take the call.
But it wasn't Cayson.
It was her bestfriend Jiggy.
She excitedly answered the call; ilang linggo na rin ang lumipas simula nang huli silang mag-usap.
"Hey! How have you been?" masigla niyang bati rito.
"I have been calling you for twenty minutes!"
Natigilan siya at sandaling nagtaka sa iritasyong nasa tinig ng kaibigan.
"Whoa, whoa, whoa. Chill. Kalalabas ko lang galing banyo, and I don't bring my phone with me when taking a bath. Ikaw ba?"
"Ugh!"
Bahaw siyang natawa. "Bakit ba ang init ng ulo mo? What's going on?"
"I need to ask you two things."
"Sure, shoot." Humakbang siya patungo sa closet upang kumuha ng pamalit.
"Narito ba sa Cebu ang magaling mong asawa?"
Nahinto ang pagbukas niya ng closet nang marinig ang tanong ng kaibigan. "Yes. Why? Nakita mo siya?"
Pero imbes na sagutin ni Jiggy ang tanong niya'y muli itong nagtanong.
"Alam mo bang umuwi na rin sa bansa si Precilla? Do you still remember her?"
Napahigpit ang kapit niya sa handle ng closet. "W-Why, Jiggy?"
"Well, nakasakay ako sa taxi na huminto sa intersection nang makita ko ang asawa mo na tumawid sa harapan ng taxi na sinasakyan ko. Akala ko'y namamalikmata lang ako, pero hindi ko maaaring ipagkamali sa iba ang tindig ng magaling mong asawa. I instantly knew it was Cayson Montemayor. And mind you, Rome. May kasama siyang ibang babae—which isn't new anymore. But guess who? It was Precilla!"
Muntikan na niyang mabitiwan ang cellphone sa narinig.
Tanggap na niyang hindi kayang itigil ni Cayson ang pakikipaghuntahan nito sa ibang mga babae, at inasahan na niyang baka may ibang babae itong makilala sa Cebu. She had already prepared her heart for all the heartaches Cayson's womanizing would cause her.
But with Precilla?
Again?
Hanggang sa Cebu ba naman?
Oh, akala pa man din niya ay magandang umalis si Cayson para hindi na ito makipagkita kay Precilla, pero sumunod pa pala roon ang babae!
Napahawak siya sa dibdib—pakiramdam niya'y may tao sa likuran niya na tumurok ng patalim sa kaniyang likod at tumama sa kaniyang puso. The pain in her heart was unbearable.
"Are you still there?" Jiggy said.
"Y-Yes..."
"Akalain mo 'yong nagkita na naman ang dalawa?"
Jiggy had no idea that she had already fallen in love with Cayson, kaya hindi nito naisip na masasaktan siya.
"Hindi ba kayo social media friends ni Precilla? You should see some of her uploaded photos—ang iba roon ay kasama si Cayson. And the photos were uploaded two days ago!"
Two days ago? Iyon ang araw na lumipad si Cayson papuntang Cebu.
So... magkasama ang dalawa?
Niyaya ni Cayson si Precilla?
That could be possible. Dahil imposibleng coincidence lang ang dahilan ng pagkikita ng mga ito roon. Sa dami ba naman ng isla sa bansa, coincidence pa rin?
"I—I don't feel well, Jigs. T-Tatawagan na lang kita bukas."
Bago pa man makasagot si Jiggy ay tinapos na niya ang tawag at ibinaba ang kamay na may hawak sa cellphone. Tulala siyang napatitig sa closet.
Were Cayson and Precilla back in each other's arms?
Hindi niya pagtatakhan kung nahulog si Cayson sa babae. She was the epitome of perfection. Kahit nga siya noon ay na-tomboy sa ganda nito.
Pero bakit kailangang mangyari iyon ngayong tuluyan na siyang nahulog sa asawa?
At bakit pa pinatulan ni Precilla si Cayson kung alam nitong kasal na sa kaniya ang lalaki? Wala na ba itong pagsasaalang-alang sa moralidad?
Matagal siyang nakatulala lang sa harap ng closet hanggang sa naisipan niyang buksan ang isang social media account niya upang hanapin doon ang pangalan ni Precilla.
At tama nga ang report ni Jiggy.
The last four uploads Precilla made on her account were photos of her and Cayson sitting so close and smiling from ear to ear. Ngiting naka-score. Ngiting tagumpay.
Oh, sa sobrang sakit ng nararamdaman niya ay parang gusto niyang magbasag ng cellphone. But she didn't want to do it. She would never, ever be violent.
Wala sa sariling naglakad siya patungo sa kama at nahiga roon. Ilang sandali pa'y natagpuan na lamang niya ang sariling nakatulala sa kisame.
*
*
*
KINABUKASAN ay nagising si Rome na masama ang pakiramdam. She was feverish and was experiencing pain in the lower region of her back. Pero sa kabila ng sama ng pakiramdam ay pinilit niyang bumangon. Kinuha niya ang cellphone na nakapatong sa bedside table upang alamin ang oras at upang tawagan si Jen para magpahatid na lang ng pagkain sa silid. She needed a hot soup, that would surely ease her feverish feeling.
It was eight in the morning, and she had three missed calls from Cayson.
One at eleven in the evening, one at four in the morning, and the last one just twenty minutes ago.
Napasimangot siya at itinaob ang cellphone sa ilalim ng isang unan, saka pinilit na tumayo upang magtungo sa banyo.
She changed her mind. She would just clean up her face and brush her teeth, then go downstairs and have some fresh air. Ayaw niyang magmukmok sa silid at isipin ang magaling niyang asawa.
Gusto niyang humupa muna ang pakiramdaman niya.
Alam niyang sinabi na niyang nakahanda siyang tanggapin ang patuloy na pambabababe ni Cayson, pero mas masakit lang sa kaniya na si Precilla ay inisama nito sa Cebu.
Kakayanin ba niya ang ganitong sistema sa loob ng sampung taon?
'Make him love you...' ang isa sa mga ibinilin ni Connie sa kaniya kahapon.
Pero ano ang kasiguraduhan na kapag minahal na rin siya ni Cayson ay hindi na rin siya nito sasaktan?
Ah! Ang gulo na ng isip niya! Ayaw na niyang mag-isip pa!
Pagdating sa banyo ay para siyang pinanginigan ng laman. The tiled floor was colder than usual. Her head was spinning and her body was aching. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari sa kaniya.
Matapos niyang maghilamos at magsipilyo ay humakbang na siya palabas, subalit bigla siyang napakapit sa sink nang maramdaman ang biglang pag-ikot ng paligid. Ang isa niyang kamay ay sumapo sa kaniyang ulo. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. She was in great pain.
Pinilit niyang lumabas sa banyo at bumalik sa kama. Pumailalim siya sa malambot na comforter kung saan bahagya siyang nakaramdam ng ginhawa.
At habang naroon siya at nasa ganoong kondisyon ay naramdaman niya ang pagvibrate ng cellphone sa ilalim ng kama. Kinuha niya iyon at akma sanang papatayin sa pag-aakalang si Cayson na naman ang tumatawag. Pero nang makita niya ang pangalan ni Connie ay kaagad niya iyong sinagot.
"Hey..." aniya sa malat na tinig.
"Hey. Kagigising mo lang ba?"
"Yes. Masama ang pakiramdam ko."
"Oh, do you need help with anything? Gusto mong dumalaw kami riyan?"
"No, I'm good. Magpapahinga na lang ako. What's up?"
"I just called para yayain kang lumabas. Precy and I are meeting at our favorite café. Summer na at nabuburyong ako rito sa bahay; wala rin si Jack kasi may gagawin kasama si Papa kaya si Precy ang niyaya ko."
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Precilla?"
"Yeah, Precilla. Si Precy."
"Narito siya?"
"Oh, alam mong umalis siya?"
Connie knew?
"You knew she left for a few days?"
"Yeah, she went to her maternal grandparents in Palawan. Paano mo nalaman?"
Ha! Palawan!
Gusto niyang pagtawanan si Connie, pero nanahimik siya. Ayaw rin niyang sabihin dito ang nalaman kaya minabuti niyang magsawalang-kibo.
"Kayo na ang umalis. I'd like to sleep the whole day."
"Okay. But please eat something. Call me if you need anything."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro