CHAPTER 019 - Little Did She Know
"WHAT made you say that, Mr. Montemayor?" Sinubukan niyang maging pormal. After all, pareho na silang may isip ng lalaki. Ayaw niyang umasta katulad noong mga ipinakita niya rito.
Ngumisi si Cayson na lalo lang niyang ikina-pikon. "Because look at you." And again, he stared at her body with malice. "You look like a guy."
"Irrespective of how I look, you shouldn't have gazed at my body as if I was some kind of a dirty woman, Mr. Montemayor."
Lumapad ang pagkakangisi ni Cayson saka ibinalik ang tingin kay Dudz. "Fierce."
Napakamot si Dudz. "Ganyan talaga 'yan, pare. Alam mo naman ang mga teachers..."
Ibinalik ni Cayson ang tingin sa kaniya. "Oh, so you've become a teacher now, huh?"
Itinaas niya ang mukha paro salubungin ang mga mata nito. Hindi siya pandak sa taas na five feet and six inches, pero kung ikukumpara sa lalaking kaharap ay nagmukha siyang midget.
"Yes, I've become a teacher. Do you have a problem with that?"
"Kailangang mag-ingat ang mga estudyante mo sa'yo," ani Cayson na patuloy sa pagngisi. "Dahil baka kapag nagalit ka ay buhusan mo na lang sila ng kung anong likidong madampot mo."
Doon tumaas ang kilay niya. "Don't worry, as long as they won't act like a jerk, I won't do such a thing to them."
"Hmm... That's disturbing. Ayaw ko ng ganiyang guro sa paaralan ko."
"I teach toddlers, so you don't have to worry., Hindi ako interesadong mag-turo sa paaralan mo." Stop right there, Rome. Baka kung saan pa mapunta ang mga sinasabi mo. Alalahanin mong ang buong pamilya mo'y nagta-trabaho sa paaralang pag-aari ng pamilya ng lalaking kaharap mo.
Lumapad ang pagkakangisi si Cayson saka muling hinarap si Dudz na napapailing na lang. "Your cousin here is still as feisty as she used to be."
"She's nice to kids, though," ani Dudz na ikina-kunot ng noo niya. So, bastos ako sa mga matatanda? Harap-harapang panlilibak, Dudz? Depensahan mo naman ako!
Bahagyang natawa si Cayson sa sinabi ni Dudz at doon ay gusto na talaga niyang mapikon. Huminga siya ng malalim at matalim na sinulyapan ang pinsan. "You know what, Dudz? Uuwi na ako. Mag-isa kang umuwi mamaya." Akma na siyang tatalikod nang muling magsalita si Cayson dahilan upang matigil ang paghakbang niya.
"The party hasn't even started yet."
"I don't—" care about your party! Ang mga huling salitang iyon ay hindi na niya nagawang sabihin pa nang maagap siyang sikuhin ni Dudz. Nakita iyon ni Cayson dahilan upang muli itong ngumisi.
"Don't leave yet and just enjoy the party," sabi pa nito bago siya kinindatan. Nagtayuan ang munting mga balahibo niya sa batok sa ginawa nito. Hindi niya maintindihan kung bakit pandidiri ang naramdaman niya sa harapang panlalandi sa kaniya ng lalaki.
Oh, habang tumatagal at lumilipas ang oras ay lalong umiinit ang ulo niya sa hinayupak. Ayaw na ayaw pa naman niya ng ganoon— pakiramdam niya'y nababastos siya. Ngayon ay nagtataka siya kung bakit kinikilig ang mga kababaihan dito, eh wala siyang ibang maramdaman habang kaharap ito kung hindi pandidiri?
Sandaling nagpaalam si Cayson kay Dudz at nagsabing mag-uusap pa ang mga ito mamaya. May nakita itong mga bagong dating na bisita at ang mga iyon naman ang sinalubong nito.
Humalukipkip siya at nakasimangot na inalis ang tingin kay Cayson.
Napapailing na niyuko siya ni Dudz. "Ayan ka na naman eh... Ang tagal na ng nangyari at hanggang ngayo'y may kinikimkim ka pa ring galit kay Cayson na kung tutuusin ay wala namang ginawang masama sa iyo. Kapag nalaman na naman ito nina—"
"Ayan ka na naman at isusumbong ako. Para kang bata," pairap niyang sabi sa pinsan.
"This time, I won't. As long as you control that nasty mouth of yours. Alam kong pilosopa ka sa mga taong hindi mo gusto, pero baka nakakalimutan mong bilang guro, kailangan mong makisama sa tao at manatiling kalmado?"
"H'wag mo akong pangaralan, Dudz. Alam ko ang dapat kong gawin sa trabaho ko, pero ibang usapan na kung nababastos ako ng ganoon. Kung suriin niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa'y akala naka-hubo't hubad ako? At narinig mo ang mga sinabi niya— he was disrespecting me!"
"He was just teasing you--"
"And why would he do that? Close ba kami?"
"Tsk, Rosenda naman, kahit walang dahilan eh nagagalit. Para ka namang si Mama, eh."
Inirapan niya ang pinsan. "Manahimik ka nga, sabunutan pa kita riyan, eh."
Napangiti si Dudz at muli siyang hinawakan sa braso. "Hali ka na nga at nagugutom na rin ako. I crave pasta." Hinila siya nito patungo sa buffet table. Gusto niyang tumanggi at magpumilit na umuwi na subalit mahigpit siyang hinawakan ni Dudz sa braso at dinala sa buffet table na kanina ay pinaglalawayan niya.
Nais niyang magmatigas at patunayan sa pinsan na hindi niya kailangan ang mga pagkaing naroon— subalit nang makita niya sa malapitan ang masasarap na mga putahe na nasa mesa ay saglit na nawala ang inis at iritasyon niya para sa Pontio Pilatong kausap kanina. Bigla niyang naramdaman ang kalam ng sikmura at hindi na siya makapag-hintay na kumain.
Inabutan siya ni Dudz ng plato na mabilis niyang tinanggap. Subalit bago siya kumuha ng pagkain ay muli niyang nilingon ang kinaroroonan ni Cayson. Nang makita niya itong nakikipag-usap sa mga bagong dating na bisita ay ibinalik niya ang pansin sa mga pagkain. Mabilis niyang inatake ang buffet table. Bago niya lisanin ang party ay sisiguraduhin niyang nagpakasasa siya sa mga pagkaing naroon, nang sagayon ay matakpan man lang niyon ang mood niyang sinira na ng celebrant.
*
*
*
"HINDI ka pa busog?" Mangha siyang sinundan ng tingin ni Dudz nang muli siyang tumayo upang bumalik sa buffet table.
Siniguro niyang ang pinaka-gilid na table ang in-okupa nila para hindi mapansin ng mga bisita ang katakawan niya. Pero si Dudz ang kontrabida sa buhay niya. Bawat pagkaing inilalagay niya sa mga plato niya'y pinapansin nito.
"I need something sweet," sagot niya. Kanina pa masakit sa mga mata niya ang mga cupcakes na nasa isang table.
Napa-iling si Dudz. "I wonder kung saan mo isinisiksik iyang mga pagkaing kinakain mo. You're too slim."
Nginisihan niya ang pinsan bago humakbang patungo sa desserts table. Bago kumuha ay muli niyang hinanap ng tingin si Cayson. Gusto niyang makasiguro na hindi ito nakatingin sa kaniya. Not that she cared about his reaction, she just didn't want him to find something to laugh about her.
Kapag nabusog na siya'y yayayain na niya si Dudz na umuwi, ayaw na niyang magtagal pa roon at baka lumapit na naman si Cayson sa pinsan niya at mapag-diskitsahan na naman siya. At baka doon na naman mag-umpisa ang lahat. Alam niyang kapag naiinis siya'y tuluy-tuloy na ang bibig niya. Hindi siya tumitigil hanggang sa hindi niya naipaglalaban ang sarili. Pero hindi si Cayson ang taong nais niyang pakitaan ng tapang.
Ayaw niyang magka-problema na naman sila ng buong pamilya nila. Alam niyang sensitibo ang mga ito pagdating sa mga Montemayor.
Nang makitang abala si Cayson sa pakikipag-usap sa mga kakilala ay mabilis siyang kumukha ng plato sa ilalim ng buffet table at nagniningning ang mga matang sinuyod ng tingin ang mga cupcakes at brownies na nasa ibabaw ng mesa.
"Dreamland..." kinikilig niyang sambit habang nakatingin sa iba't ibang uri ng pastries. Pakiramdam niya'y nakikipag-usap sa kaniya ang mga ito at wala siyang nais na ignorahin sa mga iyon. She wanted to taste each of the flavors.
She was about to pick up the chocolate-flavored one when a specific cupcake caught her eye.
Kulay dilaw ang cupcake at may glazed pineapple tidbits at cherry sa ibabaw. She read the name on the plate and it says Pineapple Malibu flavor.
Hmm, interesting.
Kumuha siya ng isa at doo'y tinikman.
She frowned. The taste was sweet and sour. It went from sweet to strong fruity flavor, and then back to sweet again.
Oh!
Gustong sumabog ng puso niya sa samu't saring lasa. It was so addictive na kumuha pa siya ng apat.
Little did she know... that the Pineapple Malibu cake was made with a mixture of strong alcohol.
Little did she know... that it would give her a lot of problems later...
TO BE CONTINUED...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro