Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 059 - Delectable







SHE may not be as experienced as Cayson, but at least she knew how to properly respond to a kiss. Minsan na rin naman siyang nagka-boyfriend. And Baron was a good kisser—natuto siya roon. And her kissing skills would surely surprise him.

She tilted her head to the other side to give him access to her luscious mouth, inviting him to deepen the kiss. She then partly opened her mouth and moved her lips sensually and seductively, drawing him more.

Cayson's kiss went deeper and became even more passionate, making her raise her hands onto his shoulders, and growl for more.

Kasabay ng mga labi nilang magkarugtong ay ang paghampas ng alon sa surfboard na tila siya isinasayaw at idinuduyan. Ang init na nagmumula sa lumilitaw nang araw ay nagdadala ng kakaiba ring init sa kaniyang katawan. And it wasn't the first time she felt that, actually. No, it wasn't.

Ilang araw na niyang tinitiis ang kung anumang init na iyon sa loob ng kaniyang katawan, at mukhang ngayon ay unti-unti na niyang naiintidihan kung ano ang tawag sa ganoon.

Lust.

Nothing but unruly lust.

Natigil siya sa pag-iisip nang maramdaman ang pag-gapang ng kamay ni Cayson mula sa kaniyang puson patungo sa kaniyang likuran. He was caressing her skin with passion, dahilan kaya hindi niya napigilang magpakawala ng mahinang pag-ungol.

Nasa tubig sila pero may pakiramdam siyang anumang sandali ay lalagablab silang pareho.

At wala siyang pake kung masunog siya.

She wouldn't give a damn. She was willing to burn with him.

Hanggang sa may alon na muling humampas sa surfboard na sandaling nagpahiwalay sa kanila, putting the fire off.

Bwisit na alon.

Muntikan na siyang mawalan ng balanse sa nangyaring iyon. Si Cayson ay bahagyang inilayo ang mukha sa kaniya, at nang buksan niya ang mga mata ay muling nagtama ang kanilang mga tingin.

Both of their lips were swollen from the kiss; she could feel hers and she could see his. At patunay lamang iyon kung gaano nila parehong nagustuhan ang halik na pinagsaluhan.

Pero hindi pa siya nakontento roon.

She wanted more.

Kaya bago pa siya unahan ng hiya ay hinila niya ito palapit sa kaniya, at akma sanang muling hahalikan nang inilayo ni Cayson ang ulo kasunod ng pag-ngisi nito.

Nanlaki ang kaniyang mga mata.

*Hala, bakit ko ginawa 'yon? *she asked herself.

Loka ka talaga, Rosenda Marie!

Napayuko siya at ibinaba ang mga kamay. Sa labis na pagkapahiya ay tila nais na lang niyang may dumating na malaking alon at anurin siya palayo.

Nakahanda na sana siyang magdahilan upang makaalis na sa lugar na iyon nang saka naman umangat ang isang kamay ni Cayson sa kaniyang pisngi, at bago pa niya mahulaan ang sunod nitong gagawin ay dumampi na ang mga labi nito sa kaniya.

But unlike the first one, this kiss was brief. Tila dumampi lang ang mga labi nito sa kaniya dahil kaagad din siya nitong pinakawalan.

Naguguluhang tiningala niya ito at akma sanang magtatanong nang muli itong yumuko at inangkin ang kaniyang mga labi. Sa pagkakataong iyon ay mas madiin, mas mapang-angkin kaysa sa nauna kanina.

Hindi niya alam kung gaano katagal na magkahinang ang kanilang mga labi sa pagkakataong iyon hanggang sa may malaking alon na naman na humampas sa surfboard na ikina-alog niya.

Doon na sila muling naghiwalay at nagkatitigan, and just like before, she was speechless. Hindi niya alam kung dahil sa sikat ng araw kaya parang napapaso ang pisngi niya sa init, o dahil epekto iyon ng pinagsaluhan nilang halik?

Natigil siya sa pag-iisip nang makita itong ngumiti.

"Are you hungry?" he asked.

Mariin siyang napalunok, kasunod ng pagtango.

"Let's go find that grilled crab, then?"

Again, she nodded.

Hanggang sa alalayan siya ni Cayson na bumaba sa surfboard at makaahon ay pareho na silang hindi nagsalita.

AWKWARD.

There was an awkward feeling surrounding them that no one ever dared to speak again after they left the beach.

Nasa isang restaurant na sila ngayon hindi kalayuan sa hotel na tinutuluyan nila; si Cayson ay inabala ang sarili sa pagyuko sa cellphone nito habang siya nama'y ibinaling ang pansin sa ibang direksyon.

Hindi niya alam kung papaano magbubukas ng topiko, at kung papaano niya babasagin ang katahimikang namamagitan sa kanila. Ayaw niyang mailang siya rito, at ayaw niyang ganoon sila. Okay naman sila noong nakaraan, they were treating each other well.

Kasalanan talaga ng halik na 'yon kaya parang may pader na pumapagatin sa kanila ni Cayson ngayon. Bakit ba kasi siya nito hinalikan?

Gusto niyang tanungin ito kanina noong nasa taxi sila, pero nanatili itong tahimik kaya nawalan siya ng lakas ng loob na magsalita. Hanggang sa marating nila ang restaurant ay nag-umpisa na itong yukuin ang cellphone at ibaling ang buong pansin doon.

Noong um-order sila ay sinensyasan lang siya ni Cayson na pumili, and she said no words

Sa nakalipas na mga araw, kahit mahirap, ay pinilit nilang maging malapit sa isa't isa dahil sa nais niyang makabuo sila ng pagkakaibigan para sa batang nasa sinapupunan niya. At ang effort na iyon ay tila kastilyong buhangin na hinampas ng alon dahil sa simpleng halik na iyon.

Pero... simple nga lang ba ang halik na iyon? They were both lost in that frenzied moment—they were both engrossed in that fantasy world. Hindi lang simple iyon. There was something in that kiss!

O baka... siya lang ang nag-iisip ng ganoon?

For sure, Cayson was used to kissing women—kahit sino lang basta babae. Ilang labi na ba ang hinalikan ng mokong na itp? Ilang babae na ba ang dinala nito sa pantasyang mundo na iyon? Dapat ay hindi na ito naaapektuhan, dapat ay sanay na ito at alam kung papaano titibagin ang yelong nakapagitan sa kanila.

Gaga! Natural na ma-confuse din siya dahil unang-una, you both didn't like each other. Hindi siya naging handa nang halikan mo siya!

Lihim niyang ipinilig ang ulo upang alisin ang munting tinig na iyon sa kaniyang isip.

"Don't think of it too much, Rosenda. There was nothing in that kiss."

Napa-pitlag siya nang marinig itong nagsalita. Nilingon niya si Cayson at nakitang nakayuko pa rin ito sa cellphone.

"Don't stress yourself, halik lang 'yon. We've done more than that before—"

"You're right," she said, cutting him off. She was trying to sound normal. "You're right, we've done more than just kissing before. But it was a mistake, I was half-conscious the majority of the time, and I thought of you as my ex-boyfriend. Malaking pagkakaiba."

"Then, isipin mo na lang na ang ex-boyfriend mo ang kahalikan mo kanina," anito saka nagkibit-balikat. "Mas maigi iyon kaysa sa patuloy mong isipin ang nangyari at maglagay ng pader sa pagitan nating dalawa. Your silence was making me feel uncomfortable, you know? Hindi ko tuloy alam kung papaano ka kakausapin."

"What do you mean? Nanahimik lang ako dahil nanahimik ka rin."

Inalis ni Cayson ang pansin sa cellphone at tinapunan siya ng tingin. "Nanahimik lang ako dahil ramdam ko ang tensyon mula sa 'yo." Muli nitong ibinaba ang tingin sa cellphone.

Inayos niya ang upo, sandali itong tinitigan, at bago pa siya mawalan ng lakas ng loob ay nagtanong ng, "Why did you kiss me?"

Cayson grinned and glanced at her. "Because you looked delectable lying in front of me then."

Pinanlakihan siya ng mga mata, at pasagot na sana nang lumapit ang waiter dala-dala ang mga ni-order nila. Hindi na siya nakapagsalita pa. Gustuhin man niyang patuloy na pag-usapan ang tungkol sa nangyari sa beach upang depensahan ang sarili ay hindi na niya nagawa dahil biglang inagaw ng grilled King crab ang kaniyang pansin.

Para siyang naka-kita ng ginto; ang kaniyang mga mata'y kuminang habang titig na titig sa malaking alimango. She ordered other dishes, too. But all she cared about at that moment was the gigantic crustacean. She was thinking of ordering another one. Pakiramdam niya'y kulang pa iyon—and she wouldn't share it with Cayson!

The King Crab saved her. Nawala sa isip niya ang palitan ng halik nila kanina kaya nagawa niyang i-enjoy ang pagkain.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro