CHAPTER 044 - Needing Him
Kanina pa nakatayo si Cayson sa paanan ng kama at tahimik na pinagmamasdan ang himbing nang natutulog na si Rome. She was sleeping on her side as she hugged his pillow. Ang kumot na katulad ng sapin ng kama ay may naka-imprenta ring hugis puso, at nakatakip hanggang sa bewang nito.
His eyes went down to her stomach. Dahil nakatagilid ito at nakasuot ng maluwag na pajama pair ay hindi gaanong halatado ang tiyan nito. Ni hindi niya alam kung lumalaki iyon—she looked the same. Oh well, he never really had a good look at her, kaya hindi niya masabi kung may pagbabago rito. Kung titingnan niya ito'y diretso sa mga mata lang sa tuwing nag-uusap sila. Pag-uusap na hindi naman gaanong tumatagal dahil hindi siya makatagal na kausap o kaharap ito.
His grandma said Rome was not feeling good and hadn't eaten anything for days—ang sabi pa nito'y dahil sa kaniya.
Hindi kaya iyon ang gusto ni Rome na isipin ng lola niya? Was she just making this all up para ma-sermonan siya?
Sa naisip ay napikon siya, at sa malalaking mga hakbang ay tinungo niya ang banyo saka kung paano na lang na ibinagsak pasara ang pinto, not caring if Rome would wake up from the noise.
Naligo siya, at nagpa-tuyo ng buhok gamit ang blower. Makalipas ang ilang sandali ay lalabas na sana siya sa banyo nang maalalang wala siyang suot na kahit anong saplot.
Tahimik siyang nagmura. Sanay siyang walang sinusuot na kahit ano sa tuwing matutulog.
Damn it. Ayaw niya ng ganito.
Kumuha siya ng panibagong tuwalya at itinapis sa ibabang katawan. Nasa labas ang closet kaya kailangan niyang takpan ang sarili; hindi siya sigurado kung tulog talaga ang kasama niya sa silid. And normally, he didn't care if women would see him butt-naked, pero dahil kakaibang nilalang ang babaeng pinakasalan niya at mukhang lumaki pa yata sa ilalim ng batas ng mga madre, ay kailangan niyang magtakip ng katawan. Dahil kung gising ito at makita siyang hubad, siguradong kung ano na naman ang sabihin nito. And he was exhausted he didn't have time for arguments.
Pagkalabas niya ay balewala siyang naglakad patungo sa closet. Ang ilaw sa banyo ay hinayaan niyang bukas, at ang pinto ay hindi rin niya ini-sara. Dire-diretso siya sa closet, binuksan iyon upang maghanap ng sleeping pants, at nang makakita'y kaagad na hinugod. Humarap siya sa kama at akma na sanang isusuot ang pajama nang mapa-igtad siya sa nakita.
Rome was sitting on the bed, her back was on the headboard and her eyes were on him.
"Geeze, what's with you?" aniya rito bago humakbang pabalik sa banyo.
"Bakit parang gulat na gulat ka?" anito.
"I didn't expect you're awake."
"Oh, hindi mo ba ako ginising? Malakas pa kasi sa sampung alarm clock ang pagbagsak ng pinto ng banyo kanina, akala ko'y sadya mo akong ginising para ipaalam na narito ka na."
Gusto niyang huminto, harapin at sagutin ito. Pero pinigilan niya ang sarili. He's tired, he got no time for her sarcasm.
Sa banyo niya ini-suot ang pajama, saka kung paano na lang ini-tapon sa sahig ang tuwalya. Matapos magbihis ay lumabas siya, pinatay ang ilaw ng banyo, at walang salitang tinungo ang kama saka nahiga roon.
Pumailalim siya sa kumot at tinalikuran si Rome na hindi pa rin tumitinag.
"Wala kang sasabihin?" anito.
"Wala," he said before closing his eyes.
"Matapos mo akong gisingin?"
"Just go back to sleep."
"Tingin mo ay ganoon ka-dali? Alam mo bang hirap na hirap akong makakuha ng tulog sa gabi? Siguro nga ay wala pa akong isang oras na tulog nang dumating ka."
Inis niyang itinukod ang mga siko sa kama saka hinarap ito. "What do you want from me, Rosenda Marie? Bakit ka umaastang ganito?"
"Umaastang ano?"
"Ganito. Bakit mo ako sinisita?"
"Dahil ginising mo ako!"
"Kaya nga sabi ko ay matulog ka na lang ulit! Why did you have to nag at me? Pagod ako!"
"You didn't have to shout!"
"Sisigaw ako kung gusto ko dahil pamamahay ko 'to, at dahil silid ko 'to!"
"Bakit ba ang sama mo?!"
Natigilan siya at sandaling nawalan ng isasagot nang marinig ang pag-garalgal ng boses nito. Was she... crying? Why was she crying?
"Hindi mo alam kung gaano ka-sama ang pakiramdam ko sa loob ng ilang araw. Sarili kong katawan ay hindi ko maintindihan, damdamin ko ay hindi ko maipaliwanag sa tuwing tinatanong ako. I have no control over my body because the life inside me was overtaking it. Gusto kong kumain pero ayaw ng sikmura ko, gusto kong maglakad pero ayaw ng katawan ko, gusto kong lumabas pero ayaw makisama ng pakiramdam ko, gusto kong matulog pero ayaw ng mga mata ko. I was suffering due to this pregnancy, at hirap na hirap na ako! And when I was finally able to get some sleep, you will just barge in like some ruffian, wake me up for nothing, and then talk to me as if everything was my fault? Tingin mo ba'y ginusto ko rin 'to? I didn't ask you to impregnate me?"
"This is why I told you that marriage was a bad idea—"
"Ipaaalala ko lang sa'yo na ini-suko ko na ang tungkol doon pero bigla kang sumulpot sa bahay namin isang gabi at sinabi sa lahat na pakakasalan mo ako!"
She was right—at wala siyang maisagot.
Huminga siya nang malalim. Sabi na nga ba at sa pakikipagtalo sila mauuwi, eh. Dapat talaga ay ni-ignora na lang niya ito.
"Let's not argue, Rosenda. Pareho tayong kailangang magpahinga—" Nahinto siya nang marinig ang sunud-sunod na katok ng lola niya sa labas ng pinto ng kanilang silid kasunod ng pagpihit ng seradura niyon.
The door was unlocked! At makikita ng lola niya ang pag-iyak ni Rome!
He couldn't afford more preaching, damn it.
Bago pa man siya maka-isip ng tamang gagawin ay nihila niya ang isang braso ni Rome na nagulat din. Pinahiga niya ito sa braso niya saka niyakap—at doon saktong bumukas ang pinto.
"Did I just hear you two argue..." Althea trailed off after seeing them in each other's arms.
He pretended to be asleep, and Rome was shocked to move a single muscle or utter a single word.
Sunod niyang narinig ay ang pagbuntonghininga ng lola niya.
"I'm sure I heard someone shouting just a few seconds ago... Tsk, I think I need to take my pills."
Nang marinig niya ang pagsara ng pinto ay napalingon siya upang siguraduhing nakalabas na ang abuela. Nang makitang wala na ito roon ay napahiga siya at napatitig sa kisame.
"Pati si Gran ay inabala pa natin." Niyuko niya si Rome na nanatiling nakahiga sa braso niya. "Let's not argue when Gran is—" Nahinto siya nang makitang nakapikit ang mga mata nito.
Gusto niya itong itulak, sabihin ditong kumawala na dahil wala na ang lola niya, pero namangha siya nang bigla nitong ipulupot ang isang braso sa katawan niya. And while her eyes still closed, Rome said,
"Sa tingin ko'y tama nga ang assumptions namin. Pinaglilihian kita."
Salubong ang mga kilay na hinawakan niya ito sa balikat saka ini-layo. "Drama's over—move to your side of the bed."
Nagmulat ito ng mga mata, napatitig sa kaniya nang matagal, saka napasinghap. Umatras ito na tila siya may nakahahawakang sakit. Kahit ito ay tila nagulat sa ginawang pagyakap sa kaniya.
Napa-iling siya sa pagkamangha. "You're really acting weird." Muli na siyang nahiga at tumalikod dito. "Let's talk tomorrow, Rome. Sa ngayon ay hayaan mo akong makatulog."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro