Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 066 - Some Action



"WHY are you still here?" buong pagtataka niyang tanong nang sa paglabas niya sa banyo matapos maligo ay inabutan si Cayson, naka-upo sa couch na nasa paanan ng kanilang kama. She didn't expect him to be there.

Matapos ang dinner ay kasama nila itong umuwi sa mansion ni Althea. Ang buong akala niya ay ihahatid lang sila nito, at dahil ayaw niyang makita itong muling umalis upang makipagkita sa babae nito ay mabilis siyang bumaba sa kotse at nauna na. Si Althea ay dumaan muna sa kusina upang kausapin ang mga katulong tungkol sa budget ng pagkain sa linggong iyon.

Pagdating niya sa silid ay kaagad siyang dumiretso sa banyo upang maligo. Nagtagal siya sa ilalim ng shower, gusto niyang mapreskuhan nang sagayon ay makatulog siya kaagad at hindi na mag-isip pa tungkol sa kaniyang asawa na magpapakasasa sa babae nito.

Cayson must have been so excited to see one of his women again. At least ang babaeng kikitain nito sa gabing iyon ay talagang type nito; he would enjoy his time, he would enjoy the sex.

Hindi tulad sa kaniya, na tila napilitan lang dahil sa gusto niya. Napilitan lang dala ng responsibilidad nito bilang legal niyang asawa. Siya na hindi nito type. Ni katiting na katangian niya ay wala itong gusto.

And if he was able to get an erection with her, that was probably because he was deprived of sex for the number of days that he was stuck with her in Bali.

"What do you mean?" anito, na sandaling inalis ang tingin sa cellphone. She could see him texting someone.

"Bakit hindi ka pa umaalis para makipagkita sa ka-date mo ngayong gabi?"

"Oh," he uttered, before turning his attention back to his phone. "Mamaya ako aalis kung tulog na si Gran. I don't want her to question me, so I'll leave when she's sleeping and be back here before breakfast."

Hindi niya napigilang mapa-ismid. Dumiretso siya sa walk-in closet, naghanap ng maisusuot habang pinapahiran ang buhok gamit ang puting towel.

"Para kang teenager na tumatakas sa magulang sa gitna ng gabi," komento niya. She found her favorite white sleeping gown and pulled it out. "Bakit hindi mo na lang kitain 'yang date mo bukas? Kunwari pupunta kang opisina pero makikipag-date ka lang pala sa isa sa mga babae mo. That way, hindi mo kailangang tumakas mula kay Grand, and that way, hindi short time ang pagkikita niyo ng babae mo."

Narinig niya ang bahaw nitong pagtawa. "You made it sound so dirty. Short time? Saan mo nakuha 'yang term na 'yan?"

Doon siya humarap, at doon ay nakita niya ang paghakbang ni Cayson palapit sa kaniya. He had this cheeky smile on his face, his hands were tucked in his pockets.

Napaatras siya nang papalapit na ito nang papalapit sa kaniya, hanggang sa nahinto siya nang maramdaman ang pagtama ng kaniyang likod sa wooden closet.

Cayson stopped a few feet away. "I could sense jealousy, Rome... Ayaw mo ba akong umalis para makipagkita sa mga babae ko?"

Hindi siya nakasagot, at parang timang na nakatingala lang dito.

Nang walang nakuhang sagot ay nakangising umiling-iling si Cayson.

"The truth is, I didn't contact any of my women. Simula nang dumating tayo ay ang sekretarya ko ang kausap ko habang nakikita mo akong nakayuko sa cellphone ko. Marami akong naiwang trabaho habang nasa Bali tayo, at sa pagdating na pagdating natin sa airport ay walang humpay na ang notifications na natanggap ko. I'm planning to leave the mansion tonight and go to my office. May gusto akong i-review na dokumento." Yumuko ito at sinulyapan ang oras sa relo. "Kanina ko pa pinag-iisipan kung doon na ako sa office matulog, o magpahinga na muna ako ngayong gabi."

Kung totoo ang sinasabi nito'y natutuwa siya. Natutuwa siyang isipin na hindi ito makikipagkita sa isa sa mga tsiks nito. Pero ayaw rin niya itong umalis sa gabing iyon.

She wanted him to stay with her.

"Bukas ka na magtrabaho," aniya.

"You want me to stay?"

Tumango siya.

Muli itong ngumiti. Ang mga mata'y bumaba sa nakatali niyang roba.

"If I stayed here tonight, hindi rin ako makakapagpahinga. At baka bukas ay mawalan din ako ng ganang bumangon."

"Eh 'di h'wag kang magpahinga at h'wag kang bumangon nang maaga..."

Ibinalik ni Cayson ang tingin sa kaniya. Ang ngisi ay lumapad.

"Is this you talking to me, or the pregnancy hormones?"

Nagkibit-balikat siya at ngumiti. "Depends on how you would interpret my words."

Cayson bit his lower lip as his eyes traveled down to the V of her robe. Ang ngisi nito'y lumapad.

"Are you inviting me for some action tonight, Rosenda Marie?" he asked, before meeting her eyes again.

"Is that what you think my words meant?"

"That's what I see in your eyes."

Nagtayuan ang kaniyang munting mga balahibo nang tumaas ang mga kamay ni Cayson at dinala sa butones ng suot nitong poloshirt.

"W-What are you doing?" kunwari ay tanong niya.

Lumapad ang pagkakangisi nito, saka muling humakbang papalapit sa kaniya.

"Prepping..."

"For... what?"

"For some action tonight."

Hindi na siya nakasagot pa, lalo nang tuluyan na nitong mahubad ang suot na poloshirt.

Napalunok siya.

Si Cayson ay muling humakbang.

And she just stood there watching him unbutton his pants while her heart pounded in anticipation.

And she thought,

Prepare yourself, Rosenda Marie. Because this is gonna be a long, exhausting night for the both of you...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro