CHAPTER 047 - Cayson Learns About Baron
SA sobrang inis ay hindi bumaba si Rome nang tanghalian para sabayang kumain si Cayson. Ipinatawag siya nito sa katulong subalit nagmatigas siya. She asked the maid to bring her a glass of milk and cut fruits instead. At iyon ang ipinang-laman niya sa tiyan. Not surprisingly, Cayson didn't try harder. Ni hindi rin siya nito sinilip sa silid buong maghapon na ikina-sama na naman ng pakiramdam niya.
Gusto niyang umalis, lumabas muna para aliwin ang sarili. Tinawagan niya si Jiggy at niyaya ang kaibigang lumabas nang hapong iyon pero marami raw itong trabaho kaya hindi makapupunta. Connie was busy, too. Palapit na ang final exams at marami itong gagawin. And she knew how hard it was to work for a lesson plan, kaya hindi na siya nagpumilit.
Wala siyang ibang pinagpilian kung hindi manatili sa mansion at magmukmok sa kanilang silid.
Bandang alas seis ng gabi nang marinig niya ang pagdating ni Althea Montemayor, bumaba siya at sinalubong ito. They spoke for a while, kinumusta nito ang lagay niya at ang araw niya. She lied to the old lady, sinabi niyang maayos ang naging araw niya at na masaya siya dahil nasa bahay lang si Cayson. Mukha namang na-kombinsi ito at natuwa. Oh, that poor lady...
Sa hapunan ay bumaba si Cayson, at doon ay umasta itong mapagmahal na asawa sa harap ng lola nito. He was taking care of her, urging her to eat, making her feel loved just for the sake of his grandmother's satisfaction. Pero imbes na sakyan niya ang pagpapanggap nito'y naging malamig siya. She was being emotional and sensitive—ang anak niya'y ayaw makisama sa stage play na iyon. Buong araw siyang umasang sisilipin siya nito o kukumustahin, pero dahil wala ang lola nito sa paligid ay hindi man lang ito nag-abala. Dagdagan pa ang paninita nito sa kaniya kanina sa study room.
Oh, she couldn't and wouldn't participate in his act anymore! At wala na rin siyang pakealam kung mapansin iyon ni Althea Montemayor!
"Tapos na po akong kumain, Lola. Aakyat na po ako." Ang akma niyang pag-tayo ay nahinto nang kaagad na sumagot ang matanda.
"Pero hija, halos wala ka namang kinain ngayon?" Nasa tinig nito ang labis na pag-aalala. Ang tingin ay nagpalipat-lipat sa kaniya at sa pagkaing nasa plato niya na halos hindi rin naman niya na-galaw.
"Busog po kasi ako," pagsisinungaling niya. She had no appetite and she was not hungry. Hihingi na lang ulit siya ng gatas sa katulong mamaya, para kahit papaano ay may laman ang tiyan niya. "Kumain po ako kaninang hapon."
"Oh, is that so?" Muli itong ngumiti. "Okay, magpahinga ka nang maaga ngayon. Don't forget to take your vitamins, you have to be healthy so you can handle the childbirth in eight months."
Tumango siya at akma nang tatalikod nang hawakan siya sa braso ni Cayson. Nilingon niya ito at nakitang patayo na rin ako.
"Tapos na rin ako, Gran, " anito. "Aakyat na rin ako at sasamahan si Rome sa—"
"No, hindi ba at may tinatapos ka pang trabaho?" kontra niya. I am not participating in this act anymore, Cayson. H'wag na tayong mag-usap hanggang sa makanganak ako, animal ka. "Just finish your meal and I'll see you in a bit." Binawi na niya ang kamay mula rito at tuluyan nang nilisan ang dining area.
Pagdating sa taas ay kaagad siyang dumiretso sa banyo at naghugas ng katawan. Makalipas ang dalawampung minuto ay lumabas siya sa banyo; handa nang matulog. Ang akma niyang paghakbang patungo sa kama ay nahinto nang makitang nasa single couch malapit sa bintana si Cayson at tila naghihintay sa paglabas niya.
Maingat niyang inisara ang pinto ng banyo, sandaling nakipagtitigan dito bago siya huminga nang malalim saka umiwas ng tingin at itinuloy na ang paglapit sa kama.
"What was that, Rosenda Marie?"
Umikot siya sa bahagi niya ng kama at inalis ang makapal na kumot. "What was what?"
"You didn't play your part of the act—"
"I don't want to play my part of the act anymore, Cayson Montemayor. May problema ka roon?"
"What?" Halata na sa tinig nito ang inis. "Nasa terms natin na—"
"Hindi mahahalata ng lola mong may kakaiba sa relasyon natin dahil iisipin niyang dala lang sa paglilihi ang inaakto ko, kaya h'wag kang mag-alala." Sumampa na siya sa kama at inisandal ang sarili sa headboard. Kinuha ang librong madalas na basahin pampaantok na nasa side table saka binuksan sa huling pahinang binasa niya.
"You are so moody, Rosenda Marie. Hindi na ako nagtataka kung bakit sa edad mong 'yan ay wala kang kasintahan."
Tinapunan niya ito ng tingin. "I am only twenty-four, Cayson Montemayor. I had a big future ahead of me, and I was supposed to meet more people. Pero salamat sa'yo at nasira ang magandang kinabukasan ko sana."
"Bakit, Rosenda Marie? Hindi ba at ikaw ang pumasok sa silid na okupado ko nang gabing iyon?"
"I was given the wrong key, you jerk. Kung alam ko lang rin na maling susi iyon at silid mo ang pinasok ko ay sana sa hallway na lang ako natulog."
Napahalukipkip ito at kinunutan ng noo. "Ilang ulit ko ring binalikan sa isip ang mga nangyari nang gabing iyon. You were a virgin and yet your 'drunk performance' was far better than those who had vast experience in sex."
Nanlaki ang mga mata niya. Mabilis niyang tinakpan ang mga tenga gamit ang mga kamay. Hindi niya kayang pakinggan ang mga sinasabi nito tungkol sa gabing iyon.
"Why did you respond to—"
"Oh please, bakit pa ba natin pinag-uusapan ang tungkol sa nangyaring iyon?"
"Dahil gusto kong maintindihan kung bakit sa kabila ng kawalan mo ng karanasan sa ganoong bagay ay parang alam mo ang ginagawa mo noong gabing iyon. Not to mention, you were also drunk. Sa tingin mo ba, noong mga oras na iyon, ay nananaginip ka lang?"
"Ang umpisang tagpo lang ang naaalala ko sa gabing iyon, okay? At sa abot ng aking naaalala ay alam kong hindi ako nananaginip noong mga panahong iyon. I thought I was with someone else." Napasimangot siya. "Puwede ba? Let's drop this topic and leave me alone."
"You thought you were with someone else? With whom?"
Talaga nga yatang hindi siya titigilan nito.
"I thought you were my ex-boyfriend, okay?"
Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Cayson. "How? And why would your ex-boyfriend be at my party?"
"He was the band singer!"
Sandali itong natahimik at kunwa'y nag-isip. Nang rumehistro sa isip nito ang taong tinutukoy niya'y bahaw itong natawa. "Wow, that guy? Hindi ko akalaing ang katulad mo ang taste niya sa mga babae."
"Thank you for the insult," tuya niya. "Can we please drop the topic now? Wala akong interes na balikan pa ang—"
"Kaya ka ba naroon sa party ko dahil nalaman mong naroon siya? What—were you still chasing after him?"
"Kinaladkad lang ako ni Dudz papunta sa party mo, Cayson Montemayor. Had I known it was yours, I wouldn't have come. Plus, I didn't know he was there. Matagal na kaming hindi nagkita at—"
Muli itong bahaw na natawa. "Okay, let's say I believe you."
"What—"
"Pero siya ang inakala mong kasama mo sa kamang iyon, kaya ka tumugon sa mga ginawa ko sa katawan mo. What, are you still into your ex? Do you still love him?"
"Love?" It was her turn to sarcastically laugh at him. "I didn't expect to hear that from you, Cayson Montemayor. Such a holy word from such a dirty mouth."
Ngumisi ito, tila tuwang-tuwa sa nagiging sagutan nila. "So you're still into your ex, huh? Did you two break up because he got bored with you? Let me guess—para kang manang kaya naumay siya sa'yo at hiniwalayan ka. Well, hindi ko siya masisi. Aside from you lacking sex appeal, you also act like an old maid—"
"I broke up with him because he was a two-timer and he sold dr*gs! There, happy?"
Lalo itong natawa sa pagkapikon niya. "Even worse!" Ang lakas ng tawa nito, at kulang na lang ay ibato niya rito ang librong nasa tabi niya para manahimik na ito. "And yet, you continue to fantasize him and was willing to have sex with him despite all that. You are crazier than I thought, Rosenda Marie."
Doon na niya hindi napigilan ang sariling hablutin ang libro at ibato sa direksyon nito. And it was as if he had already anticipated that because he was able to dodge. Lalo itong natawa sa ginawa niya, and she expected to be annoyed at him but she didn't. Actually, mas naaliw siya sa palitan nila ng salita imbes na magalit. At natutuwa siyang makita itong tumatawa sa harap niya. It was the first. Kahit pa ba siya ang pinagtatawanan nito.
Kagagawan mo ba ito, baby?
"Oh my God, Rosenda Marie. You and your temper." Nakangisi itong pumalatak. "You know what? Hindi ako magagalit kung pagkatapos mong manganak ay makipagkita ka riyan sa ex mo. I don't even care what you want to do with your life. Tutal ay nasa terms naman natin na pwede nating gawin ang kani-kaniyang buhay natin. Just be careful no one would see you and your ex. Ayaw kong kaladkarin mo ang pangalan ko sa kahihiyan."
She opened her mouth to defend herself but closed it again when a knock on the door interrupted her. Sabay silang napalingon doon.
"Ma'am," anang katulong sa labas. "May dala po akong gatas para sa inyo, pina-akyat po ni Madam."
Si Cayson ay muli siyang hinarap. "That's right. Hindi mo ginalaw ang pagkain mo kanina. Ayaw kong masisi na naman ni Lola kaya alagaan mo ang sarili mo ganitong dinadala mo sa sinapupunan mo ang magiging anak ko." Tumayo ito at humakbang patungo sa banyo. "Go get that drink, I'm going to take a shower."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro