Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 037 - Nothing Happened


NATAPOS ang tatlong araw na 'honeymoon' nina Rome at Cayson na hindi nagkita ang dalawa. Si Jiggy ay nanatili kasama ang kaibigan sa hotel sa loob ng mga araw na iyon, at si Connie ay dumadalaw rin.

Gustuhin man ni Connie na pauwiin na lang ang kapatid ay hindi nito magawa dahil ayaw nilang patuloy na magsinungaling sa mga magulang. Siguradong magtatanong ang mga ito, at baka wala silang maisagot. At kapag nangyari iyon ay mabubunyag ang sekreto nila.

Sa ikatlong gabi ay naka-schedule na silang magcheck out, at sa gabing iyon ay hinihintay ni Rome ang magaling na asawa.

Habang naliligo sa banyo ay nakarinig siya ng kaluskos mula sa silid. She heard the door 'tinged' and the closet opened. Mabilisan siyang nagbanlaw, nagtapis ng tuwalya, saka sumilip sa pinto. Doon niya nakita si Cayson na hinihila ang maleta nito patungo sa kama. Ini-lapag nito iyon sa ibabaw, binuksan, saka naghanap ng maisusuot.

Bumalik siya sa banyo, ipinatong ang roba sa katawan, sinipat ang sarili sa salamin, bago lumabas. Nakayapak siyang naglakad palapit dito at nahinto ng ilang dipa.

"So, you're back."

Cayson just looked over his shoulder, and glanced at her, before turning his attention back to his luggage. "We're checking out in two hours."

"I know, kaya nga naghahanda na ako."

Kumuha ito ng isang pares ng pantalon, T-shirt, at boxer's shorts. "Nasa mansion na ang mga gamit mo, doon tayo di-diretso pagkauwi."

"Sinabi mo na iyon noong nakaraan."

"I have asked my secretary to buy us a new bed—bigger. Dahil kapag nasa mansion tayo ay wala tayong choice kung hindi magtabi sa higaan."

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Ang pagkakahawak niya sa roba at humigpit. "B-Bakit kailangan nating magtabi sa—"

"Dahil ayaw kong mabuking tayo ni Lola. Don't make this hard for both of us, Rome. Nakabuo na tayo at lahat-lahat, bakit gagawin mo pang issue ang pagtatabi natin sa higaan?"

"Dahil ayaw kitang makatabi!" Oh, just thinking about it turned her stomach.

"Ayaw ko rin, but you have to play your role. We have to play our roles. Si Lola at ang mga katulong ay walang alam sa totoo—we have to act in front of them." Humakbang ito patungo sa banyo at nilampasan siya. Pero bago ito tuluyang pumasok ay muli siya nitong nilingon. "And don't worry, sisiguraduhin kong hindi ako lasing kapag uuwi sa mansion at papasok sa kwarto natin. That is to ensure we don't make the same mistake again."

Nanlaki ang mga mata niya at banda sanang sisinghalan nang pumasok na ito sa banyo at ini-sara ang pinto.

Oh, gusto niyang magwala sa inis.

Kapag nag-uusap talaga sila, o nagkikita, ay hindi maaaring hindi sila mag-argumento o magbato ng insulto sa isa't isa.

The fact that it happened only on the third night of their marriage pissed her.

Great. Just great.

Inis siyang humakbang patungo sa closet at inilabas na rin ang mga gamit.

"WELCOME HOME, Rome!" magiliw na salubong sa kaniya ni Mrs. Althea Montemayor nang dumating sila ni Cayson sa mansion matapos mangggaling sa hotel.

Mahigpit siya nitong niyakap saka inayang dumiretso sa hapag kung saan doon ay may naghihintay na masarap na hapunan.

Sa harap ng hapag ay magiliw siyang kinausap ng ginang, na hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi makapaniwalang siya ang nakatuluyan ng apo. Marami itong kwento tungkol sa kabataan ni Cayson na gustuhin man niyang h'wag makinig dahil hindi siya interesado ay pinilit niya. She didn't really have a choice but to put up with it.

Si Cayson naman ay tahimik lang na kumakain sa durasyon ng hapunan. Kahit noong nasa sasakyan sila patungo roon ay wala itong imik. She noticed that he was wearing different clothes when he came back to the hotel, sigurado siyang namili ito ng mga bagong damit kung saang lupalop ng impyerno man ito nagpunta.

Oh well, wala siyang pakealam sa gagawin nito sa buhay. Mas mainam nga na hindi sila nagkikita, magiging madali ang sampung taong pagsasama nila kung parati itong aalis.

"So, how was your honeymoon?"

Napa-igtad siya nang marinig ang tanong ng matanda. Nakangiti nitong pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Cayson.

Napatingin siya sa lalaki. Wala itong imik, nasa mukha ang pagkabagot habang ningunguya ang pagkain.

Dahil magkatabi lang sila ay madali niya itong na-abot. Lihim niya itong kinilabit sa ilalim ng mesa. Tumigil ito at sinulyapan siya.

Doon siya nagpakawala ng huwad na ngiti. "Tinatanong tayo kung kumusta ang honeymoon."

Napa-buntonghininga ito saka ibinaling ang tingin sa lola na nakangiting naghihintay ng sagot nila.

"Really, Gran? Napaka-pribado namang—"

"Oh, I didn't ask for details, are you crazy?" Mrs. Althea Montemayor giggled. "I was only asking how it was. Kung nag-enjoy ba sa hotel si Rome, o kung gusto niyang sa ibang bansa kayo mag-honeymoon...?"

"We liked it there," sagot ni Cayson. Muli nitong niyuko ang pagkain. "We had a great time. Nakita niyo naman, mukha akong pagod. It was all her fault."

Sa nanlalaking mga mata ay nilingon niya ito na muling inabala ang sarili sa pagsubo. Pakiramdam niya'y kay raming kahulugan ang sinabing iyon ni Cayson. At hindi niya nagugustuhan ang iba.

Althea giggled once again. "Now, now, hijo. Don't make your wife blush..."

Pilit na ngiti ang pinakawalan niya nang muling harapin ang matanda na hindi na magka-mayaw ang kaligayahan sa mukha.

"Dapat kasi talaga, hija, ay lumipad kayo sa Hawaii para sa honeymoon. Ewan ko ba at napili nitong si Cayson na sa hotel na lang kayo, tapos ay tatlong araw lang?"

Si Cayson ang sumagot, "Wala pang passport si Rome, Lola, kaya gustuhin ko mang sa ibang bansa kami ay imposible. Don't worry, ipaaasikaso ko sa sekretarya ko. Kapag mayroon na'y lilipad kami patungo sa kung alinmang bansa niya gustuhin."

"Okay, bukas na bukas din ay ipaayos mo na kay Mitch." Ibinalik nito sa kaniya ang tingin. Nagkunwari siyang abala sa pagkain. "Gusto kong magkaroon kayo ng matinong honeymoon nang sagayon ay makabuo kayo kaagad."

Buhat sa sinabi ng matanda ay nabilaukan siya. Ang nilunok niyang hiwa ng karne ay biglang bumara sa kaniyang lalamunan. Madali niyang hinablot ang baso ng tubig saka ininom.

Sina Cayson at Mrs. Althea Montemayor ay napatingin sa kaniya, parehong nagulat at nagtaka kung ano ang nangyari. Walang kaalam-alam ang mga ito na bumara na ang isang hiwa ng steak sa lalamunan niya.

"Are you okay, Rome?" banayad na tanong ng ginang, nasa tinig ang pag-aalala.

Tumango siya at pilit na ngumiti.

"As I was saying... Ayaw kong i-pressure kayong dalawa, pero hindi ba at mas magandang makabuo kayo kaagad para makarami? I am already seventy-five, Cayson, I wanna see my great-grandkids."

"Don't worry, Gran. Rome and I will definitely give you a great-grandchild as soon as we can," Cayson said wryly, before gazing at her. "Right, babe?"

Ramdam na ramdam niya ang pang-uuyam sa tinig nito na lihim niyang ikina-ismid. Hindi siya sumagot. Ibinaba niya ang baso ng tubig at sunod namang kinuha ang kopitang may lamang red wine. Hindi lang lalamunan ang nanunuyo sa kaniya sa tuwing may mga binibitwang salita si Cayson, pati dugo niya!

Akma niya iyong dadalhin sa bibig nang may maalala.

Oh. Muntik nang mawala sa isip niya na bawal pala siya sa alak. Ibinaba niya ang kopita at muli na lang kinuha ang baso ng tubig saka inubos ang laman niyon.

"Handa ka na rin bang mag-buntis kaagad, Rome, hija?"

Muli ay nagpakawala siya ng isang bahaw ng ngiti. "Kung pagbibigyan po ta'yo ng langit, why not?"

"Great, then!" sabi pa ng ginang sabay dikit ng mga palad. "I can't wait to see your future babies, mga apo. Actually, sa sobrang excitement ko ay nagpagawa na ako ng nursery sa itaas habang nasa honeymoon kayo. Ano'ng malay natin, baka nasa sinapupunan na ngayon ni Rome ang future heir ng mga Montemayor?"

Lihim siyang napangiwi.

This old woman had no idea...

Nagpahid na siya ng bibig saka tumayo na. "Magpapahinga na po ako sa itaas, Ma'am—"

"Granny. Call me Granny."

Naiilang na tumango siya. "Sa itaas po muna ako. Maiwan ko na po kayo..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro