CHAPTER 033 - Meeting The Family
"ANO'NG sinasabi mong aalis ka? Where are you going? What's happening, Rosenda Marie?" salubong ang mga kilay ni Connie nang sabihin iyon. Ang tingin ay palipat-lipat sa kaniya at sa mga papeles na inaayos niya sa ibabaw ng kaniyang kama. "At ano ang mga iyan?"
"Transfer papers. Magri-request ako sa Montisorri na ilipat ako sa ibang branch. Ang alam ko'y mayroon silang branch sa Subic at Baguio. Kapag naipadala nila ako alinman sa mga branches na iyon ay magta-trabaho ako hanggang sa hindi pa nahahalata ang tiyan ko. At kung sa tingin ko'y hindi na maililihim pa, ay magre-resign ako para maghanap ng ibang trabaho. A private tutor maybe? Hindi ko pa alam."
"But... But why?"
"Dahil ito na lang ang paraang alam ko para isalba sa kahihiyan ang pamilya."
"Wait, what?" Lumapit si Connie at paluhod na naupo sa harap niya. "Ano'ng nangyari sa lakad niyo ni Cayson? Bakit biglang kabig ka naman ng desisyon ngayon, Rome?"
"Ayaw magpakasal ng gago. I somehow expected that, pero ang hindi ko inasahan ay ang mga tumatakbo sa utak niya. He thought I was only chasing him for his money, gago 'di ba? Madali kong matatanggap ang mga pang-iinsulto niyang iyon kung sa akin lang niya ibinato. Ang kaso ay dinamay pa niya ang buong pamilya. Kay baba ng tingin niya sa atin, animal siya. Oh, Connie. I will never forgive that man!"
"Wait—so ang plano mo ay lumayo na lang at doon magbuntis sa ibang lugar? Magtatago ka para hindi malamang ng mga kakilala natin na nagkaanak ka, ganoon ba?"
"Yes." She stoped and sniffed. "Dati ay gustong-gusto kong bumukod at umalis sa poder ng pamilya, pero ang gusto ko lang noon ay kumuha ng sarili kong apartment at manirahang mag-isa, hindi sa malayong lugar kung saan hindi ko kayo kaagad mabibisita. But I have no choice, Connie. Ito na lang ang naisip kong paraan para hindi madamay ang buong pamilya sa kahihiyang dala ko."
Pinamunuan din ng luha ang mga mata ni Connie. "Paano sina Mama at Papa? Sasabihin mo ba sa kanila ang kondisyon mo?"
"Yes, gagawin ko iyon kapag na-aprubahan na ang paglipat sa akin sa alinmang branch. Sasabihin ko ang kalagayan ko sa kanila, pero hindi ko sasabihin kung sino ang ama. This way, hindi na nila habulin ang gagong iyon. Ayaw ko na siyang makita. Kung ang kapalit ng pagpapakasal niya sa akin ay pang-iinsulto sa buo nating pamilya ay h'wag na."
"Magagalit silang lahat sa'yo, sigurado 'yan, Rome." Nag-umpisa nang gumaralgal ang boses ni Connie. "Magpa-pa-transfer ka sa ibang branch nang hindi nagpapaalam sa kanila, nagbuntis ka nang walang ama ang bata, saka aalis nang walang approval nila—for sure magagalit sila Mama at Papa. Ang malala ay baka itakwil ka pa nila. Kaya mo bang dalhin sa dibdib mo iyon?"
"No, ayaw kong magalit sila sa akin, at ayaw kong itakwil nila ako, pero ang pag-alis na ito lang ang paraan ko para protektahan ang pangalan natin. 'Di bale nang mag-isa ako roon, 'di bale nang magalit sila sa akin, ang importante'y hindi ko sila binigyan ng kahihiyan sa bayang 'to."
"Bakit hindi mo na lang kausapin ulit si Cayson Montemayor at—"
"'Di bale na, Connie. Ang lalaking iyon ay kay sakit magsalita. Kung insultuhin ang pamilya natin ay ganoon na lang. 'Di bale na, I will never give him a chance to insult our family again."
"So, what's this? Tatanggapin mo na lang na itakwil ka ng buong pamilya? I can't let this happen, Rome." Tumayo si Connie, marahas na pinahiran ang mga mata bago muling nagsalita. "I will speak to Ma and Pa. Sasabihin kong nalasing ka sa party na pinagdalhan ni Dudz sa'yo, at pinagsamantalahan ka ni Cayson Montemayor. Ngayon ay buntis ka at ayaw panagutan ng hayop na 'yon ang dinadala mo. For sure, Ma and Pa will file a case against that bastard."
"And then what? Pag-uusapan na naman tayo ng tao? Muling mapapahiya ang pamilya; ire-rewind natin ang nakaraang nangyari sa pagitan ng pamilya ng lolo at lola natin?" Napa-iling siya. "Kung mangyayari ang sinabi mong iyon ay siguradong ipasasara ang MIC dahil ang future school director ay inakusahan ng rape; mawawalan ng trabaho hindi lang ang buong pamilya natin kung hindi pati na rin ang ibang empleyado ng school. Hindi mo ba naisip 'yan, Connie?" Huminga siya ng malalim. "This is why I don't want our parents to know that Cayson Montemayor is the father. Kakalat ang balita dahil kilalang tao ang lalaking iyon dito sa lungsod. Besides, anong ebidensya mayroon ako na pinagsamantalahan niya ako? That guy will just laugh at us, Connie. Lalo lang tayong iinsultuhin no'n."
Doon ay muling naluha si Connie. "Ano kung ganoon ang gagawin natin, Rome? Ayaw kong umalis ka. Ayaw kong mag-isa ka roon. Ayaw kong magalit sila Mama at Papa sa'yo at itakwil ka. Ayaw kong isipin ng pamilya na wala ka nang ibang ginawa kung hindi maghatid ng kahihiyan— ayaw kong ikaw na naman ang sisihin nila. You are my only sister and I was supposed to protect you but I always failed to do so."
Gusto na rin niyang maiyak sa nakikitang panlulumo sa anyo ng kapatid pero nagpakatatag siya. Kung padadala siya sa emosyon ay baka hindi niya magawa ang mga plano niya. Besides... kailangan na niyang sanayin ang sarili na maging matatag. Malapit na siyang maging isang single parent—at walang single parent na mahina ang loob.
"Dalawin mo na lang ako roon, Connie. Parang biyahe sa bus lang ang mga lugar na iyon, eh..." Pinilit niyang ayusin ang tinig at h'wag ipabatid kay Connie na naiiyak na rin siya.
Napanguso ito, naupo sa tabi niya saka yumakap. "Please, pag-isipan pa natin ang dapat gawin. Okay?" Humiwalay ito at muli siyang tinitigan nang diretso. "Ngayong na-kompirma na rin ni Cayson Montermayor ang kondisyon mo, papayag ba 'yon na hindi makita ang magiging anak niya sa'yo? Siguradong mag-hahabol iyon. Siguradong pag-iisipan no'n nang mabuti ang gagawin. Balang araw, kapag nalaman ng tao na nagkaanak siya sa'yo, ano ang mangyayari sa kaniya at sa pangalan ng pamilya nila? He impregnated someone and didn't own up his resposibility, tapos naging pabaya sa anak. Habang buhay nang tatatak sa kaniya iyon kung hindi niya aayusin ang mga desisyon niya ngayon. Kausapin ulit natin siya, okay? Maybe we can—"
Nahinto si Connie nang may kumatok sa labas ng pinto.
"Rome, Connie, nariyan ba kayo?" ang mama nila.
"Y-Yes, Ma," si Connie ang sumagot. Pinahiran nito ang mga luha at inayos ang sarili.
"Lumabas na kayo at nakahain na ang hapunan. Naroon na sa hapag ang papa ninyo."
"Lalabas na po, Ma."
Nang marinig nila ang paghakbang paalis ng mama nila at muli nilang hinarap ang isa't isa.
"Byernes bukas at makikipagkita tayo kay Cayson Montemayor—"
"Ayaw ko na nga siyang makita pa, Connie—"
"Shush. Hindi ako papayag na lumayo ka sa amin. Now, let's go. H'wag mong gutumin ang pamangkin ko."
Napilitan siyang tumayo nang hilahin na siya nito.
Sa dining area ay inabutan nila ang kanilang mga magulang; ang papa nila ay may binabasang libro, habang ang mama naman nila'y kauupo na rin. Ibinaba ng papa nila ang libro at umayos ng upo nang makita sila.
Paupo na rin sana siya at si Connie nang marinig nila ang pag-buzz ng door bell.
Dahil sa iisang compound lang sila ng buong pamilya ay siguradong isa sa mga tiyahin nila o si Dudz ang naroon. Tumayo ang mama nila.
"Oh, baka ang Tita Maya niyo iyan. Nagsabing nagluto sila ng chopsuey at magdadala raw rito. Sandali at pagbubuksan ko." Madali itong naglakad at tinungo ang pinto.
Ang papa nila ay muling niyuko ang binabasang libro habang hinihintay ang pagbalik sa hapag ng asawa, habang sila ni Connie ay nagkatinginan at nagkasenyasan lang. Sine-senyasan siya nitong alisin ang simangot sa mukha dahil baka mahalata siya at mapuna ng mga magulang.
Sa sala ay narinig nila ang pagbukas ng pinto, kasunod ng tinig ni Dudz. Hindi nila maulinigan ang sinasabi nito, pero umagaw iyon sa pansin nilang lahat.
"Makikikain yata rito," bulong niya kay Connie.
"Imposible, namalengke kanina si Tita Marites, magluluto raw ng bulalo."
Hindi na siya sumagot pa nang marinig nila ang papalapit na boses ng mama nila. Inantabayanan nila ang paglusot nito sa komedor kasunod si Dudz.
Nang lumusot ang mama nila'y nabitin ang akma nilang pagtatanong kung ano ang kailangan ni Dudz nang makita ang anyo nito. Salubong ang mga kilay, naguguluhan.
"Papa," anito sa kanilang ama. "We have a visitor. At hinahanap ang anak nating si Rosenda Marie." Ibinaling nito ang tingin sa kaniya.
Parang si Dudz lang ang narinig kong naroon eh... Napanguso siya saka tumayo.
"Who?" ang papa nila.
"Lumabas ka na lang para makita mo," sagot ng mama nila, ang noo'y naka-kunot pa rin. "Pati na kayong dalawa, Rome at Connie. Doon tayo sa sala."
Walang salitang sumundo ang kanilang papa, at bagaman nagtataka ay sumunod na rin sila.
Paglabas na paglabas sa komedor ay kaagad na makikita ang living area, at nang tumambad sa kanila kung sino ang naroon kasama si Dudz ay sabay silang napasinghap ni Connie.
Cayson Montemayor was standing in the middle of the living room, waiting for everybody!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro