CHAPTER 076 - Snatched Out
MATAPOS nilang manggaling sa clinic ay dumaan na muna sila sa supermarket para mamili ng mga prutas na gusto niyang kainin sa mga susunod na mga araw. Cayson returned to the parking lot to get his wallet, nakalimutan daw nito iyon sa dashboard kaya binalikan. At habang hinihintay ito ay nag-ikot siya sa ilang mga aisle, picking up boxes of milk, unsweetened biscuits, and all other healthy snacks she could eat.
"Kiwi, mango, strawberries..." Isa-isa niyang dinampot ang mga prutas na iyon at maingat na inilalagay sa loob ng push cart. At habang ginagawa niya iyon ay bumalik sa isip niya ang alcoholic punch na ininom niya sa party noon ni Cayson na isa sa mga dahilan kung bakit siya nakatayo ngayon sa kinatatayuan niya.
Pero may pagsisisi pa ba sa dibdib niya ngayon?
"Rome? Oh, we've met again!"
Nahinto siya sa pag-iisip at nilingon ang pamilyar na tinig na iyon. Pinanlakihan siya ng mga mata sa nakita.
"Baron?"
"Hi."
"Ano ang... ginagawa mo rito?"
Niyuko ni Baron ang pushcart na tulak-tulak nito. Sa loob niyon ay mga groceries. Meat, vegetables, canned goods, soap.
"Oh," ang tanging nai-usal niya.
"Dito ka rin ba nag-go-grocery?"
Tumango siya. Mangha pa rin sa muli nilang pagku-krus ng landas.
"I have been a loyal customer here for almost two years now, hindi kita napansin. Dapat pala Monday at two in the afternoon ako pumupunta rito para nakikita kita."
Hindi siya natawa sa biro nito. Napangiwi siya nang may maalala.
"I'm sorry kung hindi ako nakadalo sa baby shower party ninyo. I mean—I have a lot going on in my life right now. My baby's getting bigger and bigger, and it's getting harder and harder for me to move around."
"Oh, don't worry about it. Naiintindihan ko. My wife felt the same when she was still carrying the baby."
"Oh! Nanganak na ba siya?"
Bumakas sa mukha ni Cayson ang labis na kasiyahan. "She gave birth to a baby boy. Noong isang araw lang. Nakauwi na sila sa bahay at nagpapahinga, nagmadali lang ako na umalis para mamili ng stock sa bahay. How about you? When is your due?"
"Tatlong buwan pa ang hihintayin ko bago siya lumabas," she answered. And just like Baron, she was smiling widely while touching her baby bump. "Actually, kagagaling lang namin sa clinic para malaman ang gender ng baby."
Baron's eyes sparkled in excitement. "What is it, then?"
"A girl."
"Oh, that explains why you look happy and even more beautiful!"
Hindi niya napigilang matawa. "Bolero."
"Aw come on, hindi mo ba nakikita ang sarili mo sa salamin? You are beautiful, Rome. Inside and out. Kung hindi lang ako masaya ngayon sa asawa ko'y pagsisisihin kong pinakawalan kita." And Baron laughed again, na sinagot din niya ng tawa dahil alam niyang nagbibiro lang ito. She could see Baron's happiness; it was all over his face. He was happy with his life. At masaya siya sa malaking pagbabago nito.
"Oh, by the way. My wife is a yoga instructor; marami siyang alam na stances to relieve cramps and pregnancy pains. She has online videos, if you want I can share them with you?"
"Oh! Talaga? I badly need it, ang lakas sumipa nitong anak ko." She laughed again. "Oh, bigla akong na-excite. Can I meet your wife? I mean... hindi ba iyon magiging awkward?"
"Of course not! I'll give you my number and you can give me a call kung kailan mo gustong bumisita sa amin para magkakilala kayo. Nasa harap lang ng bahay namin ang studio niya kaya madali mong mahahanap ang address namin. Oh wait, hindi ba at ibinigay ko na ang business card ko sa'yo noon?"
"Yes, I still have it. Tatawagan kita one of these days."
"Great then! You can bring Connie with you. And... sino nga iyong bestfriend mo na ikinu-kwento mo sa akin dati?"
Ang akma niyang pagsagot ay nahinto nang makita si Cayson na pumasok sa entry way ng supermarket. Nakita siya nito kaagad at nakangiting lumapit, pero bago siya nito marating ay muli itong nahinto nang makita kung sino ang kasama niya.
Ang ngiti sa mga labi nito ay nawala, sumeryoso at lumapit. Tumabi ito sa kaniya at hinarap si Baron na nawala rin ang ngiti sa mga labi nang makita ito.
Malakas siyang tumikhim; umaasang hindi nila pagtalunan ni Cayson ang hindi sinasadyang pag-krus ng landas nila
ng dating kasintahan.
"Uhm, Cay—"
"This is your old friend, right?" Cayson interrupted. Sa seryosong anyo ay inabot nito ang kamay kay Baron. "We met again. I'm Cayson Montemayor, Rome's husband."
Tumango si Baron, and managed to give Cayson ang light smile. Tinanggap nito ang pakikipagkamay ng kaniyang asawa.
"Baron Marquez, Mr. Montemayor. Nice to meet you again."
"I'm sorry kung hindi kita kaagad na nakilala noong huli tayong nagkita," ani Cayson. "Hindi ko na rin naalala na ikaw pala ang performer noong kaarawan ko."
Ngiti lang ang ini-sagot ni Baron.
Nagpatuloy si Cayson. "And I'm sorry about last time, I was in a hurry dahil nagkaroon ng problema sa negosyo. Sirang-sira ang mood ko noong gabing iyon."
"Walang problema, Mr. Montemayor. Nagulat din ako nang malaman kong..."
"Kami ang magkakatuluyan ni Rome?"
Bahaw na natawa si Baron. "Oh, not really. Hindi ko lang inasahan na sa dami ng taong magkakakilala, kayong dalawa ni Rome ang magkakatuluyan. You were in a spotlight while Rome lives a simple life."
"Well, I guess that's life, Mr. Marquez. Full of wonders and surprises." Niyuko na siya nito, ang isang braso ay pumulupot sa kaniyang bewang. "You got all you need?"
Niyuko niya ang push cart, sinulyapan ang mga items na kinuha, at nang masigurong naroon na ang lahat ng kailangan ay muli niyang tiningala si Cayson at tinanguan. "Yes, I guess."
"Let's go then? Let's pick up a cake and bring it to your house. Or maybe we can just make a dinner reservation in Dusit Thani?"
"The latter sounds great."
"Okay, that's settled then." Ibinalik ni Cayson ang tingin kay Baron na nanatiling naka-mata sa kanila. "We better get going, Mr. Marquez."
Tumango ito at akma sanang magpapaalam sa kaniya nang kinuha na ni Cayson ang push cart mula sa kaniya at iginiya na siya paalis.
Nang nasa counter na sila ay sinabihan siya nitong maupo sa waiting area malapit sa exit nang hindi siya mahirapan sa pagtayo. Matapos nitong bayaran ang lahat ay sinenyasan na siya nitong umalis na sila. At habang naglalakad sila pabalik sa parking lot ay nanatili itong tahimik.
Pagdating sa kotse ay inalalayan siya nitong makapasok at muli itong natahimik. Hinayaan niya ito. Hindi niya alam kung ano ang iniisip ni Cayson pero ayaw niyang umasa na tungkol iyon kay Baron. Why would he bother? Sinabi na nito noon—it wasn't jealousy. He had no reason whatsoever to get jealous.
Paglabas ng sasakyan nila sa parking area ng supermarket ay saka lang ito nagsalita. "Nakalimutan kong may mga gawain pala akong kailangang asikuasuhin sa opisina."
Napa-angat siya sa kinauupuan at nilingon ito.
"Ihahatid kita sa bahay ng mga magulang mo, o pauwi sa mansion. What would you prefer?"
"Wala nang dinner party?"
"Let's move the dinner party to this weekend. Advise your family about it para ma-lock nila ang schedule."
Why? she wanted to ask. Pero mas pinili niyang manahimik kaysa kung saan na naman mapunta ang pag-uusap na iyon.
"Kung ganoon ay... umuwi na lang tayo sa mansion."
"Okay. Don't wait for me tonight though, baka anong oras na ako maka-uuwi."
Hindi na siya sumagot.
You're not jealous, are you? she asked in her mind. Of course, you're not jealous. Bakit ka magseselos?
Ayaw niyang itanong iyon kay Cayson.
Ayaw niya... dahil natatakot siya sa maaaring isagot nito sa kaniya.
Natatakot siyang masaktan sa isasagot nito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro