CHAPTER 064 - From Enemies to Lovers and Friends
SHE AND CAYSON went to the popular Azul Beach Club.
The place was set against the backdrop of Bali's white sands and tranquil blue waters, directly overlooking the Indian Ocean. Namangha siya nang marating nila iyon; and Cayson explained the place was one of the best beach clubs on that side of Bali.
The architecture of the place was unique. It was built with bamboo; the interior decor was sophisticated and the front beach view was paradise-like. Kahit ang mga pagkain ay masasarap; everything about the beach club was an experience she wouldn't forget. Masaya siyang pumunta sila roon bago bumalik ng Pinas.
Pero ang saya niya ay nalusaw nang matapos silang magdinner ay tumayo si Cayson saka tinungo ang tiki bar kung saan doon ay may mga magagandang foreigner ang nakatambay.
Paglapit na paglapit pa lang doon ni Cayson ay kaagad na itonag ni-approach ng tatlong Caucasians. At habang hinihintay nito ang in-order na mga inumin ay masaya itong nakipag-usap sa mga iyon. At mukhang sinasadya nito iyon dahil napasulyap ito sa gawi niya at ningisihan siya.
Naisip niyang gumaganti ito dahil sa pag-tanggi niyang 'umarya' bago sila umalis sa hotel. Bagaman hindi iyon ni-personal ni Cayson, ay alam niyang hindi ito natuwa sa bigla niyang pag-iwan dito.
Oh, she only did that because of Connie. Nang dahil sa mga sinabi ng kapatid ay nawalan siya ng gana. Kumbaga, ang mga salitang binitiwan nito'y tila malamig na tubig na bumuhos sa katawan niyang nag-iinit, dahilan upang mapuksa ang apoy.
Oh well... Babawi na lang siya mamaya.
Nang maisip ang maaaring mangyari sa gabing iyon at nag-init ang magkabila niyang mga pisngi.
"I got you a green mango shake."
Napa-igtad siya nang marinig ang tinig ni Cayson. Hindi niya naramdaman ang paglapit nito.
Bumaba ang tingin niya sa dala nitong mga inumin. Inilapag nito sa harapan niya ang tall glass na napuno ng green mango shake, habang ang hawak naman nito'y isang glass ng scotch.
Tahimik niyang kinuha ang inumin, hinawakan ang slim straw, at dinala iyon sa bibig. She sipped and smiled after tasting the drink. Nakapasa iyon sa kaniyang taste buds.
Oh well... Ano lang ba ang hindi pumapasang pagkain sa kaniya?
"So, Rome. How do you describe the relationship we have right now?"
Natigilan siya nang marinig ang sinabi ni Cayson. Napatitig siya rito nang matagal, at nang makitang hindi naman seryoso ang ekspresyon ng mukha nito'y kinunutan siya ng noo.
Seryoso ba ito sa itinanong sa kaniya? Did he really want to know the answer? Kasi mukhang hindi rin ito interesado sa magiging sagot niya. Tila wala rin itong pakealam at nagtanong lang for the sake of conversation.
"What do you... mean?"
"I mean, we both agreed to become friends for the baby—dahil tama ka nga naman. Pangit kapag lumaki ang bata at makitang hindi magkasundo ang mga magulang. We should at least make it appear that we are on good terms, for the sake of our child's mental health." He took a sip of his drink before he continued. "Pero matapos ang nangyari sa atin kagabi, how would you describe this relationship?"
Paano nga ba?
"Since ikaw ang nakaisip ng tanong, bakit hindi muna ikaw ang magsabi ng sagot mo?"
Nagkibit-balikat ito. "I know my answer, but how about you?"
She opened her mouth to provide him with an answer—but then again, no words came out. Paano nga ba niya ilalarawan ang kasalukuyan nilang relasyon?
"Last night, you said that you don't hate me anymore. But do you like me now?"
Sinuri niya ng tingin ang anyo ni Cayson, hinanap doon ang sinseridad nitong malaman ang kaniyang sagot. Subalit hindi niya iyon makita. Pakiramdam niya ay tila nagtatanong lang ito kung ano ang paborito niyang ulam. He looked like he didn't really care.
So why give him an honest answer?
"Yeah, I don't hate you anymore. But I still don't like you."
Tumaas ang mga kilay ni Cayson—hindi kombinsido sa sagot niya.
She continued. "Malaki ang kinalaman ng kondisyon ko ngayon sa mga ginagawa at sinasabi ko. Just because I allowed you to touch my body and I enjoyed the sex didn't mean I like you already. My hormones wouldn't leave me in peace, so I acted that way. And if you are asking if I am starting to get attracted to you, sorry to burst your bubble but I don't."
"Hmm, okay." Hindi pa rin ito kombinsido. Muli nitong dinala sa bibig ang alak, sumimsim, muli iyong ibinaba saka nagsalita. "So ang paglilihi mo na naman ang itinuturo mong dahilan kaya hinayaan mong may mangyari sa atin."
"Well, yes. Ano pa nga ba? The articles I read said that pregnant women are horny."
Gusto niyang mapangiwi sa mga nasabi; it was unlikely for her to say such a word. Pero kailangan bang i-sugarcoat 'yon?
"And so I heard," ani Cayson bago muling ngumisi.
"Pwede bang h'wag na nating pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon? Hindi ako komportable." Inalis niya ang tingin sa kaharap saka itinuon sa infinity pool sa ibaba ng bamboo-made resto-bar na kinaroroonan nila.
"Okay." Si Cayson, ang ngisi ay hindi na mawala-wala sa bibig. "So, we're going back to the Philippines tomorrow. What happened here stays here, then?"
Salubong ang mga kilay na ibinalik niya ang tingin dito.
Ano ang ibig nitong sabihin?
"You look disappointed." Lumapad ang pagkakangiti ni Cayson nang makita ang reaksyon niya. Ibinaba nito ang baso ng alak saka ini-sandal ang sarili sa kinauupuan. "Anyway, I'd like to remind you that I'll be meeting with one of my women tomorrow evening when we got home."
Umiwas siya ng tingin. Ayaw niyang makipagkita ito sa ibang mga babae—habang naglilihi pa siya—pero noong nakaraan pa sinabi ni Cayson ang tungkol sa bagay na iyon. They had a deal.
"Okay," aniya, kahit tila kay pait ng sagot na iyon sa kaniyang dila.
Inilapit ni Cayson ang baso sa kaniya, "Let's be friends til we're back, Rome. Cheers to us."
They had a toast, but she felt so heavy na hindi na niya nagawang mag-enjoy pa hanggang sa matapos ang oras na inilagi nila roon.
At nang makabalik sila sa hotel ay inayos na niya ang mga bagahe nila. Inisama na rin niya ang kay Cayson, na sa pagbalik nito sa hotel ay kaagad na nakatulog dahil sa anim na double shots ng scotch na ni-order nito sa beach club.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro