CHAPTER 028 - Chasing After The Demon
"HINDI pa rin siya tumatawag sa'yo? It has been two days since you called him, hindi man lang ba niya naisip na baka may importanteng bagay kang ipakikipag-usap sa kaniya, like pregnancy because he fucking didn't use protection?"
Napasulyap siya kay Jiggy na namumula sa panggigigil. Naroon sila sa paborito nilang coffee shop kasama si Connnie na nanlulumo rin.
Dahil nauna siyang natatapos sa Montessorri ay siya ang unang sinundo ni Jiggy, bago nila sinundo si Connie sa MIC. Nagpaalam silang magkapatid na may bibilhin lang sa mall kaya hindi na nagtanong ang mga magulang nila.
Siya ang nagyaya sa dalawa na magkita roon at pag-usapan ang sitwasyon niya dahil hindi na siya nakatulog nang maayos simula nang tawagan niya ang brusko dalawang gabi na ang nakararaan. Nag-aalala siyang mahihirapan siyang kombinsihin itong iligtas siya at ang pamilya niya sa kahihiyan.
"Ayaw kong pakasal sa taong iyon, pero iyon lang ang naiisip kong paraan para iligtas ang pamilya natin sa kahihiyan," aniya makaraan ang ilang sandali. "Kahit na halos gusto ko na lang mamatay kaysa ang makasama siya bilang asawa. Pero kaya kong magtiis, h'wag lang muling mapahiya ang pangalan natin. Ayaw ko nang maging disappointment sa buong pamilya."
Si Connie ay ginanap ang kamay niya. "Let's go to his office. Baka nakalimutan lang niya na tumawag ka."
"Yes, puntahan natin doon at sugurin!" si Jiggy. "Kung hindi siya madadaan sa tamang usapan ay idaan natin sa dahas. Baka gusto niyang maging shotgun wedding pa 'to, aba, ako ang bahala."
"There is no need for that," ani Connie sabay iling.
Nagpakawala siya ng isang mahabang buntonghininga. "Ayaw kong lumaki ang tiyan ko nang hindi ko nasasabi kina Mama at Papa ang totoo, Connie. Alam mo bang itong uniform ko ay unti-unti nang naninikip?"
"Okay, ganito." Kinuha ni Connie ang cellphone niya sa loob ng kaniyang bag at ibinigay sa kaniya. "Tawagan mo siya ulit, and this time, go straight to the point. Kapag narinig niya ang kondisyon mo ay baka makinig siya at bigyan ka ng oras."
Atubiling kinuha niya ang cellphone sa ate saka binuksan iyon. Sunod ay hinanap niya ang numero ni Cayson at nang makita'y sandali siyang natigilan.
Ang dalawa'y nagkatinginan nang makita siyang tulala. May ilang segundo pa ang lumipas at nabagot na si Jiggy. Kinuha nito ang cellphone mula sa kaniya at ito na mismo ang pumindot ng call button kasunod ng speaker mode.
Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang sunud-sunod na ring.
Tatlo sila'y pinanatili ang tingin sa cellphone na ipinatong ni Jiggy sa mesa, naghihintay na may sumagot mula sa kabilang linya.
Subalit nahinto ang ring, at sinundan ng voice recorded message.
Ni-pindot ni Jiggy ang redial button, at tulad kanina'y muli silang naghintay.
Ang ilang mga customers na nasa kabilang mga mesa'y napapalingon sa lakas ng ring ng cellphone niya, subalit hindi nila—niya inalintana iyon. Kinakabahan siya. Hindi niya alam kung ano ang unang sasabihin kapag sumagot si Cayson.
Aawayin niya ba ito dahil hindi man lang ito tumawag matapos niyang sabihing may kailangan silang pag-usapan na mahalagang bagay? O sasabihin na niya nang diretso ang pakay niya?
Bago pa man siya makapag-pasiya ay tumigil na ang ring.
May sumagot na sa kabilang linya.
And it was him.
"What is it again?"
She opened her mouth to say something, but she just suddenly froze like an idiot. Ano ba kasi ang sasabihin niya? Bigla siyang nag-blackout.
"Didn't we both agree to forget about that night? I am a busy man, so if you need something, just send me an email."
And then, the call ended.
Mangha siyang napatitig sa cellphone, bago inikot ang tingin sa paligid nang makarinig ng bulungan mula sa ibang mga customers.
Unti-unting nag-init ang magkabila niyang mga pisngi, kasunod ng pagkabog nang malakas ng kaniyang dibdib.
"Aba'y gago ba siya?" ani Jiggy na napikon sa narinig. Pahablot nitong kinuha ang cellphone saka muling ni-dial ang number ni Cayson subalit ayaw nang mag-connect ng linya. Nanlaki ang mga mata nito. "Look at this jerk—he blocked your number!"
Sunud-sunod siyang humugot ng malalim na paghinga, pilit niyang kinakalma ang sarili dahil ang inis at galit at bumabangon na rin sa dibdib. Sa pagkagulat ni Jiggy ay inagaw niya mula rito ang cellphone saka ni-dial ang numero ni Dudz.
Ilang ring pa lang ang nagdaan ay sumagot na ito.
"Ano na naman, Rosen—"
"Nasaan ngayon si Cayson Montemayor?" aniya sa tinig na ikina-tigil nina Connie at Jiggy. Sigurado siyang pansin na ng mga ito ang galit sa kaniyang anyo, kung hindi pa ng mga ito naramdaman ang galit sa garalgal niyang tinig.
"Si Cayson? Aba'y teka nga, nakausap ko si Mama tungkol sa retirement ni Mrs. Althea Mon—"
"Sagutin mo ang tanong ko, Dudz, kung ayaw mong isumbong kita sa nanay mo na ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito. Kung hindi dahil sa pagyayaya mo ay hindi sana ako nakapunta sa party na iyon. Wala sana akong probelma ngayon, tukmol ka!"
"Whoa, whoa, whoa. Ano'ng problema?"
Humigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone. "Nasaan siya? Sagutin mo nang diretso."
Bagaman nag-aalinlangan ay ibinigay ni Dudz ang impormasyong kailangan niya. "Kaaalis lang niya sa opisina, may kikitain yata."
"Saan?"
Matagal bago sumagot si Dudz. "Mayfield Hotel, doon sa rooftop. Iyon ang lugar na sinasabi ko sa'yo noong nakaraang nag-usap tayo. Doon siya madalas kasama ang—"
Tinapos na niya ang tawag saka tumayo. Sina Jiggy at Connie ay nakasunod lang ang tingin.
"Jigs."
"Yes?"
"Mayfield Hotel, tara."
"ROME, kailangan ba talagang ito ang gawin mo? Paano kung nasa meeting si Cayson Montemayor? Nakakahiya!" pabulong na sigaw ni Connie habang pinipigilan siya sa kanang braso. Kanina pa ito ganoon simula nang bumaba sila sa sasakyan mula sa parking lot ng hotel.
"Tama, may ka-meeting siya at iyon ay isa lang naman sa mga tsiks niya. Let her be, Connie, nang magkaalaman na," sabi naman ni Jiggy, nakahawak sa kaliwang braso niya at humihila paabante.
Parang naglalaro ng tug-of-war ang dalawa habang hinihila siya sa magkabilang braso. Ang isa ay humihila paatras at pabalik sa elevator, habang ang isa nama'y pasulong, paabante, pasugod.
At ang totoo'y nagdadalawang-isip na rin siya kung tutuloy. Nasa sasakyan na sila nang mapagtanto ang naging desisyon niya.
For once, hindi niya alam kung ano ang daratnan doon. Paano kung nasa maraming tao si Cayson at harapan siyang pahiyain? Eh 'di mape-peligro na naman ang lagay ng pangalan ng pamilya? Naisip niyang ipagpabukas na at doon na lang sa opisina nito hintayin. Mag-a-apply siya ng leave sa Montessorri nang sagayon ay mag-match ang schedule nila. Kakausapin niya ito sa loob ng opisina, nang silang dalawa lang.
Pero, naroon din ang pagnanais niyang makausap na ito sa araw na iyon, sa oras na iyon. Nang sagayon ay matapos na itong problema niya at maumpisahan na nilang gawan ng solusyon. Besides, ginagalit na siya nito. Kaya sugod na kung sugod.
Pero tama bang iyon ang gawin niya? She was a teacher, she should be acting like one.
'Ahh, letse. Ni-block niya ang numero ko sa cellphone niya! Ni hindi muna siya nagtanong kung ano ang kailangan ko?!'
Binawi niya ang kamay sa dalawang kasama na ikina-gulat ng mga ito. Inayos niya ang suot na uniporme—yes, naka uniporme pa siya—saka taas noong naglakad sa hallway patungo sa elevator na magdadala sa kanila sa rooftop. Walang nagawa si Connie kung hindi sumunod, ganoon din si Jiggy na ngumisi pa.
Sa tabi ng elevator ay may receiving desk kung saan sa likod niyon ay may nakaupong magandang babae. Nagpakawala ito ng payak na ngiti nang makita siya, at nang tuluyan siyang makalapit ay tumayo ito.
"Good afternoon, Ma'am. Do you have a reservation?"
Taas-noo siyang sumagot. "Yes, I'm here to meet Cayson Montemayor."
"Oh, with Mr. Montemayor." Ang mga mata nito'y disimulado siyang sinuri ng tingin—mula sa suot niyang teacher's uniform hanggang sa naka-tirintas niyang buhok. Muli itong ngumiti nang magtama ang kanilang mga mata. "Can I have your name, Ma'am?"
"My name is probably not on the guest list. I'm here to surprise him."
Kinunutan ito ng noo.
"We have a surprise for him so let us pass."
Nalipat ang tingin nito kina Jiggy at Connie na nanatiling nakatayo sa likuran niya. Just like her, Connie was wearing her teacher's uniform. And Jiggy was wearing her office attire; suit and pants. Mukha silang matino, at dahil kilala ng babae ang unipormeng suot nila ni Connie ay hindi ito nag-isip ng masama.
"Give me a sec, Ma'am." anito bago niyuko ang iPad na nasa counter, may ini-scroll sa screen, tila may hinahanap. Ilang sandali pa'y kinunutan ito ng noo saka muli silang hinarap. "Mr. Montemayor had only booked tickets, at nasa taas na sila ng kasama niya."
Tila biglang hinalukay ang sikmura niya nang ma-kompirmang nasa taas nga si Cayson. At last, magkakaharap na silang muli.
Iyon ay kung palulusutin sila ng receptionist.
"You are not on the guest lists, Ma'am. But we have five more tickets available to purchase. Would you like to take three of them?"
"How much?"
"Two thousand each, Ma'am."
Nanlaki ang mga mata niya. Ano'ng mayroon sa itaas, live concert? Aba'y isang sakong bigas na iyon, ah?
"Take it, ako ang magbabayad." Lumapit si Jiggy sa counter, inilabas ang visa card at ibinigay sa receptionist. "I'm sure you accept cards?"
Magalang na ngumiti ang babae. "I'm sorry, Ma'am, we don't accept cards. Unless you booked the ticket online, you have to pay for it in cash."
Si Connie ay naiinis na nagpakawala ng buntonghininga. Lumapit din at inilabas ang wallet. "May two thousand ako rito, ikaw na ang umakyat sa taas, Rome. Pero siguraduhin mong makakapag-usap kayo at masasabi mo ang sadya mo sa lalaking iyon."
Nagsalubong ang mga kilay ng receptionist sa sinabi ni Connie, pero nawala ang pansin nito roon nang pabagsak na inilagay ni Connie ang dalawang libo sa counter.
"Please give her one ticket, she needs to go there and talk to her baby daddy."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro