CHAPTER 082 - Dumb Bunny
MATAPOS ang araw na iyon ay muling bumalik si Cayson sa Laguna. Nakahinga siya nang maluwag dahil alam niyang hindi magkakaroon ng pagkakataon sina Cayson at Precilla na magkita dahil alam niyang magiging abala ang asawa sa itinatayong bagong terminal.
Nang makauwi sila sa mansion matapos ang dinner party na iyon ay ginawa ni Rome ang madalas na ginagawa ng mga praning na maybahay. She checked Cayson's phone for Precy's number. Walang password ang cellphone nito kaya nagawa niyang buksan iyon.
She typed in Precy's number, at tila siya nabunutan ng tinik sa dibdib nang ma-kompirmang wala roon ang numero ng dalaga. Marahil ay naging OA lang siya sa pag-iisip. Nawala na rin ang inggit niya para kay Precy. Naisip niyang nagkamali siyang maramdaman iyon; Precilla was raised in a religious family. Marunong itong rumespeto sa kabanalan ng kasal. She was so beautiful, so perfect to be someone's mistress. She realized that Precilla wouldn't settle for that.
Masaya siyang natulog sa gabing iyon katabi si Cayson, and they made love again in the middle of the night.
Made love...
Well, for her, it was. But for Cayson, it was probably just sex.
Kinabukasan ay nagpaalam nga ito, at kahit hindi niya hiniling ay sinabi nitong tatawagan siya sa gabi.
Kaya naman ang sumunod na mga araw sa kaniya ay naging magaang sa kabila ng hindi niya nakakasama ang asawa. Tawagan lang siya nito isang beses sa isang gabi'y kompleto na ang araw niya.
Lunes, at iyon ang alam niyang huling araw ni Cayson sa Laguna. Nagsabi itong sa gabing iyon ito uuwi, kaya nagpatulong siya kina Aling Tessa na maghanda ng masarap na hapunan. She still didn't know how to cook, kaya naman kailangan niya ang tulong ng mga ito.
She watched a cooking show and listed down recipes for her Italian-themed dinner. Lumabas siya nang bandang alas-tres ng hapon para mamili ng mga ingredients sa mall nang makatanggap siya ng tawag mula kay Selena.
Ni-imbitahan siya nitong dumalo sa binyag ni Baby Polo, ang anak nito at ni Baron, sa susunod na Linggo. She promised to be there, at imbes na dumiretso siya sa grocery store ay nagpahatid siya sa Greenbelt para maghanap ng ire-regalo niya.
She went to building 3, alam niyang maraming stores doon. Minsan na siyang may nakitang baby store doon na nagbebenta ng high-quality products at nakapamili na siya roon para sa anak niya. Doon siya maghahanap ng ipang-reregalo kay Baby Polo.
Makalipas ang ilang sandali ay nakita niya ang store. Binati siya ng dalawang salesladies na nakilala siya. Matapos mag-ikot sa store ay may nahanap na siyang ipang-re-regalo. She chose two blue jumpsuits and a pair of baby shoes. Nagbayad siya at habang hinihintay na matapos ang pagbabalot ng mga ito sa gift wrapper ay napatingin siya sa glass wall. She didn't know what made her look in that direction at that exact time. Dahil tila sinadya ng tadhanang may nakita ang kaniyang mga mata.
Isang babae at isang lalaki; sabay na naglalakad at masayang nag-uusap.
Nanlaki ang kaniyang mga mata.
Kilala niya kung sino ang mga iyon!
"I'll... be back," aniya sa nagbabalot ng ipangreregalo niya. Sa nanginginig na mga binti ay lumabas siya sa store at sinundan sina Cayson at Precilla.
Malakas na kumabog ang dibdib niya, para siyang hihimatayin, parang biglang bumigat ang mga hakbang niya.
She thought Cayson was still in Laguna? Ang sabi nito'y baka madilim na bago ito makauwi. Pero bakit naroon na ito sa Ayala sa ganoong oras? At papaano itong nagkaroon ng contact kay Precilla?
Oh, hindi kaya ang social media account nito ang ibinigay at hindi ang numero?
Oh, she was such a dumb bunny.
Sa naninikip na dibdib ay sinundan pa niya ang dalawa; making sure she had a safe distance between them. Ayaw niyang makita siya ng mga ito.
At nang makita niya ang pagpasok ng mga ito sa isang jewelry store ay lalo siyang pinanghinaan ng loob. Pakiramdam niya'y mawawalan siya ng malay. Pakiramdam niya'y para siyang binagsakan ng mundo.
Lumapit pa siya at sumilip sa glass wall ng jewelry shop. Sa harap ng isang estante kung saan may babaeng nag-a-assist sa dalawa ay nakita niyang may itinuturo ni Cayson habang nakangiti itong nakikipag-usap kay Precilla.
Para siyang mamatay sa tindi ng sama ng loob sa mga sandaling iyon.
Hindi siya umalis doon hanggang sa nakapili na ang dalawa at pumunta sa cashier. Para siyang tangang nakatulala lang doon at sapo ang dibdib na sumasakit dahil sa nakikita.
She was in great pain that she couldn't stop herself from tearing up.
Sa nakikita niya ay mukhang nagkakasiyahan ang dalawa. At naninibugho siya dahil habang nakatingin sa mga ito ay may napagtanto siya.
Bagay na bagay sina Cayson at Precilla. They looked like a match made in heaven.
Sa naisip ay lalo siyang nagdrama. Sunud-sunod na tumulo ang kaniyang mga luha. Pero mabilis niyang pinahid ang mga iyon nang makita ang mga itong humakbang na palabas ng jelwery shop. Suminghot siya, at hinayaan muna ang mga itong makalayo bago siya humakbang pasunod.
Oh God, hindi niya alam kung bakit niya ginagawa iyon, pero nais niyang malaman kung saan ang sunod na destinasyon ng mga ito. Bakit? Dahil masokista siya.
Patuloy siya sa pagsunod, hanggang sa makalabas sila ng building at makita ang dalawang pumasok sa isang Japanese restaurant.
They were on a date.
And she felt so pathetic for stalking them.
Remember the terms, Rome. Remember the fucking terms, bulong niya sa isip. Humugot siya nang malalim na paghinga bago tumalikod.
Nagsisi siyang nagtungo siya roon.
Sana ay nanatili na lang siyang walang alam. Sana ay hindi na lang niya nalaman.
*
*
*
SA KABILA ng nalaman ay itinuloy pa rin niya ang paghanda ng masarap na hapunan dahil malibang inasahan na rin ni Granny Althea iyon ay nais din niyang magpanggap na walang nakita. Na walang alam.
She cooked Tortellini soup, Italian meatloaf, and carbonara. Salamat sa tulong nina Aling Tessa at naitawid niya ang pagluluto.
Saktong nailapag nila ang lahat ng mga niluto nila sa dining table nang marinig ang pagdating ng kotse ni Cayson.
Sinulyapan niya ang oras sa relos.
Seven-thirty.
Mukhang maliban sa dinner ay may iba pang ginawa ang mga hinayupak...
"Hi!" masiglang bati nito nang pumasok sa dining room at makita siya. Lumapit ito at dinampian siya ng halik sa pisngi.
Nagpakawala siya ng pilit na ngiti. "Hi. Kumusta ang biyahe?"
"Traffic pa rin pagpasok ng Metro. I just hope one day, magkaroon ng expressway mula Laguna. I can no longer handle the traffic."
"Kaya ka ba ginabi?" Naku Rome, tigilan mo na 'yan...
Tipid na ngumiti si Cayson. "Yeah," ang sabi lang nito bago itinuon ang tingin sa mesa kung saan na nakahain ang mga niluto niya. "Wow. The food looks great."
Si Althea na kapapasok lang din sa kusina ay lumapit sa apo at humalik sa pisngi nito. Si Cayson ay nagmano sa lola saka inalalayan itong maupo, bago siya binalikan at inalalayan din.
"Rome prepared these for you," ani Althea.
"You did?" ani Cayson, nakayuko sa kaniya.
Tumango siya. "Tinulungan ako nina Aling Tessa kasi hindi ko pa gaanong gamay ang pagluluto. Pagkatapos kong manganak ay mag-aaral akong magluto."
Naupo na rin si Cayson sa tabi niya. "Dudz once told me that you suck at cooking." Then, the son-of-a-gun chuckled. "Kaya hindi ko inasahan na ang daratnan ko'y inihanda mo."
"Well, mukha lang maganda 'yan pero hindi rin ako sigurado kung ano ang lasa. Ang sabi ni Aling Tessa ay masarap daw, pero baka nahiya lang magsabi ng totoo. Dig in, and see how it tastes."
"Okay, let's see..." Cayson tasted the soup first, at hindi siya huminga hanggang sa muli siya nitong sulyapan at ningitian. "It's delicious."
Kahit papaano ay napangiti siya. Salamat at hindi siya pumalpak sa unang pagkakataong nagluto siya. At kahit papaano ay nawaglit sa isip niya ang nakita kanina.
"Ang sabi ni Dudz ay mahilig ka sa maaalat. I'm glad this soup didn't taste like seawater."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ni Cayson. Gusto niyang ma-offend, kung hindi lang niya nakita ang pagpipigil nitong ngumiti. He was teasing.
"Pagbuhulin ko kaya kayo ni Dudz?" aniya rito. "Ano pa ang mga sinabi sa'yo ng lokong 'yon, ha?"
Hindi na ito nagsalita pa at natawa na lang.
Si Althea ay nakangiting kumain habang nakatingin sa kanila. The old lady had just no idea how she was feeling during dinner. They just didn't have any idea how heavy her heart was during this time.
Lihim siyang nagpasalamat na nagawa niyang pigilan ang pagpatak ng luha habang kumakain katabi ang lalaking siyang dahilan kung bakit kay bigat ng dibdib niya. Sina Cayson at Granny Althea ay nag-uusap tungkol sa negosyo, habang siya ay tahimik lang na nakikinig.
She appeared to be listening to the discussion, but her mind wandered somewhere else.
Sa isip ay paulit-ulit na naglalaro ang imahe nina Cayson at Precilla sa loob ng jewelry shop na iyon. At sa Japanese restaurant...
At anong malay niya kung saan pa...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro