Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 026 - The Only Solution


ANG mga balahibo niya sa batok ay nagsi-tayuan nang muling balikan ang mga natitirang alaala mayroon siya sa gabing iyon.

She couldn't remember when exactly did she pass out — hindi na niya maalala ang sumunod na mga nangyari. Maaaring nawalan na siya ng malay sa matinding sakit na naramdaman o nakatulog na lang habang ang lalaki ay nagpakasasa sa katawan niya. She didn't know. She couldn't remember anymore.

"Tinatanong kita, Rome," pukaw ni Connie. Umangat ang tingin niya rito at nakita ang pagkalito at simpatya sa mukha ng kapatid. "Bakit mo hinayaang gawin ni Cayson ang bagay na iyon sa iyo? I don't know what it feels to be intoxicated, so I need to understand kung bakit hindi mo nagawanag pigilan na mangyari ang bagay na hindi dapat ginagawa ng hindi mag-asawa."

"You do crazy stuff when you're drunk," she answered quietly. "And I was crazy kasi akala ko ay... si Baron ang kasama ko noong mga sandaling iyon..."

Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Jiggy at Connie naman ay hindi na napigilan ang sariling humikbi. Nakayuko na rin ito at sinapo ang ulo.

Matapos ang party na iyon ni Cayson ay nagkita sila ni Dudz. She learned that he got wasted that night and he woke up the next morning sleeping in the tub. Kung paano itong nakarating sa silid sa third floor ay hindi rin nito maalala. Kinaumagahan nang magising ay siya raw ang unang hinanap. He had been calling her phone, but she didn't bring it with her that night.

Noong umagang iyon, matapos niyang maligo ay mabilis siyang nagbihis para sa pagbalik ng antipatikong lalaki ay wala na siya sa silid na iyon. She didn't want to see his face ever again.

But the tables had turned now. They're having a child together!

Bwisit na tadhana 'to...

"Help me understand," si Connie na kanina pa salubong ang mga kilay. "Hinayaan mong mangyari iyon sa pag-aakalang ang ex mong si Baron ang kasama mo? Bakit mo ginustong may mangyari sa inyo ng punch na iyon? Wala kayong relasyon, he is nothing but a bitter part of your past. Nakalimutan mo na bang niloko ka niya noon? Not to mention he was a drug pusher! And why the hell was he in the party in the first place?"

"May gig sila roon. Sila ang band performer." Muli niyang inihilamos ang mga kamay sa mukha. "I was drunk and I wasn't thinking straight, okay? Nangyari na ang nangyari, Jigs. All I need this time is help." Binalingan niya ang kapatid na tahimik na humihikbi. Nanlumo siya. "Connie... I am sorry, alam kong disappointed ka sa akin. But I really need your help. Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin ito kina Mama at Papa."

"That's the reason why I'm crying, Rosenda Marie! Paano kung atakehin sa puso si Mama? Paano kung palayasin ka ni Papa? Paano kung itakwil ka ng buong pamilya? This is the worst that could happen to you, papaano natin sasabihin sa kanila ang totoo?"

Hindi na rin niya napigilan ang humikbi. Tama si Connie--paano kung mangyari ang lahat ng mga nabanggit nito? She didn't want her parents to disown her. Totoong minsan na niyang hiniling na sana ay hindi na lang siya parte ng pamilya, pero mahal niya ang mga magulang nila.

Nagpahid siya ng mga luha saka ginagap ang mga kamay ng kapatid. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, Connie. Kaya kayo ni Jiggy ang una kong kinausap dahil alam kong matutulungan niyo akong mag-isip ng solusyon. Malalaman at malalaman nila ang kondisyon ko sa paglipas ng mga araw dahil sa paglaki nitong tiyan ko. At bago pa man mangyari iyon ay gusto ko nang kausapin sila Papa at Mama. Pero paano?"

Binawi ni Connie ang mga kamay mula sa kaniya, kumuha ng tissue ay nagpahid ng mga luha, suminghot at inayos muna ang sarili bago muling nagsalita. "Hindi nila kailangang malaman."

Pareho silang kununutan ng noo ni Jiggy.

"Sinabi mo na ba kay Mr. Montemayor ang kondisyon mo?"

Umiling siya.

"You need to speak to him."

Nagkatitigan sila ni Jiggy.

"Kailangang panagutan ni Mr. Montemayor ang batang nasa sinapupunan mo bago pa malaman ng pamilya natin at ng mga tao sa paligid ang tungkol sa kalagayan mo."

"Panagutan?" Bigla siyang nag-panic. "You didn't mean to..."

"He needs to marry you."

Bagsak ang mga balikat na sumandal siya sa kinauupuan.

That was the worst-case scenario for her. She had no other choice. There was no other way.

Para maisalba niya ang sarili at ang pamilya sa kahihiyan, ay kailangan niyang habulin si Cayson Montemayor para pakasalan siya.

Pero... gagawin kaya iyon ng animal?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro