Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 057 - Blame The Hormones







"Good morning, Cayson."

Ang mga mata ni Cayson ay awtomatikong dumapo sa maliit na mesa sa hotel room nila kung saan nakapatong ang Continental breakfast na ni-order niya sa hotel restaurant. Halos napuno ang mesa sa dami niyon, at hawak-hawak niya sa kamay ang pitcher ng fresh orange juice.

She waited for him to wake up, and the moment he opened his eyes, she greeted him. Maaga siyang nagising para ayusin ang sarili at mag-order ng almusal. Bumaba pa siya para personal na puntahan ang restaurant para hindi niya ito magising.

Ugh, she didn't have a good night. Maya't maya ay nagigising siya dahil hindi siya komportable sa higaan. Pakiramdam niya ay parang may kulang—pakiramdam niya'y kay luwag ng kamang iyon para sa kaniya, kay lamig na kahit ang makapal na kumot ay hindi sumapat. Tila siya nasa gitna ng malawak na karagatan at hindi alam kung papaano makababalik sa mainland.

She felt... lost.

And she knew why.

Damn. Of course, she knew why.

It was because he wasn't there beside her.

Por Dios, parang kahapon lang sila nagtabi pero tila sanay na ang buong katawan niya sa presensya nito. Tila hindi na sanay ang sistema niyang hindi ito makatabi. Tila siya puzzle na kulang ng isang piece.

But, no. She wasn't in love with him or something—positibo siyang walang ganoong damdamin.

It was all because of hormones.

Yes, all because of hormones.

Napagkagat-labi siya nang makita ang pagsalubong ng mga kilay ni Cayson habang nakatingin sa mesang punung-puno ng pagkain.

"I ordered these for us," she said, trying to sound normal. Ayaw niyang mahalata nito ang kaba niya.

Kinakabahan siya dahil baka hindi na naman siya nito kausapin at patuloy na ignorahin katulad kagabi. Papaano ba kasi niya ipaliliwanag dito na hindi rin madali sa kaniya ang mood swings niya? She had no control of her body, and her feelings.

"What are you up to this morning?" anito saka lang nagbawi ng tingin. Bumangon ito at kinusot ang mga mata.

"I just... wanted to apologize for how I acted yesterday."

"Apologize?" Muli siya nitong tinitigan. "That's a first."

"I know I acted like a kid yesterday, huli na nang maisip kong nagpadala na naman ako sa—"

"Let me guess—dahil na naman sa paglilihi?"

Napayuko siya, at sa mahinang tinig ay, "Hindi madaling magbuntis."

Tumayo si Cayson at naglakad sa direksyon niya. Nang makalapit sa kaniya'y huminto ito, at doon na siya muling nag-angat ng tingin.

Cayson's morning face looked utterly handsome.

Bakit ba niya madalas na mapansin iyon simula nang dumating sila sa Bali?

"Kung may ikinagagalit ka ay prangkahin mo ako, don't just show that attitude to me. Hindi pa kita gaanong kilala at hindi ko pa alam kung papaano timplahin ang ugali mo, Rome. Sa ngayon, dahil naglilihi ka, ay pagbibigyan kita. But next time, I won't be as patient." Itinuloy na nito ang paghakbang at nilampasan siya. Pumasok ito sa banyo at nagsara ng pinto.

Isang mahabang paghinga ang pinakawalan niya bago siya naupo sa upuang katapat ng mesa. Nilagyan niya ng juice ang baso niya saka naka-labing tinitigan ang pagkain. Kung hindi siya sasabayan ni Cayson sa almusal ay hindi rin siya kakain.

Bahala nang masayang ang masarap na Continental breakfast na iyon.

Sa mahabang sandali ay nakatitig lang siya sa bacon hanggang sa marinig niya ang pagbukas ng pinto ng banyo at ang paglabas ni Cayson. Nilingon niya ito at nang makitang nakatapis lang ito ng tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan ay napalunok siya. Habang titig na titig sa hubad nitong dibdib ay inabot niya ang baso ng juice saka nilagok ang laman niyon.

Naglilihi ako, bakit ba? depensa rin niya sa sarili.

"Let's forget about last night and move forward," anito habang lumalapit.

Nakasunod lang ang tingin niya hanggang sa makaupo ito sa harapan niya. His eyes instantly landed on the percolator. Naging maagap siya, at inunahan ito.

Inilapag niya ang baso ng juice sa mesa, inabot ang percolator, saka nagsalin sa tasa nito. Cayson's eyes went back to her.

"Is this still part of your apology?"

"Ang alin?"

"Serving me."

Patay-malisya siyang nagkibit-balikat bago inilapag ang percolator pabalik sa mesa. "Maybe."

"Don't worry about me, worry about yourself—ikaw ang may dalang bata sa sinapupunan. Put food on your plate."

Hindi niya ito pinakinggan. Naglagay siya ng omelet sa plato nito saka bacon. Cayson just shook his head and started eating.

At habang kumakain ito ay napangalumbaba siya sa mesa saka pinagmasdan ito. Sa loob ng mahabang sandali ay ganoon lang siya, at huli na nang mapagtanto niyang nakangiti pala siya—at nahuli iyon ni Cayson.

Kinunutan ito ng noo. "Aren't you eating?"

"Maniniwala ka ba kapag sinabi ko sa'yo na nabubusog na ako kapag nakikita kitang kumakian?"

Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo nito. "I'm flattered, but you also have to—"

"Ayaw ko, mamayang lunch na ako kakain. Gusto ko ng inihaw na alimasag, hanapan mo ako, ha?"

Cayson smirked and continued to eat his meal. At habang ngumunguya ito'y muling nagsalita. "You don't feel sick today?"

Umiling siya.

"Would you like to go for a swim after this?"

"Hindi ka makikipagharutan sa ibang babae?"

Tumigil ito sa pagnguya, itinaas ang tinidor, at itinutok sa kaniya. "You're forgetting the terms again—"

"Ngayon lang habang active pa ang paglilihi ko. Kapag natapos na ito ay hindi ko na pangengealaman ang trip mo. Kahit si Queen Elizabeth pa ng England ang harutin mo, I won't give a damn."

Bahaw na natawa si Cayson, dahilan upang mapangiti siya. Mukhang nakalimutan na nito ang inis sa kaniya. Good.

"Fine," anito saka itinuloy ang pagkain.

And all she did at that time was stare at Cayson's gorgeous face as he ate his breakfast with gusto.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro