CHAPTER 052 - Bond
IN THE next few days, she and Cayson did their best to make each day worth. Sa umaga ay bababa sila sa hotel restaurant para kumain ng breakfast habang pinapanood ang mga surfer na maaga pa lang ay nasa baybayin na. Sa unang mga minuto'y pareho lang silang tahimik, hanggang sa ang isa sa kanila ay magbubukas ng topiko, at ang topiko na iyon ay mauuwi sa mahabang pag-uusap.
They'd talk about casual stuff, like her family and her experience growing up. Nilaktawan na niya ang ibang detalye tulad na lang ng kung papaanong sinira nito ang kabataan niya, at kung papaanong ini-sisi niya rito ang lahat. She would also ask him about his life back in the US, and Cayson would tell her everything she wanted to know.
They were all basic questions and answers, enough for them to get to know each other. Kung mayroon man siyang pinaka-iwasang itanong ay tungkol sa mga babae nito. She didn't want to push it; ayaw niyang may maramdamang kakaiba.
Tulad ng naramdaman niya noong sinabi nitong sa pagbalik nila sa bansa ay maglalaan ito ng dalawang araw kasama ang isa sa mga babae nito.
Geez, she still didn't know what hit her. She had no idea why she felt something odd. Dapat ay hindi siya makaramdam ng ganoon.
Pagkatapos nilang mag-almulsal ay pumupunta sila sa ibang tourist destinations na sikat doon sa Bali. They went to Pura Saraswati where there was an old temple and a huge water garden, which she later learned was dedicated to the Hindu goddess of art and learning. Wala siyang ibang ginawa kung hindi kumuha ng mga larawan sa harap ng mga temples doon. At tuwang-tuwa siya nang may madaan silang souvenir shops dahil napaka-raming magagandang souvenir siyang nakita na nais niyang iuwi sa pamilya.
Sa loob ng dalawang araw ay wala silang ibang ginawa kung hindi ang pumunta sa mga sikat na destinasyon o kung hindi man ay tumambay sa beach. Ang hotel na kinaroroonan nila ay may sakop na semi-private beach, minsan ay maraming tao ang naroon, minsan naman ay wala.
Cayson loved swimming—something she had just learned about. He took lessons on surfing, at doon nauubos ang oras nila sa maghapon.
At wala siyang problema roon.
Noong una'y madalas pa itong matumba at anurin ng alon, pero kalaunan ay natuto rin ito. It only took him two days to be able to stand on the surfboard. She was happy for him—lalo na kung lalapitan siya nito sa beach chair kung saan siya nakaupo habang pinanonood ito. He would happily report to her like a kid who just go off from his school bus and had a lot to talk about school to his mum.
Parang ganoon ang naramdaman niya. Cayson was like a child—a happy child—who craved attention. Atensyon na ibinigay niya rito nang hindi niya namamalayan.
Kapag sumapit na ang dilim ay maghahanap sila ng bagong restaurant—seafood fiesta was her favorite, kaya madalas na sa seafood restaurant sila makikita. Pagdating ng alas-dies ng gabi ay saka pa lang sila babalik sa hotel, parehong pagod. Maliligo na lang sila at matutulog pagkatapos.
At sa loob ng tatlong araw ay ganoon nag-uumpisa at natatapos ang araw nila. And she was happy—and Cayson seemed to be enjoying, as well.
Until the fourth day...
"Simula nang dumating tayo rito ay hindi kita nakitang nagtampisaw man lang sa dagat. Why?"
Tiningala niya si Cayson habang inisusuot nito ang baong T-Shirt. Katatapos lang nitong mag-surf at lumapit sa kaniya bitbit ang dalawang basong may laman na inumin. He handed her a fresh papaya fruit shake while he got a glass of local beer. Ini-abot niya rito ang t-shirt nang sagayon ay hindi ito lamigin.
"Ayaw kong mangitim."
Nagsalubong ang mga kilay ni Cayson, ang isang sulok ng mga labi ay umangat sa pagngiti. "We have sunblock—"
"Kahit na." Umirap siya at ibinaling ang tingin sa dagat. Ang araw ay papalubog na, ang alon ay malalaki pa rin at sunud-sunod na humahampas sa dalampasigan. May iilan pa rin doon ang naliligo at nagsu-surf, at dahil nasa tapat lang sila ng isa sa pinaka-malaking restaurant sa bahaging iyon ng Kuta Beach ay marami-rami na ring tao ang dumarating para mag-dine in.
Si Cayson ay bumaba ang tingin sa suot niyang wet suit. "Kaya pala balot na balot ka araw-araw?"
"Hindi katulad ni Connie at ipinanganak akong negrita. I mean, I like my skin as is, pero ayaw kong lalong maging tostado, ano."
"Hindi ka tostado—"
"Tsk, I know you know what I meant."
Naupo ito sa katabing beach chair, inabot ang baso ng beer na ipinatong nito sa maliit na mesang gawa sa kahoy, at tinungga ang alak habang ang tingin ay hindi pa rin humihiwalay sa kaniya. Ilang sandali pa'y, "You should stop worrying and live your life to the fullest. Sabi mo nga, lumaki kang pinaliligiran ng mga mata ng buong pamilya mo. You were not able to enjoy your life and do everything you wanted. Ngayong may pagkakataon ka ay binibigyan mo naman ng restriction ang sarili mo?"
"I'm fine with it, anyway. Tulad nga ng sabi ko, ayaw kong lalong ma-tosta ang balat ko."
"And so what kung lalong ma-tosta? I used to have a Nigerian girlfriend back in the US and I loved her dark skin, she was so gorgeous."
"If you loved her skin so much and thought she was gorgeous, why did you break up?"
Ngumisi si Cayson na sandali niyang ikina-tigil. Why, she had no freaking idea. "She caught me cheating with her best friend."
She grimaced. "Kuu. 'Yan, landi pa."
Natawa ito at itinuloy ang pag-inom ng beer. Pinangalahati nito iyon, at nang muling ibinaba ang baso ay ibinalik nito ang pansin sa kaniya. "So, as I was saying. Walang masama kung mag-iba ang kulay ng balat mo. Your skin color would eventually go back to its natural tone, but the experience you missed will haunt you forever. Live every day of your life as if it was your last, Rome."
Natahimik siya at napa-isip sa sinabi nito.
He had a point; at aminin man niya sa hindi ay na-impress siya sa sinabi nito.
"Tomorrow morning after breakfast, we will go shopping for a bikini, okay? Maliligo ka sa dagat bukas."
"No," matigas niyang tugon.
"Come on," anito saka tiningala ang langit. Nang may mapagtanto ay hinarap siya nito at ningisihan. "You know what? You can still swim now."
"Hindi ko alam kung papaano lumangoy, kaya hindi ako lumalapit sa dagat," rason pa niya "At nakikita mo ba 'yang mga alon na 'yan? My God, baka—" Tumigil siya sa pagsasalita nang biglang tumayo si Cayson, inilapag sa mesa ang hawak na inumin, at sa pagkagulat niya'y yumuko saka binuhat siya.
Isang malakas na singhap ang kumawala sa bibig niya, kasunod ng impit na tili.
"Hindi ka malulunod, hahawakan kita. Just dip into the water and feel the waves."
"No!" Pinilit niyang kumawala pero humigpit ang pagkakahawak nito sa binti at braso niya. "Cayson, ibaba mo ako at nakakahiya—"
"Ano ang nakakahiya roon? Hindi ito Pilipinas. These people here are minding their own, f*cking business; they don't care."
"K-Kaya kong maglakad—"
"No, tatakbo ka lang pabalik sa upuan mo."
Taranta niyang nilingon ang dagat, at nang makitang malapit na nilang marating iyon at may malaking alon ang papasalubong sa kanila'y mariin siyang napa-pikit.
"Cayson, aanurin tayo ng alon!"
But Cayson just chuckled and lunged into the water. Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang ibaba siya nito sa tubig.
"Come on! Just hold on, hindi ka aanurin."
Napamulat siya nang maramdaman ang tubig na umabot na halos sa kaniyang bewang. Mahigpit siyang napahawak sa mga braso ni Cayson saka tarantang inikot ng tingin ang paligid. May iilang tao pa namang naroon din sa tubig sa mga sandaling iyon; ang iba ay nagsu-surf pa, ang iba'y nakikipaglaro sa mga alon.
Muli siyang napapikit nang may humampas na alon sa kaniyang likuran. "Cayson!"
"Just hold on tight."
And she did. At hindi muna siya nag-mulat ng mga mata dahil may dalawa pang malalaking mga alon ang sunud-sunod na humampas sa katawan nila, at dahil doon ay napa-atras si Cayson habang siya'y tila sadyang itinutulak ng mga alon palapit sa katawan nito. At upang maalalayan siya ay bumaba ang mga kamay ni Cayson sa bewang niya at mahigpit siya roong hinawakan. Siya nama'y napakapit sa magakabila nitong mga balikat habang nanginginig sa kaba.
"See? It's nice to be in the water!" Cayson said energetically, sadya nitong nilakasan ang boses dahil sa ingay na nililikha ng mga alon.
"My knees are shaking!" aniya. Pilit man niyang inilalayo ang katawan sa matigas na katawan ni Cayson ay siyang tulak naman sa kaniya ng mga alon patungo rito.
Malapad na ngumiti si Cayson at kinabig siya upang lalong pagdikitin ang mga katawan nila. And that—somehow made her feel uncomfortable. Bigla siyang natilihan, biglang may kung anong init ang gumapang sa buo niyang katawan sa kabila ng lamig na tubig-dagat.
At hindi niya alam kung papaano pakikitunguhan ang damdaming iyon kaya nag-akma siyang itutulak ito subalit bumaba ang mukha ni Cayson at binulungan siya.
"I wouldn't do that if I were you."
Lalo siyang nataranta nang maramdaman ang pagdampi ng mainit nitong hininga sa gilid ng kaniyang leeg.
"Here comes another big wave, Rome. Hold on tight."
Hindi na niya nagawang magsalita pa nang may muling humampas ang malaking alon sa kanila na muntik na niyang ikinatumba kung hindi lang nakayakap nang mahigpit sa kaniya si Cayson. He almost lost his balance, too, but he was able to stand still.
Ang lakas ng tawa nito nang tuluyan na siyang kumunyapit sa leeg nito; ang kaniyang katawan ay lalong dumikit dito.
And oh, how his body felt so good against hers.
Bakit ganoon ang nararamdaman niya?
Wala siyang maalala sa gabing nagsiping sila nito—sa gabing nagkamali sila at kung kailan nabuo ang nasa sinapupunan niya. Ang tanging naalala niya at pilit nang kinalimutan ay hanggang doon lang din sa naikwento na niya kina Jiggy at Connie. The rest of the night was blurry, hazy. Kaya napapaisip siya...
Ganoon din ba ang naging reaksyon ng katawan niya noong dumampi ang katawan nito sa kaniya? Did her body react that way, that night?
Oh, she could no longer remember.
"You okay?"
Bigla siyang napamulat nang marinig ang tinig ni Cayson. Tumingala siya at sinalubong ang mga mata nito.
Cayson was smiling—a teasing and yet tender smile. Mahigpit pa rin nitong hawak ang bewang niya, ang mga alon ay patuloy pa rin sa paghampas sa likuran niya dahilan upang magkiskisan ang mga katawan nila, at ang kaniyang mga kamay ay nanatiling nakapulupot sa leeg nito.
Ngumisi si Cayson na ikina-kurap niya.
"Fun, right?"
Hind niya alam kung ano ang isasagot. The water was cold and yet, her insides were warm. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya'y may apoy na gumagapang sa kalamnan niya, mula sa kaniyang dibdib pababa sa ilalim ng kaniyang tiyan.
It was a weird feeling she couldn't explain and had no idea how to deal with.
"So tomorrow, you will join me in the water," ani Cayson, halatang walang ideya sa kasalukuyang nararamdaman niya. "I'll buy you a nice bikini and I'll teach you how to surf."
Sa huling sinabi nito'y nagpakawala siya ng pilit na tawa. Gusto niyang alisin sa isip ang nararamdaman. "Feeling trainer ka na rin kahit tatlong araw ka pa lang na nag-aaral ng surfing?"
He chuckled, and oh, how it sounded like music in her ears!
What the hell was wrong with her?!
"No, but at least I can teach you how to lay down on the surfboard. We only have three days left, let's make the most of them. Lalo na ikaw."
Ngumiti siya saka tumango. "Okay."
Hindi niya maintindihan kung bakit hindi pa siya bumibitiw rito, o ito sa kaniya. Nagtataka siya kung bakit hindi pa sila umaahon at kung bakit hindi pa rin ito umaalis doon. Unti-unti nang dumidilim ang paligid—karamihan sa mga turistang naroong nagsu-swimming at surfing ay unti-unti na ring umaahon. Pero sila ay nanatili roon.
Magkahawak.
Magkatitig.
Magkadikit.
At hindi ba dapat ay mailang siya? Hindi nila gawain ang ganoon—hindi sila madalas na magdikit ng ganoon.
Hanggang sa namalayan na lamang niya ang mga kamay na unti-unting bumababa sa balikat ni Cayson, pababa sa dibdib nito—at nahinto roon, while their eyes still locked.
Ang kaninang nakangiting mukha ni Cayson ay naging seryoso, at ang mga mata nito'y naging blangko. Ang mga kamay nitong nasa bewang niya'y lalo pang humigpit.
Sunud-sunod na kumabog ang kaniyang dibdib. Naramdaman na rin kaya nito ang naramdaman niya?
Nahinto siya sa pag-iisip at biglang natilihan nang bumaba ang mga mata ni Cayson sa mga labi niya.
Pero bago pa man kung saan mapunta ang titigan nila'y may ingay silang biglang narinig.
It was the lifeguard. Gamit ang pito ay nagbigay ito ng signal sa mga taong nasa tubig pa. Papalaki nang papalaki ang alon at unti-unti nang nilalamon ng dilim ang paligid. They must leave the waters or else...
At hindi siya sigurado kung sa tubig siya natatakot o sa maaaring mangyari sa pagitan nila kung hindi pa sila umalis doon.
Because she knew... she knew too well that Cayson was thinking of kissing her. She felt that. And if it happened... there would surely be a huge change in their current relationship. And how would she handle that change?
"We should go," ani Cayson. Nakita niya kung paano itong umiwas ng tingin bago siya hinawakan sa isang kamay at inakay pabalik sa dalampasigan.
Hindi na siyang sumagot pa at tahimik lang na nagpaakay. Because what was there to say anyway?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro