CHAPTER 039 - Hormones
PAG-UWI ni Rome sa mansion nang gabing iyon ay muntikan na siyang mapa-tili nang sa pagpasok niya sa silid ay may nakitang lalaking nakahubad sa loob.
It was Cayson, holding a towel in his hand as he stood in the middle of the room. Napalingon ito nang marinig ang impit niyang tili.
"Why are you always so jumpy?" salubong ang mga kilay na tanong nito, nasa mukha ang iritasyon.
Siya pa ang may ganang mainis samantalang ako itong muntik nang takasan ng espirito sa gulat, bubulung-bulong niya sa isip.
Ibinaling niya ang tingin sa ibang direksyon dahil tila walang balak si Cayson na magtakip ng hubad na katawan.
"Pwede mo bang takpan 'yang—"
"What happened to the bedsheet?"
Oh. Naitakip niya ang isang kamay sa bibig. Kaninang hapon bago siya lumabas ay pinalitan niya ang bedsheet na bagong bili niya.
Nasa mall siya kahapon kasama sina Connie at Jiggy nang mapadaan sila sa homedepot station. Doon ay may nakita siyang magandang bedsheet na may naka-imprentang maliliit na hugis puso. They were in color pink and purple, at nakuha ang interes niya.
Dati ay hindi naman siya ganoon, wala siyang problema sa shape ng puso, pero ayaw na ayaw niya dati ang mga kulay na pambabae tulad ng pink at yellow, at para sa kaniya ay masakit sa mata ang shade of purple. Pero kahapon ay hindi siya mapalagay. Laman ng isip niya ang bedsheet na iyon, at kahit kumakain sila ng mga kasama ay hindi maalis-alis sa isip niya ang nakita. Kaya naman binalikan niya iyon, binili, at inuwi sa mansion. Pinaki-usapan niya ang isang katulong na labhan iyon para sa kaniya, at kinabukasan nga, noong umayos na ang kaniyang pakiramdam ay siya na rin mismo ang nagkabit niyon sa kama.
And she couldn't be happier. She was thrilled. Gandang-ganda siya sa itsura ng kama.
Pero mukhang magkaiba sila ng opinyon ni Cayson...
Iyon marahil ang dahilan kung bakit magkasalubong ang mga kilay nito at iritado.
"Pinalitan ko ang bedsheet, gusto ko ang ganiyan," sagot niya, ang tingin ay naka-iwas pa rin.
"You didn't expect me to sleep on this bed with that funny-looking cover?"
"I didn't expect you to sleep on this bed tonight, kaya bakit ba?"
"Where did you expect me to sleep? On the floor?"
"Sa hotel, kasama ang isa sa mga babae mo."
Natigilan ito sa sinabi niya, at kahit siya ay ganoon din. Bakit ba niya sinabi iyon? Bakit parang iba ang tunog niyon?
"Hindi natuloy ang date ko ngayong gabi at nawalan na rin ako ng gana kaya umuwi na lang ako," paliwanag ni Cayson makaraan ang ilang sandali. Ang tinig nito ay bahagyang bumaba. "And I don't want to explain more to you. Kung gusto mo'y i-review mo ang terms na pinirmahan mo."
Initapis nito ang tuwalyang hawak hanggang sa matakpan ang ibabang bahagi nito. Nakaramdam siya ng ginhawa. "I need you to change that sheet now. Paglabas ko sa banyo ay kailangang matinong bedsheet na ang nakalatag sa kama."
Nanlaki ang mga mata niya at akmang makikipagtalo nang muli itong nagsalita.
"Remove it or you will have to sleep in another room, I don't care Rome. Wala si Lola ngayon kaya pwede mong gawin 'yon. The maids wouldn't ask anyway. But if they did, we will just have to tell them we had a fight."
Humakbang na ito patungo sa banyo, pero bago ito makapasok doon ay nagsalita siya.
"Ikaw ang lumipat sa ibang silid kung gusto mo. Sa laki ng kamang ito ay nahirapan akong ilatag ang bedsheet na ito kaya manigas ka! Hindi ko tatanggalin, even if I have to bet my life on it!"
Oh, hindi niya alam kung bakit siya nagagalit. Ni hindi niya alam na galit na siya hanggang sa nagsalita siya. It was as if her body, her emotions, had lives of their own.
Was it part of pregnancy? The mood swings?
Si Cayson ay natigilan sa pagsigaw niya. Muling nagsalubong ang mga kilay nito. "Sigurado kang pag-aawayan natin 'yang bedsheet na 'yan—"
"This isn't just a bedsheet, this is *'my' *bedsheet! At hindi ko aalisin 'to hanggang sa manawa ako!"
Mangha siyang tinitigan nito. Marahil ay nakita ang pamumula ng kaniyang pisngi sa sobrang inis at luhang namuo sa kaniyang mga mata—
Wait, what? Luha?
Doon lang din niya napansing nanlalabo na pala ang kaniyang mga mata sanhi ng mga namuong luha. Mga luhang sa pagkurap niya'y nagsibagsakan na.
Nagtaka siya. Why was she over-emotional this time? At bakit hindi lang inis ang naramdaman niya sa mga sandaling iyon?
What was that?
Hindi galit.
It was something else.
Something unfamiliar. Something she wasn't used to feel before.
What was that?
"You didn't have to cry," usal ni Cayson na pumukaw sa kaniya. Ang tinig nito'y muling bumaba. "Fine. Keep the sheet."
Napasinghot siya at pinanood ang pagpasok nito sa pinto ng banyo. Hanggang sa marinig niya ang pagbukas ng shower ay hindi siya umalis sa kinatatayuan. Bigla siyang kumalma. Nawala ang tampo niya. Nawala ang inis niya at sama ng loob.
When Cayson conceded, her mood changed.
Geez... Why was she acting like that?
SA kabila ng hindi nila pagkakaunawaan at kahit wala roon sa mansion si Althea Montemayor ay nagsabay pa rin sina Rome at Cayson sa pagkain ng hapunan. They were both silents the whole time, no one would utter a single word.
Nagustuhan ni Rome ang nakahain kaya magana itong kumain. Kahit noon pa man ay malakas siyang kumain. She could eat like a mason, wala siyang pakealam sa no-rice-diet at kung anu-ano pang pampapayat na tea. She was always slim. At kahit wala siyang malaking hinaharap ay maganda ang hubog ng kaniyang katawan. She had a sporty body, a bit 'muscley' dahil noong high shool at college ay madalas ang pagbibisikleta niya at pakikipaglaro kay Dudz ng basketball sa compount nila. Hindi siya tabain kahit anong kain niya.
Simula nang tumira siya sa mansion ay mga mamahaling pagkain na ang madalas niyang makita sa lamesa, pagkaing sa mga okasyon lang nila nakakain ng pamilya niya. They looked appetizing pero nitong mga nakaraan ay nahihiya siyang kumain ng marami. She didn't want Cayson to say something about it, at nahiya siya sa lola nito.
Pero noong gabing iyon ay iba ang pakiramdam niya. She felt like she hadn't eaten for a whole week. Kahit anong subo niya ay hindi siya nabubusog, kahit anong ilagay niya sa kaniyang bibig ay kulang na kulang pa rin.
At wala siyang pakealam kung nakatingin si Cayson. Wala siyang pakealam kung nagsasalubong na ang mga mata nito sa pagkamangha habang pinagmamasdan siyang sumubo nang sumubo.
She didn't know why, but that night, she felt comfortable around him. Sa katunayan ay parang mas ginanahan siya dahil naroon ito.
Kaninang umaga lang ay nagising siyang masama ang pakiramdam. Ayaw niyang bumangon, ayaw niyang kumain, mabigat ang katawan niya kaya ayaw niyang magkikikilos. Nahiga lang siya buong araw at nanood ng TV sa silid, at nang pakiramdam niya'y maayos na siya kinahapunan ay saka siya naglinis at nagpalit ng bedsheet. Nakipagkita siya kina Connie at Jiggie pagkatapos, wala pa rin siyang kinain maliban sa ni-order na milkshake at fruitcake na hiningi niya kay Connie.
Wala nga pala siyang kain buong araw—kaya ba ganoon siya ka-gutom?
"You need to watch out for the food you eat, baka lumaki ka nang husto," ani Cayson na tinapos na ang pagkain. Kinuha nito ang baso ng fresh pineapple juice, uminom, saka nagpahid ng bibig.
"So what kung lumaki ako nang husto?" aniya habang puno ang bibig.
Napa-buntonghininga ito saka umiling. "Suit yourself."
Akma na sana itong tatayo nang pigilan niya ito sa braso. Kunot-noong sinulyapan siya nito.
"What are you doing?"
Nilunok muna niya ang pagkain bago sumagot "Please stay, ayaw kong mag-isa sa hapag."
Salubong ang mga kilay na napatitig ito sa kaniya, ang anyo ay puno ng pagtataka. Ilang sandali pa'y banayad nitong binawi ang kamay mula sa pagkakahawak niya.
"Let go, I'm tired and I want to sleep early."
Tuluyan nang tumayo si Cayson at umalis sa hapag. Nanatili siyang nakasunod lang ang tingin dito hanggang sa lumiko na ito at nawala sa kaniyang paningin.
Napa-buntonghininga siyang muli saka itinulak ang platong may laman pang pagkain. Nawalan na siya ng gana. Ayaw na niya.
At nagsalubong ang mga kilay niya sa biglang inasal.
Bakit ganoon? Bakit noong naroon ito ay magana siya, at nang nawala na ito sa paningin niya ay naumay siyang bigla sa mga pagkaing nasa plato niya?
What's wrong with Cayson Montemayor?
At nang may mapagtanto ay unti-unting nanlaki ang mga mata nia.
"Wait..." Napasinok siya. "Hindi ko naman siguro pinaglilihian ang lalaking iyon, ano?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro