CHAPTER 070 - Clarification
ILANG minuto siyang nagkulong sa banyo para ayusin ang sarili; inayos niya ang buhok at ang light make up, saka ang damit. She was wearing a light blue dress na hanggang tuhod lang, at pinatungan niya ng coffee-coloured blazer. People say they almost didn't recognize her because of her appearance. They said she looked... prettier. Lovelier.
Napansin niya rin 'yon sa sarili. She looked different compared to her pictures six months back. Para siyang bulaklak na sagana sa dilig. Blooming.
Oh well.
Ang kaso, mukhang maraming peste ang sisira sa bulaklak niya—este sa kaligayan niya. Pests like... Samantha.
Nagseselos na naman siya kahit hindi dapat.
Ayaw niya ng ganoon—dahil hindi niya magawang isatinig kay Cayson ang nararamdman niya. Natatakot siyang isipin nito na maliban sa selos ay may iba pa siyang nararamdaman. At natatakot siya dahil siguradong hindi nito iyon magugustuhan.
He made it clear to her—she shouldn't fall in love with him.
Fall in love....
She couldn't help but smirk. Kinain niya ang mga sinabi niya noon.
Mas mahirap pala ang umibig sa taong dati ay ini-sumpa mo sa harap ng lahat. Ang hirap dahil nakadudurog ng ego.
Siguradong maiinis na naman si Jiggy sa kaniya. Hindi pa nito alam ang totoong damdamin niya. Not even Connie. Kapag nalaman ng dalawa ay baka sabunutan siya ng mga ito.
But oh, how she wished she could speak to Jiggy and tell her what she felt. Ang hirap magtago ng nararamdaman.
But Jiggy had been busy with her life. The last time she saw her was two months ago. Ini-assign ito sa Cebu branch ng kompanyang pinapasukan nito at hindi pa ito muling bumabalik sa Maynila matapos iyon. Nakapag-uusap pa rin naman sila sa chat, pero iba pa rin sa personal. Tulad dati.
Isang huling sulyap ang pinakawalan niya sa salamin, at nang sa tingin niya'y presentable na siya at kaya nang magpakawala ng pilit na ngiti ay lumabas na siya sa banyo.
Nasa dulo ng hallway na iyon ang women's restroom, at madadaanan niya ang sa mga lalaki. Malapit na niyang marating ang bukana ng reception area nang may lalaking lumiko sa hallway na iyon. Natigilan siya.
Kahit ito ay namangha rin nang makita siya, at ang akma nitong pagbati sa kaniya ay naudlot nang bumaba ang tingin nito sa namumukol niyang tiyan.
Baron was stunned.
Tumikhim siya at nagpakawala ng pilit ng ngiti. "Baron. Nice to see you again."
Doon na inalis ni Baron ang tingin sa tiyan niya at muli siyang hinarap. Amusement was on his face as he smiled. "Hello, Rome. Are you one of the guests?"
Tumango siya. "I'm the bride's only sister."
Lalo itong namangha. "Conrada Marie is your sister?"
"Yes, si Connie."
"Oh, siya si Connie?"
Napasulyap siya sa reception hall kung saan abala pa rin ang karamihan sa pagkain, habang sina Connie at Jack ay magkahawak-kamay na lumilipat sa bawat mesa upang kausapin ang mga bisita at makipagkamustahan. The photographer was following them to take photos.
"Hindi ko akalaing sa susunod nating pagkikita ay... nagdadalangtao ka na."
Ibinalik niya ang tingin sa dating kasintahan. Nawala na ang pagkamangha sa anyo ni Baron at napalitan ng masuyong ngiti. Sandali siyang nagtaka. Baron looked so gentle making her think twice. Tulad noong nakita niya ito sa birthday party ni Cayson ay napansin niya ang malaking pagbabago nito. He looked healthier, more handsome—and happier, too.
"I am happy for you, Rome. I truly am."
Totoo bang masaya ito para sa kaniya?
"Noong huli tayong nagkita sa birthday ng isang kliyente ko ay nais kong makipag-usap sa'yo para humingi ng tawad sa mga nagawa ko noon. I wasn't able to do so because when I went back to the elevator, you were already gone. Hinanap kita sa mga service crew, pero ayaw nilang ibigay ang room number mo for privacy purposes. I'm glad we met again, magagawa kong sabihin sa'yo ang matagal ko nang gustong sabihin."
Nanatili lang siyang nakikinig.
"I'm sorry about the past, Rome. Nagkamali ako at nasaktan kita. I've done things I wasn't supposed to—I was jailed for a year."
Doon siya napasinghap. "Nakulong ka?"
Tumango ito. "I don't want to go into details, pero pinagdusahan ko ng isang taon ang mga maling nagawa ko noon. Nang lumaya ako ay nagbagong buhay ako. And life has been great to me since."
"I'm happy to hear that, Baron," she said. And she truly was. Wala nang mas gaganda pa sa taong tumanggap ng pagkakamali at binago ang buhay. "Nakikita ko ring masaya ka."
Muli itong ngumiti. "Yeah. I am happily married now, Rome. Mag-iisang taon na rin, and just like you, we are also expecting."
Muli siyang napasinghap.
At gusto niyang pagtawanan ang sarili dahil noong huling nagkita sila nito ay kasal na pala ang mokong pero pinantasya pa niya! Oh God—kasalan talaga ng alkohol kung bakit ganoon ang naging state of mind niya nang gabing iyon.
"Oh, by the way." May dinukot ito mula sa backpocket, inilabas ang wallet saka humugot ng isang business card at inabot sa kaniya. "This is my contact number. My wife and I are having a baby shower in two weeks, malapit na siyang manganak. You should come, isama mo na rin ang asawa mo. Who knows, baka maging magkaibigan pa ang mga anak natin balang araw, hindi ba?"
She thought it wasn't a good idea to mingle with her ex-boyfriend, but Baron was being friendly and she couldn't say no. Napangiti siya at tinanggap ang card na inabot nito. Somehow, ay nawala ang bigat na naramdaman niya sa lalaki. Wala na rin siyang malisya na naramdaman—masaya siya na masaya na ito sa buhay nito.
Happier than her, for sure.
"There you are—akala namin ay kung napaano ka na dahil ang tagal mo sa restroom."
Lumampas ang tingin niya sa balikat ni Baron at nakita ang papalapit na si Cayson. Lumingon din si Baron na nagtaka kung sino ang nagsalita.
Si Cayson ay tinapunan ng tingin si Baron bago dumiretso sa kaniya. Nang makalapit at awtomatikong ipinulupot nito ang isang kamay sa likuran niya.
"Let's go? I received an important call, kailangan kong pumunta sa Laguna para asikasuhin ang problema. Nagsabi si Lola na uuwi na rin siya. Magpaalam ka na, we're going home."
Hindi siya nakasagot kaagad nang marinig ang manghang pag-usal ni Baron.
"Mr. Montemayor?"
Si Cayson ay hinarap si Baron. Salubong ang mga kilay; mukhang hindi na nito naalala pa si Baron, na ikina-hinga niya nang maluwag kung hindi lang...
"I'm Baron Marquez," anito saka inabot ang kamay kay Cayson. "My band and I performed at your birthday party a few months ago."
"Oh..." usal ni Cayson bago siya niyuko. There was something in his eyes she couldn't describe. "So, this is him, huh?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro