CHAPTER 041 - Tingling Sensation
HANGGANG sa makauwi sa mansion ay hindi pa rin maalis-alis ang galak sa mukha ni Althea tungkol sa pagbubuntis niya. Ang mukha nitong batang tingnan ay tila lalo pang bumata, at kahit noon pa man ay malambing na ito, lalo pang lumambing.
Panay ito pagmando kay Cayson; alalayan siya, lambingin siya, sundin ang mga nais niya.
Nais niyang sabihin na okay lang siya, dahil ayaw rin naman niyang lagi silang magkalapit ng lalaki. Ayaw din niyang kinakausap ito, ayaw niyang pinapakealaman nito o pinanghihimasukan ang mga kilos at galaw niya.
Pero nang ibuka na niya ang bibig upang sabihin iyon sa ginang ay anong inis niya nang ibang salita ang lumabas mula roon.
Ang lumabas sa mga bibig niya ay pagsang-ayon. Her mind and actions weren't syncing. Gusto na talaga niyang maniwalang may sarili nang buhay ang katawan niya.
Hindi kaya kontrolado na ng anak niya ang kaniyang katawan? At ang gusto ng kaniyang anak ay laging mapalapit sa ama nito.
Oh no.
Paano kung ganoon nga?
Napa-igtad siya at nagising sa malalim na pag-iisip nang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas mula roon si Cayson na nagpupunas pa ng buhok. Kasalukuyan na siyang nakahiga at nakatitig sa kisame. Ang tanging ilaw sa silid ay ang lamp sa bahagi ni Cayson, at ang ilaw mula sa nakabukas na pinto ng banyo.
"Just letting you know that I won't be around for the whole week," anito na hindi man lang tumitingin sa kaniya. "Kung may kailangan ka, just contact my secretary Mitch."
Napabangon siya at napaharap dito. "A-Aalis ka?"
Why, great then! Hindi ko makikita ang mukha niya sa susunod na mga araw!
"Saan ka pupunta? Kailan ka babalik?"
Diyos mio, bakit iba na naman lumalabas na mga salita sa bibig ko? Anak, umayos ka!
Napalingon ito at kinunutan ng noo. "Do you still have the copy of our terms and conditions, Rosenda Marie?"
Wala sa loob siyang napatango.
"Re-read," anito saka ibinagsak ang tuwalya sa sahig kung paano na lang. "I can live my life as is and you shouldn't be questioning me about it. Wala kang pakealam kung saan ako pupunta o kung ano ang gagawin ko."
Hanggang sa mahiga ito sa kabilang panig ng kama ay nakasunod lang ang tingin niya rito. Gusto niyang sabihin na wala naman talaga siyang pakealam. Pero ang anak nito na nasa sinapupunan niya ay nagpa-panic kapag hindi ito nakikita.
Pumailalim na si Cayson sa makapal na kumot, pinatay ang lamp saka tumagilid patalikod sa kaniya. Sa pamamagitan sa ilaw na iniwan nitong nakabukas sa banyo ay nakikita niya ang malalim nitong paghinga. Napatingin siya sa hubad nitong likod.
Cayson once said he didn't like sleeping with clothes on, pero dahil katabi siya nito sa higaan ay nagsuot ito ng sleeping pants.
His broad shoulders and muscle-y back were inviting her—tila iyon malambot na higaan na umaanyaya sa pagod niyang pagkatao. Tila kay init ng balat nito—ano kaya ang pakiramdam kung dadamhin niya iyon?
Oh no, please don't, baby... suway niya sa isip. Alam niyang kagagawan na naman ng anak niya kaya ganoon ang itinatakbo ng isip niya.
Hindi siya lalapit sa lalaki, hindi niya dadamhin ang likod nito. Di bale nang hindi siya matulog sa gabing iyon, basta malabanan niya ang dumidikta sa mga kamay niyang abutin ito.
Pero kahit anong pigil niya ay tila may sariling buhay ang mga kamay niya. Unti-unti ang mga iyong lumalapit sa likuran ni Cayson na walang ideya sa nilalaman ng isip niya.
A few inches more...
Ten, nine, eight... seven.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata saka pilit na ikinuyom ang mga palad.
No, please. Ayaw kong hawakan ang animal na 'yan.
Pero ayaw makinig ng kaniyang mga kamay. Mariin siyang napapikit, ibinaling sa ibang direksyon ang ulo, saka hinayaan ang mga kamay na abutin ang nais.
And when her palms touched Cayson's naked back, she shuddered. Ramdam niya ang init na nagmumula roon, init na tila nagdadala ng kaginhawaan sa kaniya.
Nagpakawala siya ng mahabang paghinga.
"What are you doing, Rosenda Marie?"
She opened her eyes and turned to him. Cayson was looking over his shoulder with a deep frown on his forehead.
Tila napapasong binawi niya ang mga kamay saka parang lokang itinago ang mga iyon sa kaniyang likuran.
"What do you want?"
"You." Napasinghap siya sa naging sagot. She didn't even know why she said that. Was she getting crazy?
"What?" May bahid na ng iritasyon sa tinig ni Cayson.
"I mean... I'm..." Buwisit, ano'ng sasabihin ko? Anak, nasusuka ang mama sa pagkatao ng tatay mo, pwede bang tigilan mo na ito?
"You are acting strange these past few days, Rosenda Marie. Could you please stop that? You are creeping me out." Muli itong tumalikod, itinaas ang kumot hanggang sa leeg at bumalik sa pagtulog.
Nakanguso siyang nahiga at tumalikod din dito.
This is creeping me out, too, she said to herself. Kung alam mo lang kung gaano ako sukang-suka sa presensya mo.
Pilit niyang ipinikit ang mga mata. Gusto na rin niyang matulog na, pero hindi iyon naging madali sa kaniya dahil ang dibdib niya ay tila kay bigat. Ang tiyan niya ay tila hinahalukay. Hindi siya mapalagay. May gusto niyang gawin. Tila may kung anong kiliti sa loob ng kaniyang katawan ang nais na kumawala.
*Tama na 'yan, anak. Patulugin mo na ako... *bulong niya sa isip habang banayad na hinimas-himas ang flat pa niyang tiyan.
Pero tila ayaw siyang bigyan ng payapang gabi ng kaniyang anak. Dahil hanggang sa maramdaman niya ang payapang paghinga ni Cayson ay hindi pa rin siya tinatantanan ng magkahalong damdamin sa kaniyang dibdib.
She was uneasy. There was a tingling sensation around her tummy that she didn't know how to ease. She was uncomfortable.
At sa mahabang oras ay ni-inda niya iyon, hanggang sa tuluyan na siyang hinila ng antok—at two in the morning.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro